bc

THE CUDDLER (Tagalog / Filipino)

book_age16+
8.1K
FOLLOW
46.5K
READ
one-night stand
arrogant
drama
sweet
icy
enimies to lovers
secrets
lonely
nanny
waitress
like
intro-logo
Blurb

Isang paid volunteer cuddler sa isang orphanage sa Maynila si Mariyahana. And she has a very special task, iyon ay ang yakapin ang mga bagong silang na sanggol na inabandona o namatayan ng mga ina.

Mahigit dalawang taon na niyang ginagawa ang trabahong iyon at ito ang unang pagkakataon na kukuhanin ang eksklusibong serbisyo niya para maging full time cuddler ng sanggol na si Liby.

For her, it's her chance to save money since she will be paid handsomely. Yayakapin lang naman ang baby, no biggie!

Not until she meets Ethan. Ang suplado at ipinaglihi yata sa sama ng loob na tiyo ni Liby.

And what's even worse? He hates her even more nang maalala nitong nagsanga na ang landas nila years ago... noong nasa Amerika pa siya at kontrabida sa buhay ng bestfriend niya.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
NEW York, United States of America. December 29, 2015. Palihim na hinila ni May si Jack sa isang sulok ng Jupiter Disco nang bumaba ito mula sa stage para sa quick break ng banda. Siksikan, maingay at magaslaw ang iba’t ibang kulay ng ilaw na pumapailanlang sa disco club na iyon kaya hindi naging agaw-pansin ang mabilisang pagpunta ng dalawa sa sa gawi ng ladies’ room. They were already kissing and touching even on the hallway. Saglit na pumasok si May sa loob ng banyo at nang masiguradong walang tao roon ay mabilis niyang hinila ang nakangising binata saka ito patulak na pinapasok sa loob ng panghuling cubicle. Kaagad niya itong sinibasib ng halik habang abala naman ang isang kamay niya sa pagla-lock ng pinto ng cubicle. Both of them were on fire. Ang bawat halik, bawat haplos at bawat ungol na pinagsasaluhan nila ay lalong nakapagpapaigting ng init sa buong katawan niya. Yes, she’s affected by what they were doing but she was still on her right mind on what she needed to do and the reason why she was doing that. Hingal-kabayo sila nang tumigil sila paghahalikan nang marinig nila ang pagpasok ng ilang grupo ng babae sa loob ng banyo. She stopped briefly then grabbed him again to kiss him. She intended to do that. She didn’t mind. Gusto nga niya ay may makakita sa kanila ng lalaki. That was her evil plan to say the least. Malandi niyang tinitigan ang pawisang lalaki saka pinagapang ang makasalanang kamay sa dibdib nito pababa sana sa pagitan ng hita nito ngunit mabilis siya nitong pinigilan saka binulungan. “Are you crazy, May? Not here. Not now,” mariing anas nito bago siya hinalikan nang marubdob pagkatapos ay mabilis na dumistansya sa kaniya nang muling sumara ang pintuan ng banyo paglabas ng mga babae saka nito inayos ang sarili. “Why not? ‘Di ba matagal mo nang gustong gawin ‘to? To play with me? Felicity is not here, this is our chance… walang makakaalam. I promise,” nanghihikayat niyang sambit habang namumungay ang mga mata niya. “Are you crazy? The band is out there! Do you think they’ll just keep quiet and will not say a thing to Felicity?” Pinanlakihan siya nito ng mata saka mahigpit na hinawakan ang kamay niya nang muli niyang tangkaing hawakan ang p*gkalalaki nito. “Stop this. Later, after the gig, let’s meet outside, okay? Now, I need to get back out there. Lumabas ka muna at tingnan mo kung may tao sa labas at baka hinahanap na ako nina Leo,” anas nito at tukoy sa main guitarist ng banda. Ngumuso siya saka napilatang mag-ayos din ng sarili. Lumabas siya ng banyo saka bumalik sa loob nang masigurong walang tao sa labas. “You’re free to go,” nakasimangot niyang sabi dahil nga napurnada ang balak niya. Kaagad na lumabas ng cubicle si Jack bago siya muling hinalikan sa labi saka lumingon sa kaniya nang nasa may pintuan na ito ng banyo. “You’re such a tease, you know that, right?” anito saka umiling-iling na lumabas ng banyo. She heaved a deep sigh as she watched him walk away from her then turned around. She released another sigh then looked up. Was it a sigh of relief? Well, somehow… probably. Muntik pa niyang matabig ang lalaking nakasalubong sa hallway nang muli siyang bumaling pagawi palabas ng hallway. Mataman itong tumitig sa kaniya saka lumipat ang amused na tingin kay Jack na noo’y halos nasa dulo na ng hallway. Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan nito at halos lumuwa ang mga mata niya pagkakita sa noo’y kausap ni Jack. It was Felicity, her best friend! And she needed to think fast lalo nan ang mapansin niyang padako ang tingin ng mga ito sa gawi niya. Kaagad niyang hinablot ang lalaking nakatayo sa harapan niya saka umangkla sa batok nito at walang pasabi itong hinalikan bago pa man siya nakilala ni Felicity. There was an obvious resistance from the strange man, but it suddenly changed after a few seconds. He responded with equal heat and passion. She must be crazy but that brief moment actually turned her on that she almost lost her ability to think. Halos lunod na siya sa hindi mawaring sensasyong lumulukob sa buong pagkatao niya nang marinig ang patanong na tinig mula sa gilid nila. “E-Ethan?” hindi makapaniwalang bulalas ng babae. “What the hell!” asik ng lalaki sa kaniya matapos na marinig ang tinig ng babae saka siya nito itinulak at mabilis na dumistansya sa kaniya bago binalingan ang babaeng napasinghap ang babae nang makumpirma ang kutob matapos makilala nang husto ang lalaking kanina ay kahalikan niya. “H-Hazel…” anas ng kaharap na lalaki na tila ba nawalan na ng kulay ang mukha na kaagad niyang napansin. Maang siyang lumingon sa babae na noon ay nakatakip ang kamay sa bibig habang umiiing-iling at bakas ang disappointment sa mukha. Bumaling siya sa kaharap na noon ay tila ba pinagbagsakan ng langit at lupa ang hitsura. Noon niya na-realize na magkarelasyon ang dalawa. Sinubukang lumapit ng lalaki sa babae ngunit mabilis na umatras ang babae. “D-Don’t come near me!” namamaos na wika nito na hindi naman nakaligtas sa pandinig niya. “Haze—” Hinawakan ng lalaki ang braso ng babae para ito tumigil sa paghakbang. “D-Don’t talk to me!” Matatag na iwinaksi ng babae ang pagkakahawak dito ng lalaki bago magkasalubong ang mga kilay na tumingin sa kaniya. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito kaya mabilis siyang nagbaba ng tingin. Kaagad siyang na-guilty sa ginawa niya. “B-Babe, it’s not what you think—” pasimulang paliwanag sana ng lalaki ngunit isang malutong na sampal ang ibinigay nito sa lalaki na nakapagpabaling muli ng mukha niya sa mga ito at nakapagpagitla sa kaniya. “We’re done! And don’t you dare follow me!” galit na sambit nito bago siya pinukulan nang nakahihiwang tingin at saka nagmartsa palayo sa kanila. Tila ba natulos sa kinatatayuan nito ang lalaki habang nakatitig sa papalayong nobya. “I-I’m s-sorry,” nahihiyang usal niya. “This is all your fault, you wh*re!” galit na wika nito habang nakatiim ang mga bagang bago dali-daling sinundan ang babae papalabas ng disco club. Napapikit siya nang mariin saka napasandal sa pader. She must be crazy! She just flew thousands of miles to steal away Jack from her best friend, Felicity, but suddenly changed her mind as soon as she saw Felicity. Instead, she randomly grabbed and kissed a guy who turned out to have a girlfriend and caught them kissing! Yeah! She’s a wh*re! She’s a b*tch for making everyone else’s life miserable! Nandamay pa siya nang walang kamuwang-muwang na lalaki at nanakit ng kapwa niya babae! She heaved a deep sigh to compose herself and walked out from the hallway after a few minuted. She finally decided to just leave that disco bar before Felicity finds out that she’s there. She looked back at the stage before she gets out from that f**k*ng door and how she wished she didn’t… because she just witnessed the moment that she wished she could stop. Sa gitna ng stage ay nakatayo si Felicity habang nakaluhod ang isang tuhod ni Jack. The bastard is actually proposing to her best friend after their almost-make-out! And to make the matter worse, Felicity said yes without a bit of hesitation! God knows how she wanted to run towards the stage and take Jack away from Felicity. Yet again, she couldn’t… she couldn’t take away that smile and happiness she saw in her best friend’s eyes. Gusto niyang sampalin ang sarili niya. How could she even possibly think of ruining that precious moment that she knew Felicity dreamt of ever since she was little? The staggering pain and guilt were overwhelming that she needed to get out of there right then and there before she gets crazy and does something she’ll regret after. She hailed a cab as soon as she got out of the bar, but before she could even get inside the cab, her arms was grabbed by a man, took her out of the cab, dragged her and pushed her inside a black car that was parked right in front of the disco club. “Hey!” sigaw niya bago pa siya makapasok sa loob ng nakaparadang kotse. Magrereklamo pa sana siya ngunit naumid ang dila niya nang sa pag-angat ng mukha niya ay ang nagbabagang mga mata ng lalaki ang sumalubong sa kaniya. “Get your ass inside or else, you’ll be sorry!” banta nito saka siya muling itinulak papasok ng passenger seat, isinara ang pintuan ng kotse saka mabilis na sumakay sa driver’s seat. ‘Oh, holy crap!’ sa loob-loob niya saka nagpakawala nang malalim na hininga bago bumaling sa galit na lalaki. “L-Look, I’m sorry, okay? I had no choice but to—” Sinubukan niyang magpaliwanag ngunit isang matalim na tingin lang ang isinagot nito sa kaniya na para bang nag-uutos na tumahimik siya, pagdaka’y tiim-bagang na tumingin sa kalsada habang mahigpit ang pagkakahawak sa manibela. “Seat belt,” madilim ang mukhang sambit nito. Napalunok siya. Hindi niya alam kung dahil ba nagdulot ng pagtaas ng kaniyang balahibo ang lalim ng boses nito o dahil sa kaba na nararamdaman niya sapagkat halatang nagpipigil lang ito ng galit at ano mang oras ay maaari itong sumabog? “Seat belt!” ulit nito sa iritadong tono. Agad-agad naman niyang tumalima sa pagkakabit ng seat belt nang matauhan siya bago pa lang nito pinasibad ang sasakyan. “Bakit ba kasi biglang lumitaw si Felicity, eh!” bulong niya sa sarili saka nagpakawala nang malalim na hininga. Ipinikit niya ang mga mata saka inalala ang eksenang nasaksihan kanina sa disco bar. Ang kaninang guilt ay napalitan ng pagkainis… na agad ring napaibabawan ng takot sa katabing lalaki nang ‘di sinasadya ay magtagpo ang mga mata nila nang tumigil ito sa pagmamaneho dahil sa pagpula ng stoplight at siya namang pagtingin niya rito. This man is obviously mad. As in, mad beyond the meaning of the word. Kulang na lang ay umusok ang ilong nito at mistulan itong bulkang sasabog ang bumbunan nito. Kaagad siyang napaiwas ng tingin dito at napalunok pagdakay nanahimik na lamang nang muli nitong ibinalik ang atensyon sa kalsada at nagsimula nang umusad ang sasakyan. Hindi siya madaling matakot. Hindi ba’t siya nga ang mahilig manakot simula noong high school pa lamang siya? She used to be a bully back in the days, ngunit sa pagtitig niya sa lalaking katabi sa sasakyan, pakiramdam niya ay titiklop ang tapang niya. Nag-ipon siyang muli ng hangin sa dibdib at saka ipinikit nang bahagya ang kaniyang mga mata. “Please, Lord. Kung papatayin ako ng lalaking ito, huwag po sana niyang suntukin ang mukha ko. Gusto kong maganda pa rin ako kapag humarap kay San Pedro,” usal niya habang magkasalikop ang dalawang kamay na tila nagdarasal. Pagdilat niya at pagtingin muli rito ay sakto namang nakita niya ang pagkibot ng labi nito at ang pagtiim ng bagang nito habang ang mga mata at matalim na nakatingin sa kalsada. Mayamaya pa ay marahas nitong itinigil ang sasakyan sa isang madilim na bahagi ng daan na binabagtas nila. Awtomatikong gumapang ang kaba sa dibdib niya lalo at mangilan-ngilan lamang ang mga sasakyan na dumaraan doon. Naniningkit ang mga mata nitong bumaling sa kaniya habang ang mga braso nito ay namumutok ang ugat habang nakahawak sa manibela. “You’ll do as I say. You’ll come with me and explain everything to my girlfriend about your li’l game,” pigil ang galit na pahayag nito. Tumaas ang kilay niya. Napalitan ng amusement ang kanina’y takot niya rito. Kahit pa napakatapang at suplado ng hitsura nito, naaninag niya ang lambot sa mukha nito nang banggitin nito ang salitang ‘girlfriend’. She heaved a sigh then spoke to explain. Sinamahan pa niya ng pagkumpas ng kamay niya ang pagpapaliwanag rito para i-emphasize ang nais iparating sa lalaki. “Look, I’m sorry about what I did. It was not intentional, okay? So—” “Quit explaining to me. Tell that to my girlfriend!” kunot-noong putol nito sa balak sana ay pagpapa-cute niya. “I’m warning you, behave yourself or you’ll be sorry!” banta ulit nito sa kaniya saka muling pinaharurot ang sasakyan. Pagdating nila sa tapat ng Roosevelt Hotel ay mabilis itong umibis ng kotse at iginiya siyang papalabas bago nito ibinigay ang susi ng sasakyan sa valet driver na sumalubong sa kanila. “Could you please let go of me?” inis niyang turan dito saka niya binawi ang kaniyang kamay mula sa mahigpit na pagkakahawak nito. “Para namang makakatakbo ako!” mahinang patuloy niya sa sarili saka ito sinamaan ng tingin. “I will not run, okay!” He also glared at her then exhaled sharply. “Fine! I’m warning you, don’t you dare do crazy things or I swear you’ll regret that we ever crossed paths,” anito saka humugot ng hininga bago humakbang habang nanatiling attentive sa maaaring pagtakas niya. “Geez! Chill! I’ll talk to your girlfriend, all right!” singhal niya saka ito inirapan. Pinag-krus niya ang mga kamay niya sa dibdib niya bago sumabay sa paglalakad nito. “Guwapo nga, sobrang suplado naman! Ay naku!” pabulong na hirit niya na ikinalingon nito. Sinimangutan niya lang ito saka siya nagpatiuna na sa paglalakad bago pa siya makapagsalita nang hindi maganda. Iiling-iling naman itong sumunod sa kaniya at talagang ipinamumukha sa kaniya na hindi siya makakatakas dito habang nasa elevator sila. Pagdating sa eighth floor ay tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. His towering height made her gasped for a while. Hindi naman siya kaliitan. She’s 5’6” at average lang din naman ang built ng pangangatawan niya. And being in front of this man somehow makes her heart beat faster than a speeding cheetah and makes her eat her own words that she was about to tell him. Bumalik lang siya sa sarili niya nang pumitik ito sa tapat ng mukha niya. “What!” singhal nito sa kaniya. She cleared her throat then swallowed a lump. “Which room?” usisa niya saka iniwasan ang tingin nito. “809,” pakling tugon nito. Mabilis niya itong tinalikuran at hinanap ang kuwartong sinabi nito. Nang makita ang kuwarto ay nilingon niya ang lalaki na noo’y nasa may gilid niya na mismo. The door was not locked na ikinakunot ng noo nito. Muli siyang bumaling sa awang ng pintuan at sumilip doon saka humarap sa lalaki. “I-I think I should go,” alanganing sabi niya sa lalaki na lalong ikinalalim ng gitla sa noo nito. “What the f*ck—” anito saka akmang lalapit sa pintuan ng guestroom nang binirahan niya ng takbo papunta sa noo’y pasara nang elevator. Kitang-kita niya ang pag-aapoy sa galit ng lalaki nang maabutan siya nito sa elevator bago iyon sumara. He just kept himself from bursting out because of some guests that were already inside the elevator. Bahagya pa siyang napapikit nang maramdaman ang halos pagbaon ng daliri ng lalaki sa braso niya at hindi nga naglipat saglit ay halos kaladkarin siya nito sa may lobby bago siya pinaupo sa isa sa mga sofa na naroon. Pinukulan siya nito ng tingin na para bang nagbibigay ng warning sa kaniya saka nito kinuha ang telepono at tumawag sa kung sino. Naging malikot naman ang mata niya at mabilis na naghanap ng pupuwedeng taguan kung sakaling tumakbo man siya papalayo rito. “Yes, Kuya? Nandiyan na siya?” sagot nito sa diretso at matatas na tagalog. Tila tumigil ang mundo niya nang marinig ang pakikipag-usap nito sa telepono, dahilan para tingnan niya ito sa nanlalaking mga mata. Para bang tinakasan ng dugo ang mukha niya habang nakatitig sa lalaki. Truth be told, ni sa hinagap ay hindi niya inakalang Pilipino pala ito dahil sa accent nitong American English kanina, idagdag pa ang Hispanic na histura nito na tila ba younger version ni Antonio Banderas. Biglang namula ang mukha niya nang maalala ang iniusal na dasal kanina at mga malalakas na bulong sa pag-aakalang hindi naman nito naiintindihan ang mga pinagsasabi niya. ‘Lord, please, palubugin mo na po ako! Nakakahiya!’ naghuhumiyaw na sambit ng isip niya saka umiwas ng tingin dito. “Okay, stay with her, I’m coming—” Hindi na nito naituloy pa ang sasabihin nang tabigin niya ang hawak nitong cellphone sabay karipas niya ng takbo. She took that chance to run away from him as fast as possible. She didn’t look back. She needed to get out of there on one way or another. Kailangan na niyang umuwi sa Pilipinas bago pa niya maipahamak nang tuluyan ang sarili sa Amerika.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A night with Mr. CEO

read
175.3K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
475.6K
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.2K
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
441.9K
bc

The ex-girlfriend

read
138.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook