bc

Because This is My Dream

book_age16+
1.3K
FOLLOW
6.4K
READ
family
inspirational
journalists
drama
no-couple
heavy
campus
medieval
school
spiritual
like
intro-logo
Blurb

“Sisiguraduhin ko na makakatapos ako ng pag-aaral. Titiisin ko lahat ng pagpapahirap niyo, ang bawat masasakit na sinasabi niyo sa ‘kin ay hindi kakalimutan. At sa oras na makatapos ako, aalis ako sa impyernong bahay na ‘to. Kukuhanin ko si mama at ang gusto sumama sa ‘kin at ibabalik ko ang tulong nang mga taong naniwala sa ‘kin. Pangako ‘yan!”

Bata pa lamang si Hazel ay ramdam niya na hindi pabor sa kanya ang kanyang ama. Madalas siya nitong sinasabihan ng mga bagay na pwede siyang panghinaan ng loob. Ngunit, ang lahat nang iyon ay ginawa niyang pagsubok sa kanyang buhay. At isa lamang ang kanyang na sa isipan, 'yon ay ang patunayan sa kanyang sarili sa ama.

Magtatagumpay kaya siya, kung ang lahat ay humahadlang na sa kanyang pangarap?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
BECAUSE THIS IS MY DREAM 01 Kasabay nang pagtunog ng alarm clock ay ang pagmulat ng aking mata. Kahit pagod pa ang aking katawan at tulog pa ang diwa ay pilit ko pa ring itinayo ang aking sarili mula sa higaan at dahan-dahan na nilagpasan ang mga katabi ko na mahimbing pa rin ang pagkakatulog. Pagpunta ko sa kusina ay dumiretso ako sa pagluluto, pag-iinit ng tubig at pagluluto ng ulam. Nang lingunin ko ang orasan ay mag-a-alas kwatro pa lamang ng madaling araw at nasa kalagitnaan pa ang lahat sa panaginip. Inayos ko ang sarili, sinuot ang plantiyado at maliit na uniform na pinaresan ng lagpas tuhod na paldang gusot pa. Natapos ako sa pag-aayos ng aking sarili alas kwatro y medya pa lamang at isa-isa ko na silang ginising, ang pangalawa kong kapatid na si Ellie at si Mama. “Anong klaseng ulam ba ‘to, Ate Hazel?” may halong pagkairita na tanong ni Ellie habang pinaglalaruan ang niluto kong itlog para sa umagahan. “Itlog na naman? Purgang-purga na ako sa itlog. May binili naman na toccino si Papa kagabi. Bakit hindi iyon ang niluto mo?” dagdag pa niya. “Mamayang gabi na lang natin ulamin ‘yon para makakain ang lahat. Kapag ngayon ko ‘yon niluto, ang mahuhuling magising, walang matitirang ulam dahil siguradong papapakin lang,” pagpapaliwanag ko sa kanya. “Ayaw ko na ngang kumain!” maldita niyang sabi bago binagsak ang kutsara’t tinidor niya sa pinggan at dumiretso papasok ng banyo. Wala akong ibang magawa kundi ang mapabuntong-hininga at kinain ang nasa plato niya. Bawal ang magsayang ng pagkain dahil hindi ko masasabi kung may kakainin pa ba kami mamaya o ‘di kaya naman ay bukas. Nang maubos ko ang pagkaing nasa hapag ay muli akong nagsandok para pangbaon at iniligay ang tatlong piraso ng tuyo sa isang plastic para pang-ulam ko kapag recess. “Hazel, gisingin mo muna ang papa mo at alas-singko na!” utos ni Mama habang nagwawalis sa harap ng bahay. “Opo, Ma!” sagot ko sa kanya at dumiretso sa kwarto nila para gisingin si Papa. Nang makita ko siyang nakaupo na ay saka naman ako lumabas para paghandaan siya ng pagkain sa lamesa, ayusin ang baunan niya at ang damit na dadalhin para sa trabaho. Hindi nagtagal ay lumabas na si Papa at dumiretso sa lamesa para uminom ng tubig. Binuhat ko na ang bag ko na puno ng libro nang magsalita si Mama mula sa pinto. “Anong oras ka na naman uuwi mamaya?” “Hindi ko po sigurado, Ma. May ginagawa po kasi kaming video para sa isa naming subject dahil isa ako sa mga hindi nakasama sa film showing sa MOA noong nakaraang buwan,” paliwanag ko rito. “Baka gumagala ka lang, ah,” pagtatamang hinala nito. “Umuwi ka bago mag-alas sais ng hapon.” Tumango ako kay Mama bago kinuha ang baunan ko ng tubig mula sa ref at pinuluputan iyon ng makapal na face towel. Nang wala na akong ibang nakalimutan ay lumapit na ako kay Papa para manghingi ng baon. “Pa, pahingi naman po ako ng pamasahe,” sabi ko rito nang bigla niyang binagsak ang hawak niyang kutsara na agad na ikinanginig ng aking buong sistema. Ang kaninang kalmado kong katawan ay napalitan ng takot. “Pera na naman?!” sigaw niya sa ‘kin bago niya ako balingan ng tingin. “Wala na bang ibang lumalabas sa bunganga mo kundi puro hingi na lang? Bakit hindi ka maghanap ng paraan para magkapera ka?!” dagdag pa niya. “Buong araw po akong nasa school, Pa. Nahuli rin po ako ng teacher na nagtitinda sa loob ng classroom kaya natigil po ako sa pagtitinda,” paliwanag ko rito habang nakayuko at pinipigilan ang pagbagsak ng aking luha. “Tumigil ka na lang sa pag-aaral mo kung wala ka rin namang diskarte sa buhay mo, Hazel!” muli niyang sigaw sa akin bago muling ibinaling ang atensyon sa pagkain. Napakagat ako ng aking labi at nanatiling nakatayo sa gilid niya nang sumigaw ang pangalawa kong kapatid bitbit ang bag niya. “Pa, aalis na ‘ko. Pahingi na ako ng baon. Gawin mo ng one hundred, Pa, dahil may training ako ngayon,” mabilis niyang sabi kay Papa. “Gano’n ba?” kalmadong tanong ni Papa sa kanya bago dumukot sa bulsa ng pera at agad na ibinigay ‘yon kay Ellie. “Thank you, Pa! Papasok na ‘ko,” paalam niya bago mabilis na tumalikod at lumabas ng bahay. “Pa, kahit pamasahe lang ‘yong akin. Nagbaon naman ako ng kanin saka tubig,” muli kong sabi kay Papa pero ni isang sulyap ay hindi niya ginawa. Nang ilang minuto na mapansin niyang nakatayo pa rin ako sa gilid niya ay saka niya ako nilingon at tinitigan nang masama. “Alam mo, ikaw, wala kang diskarte sa buhay mo! Wala kang ginawa kundi ang manghingi na lang nang manghingi!” muli niyang sigaw sa ’kin. “Pa, kahit bente na lang. Maglalakad na lang ako pauwi mamaya,” may halong pagmamakaawa na sabi ko sa kanya. “Umalis ka sa paningin ko, Hazel. Huwag mo nang lokohin pa ang sarili mo. May paaral-aral ka pang nalalaman, maaga ka rin namang mabubuntis at mag-aasawa. Umalis ka na,” panghuhusga nito sa akin. Nakakuyom ang aking dalawang kamay habang pinipigilan ang aking luha sa pagbagsak. Tumalikod ako kay Papa at naglakad palabas ng bahay bago mabilis na nilapitan si Mama na nakaupo sa isang gilid habang may kausap na kapit-bahay. “Ma, pahingi naman ako kahit pamasahe lang,” ani ko sa kanya bago nagkamot ng batok. “Hindi ka na naman ba binigyan ng papa mo?” tanong niya sa ‘kin. Umiling ako saka pilit na ngumiti kahit sa totoo ay gusto ko nang umiyak dahil sa mga panghuhusga na ginawa ni Papa. Inabutan ako ni Mama ng bente pesos mula sa kanyang bulsa. “Ayan na lang ang pera ko. Pambili pa natin ng bigas itong natitira mamayang gabi. Ayos na ba ‘yan?” tanong niya. “Ayos na ‘to, Ma. Binigyan naman ako ng sampu kagabi ni Tito Amay,” ani ko bago pinakita ang buong sampong piso na nasa kamay ko. Nagpaalam na ako kay Mama na aalis na at habang naglalakad ay muling pumapasok sa isip ko ang mga sinabi sa ‘kin ni Papa. Hindi ako mabubuntis, hindi ako mag-aasawa nang maaga. Magiging successful ako at makakapagtapos ng pag-aaral. Patutunayan ko na mali ang sinasabi mo patungkol sa ‘kin, papatunayan ko ang sarili ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Heartless Billionaire (Tagalog)

read
698.7K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.5K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.2K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.9K
bc

Taz Ezra Westaria

read
106.9K
bc

His Cheating Heart

read
40.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook