bc

The Daughter of Darkness (TAGALOG-ROMANCE)

book_age18+
44.9K
FOLLOW
202.1K
READ
billionaire
spy/agent
dark
tragedy
straight
office/work place
first love
model
passionate
seductive
like
intro-logo
Blurb

DELTA - 3RD ORGANIZATION/AGENTS SERIES #2

Ang nais lang naman ni Selenah ay mapansin siya ng ultimate crush niyang walang iba kundi si Skipper Steinfield. Isang gwapo, makisig, masipag, matapang, matalino at mayamang binata. Lahat na yata ng katangiang hinahanap niya sa isang lalaki ay nasa kanya na. At hindi lingid sa binata ang malaki niyang pagkakagusto para dito.

Ngunit matapos ang lahat ng pagpapakatanga na ginawa niya para mapansin lang siya nito ay kusa na rin siyang sumuko. To the point na kahit maging ang buhay niya ay muntik ng maganib ngunit hindi pa rin siya nito pinag-ukulan ng kahit kaunting pansin.

Matapos ang pitong taong paninirahan niya sa America upang makalimutan ang binata ay muli siyang nagbalik ng Pilipinas para lang salubungin ng driver at bodyguard niyang walang iba kundi ang binata. Si Skipper Stienfield.

Ano nga ba ang dahilan ng dating matalino, mayaman, at may adhikaing maging tagapaglingkod ng bansa na si Skipper Steinfield ay bumagsak bilang isang bodyguard ni Selenah Montgomery na ngayon ay isa ng modelo at mayroon ng ibang kasintahan.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Selena "Haah! Help! Haaah! Hel-ugh!" Malakas akong nagkakawag at pilit akong umaahon sa malakas na alon ng tubig sa dagat. Pero hindi ko talaga kaya! Pinulikat ang aking binti at sobrang sakit nito kaya hindi ko maigalaw! "Skip-ugh. Haaah! Hel-ugh!" Sobrang dami ko ng naiinom na tubig ngunit walang emosyong lumingon lang sa akin si Skipper at muli na siyang naglakad papalayo. Huminto na ako sa kakakawag at hinayaan ko na lang ang sarili kong malubog na ng tuluyan sa malalim na karagatan. Mas masakit pa sa saksak ng kutsilyo sa dibdib ko ang nararamdaman ko kaysa sa mamatay ako sa pagkalunod. Tanggap ko na.... ....na kahit kailan ay hindi niya ako magugustuhan. Tama na. Tama na ang pakikipagsiksikan ng sarili ko sa kaniya. Pagod na pagod na ako. Gusto ko na lang maglaho. Tuluyan na akong nanghina at wala na akong maramdaman habang kinakain na ako ng malamig na tubig ng karagatan. . . . . Magiging masaya na siya dahil mawawala na ang isang Selenah na nagpapagulo sa buhay niya. Tuluyan na akong bumulusok pailalim kasabay ng pagdidilim ng aking paningin... . . . . . . Nakaramdam ako ng malakas na puwersa sa aking dibdib. Paulit-ulit. Mainit na bagay na dumadampi sa aking mga labi. At hanging pumapasok sa aking bibig. Mga malalabong ingay sa paligid na unti-unting lumilinaw... "f**k. Wake up!" Malabong tinig na hindi ko mamemorya. Patuloy ang malakas na puwersa sa aking dibdib. Mainit na bagay na dumadampi sa aking mga labi... ... at hanging pumapasok sa aking bibig.... "Please wake up, baby." Nakaramdam ako ng pagsusuka hanggang sa maubo ako at mailabas ko ang lahat ng tubig sa aking dibdib. Hinang-hina ang aking katawan. Hindi ko gaanong maimulat ang aking mga mata. "Beshy, okay ka lang?" narinig ko ang pamilyar na tinig ni Maezie. Dahan-dahan ko ng iminulat ang aking mga mata. Una kong nabungaran ay si Cedric nasa sa aking tabi. "Okay ka lang?" nag-aalala niyang tanong na sa tanan ng buhay ko ay ngayon ko lang nakita sa kaniya. Katabi niya ang bestfriend kong si Maezie na mas kakikitaan ng sobrang pag-aalala para sa akin. Hinanap ng aking paningin si Skipper, sa mga taong ngayon ay nakapalibot sa akin. Pero wala.... Wala siya..... Bakit nagising pa ako? Sana tuluyan na lang ako naglaho...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wildly and Desperately (TAGALOG/SPGR18+)

read
632.2K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.6K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.1K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
47.9K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
198.8K
bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
831.5K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
470.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook