bc

Tell Me You Love Me

book_age16+
4.1K
FOLLOW
14.0K
READ
others
second chance
playboy
independent
boss
student
bxg
city
office/work place
first love
like
intro-logo
Blurb

She's Sabrina Elene Miracle Madrigal. Mataba, iyakin, at palaging nabu-bully noong elementary at high school student pa lamang siya. Pero sa likod ng kanyang matabang hitsura, nagtatago ang isang magandang mukha na hindi aakalain ng lahat.

Pero ng dahil sa unang beses na siya'y nagmahal at nasaktan, binago niya ang kanyang sarili. Inalagaan na niya ang kanyang katawan, hindi para sa ibang tao kung hindi para sa kanya mismo. Dahil alam niya, danas niya, kung paano makutya dahil lamang sa panlabas na hitsura.

Ngayon ay nagtatrabaho siya bilang isang waitress sa isang sikat na kaininan-ang Hins 'n Lau. Isa siyang working student. Kahit siya ay bente quatro anyos na ay nasa kolehiyo pa rin siya dala ng kahirapan. Kaya naman nagsusumikap siya para makatapos.

Pero paano kung isang araw ay makita niya ang lalaking una niyang inibig at una ring dumurog ng puso niya? Sa ilang taong hindi niya ito nakita, inakala niyang hindi na niya ito mahal..

Pero iyon ang akala niya. Dahil muling tumibok ang puso niya at sa iisang lalaki ulit.

"Sa lahat ng lalaki, bakit siya na naman?" Gulong-gulo ang kaniyang isip. Bakit nga ba?

chap-preview
Free preview
Prologue
"MIRA!" Taranta kong naibaba ang dala kong tray ng pagkain na ilalabas ko sana, ng marinig ko ang pagtawag sa akin ng Head Chef namin. "Po? Chef Lyka?" Tanong ko agad pagkalapit ko sa kaniya. Ngunit inirapan niya lamang ako. Hindi ko alam sa kaniya. Kakapasok ko pa lamang dito sa restaurant na ito at simula unang araw ko ay hindi na maganda ang pakikitungo niya sa akin. Gayong wala naman akong ginagawang mali o masama. "Umakyat ka sa taas, sa third floor, at dalhin mo itong dinner ni Sir Brix." Utos niya. Ako? Ako ang magdadala? At sa amo pa talaga namin? Hindi ko pa nakikita ang amo namin at magiging ngayon ang una naming pagkikita kung sakali. Noong isang araw lang din naman ako nagsimula. Pero bakit ako ang magdadala ng pagkain niya? Araw-araw ay si Crissa ang nagdadala nito. "P-Pero.." usal ko dahil medyo nakakaramdam ako ng kaba. Paano kung magkamali ako sa harap ng boss ko? At masisante agad eh ke-bago-bago ko? O baka yun talaga ang gustong mangyari ng Head Chef namin? May hidden agenda, gano'n? Ayaw niya sakin di 'ba? "Walang pero pero! Hala, bilis! Ke-bago-bago mo, ang kupad kupad mo! Umakyat ka na doon!" Aniyang muli. Napabuntong hininga na lamang ako dahil alam kong wala na akong magagawa. Nahagip ng paningin ko si Crissa na may nakakalokong ngiti sa labi sa isang tabi. Tila natutuwa sa nangyayari. Isa pa ito sa may ayaw sa akin dito. Napabuntong hininga akong muli. Ano pa nga ba? Edi bahala sila sa buhay nila. Binitbit ko ang tray na naglalaman ng pagkain ng amo namin at wala sa sariling pumanhik sa ikatlong palapag. Ang restaurant na ito ay may apat na palapag. Ang una at ikalawang palapag ay restaurant. Ang ikatlong palapag ay espasyo para sa amo namin at ang pang-apat, wala akong ideya. Nakarating ako sa kwarto ni Sir Brix. At ramdam ko ang kaba sa aking dibdib. Kung bakit ba naman kasi ako pa ang nautusan? Jusmiyo. Ano bang kasalanan ko? Humugot ako ng malalim na hininga at saka ito pinakawalan. Kaya mo 'to, Mira! Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan pero wala akong nakuhang sagot mula sa loob. Wala ba dito si Sir Brix? Aalis na ba ako o papasok ako tapos iiwan ko na lang ang pagkain niya? Pwede ba akong pumasok? O bawal? Anong gagawin ko? Wala sa sariling naiumpog ko ang ulo ko sa pintuan, dala ng pagkasiphayo sa aking gagawin, ng bigla naman itong bumukas. Buti na lamang at naibalanse ko agad ang aking katawan dahil kung hindi, nakahalik na ako sa sahig. Dahil nga sa umawang ang pintuan ay nakita ko ang kung anong meron sa loob. Isa itong kwarto. At sa gitna ng kama, doon ko nakita si Sir Brix na mahimbing na natutulog ng nakadapa. Eh, tulog? Dapat ko ba siyang gisingin para kumain o hayaan na lang siyang ganyan? Baka magalit kapag ginising ko. Hala, bahala na. Pumasok ako sa loob. Dahan-dahan lamang ako kung maglakad para hindi makagawa ng ingay. Iiwan ko na lamang dito ang pagkain niya. Tutal yun lang naman ang inutos sakin: ang dalhin ang pagkain niya. Hindi ko na naman siguro problema kung tulog siya, di ba? Inilapag ko sa side table ang tray ng puno ng pag-iingat. Nang mailagay ito ay tumalikod na ako para makaalis na sana. Pero... "Astrid... is that you?" Hindi ako makagalaw dala ng pagkabigla at dahil na rin sa hinawakan ni Sir Brix ang braso ko. Ang boses na iyon... "Astrid.. don't leave me please..." Parang may tumutusok sa dibdib ko sa mga oras na ito. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya iyon. Unti-unting nag-init ang gilid ng aking mga mata. All these years, I thought my feelings are all gone. Pero bakit? Hindi.. baka naman hindi siya yon at kaboses lamang? I took all the courage I've got to turn my head around— Then I saw his face. It's him. Nanghina ang aking tuhod. Ilang taon ko siyang hindi nakita, akala ko ay wala na akong nararamdaman sa kaniya. Pero bakit? Bakit ganito? Ano 'tong nararamdaman ko? Nasasaktan ako. Nagagalit. Naiinis. Hindi ko alam. Halu-halo. Halu-halong emosyon. Hindi pa ba ako nakaka-move on? His droopy eyes are looking at me. I can tell by his eyes that he's drunk. Mapula ito at mapungay. Maging ang kaniyang mukha ay namumula rin. Sumilay ang isang malungkot na ngiti sa kaniyang labi habang nakatingin sa akin. "Sabi ko na, hindi mo ako iiwan eh." Aniya. Unti-unti siyang bumangon hanggang sa makaupo siya. Hindi pa rin niya binibitawan ang braso ko. Habang ako? Ito, blangko. Blangko ang isip at hindi alam ang gagawin. "Astrid..." Bumigat ang kaniyang paghinga. "Astrid... Astrid... mahal kita..." Aniya sabay hila sa akin palapit sa kaniya. He's now hugging me. Astrid... What a beautiful name. Nakarinig ako ng mga hikbi. He's crying? For real? Ang lalaking 'to? Ang manlolokong 'to? Umiiyak? "Astrid.. mahal kita. Wag mo akong iiwan.." saad niya sa pagitan ng kaniyang paghikbi. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung itutulak ko siya palayo at sasabihing hindi ako ang babaeng hinahanap niya o hahayaan na lamang siya. Humigpit ang yakap niya sa bewang ko. "Mahal na mahal kita... Wag mo akong iiwan..." Ang sarap sanang pakinggan ng mga katagang iyon, lalo na kung sakin mismo sasabihin at mula sa kaniya. Pero ngayon, iba na... Hinayaan ko na lamang siya na umiyak habang yakap ako. Kalaunan ay lumuwag ang yakap niya at unti-unting bumagsak ang mga bisig niya. Nakatulog na siya. Inihiga ko siyang muli saka ito kinumutan. Napatitig ako sa mukha niyang pagod. Gwapo pa rin siya, pero mas gwapo siya ngayon. Mapait akong napangiti. Xyl, I never expect to see you here. I never expect that you are my boss. It's good to see you.. again.. after all these years. Tanda mo pa kaya ako? Marahil hindi na. Nagbago na ang hitsura ko. Hindi na ako ang mataba at pangit na babae na kinukutsa ninyo noon. Saglit akong napatigil dahil may napagtanto ako. Tama. Hindi na ako babaeng pinaikot mo noon. Ibang tao na ako. Hinding-hindi na ako muling magpapaloko sayo. Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Tumalikod na ako sa kaniya at naglakad palabas ng kwarto niya. Bago ko isara ang pinto ay sinilip ko muna siya. I'm no longer that Sabby you used to bully. It's nice to meet you, Sir Brix. I said to myself and closed the door and leave.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
41.4K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.1K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.1K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.3K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.3K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook