bc

One Man To Love

book_age18+
577
FOLLOW
3.2K
READ
second chance
friends to lovers
goodgirl
doctor
drama
sweet
like
intro-logo
Blurb

Sixteen years old pa lang si Frances ay secret crush na niya ang kababatang si Justin.Pinigil niya ang damdamin sa pag-aakalang may gusto rin kay Justin ang Ate Francine niya. Pero nang ligawan ni Justin ang ate niya, nabasted ito. Natuwa si Frances at nanalangin na sana siya naman ang mapansin ng kanyang best friend.

Nang kinailangan ni Justin na pumunta sa Amerika para mag-aral ng Medicine, hindi naputol ang komunikasyon nila. At nang umuwi si Justin para magbakasyon, laking gulat ni Justin nang magtapat ito ng pag-ibig sa kanya. Sinagot naman niya si Justin kahit alam niyang magiging isang long-distance relationship iyon.

Sa buong panahon ng relasyon nila, laging si Frances ang gumagawa ng paraan para magkita sila, nagsasakripisyo, at umuunawa para maging successful ang kanilang relasyon. Idagdag pa ang pagsuporta sa mga pangarap ng boyfriend.

Pero sinubok ang kanilang relasyon. Nang si Frances naman ang humiling ng presensiya at suporta ni Justin sa pamahong kailangang-kailangan niya ito, noon niya napatunayan na hindi siya ang priority ng kanyang boyfriend. At hindi inakala ni Frances na darating ang araw na mapapagod din ang kanyang puso sa pagmamahal kay Justin...

chap-preview
Free preview
Prologue
NAPANGITI nang maluwang si Frances nang makitang nakaparada sa kanilang garahe ang sasakyan ng kaibigang si Justin. Matapos mai – park ng driver nila ang sinasakyan nilang kotse sa tabi ng kotse ni Justin ay kaagad na siyang bumaba mula roon, tila may pakpak ang mga paang naglakad siya papasok sa loob ng kanilang bahay. Nadatnan niyang nakaupo si Justin sa three – seater sofa sa living room nila. “Hi, Frances,” nakangiting bati nito at kaagad na tumayo nang makita siya. Sandali siyang napatanga rito nang makita ang matamis na ngiti nito. Nakalitaw ang malalim na dimple nito sa kaliwang pisngi at tila nangungusap ang asul na mga mata. Fresh na fresh itong tignan sa suot nitong red stripe polo shirt at cream pants. “Hi!” Isang matamis na ngiti ang isinukli niya rito. Lumapit ito sa kanya upang hinalikan siya sa pisngi bilang pagbati dahilan upang maamoy niya ang suwabeng amoy ng ginagamit nitong cologne. Subalit biglang napalis ang ngiti sa kanyang mga labi nang mapagawi ang tingin niya sa center table. Nakapatong kasi roon ang isang boquet ng iba’t – ibang klase ng bulaklak at malaking bar ng imported chocolate. Napabuntong - hininga siya. Ilang beses na ba siyang umasam na sana ay para sa kanya ang mga bulaklak na iyon? Hindi na niya mabilang. Ang Ate Francine kasi ang gusto at kasalukuyang nililigawan nito. At siya ay lihim lang na humahanga rito. “What’s wrong?” kunot – noong tanong nito sa kanya. “Ah, wala,” deny niya. “Pagod lang ako.” “Bakasyon na, ‘di ba? Saan ka ba nanggaling?” “Sa Perfect Petals, marami kasing order ngayon kaya tumulong ako kay Auntie Danna.” Tumango – tango si Justin. Alam nito na may trabaho siya kapag walang pasok sa school. Isang malaki at kilalang flower shop ang Perfect Petals na pag – aari ng Auntie Danna niya, asawa ng nag – iisang kapatid ng kanyang mommy na si Uncle Francis. Bata pa lang siya ay mahilig na siya sa pagtatanim ng bulaklak at pag – aayos niyon. Dose anyos siya nang matuklasan ng Auntie Danna niya ang talento niya sa flower arranging, niregaluhan siya nito ng mga libro tungkol roon at kapag pareho silang libre ay ito mismo ang nagtuturo sa kanya. Nang matuto siya nang husto at matapos payagan ng kanyang mga magulang, tuwing weekends at kapag school vacation ay lagi na siyang tumutulong sa flower shop ng auntie niya.             “Upo ka. Kanina ka pa?”            “Nope. Kadarating ko lang,” tugon nito habang bumabalik sa sofa.           “Orange juice?” tanong pa niya rito.           “Sure!”           “Okay, sandali, ikukuha kita sa kitchen.” Inilapag niya ang dalang bag sa isang silya at nagtungo sa kusina. Nakasanayan na niyang personal na asikasuhin ang binata kapag nagpupunta sa kanila.           “Para ba ‘yan kay Justin, Karen?” tanong niya sa nadatnang bagong kasambahay nila sa kusina.  Kasalukuyan itong nagsasalin ng concentrated orange juice sa isang malaking baso.           “Opo, senyorita,” tugon nito.           “Oh, kapag para kay Justin, fresh orange dapat, ha. Ako na ang gagawa, pakilabas na lang ‘yong bin-ake kong fruit cake kagabi sa ref,” utos niya rito.           Tumalima naman si Karen. Ilang sandali pa ay pabalik na siya sa living room, dala ang merienda ni Justin.           “Wow!” bulalas ni Justin pagkakita sa dala niyang merienda. Kinuha nito sa kanya ang tray at ito na ang nagpatong sa center table.           “Ubusin mo, ‘yan, ha,” aniya habang umuupo sa isang silya sa tapat ng kinauupuan nito.           “Sure, basta ikaw ang naghanda. Nag – merienda ka na ba? Share tayo.”           “Para sa’yo talaga ‘yan. Nag – pizza na kami nina Auntie sa Petals kanina.”          Inumpisahan ni Justin ang pagkain. Napangiti siya nang sunod – sunod ang ginawa nitong pagsubo sa fruit cake na halatang nagustuhan nito iyon.           “You’re really the best, Frances!” papuri nito Isang malapad na ngiti ang itinungon niya rito. Bukod sa pag – aayos ng bulaklak ay mahilig din siyang mag – bake. Plano niyang mag – enroll sa isang Culinary school pagka – graduate niya ng high school sa susunod na taon, pangarap kasi niyang magkaroon ng sarili niyang bakeshop pagdating ng araw. Isasabay niya iyon sa Management course na kukunin niya. Kung magkataon, sa pamilya niya, siya lang ang maiiba na tatahaking career. Pareho may kinalaman sa construction ang mga kurso ng Ate Francine at Kuya Gabe niya, at ang bunso niyang kapatid na si Gian Carlo, kahit na first year high school pa lang ay desididong maging doktor. Nanggaling siya sa pamilya ng mga doktor at inhenyero. Pag – aari ng mga Yuzon, pamilya niya sa father side ang malaki at kilalang construction and design company sa bansa ang YA Builders and Design Incorporated at sa mother side naman ay pag – aari ng mga Ocampo ang isa sa pinakamalaki at modernong ospital sa bansa, ang St. Francis General Hospital. Isang retired sea captain ang Daddy Gino niya na nag – shift ng career sa construction at automotive nang mag – retiro at Dermatologist naman ang Mommy Cheska niya na may limang beauty clinic sa sikat na mga mall kaya nakaririwasa sila sa buhay.  “By the way, pumunta ba rito si Anthony kagabi?” tanong ni Justin matapos nitong uminom ng orange juice. Kaibigan nila si Anthony na anak ng best friend ng daddy niya. Actually, they belonged to a big circle of friends. Ang Daddy Gino niya, ang Mommy Jean ni Justin, ang Daddy Vincent ni Anthony, ang Uncle Francis niya at ibang mga kaibigan ng mga ito ay matalik na magkakaibigan simula pa noong high school kaya mga bata pa lang sila ay magkakakilala na kaya nakabuo rin sila ng sarili nilang barkada.           “Oo, nagpunta rito si Anthony kagabi,” tugon niya. Kasing edad lang ni Justin si Anthony, parehong kaga – graduate lang ng BS Biology at parehong pangarap na maging doktor. Bukod doon ay kapwa masugid na manliligaw ng Ate Francine niya ang dalawang binata.           “Okay,” kibit – balikat na tugon ni Justin. “Hi, Justin!” napalingon sila sa hagdanan nang marinig ang boses ng kanyang kapatid. Kaagad tumayo si Justin nang makitang pababa ng hagdan ang Ate Francine niya. “Sorry natagalan akong bumaba, may tinapos lang ako,” apologetic na sabi ng ate niya kay Justin nang makalapit. “It’s okay, nandito naman si Frances, eh.” Yumuko ang binata at mabilis na kinuha ang bulaklak at tsokolate sa ibabaw ng center table at ibinigay sa ate niya. “For you,” sabi nito. “Thanks!” nakangiting tugon ng ate niya. Kinuha niya ang kanyang bag sa silya at tumayo na. Gusto pa niyang makasama si Justin subalit batid niyang hindi naman siya ang pinuntahan nito sa bahay nila. Ini– entertain lang naman niya si Justin kapag wala pa ang ate dahil solo niya ang atensyon nito. Pero kapag ganoong naroon na ang ate niya ay dapat lang na umalis na siya dahil ang buong atensyon ni Justin ay malilipat na sa ate niya. “Sa taas na muna ako, Justin,” paalam niya. “Okay, thanks sa merienda, Frances,” tugon nito. Tumango lang siya at mabigat ang mga hakbang na naglakad patungo sa hagdanan. Nasa landing na siya paakyat sa second floor nang hindi niya mapigilang lumingon sa sala. Nakita niyang masaya nang nagku – kuwentuhan si Justin at ang ate niya. Napabuntong – hininga siya at ipinagpatuloy ang pag – akyat. Hindi niya alam kung kailan siya nagsimulang makaramdam ng paghanga kay Justin basta ang alam niya, bago pa manligaw ito sa ate niya mahigit isang taon na ang nakakaraan ay gusto na niya ito. Bukod sa guwapo, mabait kasi ito at ubod ng talino. Tambak ang academic awards at trophy nito sa bahay nito at nagtapos na magna c*m laude sa UST. Pareho rin silang homebody at marami rin silang pinagkakasunduan. Pero naniniwala siya na lilipas din ang nararamdaman niya sa binata. She was just turning sixteen, normal lang sa edad niya ang magkaroon ng infatuation. Siguradong mawawala rin iyon kapag sinagot na si Justin ng ate niya.    “DAPAT kasi hindi mo binasted ang Kuya Justin ko para hindi na siya umalis, eh.” Napatigil si Frances sa paglabas ng banyo ng inookopa nilang hotel room ng Ate Francine niya nang marinig ang sinabing iyon ni Janine.            “Janine, kung talagang in love ako sa kuya mo o kay Anthony, matagal ko na sanang sinagot ang isa sa kanila, pero hindi talaga, eh. Mas mabuti na rin ang ginawa ko para hindi na sila umasa, ‘di ba?” narinig niyang tugon ng ate niya. “Let say Justin is boyfriend, hindi ko rin naman s’ya pipigilan sa desisyon niyang mag – aral sa States dahil alam kong mas magiging magaling siyang doktor pagdating ng araw kung doon siya mag – aaral,” patuloy pa ng ate niya. Nagulat siya sa narinig. Si Justin sa States na mag – aaral?           No! tutol ng puso at isipan niya. Itinuloy niya ang paglabas ng banyo at lumapit sa ate niya at kay Janine na kasalukuyang nagre – retouch ng make – up sa harap ng vanity mirror. Debut ng nag – iisang anak na babae ng Uncle Francis at Auntie Danna ni Frances na si Denise na gaganapin sa ballroom hall ng Monteclaro Hotel na pag – aari ng pamilya nina Janine, at pare – pareho silang kasali sa eighteen candles. Kagabi pa sila naka – check – in sa hotel upang doon mag – ayos at bababa na lang sa oras ng party.           “Hahayaan mo talagang umalis ang Kuya Justin ko?” tanong pa ni Janine sa ate niya. Kibit – balikat ang isinagot ng Ate Francine niya rito. Kasalukuyan itong naglalagay ng mascara. “Saan pupunta si Justin, Janine?” kaswal na tanong niya habang kunwari ay may hinahanap sa bag niya.           “Sa Oregon, dumating na kasi ang acceptance letter ni Kuya Justin sa isang university hospital doon kaya doon na siya mag – aaral ng Medicine,” tugon nito na halata sa boses ang kalungkutan.            Hindi siya nakaimik. Gulat na gulat talaga siya sa nalaman. Halos araw – araw naman sila kung mag – usap ni Justin pero bakit wala itong nabanggit sa kanya na gusto nitong mag – aral sa ibang bansa.           “Nakakainis nga, eh,” patuloy pa ni Janine. “Ayoko siyang umalis dahil siguradong matagal siyang mawawala. Siya pa naman ang paborito kong kuya.”                 Ako rin ayoko siyang umalis.           “Sino pa ang magtatanggol sa akin kapag inaasar ako ni Kuya BJ? Sino ang tutulong sa akin sa mga homework ko kapag busy si mommy? At sino pa ang manlilibre sa akin?” sunod – sunod na himutok nito. Si BJ ang twin brother ni Justin. Tulad ni Frances ay apat na magkakapatid din sina Justin. Panganay ang Ate Jane nito, sumunod ang kambal at bunso si Janine na best friend ni Ate Francine.  “Ayun, kaya pala ayaw mong umalis ang kuya mo dahil sarili mo ang iniisip mo,” natatawang sabi ni Francine.            “Kasama na rin ‘yon, ‘no pero siyempre mamimiss ko talaga si Kuya. Ikaw ba, Frances, mamimiss mo si Kuya?” baling ni Janine sa kanya. “O – oo naman. Mababawasan na ang mga taga – ubos ng cake ko,” biro niya upang matakpan ang kalungkutang nararamdaman.            Natawa si Janine at ang ate niya.           Tatlumpung – minuto bago ang party ay bumaba na sina Frances. Kaagad hinanap ng mga mata niya si Justin subalit hindi niya ito nakita sa umpukan ng mga bisita. Nakita na lang niya ito nang magsimula ang eighteen roses at isayaw nito ang pinsan niya. Pagkatapos noon ay muli itong nawala sa paningin niya at hindi na niya alam kung saan ito nagpunta. “Hey, may problema ba? Bakit parang ang lungkot – lungkot mo?” tanong ni Troy habang nagsasayaw sila matapos ang lahat ng seremonyas sa party. “Aalis na kasi si Justin, sa States na raw siya mag – aaral,” tugon niya. “Yeah, narinig ko nga.” “Hindi ko na s’ya makikita, Troy. Mami - miss ko siya.” Isinandig niya ang ulo sa balikat nito. Troy was her best friend. Sa lahat ng mga lalaki sa barkada nila ay dito siya pinakamalapit higit pa sa mga kapatid niya. Magkaklase na kasi sila simula pa kindergarden at pareho rin silang magte - take ng Management course sa Ateneo De Manila University. Pareho silang matured na mag – isip at may pagka – prangka kaya nakasundo nila ang isa’t – isa. Batid nito ang lahat ng sekreto niya at ganoon din ito sa kanya. “It’s okay, Ces. Kapag umalis si Justin, makakatulong ‘yon para mawala na ang infatuation mo sa kanya dahil hindi mo na siya makikita,” tugon nito. Hindi siya kumibo. Gusto niyang mawala ang infatuation niya kay Justin pero ayaw naman niyang umalis ito. “Excuse me, bro.” Awtomatikong napatigil siya sa mabagal na pag – indak nang marinig ang pamilyar na boses. Kumalas siya kay Troy at lumingon. Nakita niya si Justin, nakangiti ito habang nakatingin sa kanya. “Puwede ko bang maisayaw si Frances, bro?” tanong ni Justin kay Troy ngunit sa kanya pa rin nakatingin. “Sure, bro,” tugon ni Troy. At iniwan na sila ng best friend niya.  “You’re so lovely tonight,” papuri ni Justin matapos nitong ipalibot sa baywang niya ang mga braso nito. Naramdaman niya ang bahagyang pamumula ng pisngi niya dahil sa sinabi nito. “Thanks. Ikaw rin, ang guwapo mo ngayon,” tugon niya habang nakahawak ang mga kamay niya sa balikat nito. “Thanks. Anyway, mamimiss ko ang cake at brownies mo.” “Aalis ka talaga?” Nagsimula na naman siyang malungkot. Tumango ito. “Inaayos ko na ang mga papers ko, sa Portland na ako mag – aaral.” Hindi siya nakaimik. “Hey,” untag nito na bahagya pang hinaplos ang pisngi niya. “Wala ka man lang bang sasabihin? Hindi mo man lang ba ako mami - miss?” “Mami - miss. Hindi mo man lang naikuwento sa akin na gusto mong mag – aral sa ibang bansa,” may pagtatampong sabi niya. “My relatives in the States convinced me to apply in a university hospital there. Sinubukan ko lang, Ces, hindi ko naman akalain na makakapasa ako kaya hindi ko na ikinuwento. Ayokong umalis pero mas makakabuti sa akin kung sa States ako mag – aaral. I want to be a top neurosurgeon in the country and in Asia, so decided to go.” “Pero paano ang panliligaw mo sa ate ko?” “I already gave up. Hindi ako gusto ng ate mo kaya wala na akong magagawa.” Kumakailan lang ay halos sabay na muling binasted ng Ate Francine niya sina Justin at Anthony. Noong una kasi ay hindi sumuko ang dalawa sa panliligaw sa ate niya at nagpatuloy pa rin. Sa pagkakataong iyon ay sumuko na si Justin, ganoon din marahil si Anthony. Lihim pa naman siyang natuwa at nanalangin na sana siya naman ang magustuhan ni Justin, subalit ngayon ay aalis naman ito. Malabo na talaga ang pinapanalangin niya. “Mami - miss talaga kita Frances,” sabi pa nito. “Pero tuwing sembreak uuwi rin ako rito sa atin. At sisiguraduhin ko rin na nandito ako sa debut mo. Ako ang escort mo, ha?” “Sure!” Mabilis niyang tugon na napangiti na. Iyon naman ang gustong – gusto niyang mangyari, iniisip na nga niya kung paano niya iyon hihilingin dito. Mabuti na lang ito na ang nagboluntaryo. Nagkangitian sila. Nang hapitin siya nito upang yakapin ay kuntentong inihilig niya ang mukha sa balikat nito. Siguradong matatagalan bago niya uli magawa iyon.        

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The ex-girlfriend

read
138.6K
bc

Unexpected Romance

read
38.1K
bc

His Precious Property

read
613.6K
bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
316.6K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.1K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.3K
bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
398.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook