bc

Loving Alucard

book_age18+
1.4K
FOLLOW
6.5K
READ
contract marriage
opposites attract
arrogant
manipulative
goodgirl
comedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

Isinumpa ni Awa ang kanyang puso na hinding-hindi magmamahal kahit anong mangyari. She would not repeat the same mistake her mother made and broke her heart. Kaya laking asar niya nang dumating sa buhay niya isang gabi ang lalaking kalahi ng mga Dementors at ang lakas pa ng loob na baliktarin ang pangalan ni Dracula.

Poor Dracula.

Binigyan din siya nito ng engagement ring.

“We’re getting married in a few days. ‘Yan ang engagement ring na ibibigay mo sa akin kapag nag-propose ka na sa akin.”

Ano daw? Ikakasal na sila…pero siya ang magpo-propse ng kasal sa lalaki?

“…ako na ang bumili ng singsing. Kaya ikaw naman ang mag-propose.”

At talagang ipinagdiinan pa.

“You can propose now.”

Ipakain kaya niya sa kampon ng dilim na ito ang singsing na iyon?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
PASALAMPAK NA NAUPO SI AWA sa gutter ng mahabang kalsada na iyon. Sumunod sa tabi niya ang kaibigang si Louisa na pareho rin ang aura. Galing sila sa gig nila bilang mga kitchen volunteers sa isang action center for abused women and children. Gawain nila iyon sa tuwing hindi masyadong hectic ang schedule nila sa kanilang mga trabaho sa isang advertising firm. “Gusto kong mambugbog, bes. Pahingi ng lalaking mabubugbog,” walang kabuhay-buhay na wika ni Awa. “Ihanap mo ako ng lalaking mabubugbog.” “Wala akong lakas, bes.” Pareho lang sila ng tono ng boses ni Louisa. “Nahigop na ng mga eksenang nasaksihan natin kanina sa center.” Bahagya pa itong pumiyok, halata ang matinding emosyong pinipigilan. “Huwag kang iiyak. Mambugbog na lang tayo ng lalaki.” “Hindi ako marunong, bes.” “Masyado ka talagang malambot kahit kailan, Louisa.” “E di ikaw na lang ang mag-supply ng sariling lalaking bubugbugin mo. Self-service.” “Kaya nga ikaw ang pinapahanap ko ng ‘kontrabando’ kasi lupaypay din ako rito.” “Bes…naiiyak na talaga ako, bes…” At umiyak na nga talaga ang loka. Hindi masisi ni Awa ang kaibigan. Masyado silang apektado sa kwento ng mag-ina na dumating kanina sa center. May mga pasa sa mukha ang babae at namamaga ang isang mata nito, habang ang anak naman nito ay payat na payat at halata rin ang mga pasa sa maliit nitong katawan. Ayon sa kwento ng babae sa mga tauhan ng center, tumakas lang ang mga ito sa mapang-abuso nitong asawa na lasing na lasing kanina at nagtatangka na sasaksakin ang bata. Nalaman din ni Awa later on, na may bali sa braso ang babae kaya pala hindi ito masyadong nagkikilos. “Kaya ayokong mag-asawa, eh. Dahil hindi malayong maging kriminal ako oras na saktan ako ng napangasawa ko. At wala akong balak na mabulok sa bilangguan. Marami pa akong gustong gawin at gustong matulungan. Kaya tama nang iyak iyan, bruha. Uminom na lang tayo para kahit paano ay makalimutan natin ang mga nangyari sa center.” “Hindi ka naman umiinom, eh,” humihikbi-hikbi pang wika ni Louisa. “Hindi ako umiinom dahil wala pa akong nakikitang magandang dahilan para uminom. Ito ang hinihintay kong pagkakataon.” Malakas niyang tinapik sa likod ang kaibigan. “Tara, inom tayo!” Nakarating sila sa isang bar sa Ortigas at doon sila nagpakalunod sa alak imbes na maging kriminal. “Alam mo, bes, hindi na talaga dapat nag-exist ang mga lalaki sa mundo, eh. Mga wala naman silang kwenta. Gagawa-gawa ng kalokohan, tapos tatakas kapag nagkaproblema na. Mga hayop!” “Ang lalim ng hugot mo, bes. May pinagdadaanan ka ba?” Umikot ang paningin ni Awa nang malakas siyang umiling. Pero hindi pa rin niyon napigilan ang kanyang bibig. “Pare-pareho silang lahat. Wala silang ipinagkaiba sa walang kwenta kong tatay.” “May tatay ka?” “Anong palagay mo sa akin? Putok sa buho? Siyempre may tatay ko. Pero sana nga wala na lang.” “Bes, hindi ka putok sa buho.” “Kaya nga.” Malakas siyang napabuntunghininga saka muling sinaid ang laman ng kanyang baso. “Mabuti pa si Prince, hindi ako iniwan kahit kailan.” “Prince? Lalaki, bes?” “Oo. Lalaking aso. Alaga ko. Pinakamatinong lalaki na nakilala ko sa mundong ito. Ano ka ba, Louisa? Ilang beses ko nang naikuwento si Prince, hind mo pa rin siya matandaan?” “Siyempre natatandaan ko. Give me time to process my memories, bes. Lango pa ako sa alak, eh.” Louisa giggled and then started crying again. “Walanghiyang Benjamin S. Culangot na ‘yun! Anong karapatan nyang makipag-break sa akin?! Ako dapat ang makipag-break sa kanya! Ako lang ang dapat na nakikipag-break sa kanya! Hayop siya!” “Culangot sya! Cheers!” “Pero ang sakit, bes…ang sakit-sakit…Mahal na mahal ko ang Culangot na ‘yun, eh…Ano ba ang kulang sa akin, bes? Pangit ba ako? Bakit nya ako iniwan? Sabi naman niya mahal niya ako, pero bakit ngayon…wala na siya…?” “Kasi nga, isa siyang foreign object sa loob ng ating ilong. Isang walang kwenta rin gaya ng mga lalaki.” “Lalaki naman talaga siya. He’s my boyfriend!” “Ex,” pagtatama ni Awa. “At huwag mo siyang iyakan. Siya dapat ang umiiyak. Gusto mo siyang paiyakin? Tara, paiyakin natin siya.” Pero patuloy lang sa paghagulgol si Louisa. Napapangiwi na lang si Awa sa malakas na pagngawa ng kaibigan. Kaya tuloy ay pinagtitinginan na sila ng iba pang customers doon. Ipinasya niyang tawagin na ang waiter para hingin ang kanilang bill. Isang lalaking waiter ang nag-abot ng bill nila. “Bakit ikaw? Wala ba kayong babaeng waiter dito?” “E, Mam, kahera lang ho ang babaeng empleyado rito.” “That is discrimination! Anong klaseng establishment ito at pati ang chances ng mga babae na magkaroon ng equal rights sa mga trabaho ay hindi pina-practice? Puwede kayong kasuhan dahil dyan!” Napakamot na lang ang waiter. Hindi na rin ito pinansin ni Awa at lulugo-lugo man, siya na ang personal na nagpunta sa counter para magbayad. “Kaya ikaw, Miss, huwag kang magbo-boyfriend kung ayaw mong matulad sa kaibigan kong iyon na nababaliw na dahil sa lalaki.” “Naku, Mam, matagal na akong walang boyfriend. At hinding-hindi na ako kukuha ng sakit ng ulo pagkatapos kong layasan ang walanghiya kong asawang ipinagpalit ako sa kabit nyang mukhang kabayo.” “Good for you. Keep the change.” Binalikan ni Awa ang ngumangawa pa rin niyang kaibigan saka inalalayan na itong makalabas ng establishment na iyon. Wala siyang tinanggap ni isang tulong mula sa male staffs ng bar, kahit ilang beses na siyang muntik mabangga sa mga furnitures doon. Tinanggihan din niya ang alok ng isa sa mga guwardiya roon na ikukuha sila ng taxi. “Kaya ko. Lasing ako pero malinaw pa ang isip ko.” Isang paparating na sasakyan ang kinawayan niya. Hindi na ito hinintay pang makalapit at sinalubong na lang para mas mapadali ang pag-alis nila roon. Lumabas ang driver at lumapit sa kanila. “Mam, okay lang ho ba kayo? Hindi ho ba kayo nahagip ng—“ “Bakit puting-puti ang suot mo?” Ang suot kasi nitong uniporme ang una niyang napansin dito. “Akala ko si Dolphy. Sumalangit nawa. Sa Marikina nga pala kami, Manong.” Pero pinigilan siya ng driver na buksan ang pinto ng backseat. “Mam, pasensya na ho—“ “Tinatanggihan mo ako? Pasahero kami!” Mainit na naman ang ulo ni Awa. “Hindi mo ba ako kilala, ha? Ako si Ara Antonia Beatriz Parto. Awa for short.” Inalog niya ang kaibigan niyang walang malay sa kanyang tabi. “Ang tagapagtanggol ng mga kababaihang naaapi!” Nabuksan na niya ang pinto ng kotse at mabilis na naipasok sa backseat ang lupaypay na kaibigan. Hindi na rin niya pinansin ang pagtutol ng driver at sumundo na siya sa backseat saka isinara ang pinto. Pumasok naman din agad ang driver sa driver’s seat at sumilip sa backseat. “Naku, Sir, pasensiya na. Sandalilang ho at palalabasin ko saila.” Nag-init na naman ang ulo ni Awa. “Oy, Manong, naghahamon ka ba ng away? Bakit mo ako tinatawag na ‘Sir’? Anong palagay mo sa mundong ito, lalaki lang ang nag-e-exist? Buwisit talaga kayong mga lalaki sa buhay naming mga babae. Bakit ba nag-exist pa kayo kasama namin, ha?” “Sorry, Miss. Pero parang awa mo na, please bumaba na kayo ng kasama mo—“ “Nevermind, Caloy. Just drive. Ihinto mo na lang sa madadaanan mong police station.” “Tama. Sa police station tayo, Manong. Para maidemanda kita. Napaka-rude mo sa mga pasahero mo. Alam mo bang bawal na bawal na ang tumanggi sa mga pasahero ngayon? Teka…” Nilingon ni Awa ang pinanggalingan ng baritonong boses na naunang nagsalita sa kabilang dulo ng kinauupuan niya sa backseat. Hindi niya ito maaninag masyado dala na rin ng panlalabo na ng kanyang mga mata dahil sa kalasingan at hindi rin kasi gaano nakakapasok ang liwanag sa loob ng sasakyan dahil sa heavily-tinted windows niyon. “Sino ka? Bakit nandito ka sa taxi namin? Oh, my God! Magkasabwat kayo ng driver! Nanakawan nyo kami, ‘no? Oh, my God talaga!” Inalog niya ang kaibigan. “Gumising ka, Louisa! May mabubugbog na tayo!” Pero imbes na magising ay napasandal pa ang kaibigan sa bahagi ng pinagmulan ng baritonong boses. “Ang bango dito, bes. Amoy pogi.” Bago pa makahirit si Awa ay napansin niyang kumilos na ang lalaki at ilang sandali pa, nasa kandungan na niya ang kaibigan. “Bes, pakibalik ako sa kinalalagyan ko kaninang amoy pogi. Mas gusto ko dun, bes. Sarap matulog dun.” Hindi niya pinansin ang kaibigan. “Did you just throw my friend back at me?” The guy sighed, and a light from his smartphone slightly lit up his side, giving her a first glance of his face. And Awa, even with her blurry vision, still thought the man had the most perfect profile she had ever seen. Pakiramdam ni Awa ay nabulag siya sa liwanag ng cellphone nang basta na lang iyon isalpak ng lalaki sa mukha niya. Siya naman ay automatic na umatras para tingnan ang gustong ipakita sa kanya ng lalaki sa cellphone nito. It was a text message. “Ang liliit ng mga letters. Hindi ko mabasa.” Ibinigay ng lalaki ang cellphone sa driver na agad tinanggap. Mabuti na lang at nakahinto sila sa stop light, kung hindi ay magtatatalak na naman si Awa sa ginawang pagbasa ng driver sa text message. “Your voice is giving me a headache. Stay quiet until we get to the police station.” “Iyon ang message nya para sa akin?” Naningkit ang namumungay na mga mata ni Awa sa lalaki sa dilim. “Hoy, kung sino ka man, ako ang kausapin mo kung may gusto kang sabihin sa akin. Huwag kang bastos. Iniistorbo mo pa ang driver sa trabaho niya—“ Kinuha uli ng lalaki ang cellphone at nag-type uli roon. Napagmasdan na naman ni Awa ang mukha ng lalaki, salamat sa liwanag ng cellphone nito. He really is quite handsome— Ipinasa uli ng lalaki sa driver ang cellphone, na agad namang binasa ng driver ang nakasulat doon. “Because I don’t talk to drunk commoners.” Napakamot na lang ng ulo ang driver. “Drunk what?” “Commoners daw po, Mam.” “Alam ko.” Kung hindi lang nakaharang sa pagitan nila ang kaibigan niyang wala nang wisyo, nakalmot na niya ang lalaki sa dilim. “Kung commoners ako, ikaw naman, mukha kang Dementor!” “Dementor?” sa wakas ay wika ng lalaki sa dilim. “‘Yung mga mukhang alagad ni Kamatayan sa Harry Potter!” “Alam ko… Talagang mukha akong Dementor?” “Bakit parang natutuwa pa ang tono mo?” “I am.” “Sira ulo ka ba?” “No. But a Dementor would be fine.” “Sir, nandito na ho tayo sa police station.” “Good. Take these two out and leave them to the cops. Gusto ko nang makaratign sa meeting place natin at nang makapagpahinga na ako sa wakas.” “Sorry, Mam. Pero private car kasi itong inakala nyong taxi. Dito na lang ho kayo sa harap ng police station maghintay ng taxi para mas safe sa inyo.” Na-realize na iyon ni Awa kanina pa. “Magkikita pa tayo.” “No, we won’t.” Then he waved her out. Waved. Her. Out. Naiwan na lang na nakatanga si Awa sa labas ng police station habang pinanunuod ang papalayong sasakyan. “He waved me out. And I just let him. I can’t believe it.” Tama lang na hindi na sila magkita uli at baka kung ano pa ang magawa niya sa taong iyon. Teka, tao nga ba iyon? O halusinasyon lang niya ang mga nangyari dahil sa kalasingan? “Hindi na siguro ako dapat nag-iiinom pa.” Tinampal-tampal niya ang kaibigan na nakaakbay sa kanya at nakayukyok ang ulo sa balikat niya. “Bakit hindi mo ako pinigilang uminom? Anong klase kang kaibigan?” May humintong taxi sa harapan nila. Pinatulan na iyon ni Awa at maingat silang sumakay ni Louisa sa backseat ng taxi. “Teka, Manong, magpapaalam lang ako sa mga pinsan ko.” Lumingon si Awa sa police station kung saan may tatlong unipormadong pulis na nagkukuwentuhan. Kumaway siya sa mga iyon na nakangiti ring kumaway sa kanya bago sila pumasok ng kaibigan sa taxi. “Sa Marikina tayo, Manong.” Mabuti na lang at kahit nagba-bubble ang ispiritu ng alak sa sistema niya, may presence of mind pa rin siya. Ewan na lang kung mag-isip pa ng kalokohan ang taxi driver na ito matapos malaman na tatlo ang pinsan niyang pulis. Na siyempre ay gawa-gawa lang niya. Pero mabuti na ang sigurado. Uso pa naman ngayon ang mga gagong taxi drivers kapag wala sa wisyo ang mga nagiging pasahero.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
496.5K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
530.2K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
440.7K
bc

A Night With My Professor

read
493.2K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.0K
bc

You're Paid (Book1&2)-SPG

read
2.2M
bc

The Sex Web

read
127.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook