bc

The Abyss in Between

book_age16+
70
FOLLOW
1K
READ
dark
space
brave
versatile
twisted
mystery
apocalypse
multiverse
another world
like
intro-logo
Blurb

Kovie's been dreaming of strange things for consecutive days. In her dreams, she dies. But then, it's just dreams. Not until someone who looks exactly like her, who claims to be 'her' from another universe, appears in her room in the middle of the night, with her being unable to move.

She didn't believe it. Or, she didn't want to. But when bad things started to happen, it struck to her. It was true. The other her is dying, and she need to save herself and her other-self in order to save all the people around them.

chap-preview
Free preview
Prologue
Wala akong maalala. Bakit niya ako hinahabol? Sino siya? Ano ang kailangan niya sa akin? Takbo lang ako ng takbo sa gitna ng kawalan. Literal na kawalan dahil kadiliman lang ang nakikita ko sa bawat lingon ko, ang tanging liwanag ng buwan lamang ang nagbibigay ng liwanag sa akin sa pagkita sa bulto ng tao sa likod ko, at sa anino ng mga puno na maaari kong mabangga. "Tigilan mo ako, please!" pagmamakaawa ko ngunit tuloy pa rin ang pagtakbo. Siguradong hingal at pagod na ako dahil walang hinto ang pagtakbo namin mula pa kanina. "Ano bang kailangan mo sa akin?" sigaw ko at bahagyang sinilip ang pigura ng taong sumusunod. Wala itong reaksyon sa mga sinasabi ko kaya naman tinigil ko na ang pakikiusap at itinuon na lang ang pokus sa pagtakbo. Isip, Kovie. Ano ang pwede mong gawin? Naalala ko ang isang lesson na itinuro sa amin sa PE. Ang pagtali at paggawa ng lubid gamit ang mga bagay sa paligid mo. Napansin ko kanina na sa mga pigura ng puno ay may nakalaylay. Maaaring baging ang mga ito. Pero pwede ring ahas ang mga ito. Pero wala na akong pagpipilian. Ano nga ba ang mas ayos, ang matuklaw ng ahas o ang mahuli ng kung sino mang humahabol sa akin? Sa huli, tinanggal ko nalang ang takot ko at nagplano sa utak ng tamang oras ng pagkuha at paghila. Sa nakikita ko'y ang susunod na puno na may baging na mahaba-haba ay malayu-layo pa. Nakahinto akong tumingin sa paligid, tinatantsa kung saan ba dapat dumaan at kailan ba dapat humila. Nagplano at sa utak ko at bumalik na sa pagtakbo. Pagdating ko sa baging, hinila ko ito. Napangiti ako nang madali ko lang itong nahila, para bang walang pwersa ang kinailangan. Ngunit napaisip ako, 'di kaya'y ahas 'to kaya madulas pagkahila? Sa takot ay tinignan ko ang hawak at napansing gumagalaw ito! Ahas nga! Nakakita ako ng tulay, dali-dali akong tumakbo doon upang ilaglag ang ahas sa tubig. Winisik ko ang braso ko para matanggal ang mahigpit na pagpulupot ng ahas sa braso ko, na siyang biglang naging baging nalang nang nakita ko sa mas ayos na liwanag ng poste sa tulay. Teka. Tulay. Ahas. Poste. Ilaw? Bago pa ako makapag-isip, naalala ko ang pinakaproblema ko! Ang humahabol sa akin! At saktong-sakto sa pag-alala ko dito ay may aninong sumakop sa liwanag sa harap ko. Itim. Iyan lang ang masasabi ko. Wala akong ibang makita sa kanya bukod sa itim. Napapikit ako nang iniangat niya ang mga kamay niya, umamba ng ano mang porma ba sa isip ko ay p*******t. Imbis na makaramdam ng sakit, naramdaman ko nalang na nakahawak ako sa kung anong porma ng poste. "Tulong! Please, tulungan niyo ako!" sigaw ko ng may halong hikbi. Umaasa na may magligtas sa akin. Base sa  paligid ko, nasa tulay ako. Sa gilid nito. Nakakapit ako sa posteng disenyo nito upang walang malaglag sa tulay. Paano ako napunta dito? Ang naaalala ko, inatake ako nung humahabol. Hindi kaya'y nadulas ako? Tumingin ako sa paligid, naghahanap ng makakatulong sa akin. Wala ni isang tao dito. Puro puno, kadiliman, at mga hulog na bunga ng isang puno ang nakikita ko. Tagaktak na ang pawis ko at alam kong pagod na pagod na ako. Gaya ng inaasahan ko ay simula nang namawis ang palad ko. Unti-unti, dumudulas ang mahigpit na hawak ko sa tulay. Paliit ng paliit ang hawak, palaki ng palaki ang tsansa na mapabitaw na ako. Nanlaki ang mata ko nang may nakita akong pigura ng tao. Nabuhayan ang dugo ko, bumalik ang diwa at nagkaroon muli ng pag-asa na makakaalis sa sitwasyong ito. O iyon ang akala ko. Mabilis ang lahat ng nangyari. Lumapit ang tao, tinapakan ang kamay ko, sanhi ng pagkabitaw ko. Nanlamig ako at napadilat. Panaginip lang pala ang lahat. Panaginip na naman pala ang lahat. ;

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.5K
bc

Wildly and Desperately (TAGALOG/SPGR18+)

read
631.9K
bc

YOU'RE MINE

read
892.9K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.5K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
272.7K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
469.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook