bc

Halik

book_age16+
368
FOLLOW
2.8K
READ
love after marriage
friends to lovers
independent
heir/heiress
drama
sweet
bxg
disappearance
first love
lonely
love at the first sight
seductive
like
intro-logo
Blurb

“Bakit kasi ipinanganak ka na Mayaman at Maganda Irene Mae Florendo?” Asik niya sa kanyang repleksyon sa salamin ng kanyang tukador na naglalaman ng sari saring make-up kits, lotion at mga imported na pabango na siya mismo ang endorser.

Ngayon ay lalo niyang naramdaman na hindi pala sa lahat ng oras ay masaya ang maging mayaman at maganda.

"Saan ako maghahanap ng lalaking magpapangap na asawa ko na hindi ako pagnanasaan at iimbutin ang aming kayamanan? " Paulit ulit na tanong niya sa isipan dahil ilang araw na lang nakatakda na siyang umuwi sa kanila pagkatapos ng limang taong pagkawala niya.

Isa siyang dalagang ipinanganak na matatawag na may gintong kutsara sa labi subalit mas pinili nyang mamuhay ng solo at maging isang independent at huwag umasa sa yaman ng kanilang angkan kaya mas pinili niyang lumayo.

Dahil sa isang pagkakamali at kasinungalingan, hindi niya sukat akalain na magugulo ang kanyang tahimik na mundo dahil sa isang nagbabagang HALIK na noon niya lamang natikman sa buong buhay niya..

********

Paano niya itatago ang lihim sa kababatang matagal ng nais ipakasal sa kanya ng kanyang angkan. Ang abogadong si Francis Escriber ang binatang ubod din ng yaman sa kanilang lugar.

Makakaya ba niyang saktan ang matalik na kaibigang si Nouer Palomar at lumabag sa kanilang kasunduan dahil lamang sa isang lalaki?.

Sino at ano ang pagkatao ng mahiwagang lalaki na nag-iwan sa kanya ng isang halik na hindi niya makalimutan. Ang lalaking kanyang ginamit sa paghabi ng isang kasinugalingan upang makuha ang yaman na nararapat sa kanya?

Paano niya tutuklasin ang maitim na balak nito?

chap-preview
Free preview
Kabanata 01
“DIYOS ko! Nakakapagod na, mahirap talaga ang nag-iisa sa buhay. Trabaho-bahay, bahay-trabaho,” usal ng dalagang Commercial/International Ramp Model na si, IRENE MAE FLORENDO habang bumababa sa kaniyang latest model Accord Coupe na iginarahe niya sa loob ng bakuran ng kaniyang Single-Detached Apartment type two storey townhouse.   Pagod na siya at bagot na bagot na sa paulit-ulit na eksena ng buhay. Pakiramdam niya ay maihahalintulad siya sa mga Overseas Filipino Worker na nagtitiis na mawalay sa mga mahal sa buhay. Ang kaibahan nga lang OFW siya sa sariling bansa, dahil na rin sa kanyang sariling kagustuhan.  Mababakas ang lungkot sa kanyang maamong mukha dahil inaalihan na naman siya ng kalumbayan. Gayunpaman, kailangan niyang magtiis at magpatuloy.   Nilapitan niya ang Mailbox na ugali niyang gawin tuwing hapon bago siya pumasok ng kabahayan.   Araw-araw marami siyang nakukuhang sobre. Kadalasan galing sa bangko, mga billing statement ng ilang mga credit cards. May mga magazine din na pambabae dahil naka subscribe siya sa ilang ladies magazine upang makasabay sa trend ng fashion world. Kumbaga dapat sumakay at sumabay ka sa uso sa iyong kapaligiran. Kailangan niya ito dahil sa kanyang negosyo na may kinalaman sa kalakaran ng Fashion, Promotional and Advertising Agency ng ilang mga sikat na produkto.   Halos dalawang taon na ang nakaraan, nag-umpisa lamang sila ng kaniyang mga dating katrabaho na magtayo ng maliit na negosyong sila ang endorser at taga-benta ng pampagandang produkto. Minsan sila-sila na rin ang tumatayong model.  Ngunit bandang huli ay naisipan na rin nila na pasukin ang Fashion Industry and Boutique at nagkaroon na rin sila ng patahian ng sariling branding clothes ng mga Women’s Apparel na kung saan base ang design sa konsepto ng mga sikat na fashion designer sa buong mundo. Mula sa pangangalap ng raw materials hanggang sa pagbebenta ng finished product at marketing strategy ay pinag-aralan nila. Bentahe sa kanila ang linyang ito dahil alam nila ang pasikot-sikot at mga koneksyon, dahil dati silang mga Ramp model.   Pagkatapos isa-isahin ang halo-halong sobre at ilang magazine natawag ang kanyang pansin ng isang kulay beige na sobre. “Hmm! Sino na naman kaya sa mga kaibigan ko ang may birthday, Ikakasal, o magpapabinyag ng anak?” komokonot ang noong  naitanong niya sa sarili.  Subalit binitawan niya ang sobre dahil nawalan siya ng interes na buksan ito o basahin man lamang kung kanino ito galing, sapagkat lalo siyang nakaramdam ng lungkot ng maisip ang salitang anak.   Humakbang siya papalapit sa kanyang two door No-Frost Refrigerator na barefooted dahil kakatangal lang niya ng kanyang Louis Vuitton Peep Toe high heeled sandals. Tinamad na rin siyang hanapin kung saan niya iniwan kaninang umaga ang kanyang step-in na pambahay.   Pagbukas niya ng Refrigerator, dinampot niya ang Soya milk ay nagsalin sa isang baso upang mapawi ang kaniyang uhaw at bahagyang pagkalam ng sikmura.  Hawak ang mataas na baso na bumalik siya ng living room at dinampot ang remote control ng kaniyang 42 inch flat screen Television set sa ibabaw ng mesita. Binuhay ito at bumungad sa kaniya ang balitang walang pinagkaiba sa napapanood na niya sa pang araw araw niyang buhay. Alam niyang ang mapapanood niya ay mga paulit-ulit na lang na balita na gaya ng; nakawan, p*****n, sunog, tsismis na hiwalayan ng mga artista, at bangayan ng mga pulitikong hindi na niya maintindihan kung sino ang nagsasabi ng totoo.   “Mabuti pa sila ilang beses ng makipaghiwalay samantalang ako hindi pa nakahanap ng pwedeng hiwalayan,” komento niya sa bumungad na palabas sa TV na ibinabalita ang paghihiwalay ng sikat na actor sa kanyang long time live-in-partner.  Napangiti siya sa sariling kalokohang naiisip.   Hay, Irene Mae, tatanda ka na lang bang dalaga? Maganda ka naman ah.   “Hoy! Salamin wag kang mang-asar kundi babasagin kita,” singhal niya sa whole body size na salamin kung saan naka hulma ang kanyang repleksyon na waring nakatanghod sa kanya na siyang nagsabi ng tinig kanina na pumasok sa kanyang guni guni. Malapit ito sa Television set na sadyang inilagay niya dito upang tuwing umaga bago siya umalis ay ilang beses niya munang papasadahang silipin ang sarili. Sisipatin niya mula dito ang hubog kung napapanatili ba niya ang kaniyang pigura.   “Oo nga sexy ka naman, bakit kaya hanggang ngayon single ka pa rin?” tila paghanga ng salamin subalit patuloy pa rin siyang inaasar.   Hinapit niya ang kanyang Black Mini-skirt upang lumabas ang hubog ng balakang na proportion sa malantik na bewang.  “Twenty six pa rin naman,” nasabi niya dahil akma pa sa bewang niya ang waistline nito at walang palatandaan na masikip na ito.  Sunod niyang hinubad ang kaniyang white long sleeve na naka-ilalim kanina sa kanyang plain black tailored blazer na hinubad niya bago ang kanyang sandalyas.   “Perfect pa rin naman ang aking boobs, wala pa kasing nakakahipo na sinuman,” natatawang sambit niya habang hawak hawak ang dalawang bundok na natatabingan ng isang branded na satin front closure foamless bra. Buong pagmamalaki niyang tinitigan ang katayugan at yaman nito sa salamin tayong-tayo pa rin ito at halos lumuwa na ang kalahati.   “Salamat at napapanatili ko ang aking Vital statistic na 36 26 36.  Yoon nga lang, mahirap palang mag hanap ng nobyo kapag ganitong limang talampakan at walong pulgada ang taas. Kasi naman bakit kaya 5” 5 lang ang average height ng mga Pilipino?” wika niya sa salaming kaharap na tila ba sinisisi niya ito.   “Para akong sira kinakausap ang sarili kawawa naman,” anas niya at napabunghalit pa siya ng tawa.    Napatingin siya sa bintana ng kanyang bahay. Bigla niyang naisip na baka naka-awang ang kanyang tinted na bintana “Whew! Mabuti na lang sarado, kung hindi makakapanood sila ng libreng show.”   Pinatay niya ang TV. “Tama na nga ang kalokohan ko at makapag-workout na nga lang,” bulong nito sa sarili.   Isa-isang pinulot ang mga nagkalat na kasuotan sa sahig, at unti-unti na siyang humakbang pataas sa hagdanan na nag-uugnay sa una at ikalawang palapag na kinalalagyan ng tatlong kwarto. Ang master bedroom ang kanyang silid at ang dalawa pang natitira ay wala namang umuukupa. Ginagawang Pahingahan lang ng mga alikabok ang ibabaw ng mga tokador at kama nito. Bihira naman niyang ipalinis dahil bihira din na gamitin. Nagkakatao lamang ito kapag mayroon siyang kaibigan na nais magpalipas ng gabi sa kaniyang bahay na nabili niya mula sa perang kanyang kinita bilang modelo.   Malayo na ang kanyang narating sa larangan ito. May mga siyudad sa Europa na napasyalan na nila noong sila’y mga bata pang magkakapatid kasama ang kanyang mga magulang. Subalit napuntahan niya itong muli at halos nalibot pa niya ang buong kontinente ng Europa at Amerika dahil na rin sa kanyang propesyon.   Maraming beses na rin silang nagtanghal sa mga tanyag na lungsod na gaya ng Milan sa Italy, Paris ng Pransya, London sa Inglatera at kabilang din ang mga sikat na siyudad na sakop ng Amerika gaya ng Los Angeles at Las Vegas, at marami pang bansa sa Asya.   Bilang modelo daang libong euro at dolyar na rin naman ang kanyang kinita. Subalit hindi pa rin siya masaya, siguro dahil balewala ang kasikatan niya sa kanyang pamilya. Pakiramdam niya hindi na-appreciate ng mga ito kung anuman ang katanyagan na kanyang natamo.   Pagkatapos isuot ang stretchable pedal pants sunod na isinuot ang ladies rubber shoes. Isinilid niya rin sa traveling bag ang ilang piraso ng damit na pamalit at tuwalya. Bago lumabas ng kwarto inibabawan niya ng jacket na yari sa sutla ang kanyang sports half bra. Binaybay na niyang muli ang ilang baitang pababa pero parang wala pa rin siya sa sarili, lumilipad pa rin ang kanyang diwa.   Isasara na sana niya ang main door ng mahagip ng paningin ang manilaw-nilaw na puting envelope na inaakala niya kaninang invitation. Hindi niya alam kung bakit tila naingganyo siyang balikan ito.   Pinulot niya ito at tiningnan muna ang return address. Bumilis ang t***k ng kanyang puso. “Huh! Galing kay Ailyn, ano naman kayang kalokohang ito?” nahihiwagaan na tanong niya sa sarili.   Binuksan niya ang envelope at nanlaki ang kanyang mga mata ng mabasa ang nakasulat.   You are cordially invited to TUAZON & FLORENDO Nuptial.   “Ang gagang ‘yon uunahan pa ako, kailan kaya? Ouch 2 weeks na lang!” naibulalas niya na nanlalaki ang mga mata ng makita niya ang petsa.   Naibaba niyang bigla ang nakasabit sa balikat na travelling bag at napaupo siya sa kanyang malambot na sopa. Naisabunot ang kanyang kamay sa naka-ponytail na buhok kasabay ng isang malalim na buntong hininga, lumamlam ang kanyang mukha na tila ba kinubabawan ng lungkot.   “Naalala pa rin naman pala nila ako, pagkatapos ng halos Limang taong hindi ko pag-uwi,” bulong niya sa sarili.   Nagbalik na muli ang alaala ng limot na gunita ng kahapon. Noong mga panahong nag uumpisa pa lamang siya. Kahit ang mahahalagang okasyon ay pinalampas niya dahil gusto niyang ilaan ang buong panahon sa kanyang karera . Noong una na hindi pa sila lumalabas ng bansa ay laging tumatawag ang kanyang ina upang pakiusapan siya na bumalik na ng Davao, subalit marami siyang dahilan. Pati ang tawag ng kanyang kaisa isang kapatid na babae ay hindi na rin niya sinagot bandang huli, dahil puro negatibong komento na lang ang binabangit nito tungkol sa kaniya mula sa kanyang pamilya na lihim namang isinusumbong nito sa kaniya. Kaya’t ng lumaon nasanay na rin ang mga ito na kausapin na lamang siya kapag marahil ay sumagi siya sa alaala ng mga ito. Hanggang sa umabot sa punto na halos nakalimutan na siya ng mga ito.   Habang atubili kung uuwi o hindi, muli niyang sinipat ang sobre, naaliw siyang basahin ng paulit-ulit ang address na matagal na niyang kinasasabikang balikan. Biglang nalaglag ang isang maliit na papel mula sa envelope na tangan niya. “Hmmp meron pa palang sulat kamay ni Ailyn.”   Ate,   Huwag na ‘wag kang mawawala sa kasal ko, Please! Alam mo bang miss na miss na kita? Kung sakaling nabura mo na ang number ko ito ha ==== paki phonebook na lang ulit.   P.S. I love You ate.   Your little sister, Ailyn.   Maikling mensahe subalit nag iwan sa kaniyang puso ng kurot. Hindi siya nag-atubiling hugutin ang blackberry phone sa bulsa ng bag. Hinanap ang numerong naka phonebook na gaya ng nasa liham.   “Ailyn! Hello! Si ate Mae mo ito. Bakit ang ingay dyan?” tanong niya ng marinig ang animo’y mga nagkakantahan sa kabilang linya.   “San d-li…l… lbas ko.”    Pagkatapos ng ilang segundo niyang paghihintay. “Ate, hello. Ikaw ba ‘to?” “Ako nga ito, kumusta na kayo d’yan?”   Nakikinikinita niyang halos magtatalon at magsisigaw ang kapatid sa tuwa ng malamang siya ang kausap nito sa telepono.   “Psst! Wag kang maingay baka malaman nila lolo na ako ang kausap mo masira pa ang araw ng mga iyon,” paalala niya sa kapatid na tila bumubulong.   “Hanggang ngayon ba naman ate nagtatampo ka parin sa kanila?”   “Hindi ah! Masaya naman ako sa buhay ko na walang nakikialam.”   “Ate! wag na nga nating pag-usapan pa ang nakaraan pwede? Basta pumunta ka sa kasal ko.”    “Nakakahiya naman, noong kasal ko hindi rin kita na invite,” bigla niyang nasambit ng hindi sinasadya.   “Huh ano?” gulat na urirat ng kapatid.   “Ah ehh, Engagement pala, wag kang maingay kina mama ha,” pabulong niyang wika, nakalimutan yata na sa cellphone sila nag uusap.   “Ganun! Ang daya mo talaga kinalimutan mo na talaga kami.  Ate, pati ba naman ako?” waring naghihimutok na wika ng kapatid.   “Ito naman! Kung makapagsalita akala mo lahat na lang ako ang may kasalanan, alam mo naman ang dahilan ‘diba?”   “Oo! Alam ko. Nagtatampo ka ba dahil hindi kami sumuporta sa career mo? Hoy! Ate para sabihin ko sayo kumpleto kaya ng koleksyon si Lola sa lahat ng magazine mo, local man o imported. Nagbabasa kaya siya, lalo na yung mga show mo sa Europe, may kopya siya, at nanonood din kami ng mga show mo sa fashion TV. Ikaw lang naman ang nakalimot na samin,” tila nagtatampong pahayag ng kapatid.   Hindi na kumibo ang dalaga naisip niya na maaaring sinasabi lang nito iyon upang hindi na siya magdamdam.           “Teka! Kumusta naman ang buhay n’yo ng lalaking mapalad na napili mo?”    Hindi alam ni Irene kong ano ang isasagot sa biglaang tanong ng kapatid.       “Huh! Ah..ehh. O-okey lang kami,” kandautal niyang sagot. “Ano ba talaga ate? Wag mo naman siyang itago sa amin gusto rin namin siyang makilala,” muling pangungulit na kapatid na ang pinupunto na ng usapan nila ay ang tungkol sa kabig-laanan niyang pagsisinungaling.    “Malapit na! Wag kang mag-alala, Ipapakilala ko rin siya sa inyo para naman masabi nyo na maayos ang napili kong lalaki at hindi ako kumabit sa mga mayayamang pulitiko o mga matatandang milyonaryo. Hindi ako naging kerida na gaya ng ilang kapwa ko modelo,” dagdag kasinungalingan pa ng dalaga sa kapatid.   “Asahan ko yan ha, Siguradong matutuwa sila Lola niyan kapag nalaman nila,” masayang sagot ng kapatid.   “Hmm kaya?” may himig na paniniguro sa boses ng dalaga.   “Ate naman, please! Siguradong masaya sila kapag umuwi ka sa kasal ko huwag na ‘wag kang mawawala ha. At saka tulungan mo naman ako alam mo naman ang kundisyon nila Lolo kapag nag sipag-asawa daw tayo ng maayos diba, Natatandaan mo pa ba?” sugid ng kapatid sa nakaraan.   “Hindi ko ‘yon nalilimutan pero hindi ako interesado sa kondisyon nila, masaya na ako sa kung anong mayroon ako.” pagmamalaking tugon ng dalaga.  ”Pero ate, kailangan namin iyon syempre. Gusto ko rin namang magsarili na kami.”   “Dahil lang ba sa pera kaya ka mag-aasawa?” naitanong niyang bigla sa kapatid sa matigas na boses.   “Hindi naman sa ganon, pero gaya mo rin ako. Ayaw kong umasa sa kanila, gusto ko ring magkaroon ng matatawag na sariling akin. Mabuti nga ikaw malakas ang loob mong mag-solo pero ako sa tingin mo ba papayagan ako nila lolo na matulad sayo? Pagod na rin naman ako na magtrabaho para sa negosyo ng pamilya. Pakiramdam ko wala akong sariling desisyon at sa yaman na lang nila ako umaasa. Si Craig gusto niya ring magsarili kami dahil baka daw isipin ng angkan natin na pinakasalan niya lang ako dahil sa pera,” mahabang paliwanag ng kapatid.    Batid niyang may punto ito, gusto rin nitong magpursige sa buhay na gaya niya at hindi umaasa sa kinagisnan nilang karangyaan sa buhay kaya wala na siyang maapuhap na sabihin pa sa kapatid.   “Please! Ate na mi miss na kita, Umuwi ka na.” pagsusumamo ng kapatid.   Pinutol na niya ang kanilang usapan.   Pabagsak na binitawan na lang ng dalaga ang cellphone sa malambot na sopa. Nagulo ang utak niya pagkatapos nilang mag-usap ng kapatid.  Wala siyang pamimilian kundi ang dumalo sa kasal ng kapatid. Alang alang na lamang sa personal na pakiusap nito kahit labag sa kalooban niya na tumapak sa lugar nila ng hindi pa siya handa. Ayaw niya rin namang magdamdam ng labis ang kanyang bunsong kapatid. Pero paano?   Gusto niyang umiwas na maulit ang hindi nila pagkakaunawaan sa pagitan niya at ng kanyang pamilya. Natatakot siya na baka ipilit ng mga ito ang pinaka-ayaw niya at pagtalunan na naman nila lalo na kapag nalaman ng mga ito na wala naman talaga siyang asawa o kahit nobyo man lang at namumuhay siya na mag-isa.   Tuso ang kanilang Lolo, paano kung pilitin siya nito na ipagawa sa kanya ang isang bagay alang-alang sa tulong pinansiyal na inaasahan ng kanyang bunsong kapatid kapag nag-asawa na ito? Siguradong magkakaroon na naman sila ng sigalot kahit ayaw na niyang maulit na babalik siya ng Maynila na gaya noong huling umalis siya ng Davao.   Naalala niya ang panahon na lumuluha siyang umalis ng Davao, mistulang isa siyang basang sisiw na pinagtabuyan ng kanyang Lolo at Lola. Ang isa pang ikinasama ng loob niya ay ni hindi man lang siya ipinagsanggalang ng kaniyang mga magulang sa galit ng matanda.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook