bc

The Mischievous President

book_age16+
5.0K
FOLLOW
20.7K
READ
others
tragedy
comedy
twisted
sweet
humorous
lighthearted
serious
like
intro-logo
Blurb

Paano ba maging isang magaling na leader?

Si Reina Cabales ay isang responsableng class president sa kanilang section, pero wala na siyang balak pang magkaroon ng mas mataas na posisyon para mamuno sa kanilang school. Ngunit nagbago ang kanyang pananaw nang alukin siya ng campus crush na si Harry Vasquez para tumakbo bilang vice president nito.

Sa pag-aakalang doon magsisimula ang love story nila ni Harry, tumakbo siya bilang vice president at pinalad na manalo sa eleksyon. Ngunit ang pangarap niyang makasama ito bilang president ng Student Government Organization ay nagunaw nang lumabas ang resulta ng botohan.

Sa dinami-rami ng mananalong kandidato, si Uno Sebastian pa na mas tamang tawaging ‘panggulo’ dahil sa mga kalokohan nito ang nanalong pangulo ng SGO.

Ang inaakalang magandang panaginip ni Reina ay bigla na lang naging napakasamang bangungot. Sa paghahanap ng paraan para mapatalsik si Uno sa posisyon, hindi inaasahan ni Reina ang katotohanang mahahanap sa bawat kakulitan ng bagong presidente ng SGO.

Masasabi kaya niya ang katagang ‘Don’t judge the book by its cover,’ kapag nalaman na niya ang tunay na mukha sa likod ng makulit na pagkatao ni Uno?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 ILANG minuto na akong nakatingin sa kisame, nagbabakasakaling makakita ng sagot. Sa Itaas na lang ako aasa. Tumingin ako sa harapan kung nasaan si Ma’am Severino. Napakalakas ng loob na magpa-quiz, pero hindi naman nagtuturo. Malapit nang matapos ang oras pero wala pa rin akong nasasagutan. Lumingon ako sa mga kaklase ko. Kitang kita sa kanilang mukha na hindi nila alam ang isasagot. Nagulat kaming lahat nang tumunog ang fire alarm. “Hala!” “May sunog! Class lumabas na tayo,” nababahalang sabi ni Ma’am. “Ma’am, paano po ‘yung quiz?” “Next meeting na lang!” Nagningning ang mga mata ko nang marinig ‘yon. Bad news ang alarm, but good timing. “Yown!” Hiyawan ng mga kaklase ko habang nag-uunahang lumabas ng room. Hinintay ko muna silang makaalis bago ako lumabas. “Reina, labas na! Susunod ako, baka may naiwan pa rito.” Tatango sana ako sa sinabi ni Ma’am nang bigla na lang siyang tumakbo palabas. Napasapo na lang ako sa aking noo. Akala ko susunod si Ma’am pero nauna pa siya sa ‘kin. “Sunog!” rinig kong sigaw mula sa labasan. Paglabas ko ng room ay napansin ko ang isang lalaking kalmadong naglalakad sa corridor. Sumisipol pa ang loko na tila hindi apektado sa nangyayari. “Hoy, Kuya! Pa-chill chill ka pa riyan. May sunog!” sita ko sa kanya. Nahinto siya at kunot-noong tumingin sa ‘kin. Lumingon muna siya sa likod pagkatapos ay tinuro ang sarili niya. “Ako ba ang kausap mo?” tanong nito. Aba! Sino pa ba? “Bahala ka na nga riyan!” Tinalikuran ko na siya at agad na tumakbo palayo rito. Hindi ko na kailangang magsayang ng oras para magpaliwanag sa lalaking ‘yon, lalo na sa ganitong sitwasyon. “Aray naman!” daing ko habang nakahawak sa ‘king pwet na napuruhan. Sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko napansin ang boteng nakakalat kaya naapakan ko ito. “Miss, ayos ka lang?” Kunot-noo akong tumingin sa nagtanong. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang perpektong nilalang. Parang anghel na naparito para iligtas ako. Pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng sakit na naramdaman ko nang Makita ko siya. “E-eto mesheket.” May kaartehan kong sabi. “Huh? Miss?” Agad akong natauhan nang magtanong ulit siya. “May sunoog!” Napalingon kami sa mga estudyanteng nagtatakbuhan. “Iligtas n’yo si Zaku!” sigaw ng fans ng artistang schoolmate namin habang buhat nila ito. “Buhatin na lang kita, Miss.” Nagulat ako nang buhatin ako ng lalaking nasa harapan ko. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil sobrang bilis ng pangyayari. Mukhang pabor din sa akin ang ginagawa niya. “Kapit lang dahil tatakbo ako.” Mahigpit akong napakapit ng tumakbo siya nang mabilis. Nakatitig lang ako sa kanya habang buhat-buhat niya ako. Parang katulad nito ang mga napapanood ko at nababasang romantic story. Isang bayani o kaya tagapagligtas ang kanyang dating sa ‘kin. Kahit hindi niya ako kilala ay tinulungan niya pa rin ako. Hindi lang siya magandang lalaki, mabuti rin siya. Tiningnan ko ang ID na kanyang suot para malaman ang kanyang pangalan. Harry Vasquez. “Nandito na tayo,” hingal na wika niya. Tumingin ako sa harap. Nandito na kami sa labas ng school kasama ang iba pang estudyante pati na rin ang mga guro. Dahan-dahan niya akong ibinaba. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. “Sal—” “Harry, dito!” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang tawagin siya. “Sige na, Miss.” Mabilis na siyang tumakbo papunta sa kinaroroonan ng mga kaklase niya. Sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa kanyang grupo. “Reina!” Napalingon ako sa tumawag. Ang mga kaklase ko kaya agad akong lumapit sa kanila. “Ano ba ang nangyari?” tanong ko na sinagot lang nila ng pagkikibit-balikat. “Sunog daw, pero kahit usok wala.” Mabilis na rumesponde ang mga bumbero. Ilang minuto lang ay bumalik na sila rito sa labas ng school para magbalita kung ano ba talaga ang nangyayari. “False alarm, Ma’am. Nalibot na po namin ang buong school and clear po lahat. Wala pong sunog na naganap,” rinig naming sabi ng bumbero. “Gano’n ba? Hays! Buti naman,” sagot ng admin na ngayon ay nakahinga na nang maluwag. “Pero ang tanong na lang ay sino ang pumindot ng fire alarm?” tanong ng SGO president na nandito rin. “May nakakita ba kay Uno?” Napalingon kami sa teacher na nagsalita. Sino si Uno? Napatingin kaming lahat nang lumabas ang isang bumbero kasama ang isang estudyante. Nanlaki ang mga ko nang makita siya. Siya ‘yung lalaki kanina. Kaya pala kalmado lang ang loko, kasi siya ang mastermind dito. “Uno Sebastian! Ikaw ba ang pumindot ng fire alarm?” Napahawak siya sa kanyang batok at nahihiyang ngumiti. “False Alarm, Sir, hehe!” Nagawa niya pang tumawa kahit nagdulot siya ng malaking abala sa lahat. Matangkad na may kayumangging balat. Nakaahit ang kanyang kaliwang kilay at mayroon din siyang hikaw sa kabilang tainga. Curly hair fade style na medyo brownish ang buhok niya na nagbigay ng bad boy aura. Siya pala si Uno Sebastian. Madalas kong naririnig ang pangalan niya kapag may mga hindi magandang nangyayari sa school, kabilang na ito. “Tss! May hitsura sana, gago lang. Sayang,” mahinang sabi ko habang nakatingin sa kanya. DALAWANG linggo na ang lumipas pagkatapos ng pangyayaring ‘yon. Paminsan-minsan ko na lang nakikita si Harry kaya lalong hindi niya pa ako napapansin. Kapag nakikita ko siya, palagi siyang may kausap kaya hindi magtama ang mga mata namin. Hanggang doon na lang siguro kami. “Si Harry Vasquez ba? Ah, ‘yung president ng STEM 11 A? Guwapo talaga siya. Crush ko sana ‘yun pero sinabi mong crush mo na siya,” pagkukwento ng kaklase ko. Napangiti ako habang naglalakad kami papunta sa cafeteria. STEM student pala siya. Tapos ABM student naman ako. “Bagay kaming dalawa.” Pagbibiro ko sa aking sarili. Tumingin na ako sa harap pagkapasok namin sa loob. “Pres!” Nanlaki ang mga mata ko nang makitang babagsak sa harapan ko ang isang lalaki, pero hindi ito natuloy nang may humarang sa harap ko at sinalo niya ang lalaking bumagsak. “Tumigil na kayo!” Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang sumigaw, si Harry. Binaba niya ang lalaki at agad akong lumayo para hindi madamay sa gulo. Pagtingin ko sa harap nila ay nakita ko ang seryosong mukha ng lalaking palaging nagsisimula ng gulo rito sa school. “Si Uno! Binugbog niya ako ng walang dahilan,” natatarantang sabi ng lalaki habang itinuturo ang nakatayong si Uno. Walang hindi nakakakilala kay Uno sa buong campus. Bukod sa dahilan ng gulo, gumagawa rin siya ng eksena. Naalala ko, wala pang isang linggo pagkatapos niyang magpa-false alarm ng sunog, nag-broadcast naman siya ng ‘ungol ringtone’ sa buong school gamit ang room ng journalist club. Humarang si Harry sa lalaki at lumapit kay Uno. “P’re, tumigil ka na,” pag-awat ni Harry. “Tsk! Ano sa tingin mo ang ginagawa ko?” pamimilosopo ni Uno. “Dapat ma-kick out na siya rito! Puro gulo na lang ang ginagawa niya!” singit ng lalaking nabugbog. “Aba’t!” Susugod sana ulit si Uno pero napigilan siya ni Harry. Nagulat kaming lahat nang bigla niyang suntukin si Harry kaya napalayo ito sa kanya. Napahawak si Harry sa kanyang labi, nagdudugo ito. “Tingnan n’yo ang ginawa niya! Umaawat lang si Harry pero sinuntok niya rin! Dapat ma-kick out na ‘yan!” sigaw ulit ng lalaki. “Oo nga! Dapat ma-kick out na ‘yan!” “Kick out na!” Gusto kong sugurin si Uno dahil sa ginawa niyang pagsuntok kay Harry, pero baka patulan niya rin ako. Dapat talaga mawala na siya sa school. Puro gulo lang ang ginagawa niya rito. “Ano’ng nangyayari?” Natigil ang lahat nang marinig ang pamilyar na boses. Napalingon kami sa nagsalita. Natahimik silang lahat habang nakatingin sa bagong dating.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
233.7K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

Rewrite The Stars

read
94.8K
bc

WHAT IF IT'S ME

read
66.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook