bc

The Scarred Billionaire

book_age16+
2.0K
FOLLOW
16.3K
READ
billionaire
fated
opposites attract
drama
straight
female lead
male lead
office/work place
nurse
passionate
like
intro-logo
Blurb

Lucas Alonzo Echeveria has everything a man can ever ask for. May namamayagpag na kumpanya sa loob at labas ng bansa. Tinitingala ng lahat at kulang na lang ay sambahin ang kanyang dinaraanan. Higit sa lahat ay malapit na niyang iharap sa dambana ang kaniyang nobya—si Adriana Vega, a beauty queen and socialite. They were even hailed as one of the country’s power couple kaya naman inaabangan ng business at showbiz world ang kanilang tinaguriang wedding of the century. Ngunit isang araw bago ang kanilang kasal ay tila bombang sumabog kay Luke ang pagtataksil ni Adriana. His fiancée and his rival—Landon Smith are having an affair. Devastated and embarrassed, Luke decided to run away. But on his way to his rest house in Tagaytay, Luke met an accident that resulted to him being crippled. The high and mighty Luke Echeveria crumbled down and decided to shut himself to the world.

Aifa Mae Sandejas is the bread winner of their family. Dahil sa pagkakabaon sa utang ay napilitan sitang mag-resign sa trabaho para maging private nurse ng isang bilyonaryong binata. But Luke Echeveria was a devil personified! But she learned to love him, nonetheless.

Matutulungan kaya ni Aifa Mae na makalakad muli ang mga paa ni Luke o mapipilay din ang puso niya kapag natuklasang mahal pa rin nito si Adriana?

chap-preview
Free preview
Prologue
“Nurse Aifa!” Napahinto si Aifa sa paglalakad patungo sa nurse’s station nang marinig ang pagtawag sa kaniya ng isang pamilyar na boses. It was Delia—ang kanilang head nurse na itinuturing niyang hindi lang kaibigan kung hindi pangalawang ina sa San Lorenzo hospital kung saan siya nagtatrabaho. Aifa will be doing an endorsement to the next shifts dahil off duty na siya in twenty minutes. “Ma’am?” aniya at hinarap si Delia. Delia was on her forties at medyo may katabaan. Mabait ito maunawain kaya hindi nakapagtatakang naging malapit sila sa isa’t isa. “Tumawag sa akin si Jecille. She told me na hindi siya makakapunta sa patient niya dahil may emergency sa bahay nila. You’re off in twenty minutes, right? Would you like to relieve her?” “Sure, Ma’am!” mabilis na sagot ni Aifa. Jecille was her former nurse attendant but she resigned dahil may offer dito na mag-alaga ng isang matandang mayaman at doble ang sahod nito roon kaysa doon sa ospital. Pareho sila ni Jecille na malapit kay Delia at kapag hindi ito makakarating sa trabaho katulad ngayon ay tumatawag ito kay Delia para e-relieve siya. Aifa couldn’t take it down kahit pagod na siya sa hospital. She needed an extra income because she is the breadwinner of their family. Walang trabaho ang mga magulang niya at may tatlo siyang pinapag-aral na kapatid kaya kailangan niyang kumayod. Sa pagkakaalam ni Aifa ay sa isang hotel si Jecille nagtatrabaho na pagmamay-ari din ng pasyente nito. Torre de Silvidad is a first class hotel in the country with 500 rooms, equipped with an All Day Restaurant, Fitness Centre with Sauna, Steam room and shower areas, Business Centre, Meeting Room and Function Room, and Swimming Pool with Outdoor Jacuzzi. Kaya swerte ni Jecille dahil nararanasan nito ang luxury ng hotel dahil isa iyon prebilihiyo niya bilang nurse ng may-ari. Minsan nga ay hinihiling niyang sana ay may makilala rin siyang matandang mayaman na uugod-ugod na at nangangailangan ng private nurse katulad ni Jecille. Kung ang sahod niya sa ospital ang aasahan niya ay kulang iyon. Umaabot ng trenta mil ang sahod niya buwan-buwan pero kulang pa rin. Dalawa ang college na pinag-aaral niya at isang highschool. Madalas pang humingi ng pera ang mama at papa niyang wala namang ginawa kung hindi magsugal at maglasing. Minsan nga ay naisip ni Aifa na sukuan ang mga magulang niya. Minsan naiisip niyang iwan na lang ang mga ito. But she cannot do it. Masyadong niyang mahal ang pamilya niya para pabayaan lang ang mga ito. Kaya kahit na mahirap ay tinitiis na lamang niya. Ang gusto lamang niyang mangyari ay makapagtapos ang mga kapatid niya sa pag-aaral. “I’ll give you Jecille’s phone number para pag-out mo rito ay tawagan mo siya,” wika ni Delia. “Thank you, Ma’am. Tatapusin ko lang po ang endorsement ko sa next shift.” “No problem, Aifa. I know you need it,” nakangiting wika ni Delia bago siya nito talikuran. Malapad ang ngiting sinundan ni Aifa ng tingin ang kaniyang head nurse. PAGKABABA ni Aifa sa taxi ay agad niyang tiningala ang matayog na hotel. Nang tumawag sa kaniya kanina si Jecille paglabas niya ng ospital ay sinabi nitong nasa penthouse ang pasyente nito. Nakita niyang may lumabas na dalawang lalaking naka business suit ngunit naagaw ang pansin niya nang tumunog ang cellphone niya. Nakita niyang tinatawag uli si Jecille kaya agad niya itong sinagot. “Nandito na ako, Je—” naputol ang sinasabi ni Aifa nang makarinig ng malakas na pagrebolusyon ng motor. Ilang sandali pa’y nakita ni Aifa ang pagharurot ng motor sa kalsada sa harap lang ng hotel at ang tila pag-slow motion na pag-angat ng kamay ng rider nito na may hawak na baril. Mabilis na napaupo si Aifa kasabay ng pagtakip sa kaniyang magkabilang tainga. Nakarinig siya ng isang malakas na putok kasabay ng pagkabasag ng salaming pintuan ng hotel. Nang imulat niya ang mga mata ay nagkakagulo ang ilang tao sa loob ng lobby. Para siyang walang naririnig dahil tila nabingi siya sa lakas ng putok. “Lucas!” sigaw ng isa sa dalawang lalaki na kalalabas lamang ng pintuan. Nakita niyang napasandal ang lalaki sa nabasag na pintuan habang tinutulungan ito ng kasama na itayo. Nang lingunin ni Aifa ang motorsiklo ay mabilis iyong humarurot palayo. Sinubukan pa itong habulin ng dalawang security guard pero nabigo sila. Bumalik ang mga ito at tiningnan ang kalagayan ng lalaking mukhang tinamaan ng bala. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang pagbunot ng security guard ng two-way radio nito na nakasukbit sa beywang at agad na nireport sa pamunuan ng hotel ang insidente. May narinig na rin siyang tumawag ng police. “Man, are you okay?” puno ng pag-aalalang tanong ng lalaki sa kasama. Nakita ni Aifa na kunot-noong nakapikit ito at hawak ng kaliwang kamay ang kanang braso. Nang titigan niya ang hawak nitong braso ay nakita niyang may umaagos na dugo mula roon. Nanginginig na tumayo siya at tinungo ang kinaroroonan ng dalawang lalaki. Hinawakan niya ang balikat ng lalaking tinawag na Lucas ngunit agad na tinabig ng kasama nito ang kamay niya. “Don’t touch him! Baka ano pa ang mangyari sa kaniya!” “Isa akong nurse. Titingnan ko lang ang sugat niya para mabigyan ko ng first aid.” Nang marinig ng lalaki ang sinabi niya ay hinayaan siya nitong tingnan ang sugat ni Lucas. Nalaman ni Aifa na nadaplisan ito ng bala sa braso. Mabilis na kinuha niya ang panyo sa loob ng dala niyang shoulder bag at itinali sa braso nito para maampat ang pagdurugo ng sugat nito. “Daplis lang ang tama niya pero bakit para siyang hihimatayin?” takang tanong niya. Tinitigan siya ng lalaki bago siya nito sagutin. He sighed. “He tends to faint at the sight of blood.” Namilog ang mga mata ni Aifa. Hindi siya makapaniwala na sa laki ng lalaking ito ay nahihilo pala ito sa dugo. She stared at the man’s face ngunit agad siyang iniiwas ng lalaking kasama nito bago pa man rumihistro sa isip niya ang mukha ni Lucas. “Thank you for your help, Miss.” He’s dismissing her already. “Cal, what happened?” Pareho silang napalingon ng lalaki sa babaeng kabababa lang ng kotse. Agad itong lumapit sa kanila. Sakto namang nag-ring uli ang cellphone ni Aifa. Agad siyang dumistansya upang sagutin ang tawag. Nakita niyang dumating na ang mga pulis at kasunod nito ang ambulansya. Sinulyapan ni Aifa ang mukha ni Lucas ngunit nakabaling na sa kabilang panig ang mukha nito. “May barilang nangyari dito sa harap ng hotel, Je,” imporma niya sa kaibigang nasa kabilang linya. Nakita niyang tinulungan ng lalaking tinawag ng babae na Cal at ng rescue team si Lucas na ipasok sa loob ng ambulansya. Kabuntot pa rin nito ang magandang babae na pamilyar sa kaniya pero hindi niya maalala kung saan niya nakita. Marahil ay kakilala ito ng lalaking nabaril. “Kumusta ka riyan? Okay ka lang ba?” bakas ang pag-aalala sa boses na tanong ni Jecille. “Okay lang ako. Medyo nagkakagulo pa rito sa lobby.” “Sasalubungin ka raw ng supladong anak ni Don Romano. Kapag sinungitan ka batukan mo.” Natawa nang mahina si Aifa sa biro ni Jecille. Pakiramdam niya ay nabawasan ng kaunti ang kaba at takot niya dahil sa nangyari. “Nurse Aifa Mae Sandejas?” salubong sa kaniya ng isang lalaki. Gwapo at macho. Ito yata ang sinasabi ni Jecille na anak ng matanda. “Nariyan na siya. Babye!” mabilis na paalam ni Jecille. Mukhang kilala nito ang boses ng lalaki. “Yes, Sir?” aniya nang maibababa ang hawak na cellphone. “I am Rome Silvidad. Ikaw ang papalit muna ngayon kay Jecille, right?” “Ah, yes, Sir!” “Let’s go. Ihahatid muna kita sa room ni Daddy bago ko harapin ang mga pulis.” Tumalikod na ang lalaki at nagpatiuna sa pagpasok sa loob ng elevator na para lamang sa mga VIP. Aifa tilted her head. Mukhang mabait naman ang anak ng Don hindi katulad ng sinabi sa kaniya ni Jecille na masungit.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.1K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
961.3K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.3K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
176.1K
bc

A Night With My Professor

read
495.5K
bc

NINONG III

read
362.7K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook