bc

DESTINY

book_age18+
5.8K
FOLLOW
55.8K
READ
billionaire
dark
friends to lovers
drama
tragedy
twisted
sweet
heavy
serious
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

Si Nathaniel Buencamino, ay nagmula sa pinakamayamang angkan sa bayan ng Tayabas. Siya ay may lihim na pagtingin sa kaniyang childhood friend na si Lorraine Monteverde.

***

Ang pag-iibigan nina Nathan at Lorraine, na susubukin ng tadhana.

Para kay Nathan, si Lorraine lamang ang babaeng kanyang mamahalin. Ngunit darating ang pagkakataon na pareho silang ipinagkasundo sa iba. Mapipilitang lumayo ni Nathan, dahil mas pinili ni Lorraine ang magpakasal kay Francis, para sa kanyang buhay.

May babalikan pa ba si Nathan? O matutunan nang mahalin ni Lorraine si Francis?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
DISCLAIMER: SOME SCENE ARE NOT SUITABLE FOR MINOR. SINULAT KO ANG ISTORYANG ITO WHEN I WAS IN COLLEGE. LAHAT NANG PANGYAYARI AY KATHANG ISIP KO LAMANG. MARAMI PA RING ERROR, BUT I WILL TRY MY BEST TO EDIT THOSE CHAPTER. THANK YOU LORRAINE POV Isang pangyayari ang babago sa buhay namin ni Nathan at sisira sa pangarap naming dalawa ngayong gabi. “Ladies and gentlemen, gusto kong ipaalam sa inyo. Na ang aking anak, na si Nathaniel Buencamino, ay malapit nang ikasal kay Lavinia Natividad,” pahayag ni Tito Rafael na dumurog sa puso ko. Halos mabingi ako nang magsalita ang aking ama. “Ladies and gentlemen, katulad nang nasabi ni Pareng Rafael. Gusto kong ipaalam sa inyo, na ang aking nag-iisang anak. Na si Lorraine Monteverde, ay malapit nang ikasal kay Francis Buencamino,” pahayag ng aking ama na bumuhay sa aking galit para kay Francis. “No!” malakas kong sigaw. Tumakbo ako nang makita ko si Francis na papalapit sa akin. Hanggang sa mapapunta ako dito sa isang malaking lagoon. Dito ko inilabas sa lagoon ang galit na aking nararamdaman. “Bakit kailangang mangyari sa amin ito?!” galit kong sigaw habang umiiyak. “Lorraine,” narinig kong tawag sa akin. Tiningnan ko kung sino ang tumawag sa akin at nakita ko si Nathan. Mabilis na lumapit sa akin si Nathan at niyakap niya ako nang mahigpit. “Babe, bakit nagawa nila sa atin ito?” daing ko habang umiiyak. “Babe, hindi mangyayari ang gusto nila!” sabi ni Nathan na may galit sa dibdib. Hindi nagtagal, nalaman ni Nathan na nalulong sa sugal ang aming mga ama at sila ay nabaon sa utang sa ama nina Francis at Lavinia. Galit kong hinarap ang aking ama. "Anong klase kang ama?! Sarili mong anak, ibinayad mo?!" galit kong sigaw. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nagawa niya sa akin. "Anong kasalanan ko sa 'yo?! At nagawa mo sa akin ito?!" muli kong sigaw sa kanya, na hindi nito masagot. Narinig ko si Nathan na nagsalita sa kanyang ama. "Hinding-hindi ako magpapakasal sa babaeng 'yon! Kahit maghirap pa tayo!" galit na sigaw ni Nathan. Lumipas ang ilang araw, isang pangyayari ang magpapabago nang desisyon ko. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ko si Nathan na duguan. Kaya mabilis akong lumapit sa kanya at agad ko siyang niyakap. Habang yakap ko ang duguang si Nathan ay nagsalita ako. "I'm sorry, Nathan, kailangan ko ‘tong gawin para sa 'yo." Tumingin ako kay Francis. "Ipangako mo sa akin na walang mangyayaring masama kay Nathan." "No!" malakas na sigaw ni Nathan. Pagkatapos namin pagsaluhan, ang mainit na pagmamahalan. Oras na upang magpaalam kami ni Nathan sa isa't isa. "Mahal na mahal kita Nathan," sabi ko sa aking kasintahan, ang lalaking tunay kong minamahal nang lubos. Ngunit nakatakda na akong ikasal sa pinsan ni Nathan na si Francis. "Mali, kung ipagpapatuloy pa natin ito." "Mahal na mahal din kita Lorraine," sagot ni Nathan sa akin. Huminga ito nang malalim bago muling nagsalita. "Hindi ako papayag sa gusto mong mangyari, dahil akin ka lang Lorraine." May lungkot akong naramdaman. "Imposible ng mangyari ang mga pangarap nating dalawa, dahil nakatakda na akong ikasal sa pinsan mo," malungkot na pahayag ko kay Nathan. Nagbuga muna ng hangin si Nathan bago sumagot. "Huwag mo naman akong isuko, Lorraine. Dahil nakahanda akong ipaglaban ka! Mapatunayan ko lang sa kanila, na ikaw ang tunay kong minamahal!” galit na pahayag ni Nathan Nagsimula na akong umiyak. "Gustuhin ko man, pero marami nang masasaktan,” paliwanag ko. Niyakap ako ni Nathan nang mahigpit. “Lorraine, ipaglalaban ko ang pagmamahal ko para sa ’yo. Hindi ako papayag na mapapunta ka kay Francis.” Humikbi ako kasabay nang pagpatak ng aking mga luha. "Gagawin ko lang ang makakabuti para sa lahat. Kahit kapalit pa nito'y kamatayan ng aking puso.” “Babe, tumingin ka sa mga mata ko,” utos sa akin ni Nathan. Tumingin ako kay Nathan at kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Halos madurog ang puso ko, dahil nasasaktan ito nang dahil sa desisyon ko. “Babe,” tanging nasabi ko habang nakatitig sa kanya. “Lorrraine, makinig ka sa akin. Hindi mo kailangang magsakripisyo para sa akin,” sabi ni Nathan habang hawak nito ang aking magkabilang pisngi. "I'm sorry, Babe," maikling sagot ko. Napilitan akong pumayag sa kagustuhan ng sarili kong ama kapalit ang kaligtasan ni Nathan, ang lalaking tunay kong minamahal. Niyakap ako ni Nathan nang mahigpit. "Hindi man ito ang tamang panahon para sa ating dalawa, pero babalik ako para bawiin ka," bulong ni Nathan sa aking tainga. Isang pangako ang iniwan sa akin ni Nathan. Siya'y babalik upang ako ay bawiin kay Francis, sa lalaking aking papakasalan. Habang hinahaplos ko ang mga braso ni Nathan ay nag-iwan ako ng isang pangako. “ Nathan, hihintayin ko ang iyong pagbabalik. Dahil mahal na mahal kita.” Hindi nagtagal ay sumapit na ang oras nang pag-alis ni Nathan. Hinabol ko si Nathan at niyakap ko siya mula sa kanyang likuran. “Nathan, huwag ka nang umalis. Huwag mo akong iwan," pakiusap ko habang umiiyak. Tinanggal nito ang pagkakayakap ko sa kaniya. “Abby, Joyce, Laya, Clarice, kayo nang bahala kay Lorraine,” utos niya sa aming mga kaibigan. Walang tigil ang mga mata ko sa pag-iyak. “Nathan, bumalik ka sa akin, Huwag mo akong iwan,” sabi ko habang umiiyak. Sobrang sakit sa dibdib ang makitang papalayo ang aking minamahal. Sa araw nang kasal ko kay Francis, ay papatayin ko ang aking puso. Kasabay ng galit na nabuo sa aking dibdib para sa aking ama. "Nagawa mo na ang gusto mo! Pero, ito ang tatandaan mo! Ang araw na ito ay kamatayan para sa akin!" galit kong sigaw sa aking ama pero nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Isang sumpa ang aking binitawan ngayon sa harap ng simbahan. “Isinusumpa ko na muli kong bubuhayin ang aking puso sa pagbabalik ng lalaking mahal ko.” Nang malaman ni Francis na ipinagbubuntis ko ang anak namin ni Nathan ay naging miserable ang buhay ko. "Aray ko! Francis, nasasaktan ako," daing ko sa kaniya. Pinagsasampal ako ni Francis. “Tama lang 'yan sa 'yo, Lorraine! Dahil isa kang disgrasyada! Sisiguraduhin ko sa 'yo na magiging miserable ang buhay mo sa akin!" galit niyang sigaw. Napaiyak na lamang ako. "Bakit ang ilap sa akin ng tadhana?" bulong ko sa aking sarili.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Contract - Tagalog

read
753.3K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.4K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
852.1K
bc

Fight for my son's right

read
146.5K
bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
308.5K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.0K
bc

Unwanted

read
509.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook