bc

Yko - Behind Closed Doors

book_age18+
5.4K
FOLLOW
43.4K
READ
heir/heiress
bxg
heavy
serious
first love
lonely
affair
punishment
surrender
wild
like
intro-logo
Blurb

Bible Vera is an independent woman. She knows how to play her own game. She doesn't believe in marriage. Ayaw man sisihin ni Bible Vera ang magulang pero sila lang naman ang nakikita n'yang dahilan kung bakit nang alukin s'ya ng lalaking mahal ng kasal ay mabilis s'yang tumangi. But Yko is persistent, the bad boy also knows how to tame her. She's so confident in everything, but when Zaynel came everything changed. Ang babaeng malayong-malayo ang estado ng buhay sa kanila. Maging matapang kaya si Bible Vera na ipaglaban ang lalaking mahal, o mas piliing lumayo dahil sa takot na matulad sa kanyang magulang?

chap-preview
Free preview
Chapter One
"Another one…" ibinaling ko sa kaliwang parte ang tingin saka pinagbuti ang aura na gustong-gusto ng photographer. Nang marinig kong sinabi nitong 'perfect' ay nahahapo akong napatayo ng tuwid. Nagpalakpakan ang mga kasama namin. "Kapag ikaw talaga ang model ko ay ang bilis nating matapos." Ngiting-ngiti na ani ni Raven na lumapit at nakipagkamay sa akin. Nakalapit na ang assistant kong si Ate Calline at agad na ibinalot sa akin ang robe na kulay pink. Bahagya lang akong ngumiti saka bumitiw sa pagkakahawak sa kamay ng lalaki. "We need to go na." Singit ni Ate Calline na alam na alam talagang ayaw kong nakikipag-usap nang matagal sa mga nakakatrabaho ko. "Thanks, Raven." Ngumiti ang lalaki saka na ako nagpatianod sa paghila sa akin ng person assistant ko. Pagpasok namin sa silid na inuukupa namin para sa photo shoot na ito ay agad itong dumampot ng sanitizer at nilagyan ang kamay ko. Mabilis ko namang ikinalat iyon sa palad ko bago naupo sa upuan. "Ito na ang last shoot mo sa buwan na ito, tumawag ang Lolo J mo, gusto ka raw n'yang makita." "I'm busy." Tipid na sagot ko saka sumandal sa sandalan ng upuan. "Kasasabi ko lang ito na ang last na photo shoot mo this month, nakikinig ka ba?" nakaangat ang kilay na tanong nito. College pa lang ako ay assistant ko na ito. Ate ko na nga kung tutuusin, kaya wala lang sa akin kapag sinesermonan ako at inaangatan ng kilay. "Narinig kita, pero ayaw kong pumunta or makipagkita." "Tsk, matanda na 'yong Lolo mo. 'Yong Kuya mo naman ay namundok na at mukhang ayaw nang bumaba, anong plano n'yo sa matanda? Bibisitahin n'yo lang kapag patay na?" stress na hinilot nito ang sintido. Saka sinimulang iligpit ang mga gamit ko. "Ano ba kasing kailangan ni Lolo J?" tanong ko saka tumayo at bahagyang nag-inat. Lumapit sa vanity mirror at binuksan ang box ng pizza na nakapatong doon. Kumuha agad ako ng dalawa at pinagpatong iyon saka sinimulang kainin. Nang makita nito ang ginawa ko ay napabuntonghininga na lang ito. Ito rin ang nag-aasikaso ng pagkain ko sa tuwing may trabaho ako. Puro healthy foods lang ang ibinibigay nito. Pero kapag may pahinga ako ay hinahayaan ako nitong kainin ang gusto ko. Saka hindi talaga ako tabain, kapag nasa restaurant ako ni Batsy ay heavy eater din naman ako roon. "Apo ka n'ya, kahit wala s'yang kailangan ay marapat lang na bisitahin n'yo s'ya." "Fine, pero kailangan mong sumama sa akin para makauwi rin ako sa The Alpha's Town. Tiyak na makikiusap na naman iyon na mag-stay ako sa bahay." Tugon ko rito saka isinubo ang malaking parte pa ng pizza saka naman dinampot ang inumin at gamit ang straw ay sinipsip ko iyon. "Bible, anong masama kung mag-stay?" pabagsak na binitiwan nito ang suklay na hawak at ang taray ng tingin sa akin. "Ayaw ko lang na maburo roon. Alam mo naman si Lolo, ise-set up na naman ako ng blind date sa mga binatang nakakasalamuha n'ya sa business world." "Nasa tamang edad ka naman na kasi. Saka why not? Gwapo naman at successful ang mga ipinapakilala n'ya sa 'yo." "Katulad ni Dad." Natigilan ito saka nag-iwas nang tingin."Gusto mo bang hindi ako maging masaya? Gusto mo bang matulad ang relasyon ko sa magulang ko?" "Bible, alam mo ikaw pilit mong inihahalintulad ang magulang mo sa 'yo. Samantalang hindi ka pa naman sumusubok na makipagrelasyon." "Ate, kailangan ko pa bang sumubok para malaman ko ang kahahantungan ko? Matutulad lang din ako sa kanila, anak ako ng Mommy at Daddy ko, tulad din nila ako." Ibinagsak ni Ate Calline ang hawak nito na hair brush saka matalim ang tingin na tinignan ako. "Anong klaseng mindset 'yan? Ang sarap mong tuktukan eh, paano ka sasaya kung ganyan palagi ang iniisip mo?" inis nitong ani sa akin. Lumabi lang ako saka nagkibitbalikat. "Huwag na nga nating pag-usapan. Ikaw lang naman itong stress sa topic na 'yan, tapos si Lolo naman stress sa pagiging single ko. Ang saya kaya ng buhay ko. Hindi ako stress sa mga relation shits na 'yan." "Tsk. Tatanda kang dalaga sa ganyang mindset." "Ano naman?" "Ayaw mo bang magkaanak?" "Kung gusto kong magkaanak, pwede akong mag-ampon. Pwede rin akong mamalimos ng sperm para mabuntis." Dinampot ni Ate Calline ang suklay at itinuktok sa ulo ko. Hindi na ako nakaiwas sa galit nito, joke lang naman 'yon. Mapapatay ako ng Lolo J ko, once na gawin ko iyon. "Ikaw talaga!" "Joke lang naman, 'di ka naman mabiro." Nakangising ani ko."Mag-aayos na ako, ipatawag mo na ang driver, Ate, para makaalis agad tayo." "Tsk. Alam ko, bago mo pa sabihin nagawa ko na." "Eh 'di ikaw na ang super bright." Pabirong ani ko saka pumasok sa maliit na cubicle. Pauwi na kami, ngayon ko naramdaman ang pagod ko talaga habang nasa byahe. Mabilis man ang shoot na natapos ay pagod pa rin ako, palagi kasing 100 percent ang performance ko kahit kasisimula pa lang. Wala akong sinasayang na oras pagdating sa modeling career ko. "Nag-text itong Raven, niyayaya kang mag-lunch sa schedule na available ka." Sumulyap pa si Ate Calline sa akin, nasa passenger seat kasi ito. "Block mo na agad, Ate." Sagot ko rito. "Tsk, ikaw ha umayos ka. For sure makakatrabaho mo pa ito. Hindi pwedeng i-block na lang basta. Ayusin mo 'yang ugali mo." "Hindi naman 'yong ugali ko 'yong pini-feature nila sa mga magazines and billboard." "Napakabanal ng pangalan mo, pero palagi mong pinasasakit ang ulo ko." Hinilot pa ng babae ang sintido nito na ikinabungisngis ko. Kapag sa condo ako umuuwi ay roon din ito nag-e-stay. Hindi n'ya gustong mag-isa lang ako, lalo't alam nito ang epekto sa akin ng mag-isa. Pagkahatid sa amin ng driver ay agad na rin kaming pumanhik sa unit ko. May mga ibinibilin si Ate Calline about sa mga future projects ko na naka-line up. Pero hindi ko naman iniintindi dahil gusto ko na lang matulog. Pagod din naman lalo na sa preparation ng photoshoot kanina. Mas mahaba pa nga ang inilaan ko sa preparation kaysa sa mismong photoshoot na. "Good night!" antok na ani ko rito, papasok na ako sa silid ko. "Bumangon ka mamaya for dinner. Alas-5 pa lang, Bible." Paalala nito pero pumasok na ako ng silid at mabilis na dumeretso sa shower. Hindi rin naman ako makakapagpahinga kung hindi ako magsho-shower. Kailangan kong iligo, feeling ko kasi ay kumapit na ang lahat ng dumi sa katawan ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
70.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook