bc

His Sugar Mommy (Cougar Series #4)

book_age18+
4.6K
FOLLOW
20.4K
READ
stalker
sex
bxg
witty
tortured
passionate
like
intro-logo
Blurb

WARNING: MATURE CONTENT-R18+

Salvi Del Fabian. Sa edad na tatlumpu’t lima ay wala nang ibang hinihiling kundi ang maging masaya sa buhay niya matapos na makabalik muli sa Pilipinas. Sa likod ng mga ngiti at masayahing mukha ay nakatago ang isang masalimuot niyang nakaraan. Buong akala nga niya ay magiging mag-isa na lang siya habambuhay.

Subalit sa hindi inaasahang pangyayari ay nakilala niya ang lalaking magpapabago sa kaniyang pananaw. She had never done something crazy in her entire life, but when it came to Sebastian Galvez, kahit ang maging stalker ay ginawa niya. She did ridiculous things na ang naging ending ay ipinakulong pa siya ni Sebastian.

Salvi did not give up though until she had him. She thought everything was going fine with Sebastian, but someone in her past came back as a nightmare.

Will Salvi and Sebastian choose to stay together or will they just give up from each other?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Napatingin sa labas ng bintana si Salvi para tingnan kung umalis na ba ang sasakyan ng asawa niya. Nakita niyang may binilin ito sa bodyguard bago ito pumasok ng sasakyan. Alam naman niyang siya ang binilin nito. Kung ano ang mga kinikilos niya o sino ang kinakausap niya ay magre-report ito kay Cristobal. Nang makitang umalis na ito ay agad siyang nagtungo sa cabinet niya para kunin ang matagal na niyang tinatago. Inilibas niya ang mga litrato kung saan ang ebidensyang minamaltrato siya ng asawa at ang mga papeles na kailangan niya. Tumawag na siya ng Attorney para mabilis ang pag-asikaso ng divorce papers niya. Nilagay niya sa envelope ang mga papeles at litrato para ilagay sa bag niya. Aalis siya ngayon para makipagkita sa attorney. Gusto na niyang kumalas kay Cristobal. Pagod na siya sa ganitong pamumuhay. Para na siyang mababaliw sa kakaisip kung ano ang kinahihinatnan niya sa susunod na araw. Kakalas na siya rito dahil tapos na ang obligasyon niya sa pagtulong sa ama. Kahit paano ay nakita niyang naging maayos ang negosyo ni ama kaya pwede na siyang umalis. Pagod na siyang maging battered wife sa asawang obsess sa kanya at paninipula ng buhay niya. Lumabas na siya ng silid niya pagkatapos niyang ayusin ang mga kailangan niya. Natawagan na rin niya ang kanyang Attorney kung saan sila magkikita. Kapatid ito ng kaibigan niya kaya naintindihan nito ang sitwasyon niya. Maghihintay ito sa isang private room sa isa sa restaurant. Nagpa-reserve na din siya doon na iba ang pangalan ang ginamit niya. Mahirap na baka malaman pa ng asawa na may ginagawa siyang hindi nito magustuhan. "Where are you going, Ma'am?" tanong ng bodyguard/driver niya. " We will be going to Moon's Restaurant to meet my friend." Nilagpasan niya ito at naunang naglakad patungong labas ng bahay. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa bag niya baka mabitawan niya ito dahil sa kabang naramdaman niya. Dapat hindi nito mahalatang may gagawin siyang hindi gusto ng asawa. Baka maudlot ang pag-file niya ng divorce. Pinagbuksan kaagad siya ng pintuan ng sasakyan at pumasok na siya. Nagbigay siya ng mensahe kay Attorney Alex na papunta na siya sa restaurant. Nakatitig lang siya sa cellphone niya at hindi mapakali sa kanyang kinauupuan. Bawat minutong nagdaan ay sobrang kabog ng dibdib niya dahil sa kaba. Hindi dapat maudlot ang kung ano ang plano niya. Ayaw na niyang manatili sa asawang kinokontrol ang buhay niya. Tahimik lang siya sa likod ng sasakyan habang nakatingin sa labas ng bintana. Iniisip ang mga taong inaagrabyado ng asawa dahil sa pagtulong sa kanya. Gusto niyang sumbatan, sigawan, at patayin ang asawa dahil sa kahayupang ginagawa nito sa buhay niya. Pati ang mga kaibigan niya'y dinadamay nito. Kaya siya na ang umiiwas sa mga kaibigan para hindi na maulit na mapahamak pa ang mga ito. Mas mabuting siya lang ang nakaranas sa pagmamalupit ng asawa niya. Hindi niya akalain na aabot pa siya sa isang taong pagmamalupit ng asawa. Hindi niya lubos maisip na maging manhid na siya sa nangyayari sa buhay niya. Tinatanggap niya ang pagmamalupit ni Cristobal. Ang pang-aabuso sa kanya dahil sa ayaw nitong makitang may iba siyang kinakausap na lalaki at pagkokontrol ng buhay niya. Siguro, nakaya niya ang mga ginagawa ni Cristobal dahil sa importanteng mga tao sa buhay niya. Nananatiling matatag para sa ama niya dahil gusto niyang makatulong sa negosyo nito. "Ma'am, we are here." Napatingin siya sa labas at nakita niyang nasa Moon's Restaurant na sila. Bago siya lumabas ng kotse ay sinabihan niya itong siya lang ang papasok at maghihintay na lang ito sa labas. Hindi na muna siya nito pinalabas dahil tinawagan nito si Cristobal. "Sir, we are here at Moon's Restaurant. Yes, sir… It's okay if she can go by herself? Okay, sir." Pinutol na nito ang tawag bago siya nito tiningnan. " You can go now, Ma'am." Nakahinga siya ng malalim at lumabas na siya ng kotse. Pagkalabas niya ay agad siyang naglakad patungo sa restaurant. Pasimpleng lumingon siya sa kanyang likuran at nakita niyang pina-park nito ang sasakyan sa 'di kalayuan. Tuloy-tuloy na siyang pumasok sa loob ng restaurant at agad siyang tinanong ng staff kung may nagpa-reserve ba siyang mesa. Sinabi niya rito na may pina-reserve siyang isang private room. "What's your name, Ma'am?" '' Fiona Smith," sabi niya sa pekeng pangalan. Kaagad siya nitong hinatid kung saan ang private room na inuukopa niya. Bawat hakbang niya ay nagagalak na siyang makausap ang abogado niya. Makakalaya na rin siya sa asawa. Pagpasok niya sa loob ay agad ng bumati sa kanya si Alex Reyes, ang magiging abogado niya. "Ready na ba ang mga papeles na kailangan ko?" Nakangiting tumango siya rito at kinuha sa bag ang envelope. "Hi, Alex. Oo, ready na ang mga kailangan mo." Binuksan nito ang envelope at tiningnan ang laman. Nakita niya ang pag-igting ng panga nito. "Bibilisan ko ang pag-process nito para makalaya ka na sa kanya. Ipapasa ko ito sa judge para ilang linggo, pwede ka ng umalis sa pamamahay ni Cristobal" Tumulo ang kanyang luha sa sinabi nito. Sobrang saya niya nang marinig iyon. Gusto na talaga niyang makalaya sa pagmamalupit ng asawa. Kahit paano napanatag na ang kalooban niya dahil may tumulong sa kanya sa pag-process ng divorce papers niya. Ang kaibigan niyang si Tasha lang pinagsasabihan niya tungkol rito. Wala ng ibang nakakaalam sa desisyon niya na makipaghiwalay sa asawa. Pati ama niya ay walang alam sa nangyayari. Tinikom lang niya ang bibig para hindi ito mapahamak. Hindi ito pwedeng mabigla sa kanyang kinahihinatnan. Baka atakihin na naman ito kapag nalaman ang sitwasyon niya. "Thank you, Alex. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin kapag walang tumulong sa akin. Sobrang saya ko ngayon, pwede na akong makalaya sa asawa ko." Umiiling ito sa kanya. "Don't thank me, si Tasha dapat ang sabihan mo niyan. Palagi niyang sinasabi sa akin na tulungan kita. Hindi niya ako titigilan hangga't hindi ako pumayag. Inuna kita kasi gusto kong matulungan ka na makalaya ka na sa asawa mo." Akmang magsasalita na sana siya ng biglang tumawag sa kanya ang asawa. "My husband." Tumango si Alex sa kanya. "Answer it." "Hello." [Sinong kasama mo diyan sa private room?] "I'm with Tasha." Natahimik ito sa kabilang linya. Hindi nito pwedeng malaman na iba ang kasama niya. Kumuha siya ng papel sa bag at ballpen. Isinulat niya sa papel na 'Send message to Tasha na she's with me' binigay niya kay Alex. Kinuha naman nito ang papel at binasa iyon. Tumango ito sa sinabi niya at agad na nag-send ng message kay Tasha. [Are you sure? Kapag nalaman kong may ginagawa kang hindi ko gusto. You know what will happened to you."] He ended the call. Napahinga siya ng malalim at napatitig kay Alex. "I need to go now, Alex. Baka pupunta rito si Cristobal." "Take care of yourself and don't worry, bibilisan ko ang pag-process nito. You can go now." She text the driver na aalis na sila, bago siya lumabas ng private room. Napalingon siya sa paligid para tingnan kung nandito ba si Cristobal. Nakahinga siya ng malalim na walang bakas ni Cristobal ang nandito. Naglakad na siya patungo sa labas ng restaurant. Magiging mapanatag ang kalooban niya na makakalaya rin siya sa asawa. Maghihintay na lang siya kung kailan tatawag ang abogado niya. Nakita niya sa labas na naghihintay na sa kanya ang driver. Pinagbuksan siya ng pintuan at pumasok na siya sa loob. She looked at her phone when someone messaged her. Salvi smiled when Tasha sent her a message. 'Don't worry, Salvi. Cristobal called me a while ago, he asked me where you were. I told him, you're with me. You forgot to tell me na kasama mo na pala si Alex.' Natawa siya sa nabasa niya. Alam niyang nagtatampo ito sa kanya dahil hindi niya nasabi rito na makikipagkita siya sa kapatid nito. 'Sorry, Tasha. Nakalimutan kong sabihin sa'yo na ngayon ako makikipagkita sa kapatid mo. It's urgent kasi dahil nakita kong umalis si Cristobal. Salamat pala sa pagtulong mo sa akin.' 'Wala iyon, Salvi. Kaibigan kita kaya dapat tulungan kita. Tinuring na kitang kapatid kaya it's my responsibility to keep you safe.' Napangiti siya sa sinabi nito. Hindi talaga siya nito pinabayaan. Matagal na nitong gustong tulungan siya, pero tumanggi siya dahil ayaw niyang masali pa ito sa problema niya. Nilagay na niya sa bag ang phone niya at tumingin siya sa labas ng bintana. Maghihintay na lang siya ng ilang months para makaalis na siya sa buhay ni Cristobal. Tapos na siya sa mga bagay na alam niyang ikasisira ng buhay niya. Gusto niyang isalba ang sarili sa asawa niya. Baka isang araw, susuko na siya sa laban. One month later, kararating lang niya galing sa bahay ng kanyang ama. Pagpasok niya sa bahay, nadatnan niya sa sala ang ang galit na galit na si Cristobal. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa bag dahil alam niyang may hindi maganda ang mangyayari ngayon. "Cristobal, dumating ka na pala," nakangiwing bungad niya rito. "What is this?" mapanganib ang tono ng boses nito. Napatitig siya sa envelope na hawak nito. Alam na niya kung bakit ito galit. " Anong ibig mong sabihin?" nagmamaangan niyang tanong rito. Kahit alam naman niya ang ibig nitong sabihin. "May balak kang mag-file ng divorce sa akin? Why?" Napangisi siya sa tanong nito. "Bakit? Hindi ba ako pwedeng kumalas sa'yo? Don't asked me why! Because you knew it why I want to divorce you!" Tinapon nito sa pagmumukha niya ang envelope na hawak nito na agad naman niyang sinalo. Tiningnan niya kung ano ang nasa loob. Natuwa siya nang mabasa niya ang nakasaad sa papel. An order issued by a court of law. "Anong akala mo hahayaan kitang kumalas sa akin? Sa akin ka lang, Salvi. Walang ibang lalaki ang makikinabang sa'yo!" Bigla siya nitong kinaladkad patungo sa isang kwarto. Alam niyang pwede siyang mamatay sa oras na ito. "Cristobal! Bitawan mo ako!" sigaw niya rito at pumapalag siya sa pagkakahawak sa hayop niyang asawa. Sinuntok niya ito, pero hindi man lang ito nakaramdam ng sakit. Pilit na kumakalas siya sa pagkakahawak ng asawa, pero mas humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang braso. "Cristobal! Pakawalan mo ako!" Hindi ito nakinig sa sinasabi niya bagkus ay mas lalo nitong binilisan ang lakad nito na muntik siyang madapa. "Ano ba! Bitawan mo ako! Nasasaktan ako!" Napatingin siya sa katulong nila para humingi ng tulong, pero imbes na tulungan siya ay iniwan lang siya ng mga ito. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya ngayon. Walang ibang makakatulong sa kanya kung 'di ang sarili lang niya. Bigla siyang nabuhayan ng loob ng may nakita siyang isang bat malapit sa kanya. Agad niya itong kinuha at hinataw sa likod ni Cristobal kaya napabitaw ito sa kanya. Rinig niyang napamura ito sa ginawa niya, pero hindi na siya lumingon asawa. Nagmamadaling tumakbo siya para makatakas. "Ahhhh!" Napasigaw siya sa sakit ng may humaklit sa buhok niya kaya napatigil siya sa pagtakbo. "You tried to escape from me!" Pinaharap siya nito at isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanya. Napadura siya ng dugo dahil sa lakas ng pagkakasampal ni Cristobal. "Anong akala mo makakalabas ka ng buhay dito?! Sinabi ko na sa'yo, Salvi, akin ka lang!" Hindi niya inaasahan ang sunod nitong ginawa. Sinuntok nito ang tiyan niya kaya napaupo siya sa sahig at napadaing sa sobrang sakit. Namimilipit siya sa sakit na naramdaman niya ngayon. Sunod-sunod ang pagsuntok at pagsampal sa kanya. Hindi niya alam kung makakalabas pa ba siya ng buhay dito. Maybe, Cristobal wants to end her life. He will not allow her to escape from him.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
226.3K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.4K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
268.2K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
962.2K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.3K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
453.9K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
534.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook