bc

The Midnight Princess

book_age16+
4.6K
FOLLOW
17.2K
READ
reincarnation/transmigration
time-travel
bxg
scary
campus
office/work place
first love
sassy
spiritual
seductive
like
intro-logo
Blurb

The Midnight Princess

Isang sumpa ang nagpabago kay Darcy nang tumungtung siya sa edad na labing walong taon, isang sumpa na magkakaroon siya ng isang asawa na halimaw at para hindi madamay ang kanyang pamilya kailangan niyang lumayo. Sa paglayo niya nag-umpisa ang kakaiba niyang panaginip, isang panaginip na nakikipagtalik siya sa hindi niya kilala, unti-unti nagbago ang lahat hanggang sa makilala niya ito at dalhin siya sa kakaibang lugar na akala niya ay madalas lang makikita sa mga pantaseryeng libro.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
TMP1: Cursed Beauty Nakaupo sa ibang bench si Darcy habang busy sa pagbabasa ng libro at may nakasalpak na headseat sa kanyang tenga, para hindi marinig ang ingay na nang gagaling sa kanyang paligid na ingay ng mga tao at lalo na ng mga kotse. Ordinaryong araw lang kay Darcy ang araw na 'yon kahit na ito'y labing walong kaarawan niya kong saan lahat ng babae ay ito ang pinakahihintay nila sa buhay. Ngunit iba si Darcy sa lahat, kahit na sabihing siya'y simpleng college student at isang independent na tao may nakatali sa kanyang tadhana na hindi niya makakalimutan. May sumpa sa kanya simula pa pagkabata na pagdating siya ng walong taon magkakaroon siya ng asawang halimaw, pakiramdam niya ang malas niya sinabe ito sa kanya ng magulang niya simula nang tumungtong siya sa edad na sampu. Para sa pamilya niya isa siyang anghel na hulog ng langet at hindi malas, para naman sa mga kapatid niya siya ay isang sagabal sa pamilya nila. Lima silang magkakapatid at siya ang bunso. Halos may mga asawa na ang lahat at siya na lang ang naiiwan na dalaga sa pamilya. Nang makapag-isip-isip siya noong labing anim na taon pa lamang siya, sinabe niya sa magulang niya na hangga't maaga gusto na niyang matutong mag-isa dahil kasama din sa sumpa na kailangan niyang lumayo sa pamilya para hindi ito madamay, ngayon dalawang taon na siyang nag-iisa, paminsan-minsan dinadalaw siya sa maliit niyang apartment na malapit sa pinag-aaralan niya at minsan gusto na lang niyang lumabas para iwasan ang pamilya nito. Para sa kanya wala nang kailangan ipagdiwang sa araw na 'yon dahil alam niyang paparating na ang nakatadhana sa kanya. Pinagpatuloy lang niya ang pagbabasa, mahilig siyang magbasa ng mga modern classic novels, fanstasy at msytery books. Ayos na sa kanya na ga'non siya araw-araw basta mapanatili niyang nasa maayos na kalagayan ang pamilya, may iisang tanong na gusto niyang itanong sa magulang kong sino ang may gawa n'un sa kanya at bakit ginawa 'yon sa kanya. Wala naman itong maisagot kaya hindi na siya nagpumilit pa. Hawak niya sa isang kamay ang libro ni Graham Moore na The Holmes Affair habang pinapakinggan naman sa tenga ang tugtog na I need you ng M83, ang isang styro naman ng grapes ang nasa lap niya, pinangkakapa niya ang isang kamay para makuha ang isang ubas at isusubo sa bibig. Ayos na sa kanya na 'yon ang handa niya sa kaarawan niya. Sinara na niya ang libro nang matapos niya itong basahin at ubos na rin ang paborito niyang prutas, ang ubas. Bumuntong hininga siya, kailangan na niyang umuwi, tumingala siya sa langit, nakikita niya ang animoy bulak na ulap, paghahalo ng kulay kahel sa asul na kalangitan. Kailangan na naman niyang umuwi sa napakatahimik niyang pamamahay. Tinago niya sa bag ang dumi at libro niya. Sinukbit niya ang bag at tumayo. Kumanan siya sa isang sidewalk, habang ang dalawa niyang kamay ay nakapasok sa magkabilang bulsa ng jacket niyang kulay itim. Meron siyang bilugan na mata, mahabang buhok na kulay puti sa dulo at bahagyang kulutan na abot hanggang bewang. Manipis at maputlang labi. Maliit at matangos na ilong. Meron siyang payat na pangangatawan pero hindi siya sakitin, maputi ang buo niyang katawan hanggang mukha kaya pag-mainit namumula ang mga pisngi niya. Nadaanan niya ang mga ilang tindahan ng mga ulam at kong ano-anu pang bagay. Kumaliwa naman siya sa isang bukas na pinto at umakyat sa hagdan. May kaliitan ang daraanan hanggang sa makapasok siya sa pangalawang palapag, makikita ang magkakatabing pintuan at hile-hilerang pintuan na gawa sa kulay brown na kahoy. Sa pinakadulo, sa kanan na pinto siya huminto para buksan ito gamit ng e-card niya. Kusa itong nagbukas, pumasok siya doon at kinapa ang switch sa gilid ng pader para magkailaw. Tahimik ang buong kabahayan, nilapag niya ang bag sa sofang kulay puti at tinaggal ang heatseat sa tenga para din ilapag sa sofa ang cellphone. Hinubad din niya ang jacket na itim, suot na lamang niya ngayon ay fit na t-shirt na kulay puti at maong na pantalon. Nag-huhumming siya habang patungo sa kusina, kumuha siya ng isang cup noodles sa isang kabinet na puno ng mga stocks niyang pagkain. Binuksan niya ito at nilagyan ng mainit na tubig. Sandali lang siyang naghintay hanggang sa makain niya ito, pagkatapos naman niyang kumain, minabuti niyang i-check kong naisara na niya ng maayos ang pinto at mga bintana. Naligo siya at nagbihis para makapagpahinga siya, ga'noon lang natapos ang araw ng espesyal niyang kaarawan sa buhay. *** *** *** Naalimpungatan si Darcy nang maramdaman niyang may gumalaw sa kanan niyang parte, animoy may umupo sa kama niya para lumubog ang bahagi nito, ramdam niya 'yon. Ididilat niya ang mga mata nang hindi niya ito magawa, hindi rin niya maikilos ang kanyang katawan, naramdaman niya ang pagkilos sa kama niya, pero alam niyang hindi siya 'yon. Nakakunot ang mga noo niya, habang pilit na dinidilat ang mga mata at kinikilos ang buong katawan. Ang lakas ng t***k ng puso niya, takot na takot siya at hindi alam kong anong gagawin. Taas-baba ang dibdib niya, hanggang sa maramdaman niyang may humawak sa kanyang kanang braso paitaas, animoy pang lalaking kamay dahil malapad at malaki, malambot ang kamay nito na animoy sa babae, higit sa lahat malamig. Lalo siyang kinabahan dahil doon sa humahawak sa kanya, alam niyang naka-panty lang siya at sando habang nasa ilalim siya ng kumot niya. Paakyat sa balikat, sa leeg hanggang sa hawakan ang mukha niya nito, na isip niya agad na pasok ang bahay niya ng isang r****t, ngunit hindi paren siya makagalaw para makapanglaban man lang. Nararamdaman naman niya ngayon ang hininga nito sa leeg niya, hanggang sa maramdaman niya ang dulo ng ilong na dumidikit sa balat niya na animoy kinikiliti siya, isang malambot naman na balat ang naramdaman niya sa leeg, isang labi, isang malamig na labi. Binigyan siya doon ng maliliit na halik, hanggang sa umakyat ang halik nito sa pisngi niya, natatakot siyang baka halikan siya nito sa labi. Sa buong buhay niya walang pang nakahalik sa kanya dahil iwas siya sa mga taong baka madamay sa sumpa ng buhay niya, ni hindi pa siya nahahawakan ng kahit na sinong lalaki, kong talagang lalaki ba talaga ang gumagawa n'un sa kanya ngayon. Nakaramdaman naman siya ng kakaibang kiliti ng hawakan naman ang balakang niya ay pisil-pisilin ito. Umangat ang labi nito sa ilong, nakaramdam siya ng kaligtasan at hinalikan naman ang labi niya. Isang bulong ang talagang nagpagising sa kanya, "hindi pa oras," naidilat na niya ang mga mata, pawis na pawis siya at hingal na hingal. 'Hindi kaya nanaginip lang ako?' Tanong ni Darcy sa kanyang sarili. Agad siyang umupo, bahagyang madilim sa buong silid, nang gagaling ang ilaw sa bintana malapit sa ulunan ng kama niya. Walang bakas na may pumasok sa silid niya o ano pa man na binuksan ang pinto. Napasapo na lamang ni Darcy ang mga palad niya sa mukha, saka muli nahiga, 'baka nga panaginip lang,' pagkukumbisi niya sa kanyang sarili. Nakatingin na siya sa kisame buong magdamag at nang tignan niya kong anong oras pa lang, sakto alas tres na ng madaling araw, hindi na siya nakabalik pa sa pagtulog.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

POSSESIVE MINE

read
969.6K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.6K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
533.4K
bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
316.7K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
580.3K
bc

The Sex Web

read
131.0K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
272.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook