bc

TAMING MR. POLICARPIO

book_age18+
6.4K
FOLLOW
34.3K
READ
playboy
versatile
comedy
bxg
humorous
bold
enimies to lovers
reckless
Writing Academy
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Ang mapagkamalian na isang hardinero, habang naka office suit ang pinakamalaking insultong naranasan ni YUEL SIMON POLICARPIO mula sa isang mukhang tomboy na gusgusin. Which eventually, turned to be their maid.

Simula noon uminit na ang dugo niya sa huli, he hates her day by day.

Magkakapuwang kaya ang pag-ibig sa kanila?

Is she's the one who will TAME the one and only mighty, SIMON POLICARPIO?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Wow ang laki naman ng bahay na ito Madi," namamanghang sabi ni Eloisa Maria- Losang for short, sa kaibigang si Madi. Nasa harapan sila ng isang mala-palasyong mansyon kung saan siya ay magiging kasam-bahay kasama si Madi. "Malaki talaga, lalo na sa loob," proud na sabi ni madi na akala mo naman sa kanya mansion. "Ayos 'to ha," aniya habang Nguya ng nguya sa bubble gum na nasa bibig niya. Naka Cap siya ng puti at pabaligtad niya iyong suot, ang harapan ay nasa likod. Maiksi rin ang buhok niya na ang kulay ay Medyo ash, naka puti siyang over-sized shirt at faded jeans na hindi fitted, tsaka naka white na sapatos pero dahil matagal ng di nalalabhan e nagiging brown na. Nag-Door bell sila, Pagkaraan ay isang secu ang nagbukas. "Oh Madi ikaw pala," anang matanda at napatingin sa kanya. "Mang Jose, Si Losang pala siya yung ipinapasok kong hardinera s***h kasam-bahay," ani Madi dun sa secu na Mang jose daw ang pangalan. "Hello Losang, tamang tama may makakasama na si Nard," anito at pinapasok sila,  Ngumisi siya sa matanda, hindi kasi siya marunong ngumiti ng normal. Nagmumukha siyang trying hard na bakla. Iginala niya ang mata sa paligid, ang laki talaga ng Solar ng mga - Teka nga, ano na kasing apilyido ng mga magiging amo niya? Polio? POLISION? Poison? Uhm, pogong? Ah. Basta, Malayo ang gate sa mismong mansyon maglalakad kapa ng ilang hakbang. Mga 3 minuto? Or apat? Ah basta, "Tara Losang, nang makita ka ni Senora," aya ni Madi. Sumunod siya dito at maangas na naglakad, Natatawang napapailing si Mang jose. Nang malapit na sila sa main door may lalaking gwapo na lumabas, Matangkad, maputi, macho, Seryoso ang mukha at talagang napaka-kisig. Para kang naka-kita ng buhay na greek God. Naka business suit ito, Nangunot ang noo nito nang makita sila. Kita niya ng pasada'an siya nito ng tingin mula ulo hangang paa at pabalik. Tila diring diring ito sa hitsura niya. Matapobreng hindot! "Madi?" Turan ni macho. "Sen-" Si madi "Siya ba si Nard? Yung makakasama kong hardinero?" Aniya na ngumisi at sumaludo pa sa lalaki. Wala, sadya niya lang mang asar. Literal na nalaglag ang panga ni macho at Madi. "What did you say?!" Bulalas nito na akala mo naman nakaka-insulto ang sinabi niya. "Hardinero. Ano kasing inglis ng hardinero Madi?" Aniya na napakamot sa batok. Napangiwi si Madi, hindi alam paano tatakpan ang bibig niya. Nakita niyang naningkit ang mga mata ng lalaki na ikinangisi niya.  Pikon "Losang, si senorito Yuel yan. Amo natin," bulong sa kanya ni madi habang kurot kurot nito ang kanyang tagiliran. "Ah.. okay." Tila bale walang sagot niya sa kaibigan at nginisian pa ang lalaking,  nag ngangalang Yuel daw. Nakita niya kung paano sumimangot ang lalaki at muli siyang tinignan mula ulo gang paa, paa gang ulo. Tila hindi makapaniwalang nag eexist ang katulad niya. Nang dumako ang tingin nito sa mukha niya, Nag Pogi-Points pa siya at kumindat kay Yuel na Ikinangiwi nito na tila nandidiri pa.  Hindot! Kala mo naman gwapo, mayaman ka lang oy! Sigaw ng isang bahagi sa kanyang isipan. -------------------------- -------------------------- What the f**k?! Sino ang babaeng sinto-sinto na ito? Bulalas ng isipan ni Yuel, habang nakatitig sa babaeng kaharap niya ngayon. Pinagkamalan siyang hardinero for pete's sake! naka business suit siya at ang ayos ng hitsura niya, tapos mukha siyang hardinero? Eh ito nga mukhang busabos na taong grasa! Tapos nakakakilabot pa ang hitsura nito, ang pananamit nito at ang kilos nito. Napaka gaslaw! Mukhang snatcher sa may divisoria. "Who the hell are you?" Tanong niya na hindi maitago ang galit. Hindi siya pasensyoso. "Me? My ghad I'm bleeding," anito na natatawa pa. Lalo siyang nainis, bleeding what?! "Di mo'ko gets noh? Ako din ee di ko gets sinabi ko," muli ay sambit nito na humalakhak. Parang wala sa katinuan. "P-pasensya na po senorito, Pasensya na po talaga," biglang singit ni Madi at hinila ang krung krung papasok ng mansion. Kung hindi lang talaga siya nagmamadali. Lagot talaga ang tila tomboy na kinulang sa aruga na iyon. Pagkadating sa opisina, sinalubong siya ng kanyang Secretary. "Bety, mukha ba akong hardinero?" Tanong niya dito. Tila naguluhan si bety, "P-po? No sir," anito na nagtataka. Nilampasan na niya ang babae at ibinalibag ang sarili sa kanyang swivel chair. Me? Hardinero? The hell! This is the biggest insult in my life!  Himutok ni Yuel sa kanyang sarili.  ---------------------------------- ---------------------------------- "Hindi pa rin ako makapag move-on mars," ani Madi na nakaupo na sa kama. Gabi na nun at oras na nila para magpahinga, Parang gustong gusto siya ni Senora Helena kasi napaka biba raw niya. "Saan naman?" Usisa niya habang nagpupunas ng buhok, kakatapos lang niyang maligo. "Yung sinabi mo kay senorito Yuel? Grabe ka! Hardinero talaga? Sa gwapong yun ni Senorito?" Anito at humiga na sa kama. Nagkibit-balikat siya at tumabi na dito. "Malay ko ba, akala ko lang naman ee," sagot niya na napangiti ng malawak. "Boba kaba? Ganoon kagwapo at ang suot sasabihan mo ng hardinero? Isa't-kalahati ka rin e," ani Madi na napapailing. Tumawa na lang siya. Wala eh, sumumpong ang pagka pilya niya kanina. "Matulog na tayo, maaga pa tayong magigising bukas," maya maya pa ay sabi ni madi at pumikit na. "Mauna kana, magpe-f******k pa ako," sagot niya sa kaibigan at inilabas ang kanyang cellphone na basag na ang screen. Pwede pa naman pagtyagaan cellphone pa din naman diba? Diba? Isang oras lang siya nag sss at natulog na din, Alas-siete ang gising nila bukas. Marami silang kawaksi sa mansyon ng mga Polio? Ay basta. Apat na kasambahay, isang mayordoma, Siya na hardinera na ang toka ay maglinis, magdamo, alagaan ang mga ornamental plants ni senora at paminsan minsan salitan sila ni nard na maglinis ng pool, magtangal ba ng dahon na nahuhulog sa tubig. Easy lang naman ang trabaho niya, sa tutuusin mas mabigat pa ang mga trabaho niya noon na naging barker, kargadora sa palengke, Snatcher-char haha! Joke lang yung snatcher. Bata pa lang kasi nasanay na siya sa hirap ng buhay, may ama pa naman siya at may asawa na itong bago. Wala na siyang ina, bata pa lang siya nang mamatay ito, may mga kapatid siya sa ama at mas mahal ng ama niya ang mga kapatid niyang iyon. Pero ayos lang sa kanya. That's life. Wapakels siya sa mga yun. High school lang din ang natapos niya at di nga niya alam kung may natutunan siya. Para sa kanya di naman mahalaga kung may tinapos ka, Ang mahalaga diskarte. Diskarte sa lahat ng bagay, mas daig yun ng matalino. pero balak niyang mag aral ulit tutal bata pa naman siya, 24 anyos o diba? Fresh na fresh. Atsaka maraming nagkakamali na inaakalang tomboy siya, Pero ganoon lang talaga ang gayak niya dahil na rin siguro laki siya sa Eskwater kaya nakuha niya ang ugali at pananamit pati kilos ng mga siga sa kanto. Actually, sikat siya sa lugar nila. Lalaki lang ang pagkilos niya pero siya'y babae, sa puso at atay man. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
90.8K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

The Professor's Wife

read
448.4K
bc

My Son's Father

read
582.5K
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
452.8K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
851.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook