Share:

ANG BAHAY NG LAGIM (Tagalog)

Author Ajeomma Horror

1227 reads

Sa tuwing nalalapit ang pagdiriwang ng mahal na araw sa San Ronquillo ay hindi na mapakali ang mga naninirahan dito.

Pinaniniwalaang muli na namang makikita ang isang bahay kastila sa pusod ng kagubatang malapit sa kanila.

Muli na naman silang makaririnig ng nakakikilabot na panaghoy sa hatinggabi... na nagmumula sa tinatawag nilang bahay ng Lagim!

At sa pagsapit ng Biyernes Santo kung saan patay raw ang Diyos ay muling magaganap ang isang malagim na kamatayan para sa mga darayo rito.

Sina Aldo, Josh, Butsoy, Reynalyn at Milen ang magkakabarkadang mapupunta sa baryong ito.

Ang NOON at NGAYON ay pagtatagpuin sa isang pagkakataon; sa malagim na sitwasyon.

Totoo nga kaya ang kuwento tungkol sa Bahay Kastila?


Unfold

Tags: CultDarkDramaTragedyTwisted
Latest Updated
FINAL CHAPTER

“LUMABAN ka! Putang ina, Aldo! Sumuntok ka!", sigaw ni Josh habang sumusuntok sa panay lamang salag ilag ng kaibigan.

"Hindi ako lalaban! Alam kong nagkamali ako! Tinatanggap ko ang kaparusahan mo! Balewala ang lahat ng pasa o putok na aabutin ng mukha ko basta mawala lang ang galit mo! Ayokong mawalan ng isang mabuting kaibigan, Pareng J……

Comment