bc

STUCK WITH ME

book_age18+
352
FOLLOW
2.0K
READ
others
drama
sweet
like
intro-logo
Blurb

Mahal na mahal ni Jane si Paolo. Kaya nang mag-propose ito ng kasal ay buong puso niyang tinanggap. Kaya lang, tuwing sasabihan siya nito na mag-set na ng date ng kanilang kasal, lagi siyang tumatanggi. Marami pa kasi siyang gustong gawin sa buhay.

Kampanteng-kampante siya sa pagmamahal ni Paolo sa kabila ng ilang beses niyang pagtanggi sa alok na kasal. Masyado ksi itong mabait at maunawain na nobyo at ramdam na ramdam niyang mahal na mahal siya nito.

Pero mali pala si Jane sa pag-aakalang lagging makauunwa ang nobyo. May hangganan pala ang lahat. Napagod ang taong labis-labis na nagmamahal sa kanya. Isang araw ay nakipag-break si Paolo, sinabing hindi na nito kayang maghintay.

Nagsisi si Jane na nagpatumpik-tumpik pa siya sa pagkakataong pinalampas niya na makasama habang-buhay ang minamahal. Lalo nang may umeksenang maganda at seksing babae kay Paolo.

Nag-panic ang puso niya! Hindi siya makapapayag. Handa siyang lumaban mabawi lang ang lalaking dati naman nang nakalaan para sa kanya.

chap-preview
Free preview
Chapter One
“A PENNY for your thoughts.” Napakislot si Jane at napalingon kay Trisha nang marinig ang tinig nito sa kanyang tabi. “Admit, Jane, naiinggit ka kay Kate, ‘no,” sabi pa ni Trisha. “Of course not,” may katotohanang deny niya. Kasalukuyang silang nasa reception ng kasal ni Kate at ng pinsan ni Jane na si Kuya Jay-Jay na ginanap sa grand ballroom hall ng Monteclaro Hotel sa Ortigas na pag-aari ng pamilya nila. Sister–in–law ni Trisha si Kate at parehong childhood best friends ni Jane ang dalawang babae. Halos patapos na ang reception nang mga oras na iyon at sina Jane at Trisha na lang ang naiwan sa table nila. Hinahanap lang ni Jane ng tingin ang nobyo niya at nagkataon na napatingin siya sa mga bagong- kasal na kasalukuyang nagsasayaw sa platform kasabay ng ilang magkakaparehang bisita kaya nasabi ni Trisha na naiinggit siya sa mga ito.           “Ows?” hindi naniniwalang sabi ni Trisha. “Inamin sa akin ni Kate na nainggit sila ni Jay–Jay noong ikasal kami ni Ken.” Napaingos siya sa narinig. “You can’t blame them, inunahan n’yo kasi silang magpakasal, eh. At hindi ka pa siguro aalukin ng kasal ni Ken kung hindi ka nabuntis, ‘no,” sarcastic na sabi niya. Sa tagal ng pagkakaibigan nila nina Kate ay normal lang sa kanila na maging sarcastic sa isa’t-isa paminsan-minsan.    “Of course not,” mabilis na deny rin ni Trisha. “FYI, Ken proposed to me first before I admitted to him that I was pregnant,” nagmamalaking pagbibigay-alam nito. “Whatever. Pero hindi talaga ako naiinggit kina Kate,” giit niya. Si Trisha naman ang napaingos. “Eh, kailan naman ang kasal n’yo ni Paolo, aber?” Si Paolo ang boyfriend ni Jane at limang taon na silang mag-steady. Hindi siya nakasagot at ibinaling ang tingin sa mga bagong kasal. No doubt the newlyweds were the happiest couple in that room. Masayang–masaya rin siya dahil sa wakas ay opisyal nang miyembro ng pamilya nila si Kate. Pero wala talaga siyang nararamdamang inggit tulad ng sinasabi ni Trisha sa kanya. Marahil ay dahil hindi pa siya handa sa sinasabi nilang “tahimik na buhay” kaya ganoon ang nararamdaman niya kahit pa dalawang taon na silang engaged ni Paolo.  “Hindi na ako makapaghintay na maging legal na miyembro ka na ng Escobar at Rosales Family, Jane,” nakangiting sabi pa ni Trisha na nakatingin na rin sa mga bagong kasal. Pinsan ni Trisha si Paolo sa father side. Pareho silang twenty-eight ni Trisha at tatlong taon ang tanda ni Paolo sa kanila. Hindi pa rin kumibo si Jane. Siya namang paglapit ni Paolo kasama ng best friend nitong si Ken na asawa ni Trisha. Like Trisha and Kate, childhood friends din ni Jane ang dalawang lalaki. Magkakabarkada kasi ang mga magulang nila magmaula pa noong high school ang mga ito kaya silang mga naging mga anak ay naging magkakaibigan din at nakabuo sila ng isang malaking barkada kasama ng mga kapatid nila at mga pinsan.   “Hey, Jane, hihiramin ko muna ang asawa ko,” sabi ni Ken na kay Jane nakatingin. Mabilis na tumango si Jane. Binalingan ni Ken ang asawa. “I’ve found an old friend here, sweetie, ipapakilala kita sa kanya. I think, makakatulong siya sa bubuksan mong cooking school.” Isang international chef, former celebrity chef, published cookbook writer, at restaurant owner si Trisha. Nagpaplano na itong magtayo ng sariling cooking school nang biglang mabuntis at magpakasal kay Ken dahilan para maisantabi muna ang career nito at bigyang priyoridad ang magiging pamilya nito. “Okay,” tugon ni Trisha na kaagad tumayo at humawak sa braso ng asawa. Hawak ang isang flute, naupo si Paolo sa iniwang silya ni Trisha pagkaalis ng mag-asawa. “Are you okay, honey? May gusto ka pa bang kainin o inumin?” masuyong tanong ni Paolo kay Jane. “I’m okay,” tugon ni Jane. “Hindi ka pa ba lasing? Parang kanina pa kayo nag-iinuman nina Ken,” puna niya.  “Oh, kanina ko pa ‘to hawak pero hindi ko naman iniinom.” Ibinaba ni Paolo ang hawak na flute sa mesa. “Props lang. Sina BJ at Gabe kasi parang gustong lasingin ang lahat ng bisita,” paliwanag nito. Katrabaho at kinakapatid ni Paolo si Gabe at younger brother naman ni Jane si BJ. “Okay.” She knew Paolo was a moderate drinker. Kahit pa halos linggo-linggong may get together ang barkada nila ay never pa itong nalasing nang sobra.  “Jane…” Napatingin siya sa mukha ng nobyo nang hawakan nito ang kamay niya. “I think it’s about time to set our wedding date,” seryosong sabi nito. She knew he was going to bring out that topic. Kanina kasi, tulad noong araw ng kasal nina Ken at Trisha ay naging laman sila ng tuksuhan. O mas tamang sabihin na inulan sila ng tanong kung kailan ba talaga ang kasal nila dahil naunahan na silang magpakasal ng mga pinsan at mga kaibigan nila samantalang nauna pa silang nagkaroon ng relasyon at na-engage. “Pao…” Sandaling nag-alangan si Jane sa pagsagot. “Can we postpone our wedding plans for a while?” kagat-labing tugon niya. Nagsalubong ang makakapal na kilay ni Paolo. “But we’ve been engaged for two years, Jane,” paalala nito. They both agreed to a long engagement after she accepted his marriage proposal. Pareho pa kasi silang abala noon sa kanya-kanyang career. Kasisimula pa lang noon ng training niya sa Hotel Frank na pag-aari ng pamilya nila sa Seattle, Washington. At si Paolo naman ay kapo-promote lang sa trabaho. Kinailangang  patunayan ni Paolo sa lahat na deserving ito sa promotion hindi lang dahil malapit ito sa mga may-ari kaya ito na-promote.  “Are you getting cold feet now?” tanong nito. “No, it’s not like that. I just realized, hindi pa ako handang magpakasal. Ngayon pa lang ako nasasanay sa trabaho ko. At ngayon ko pa lang mapag-aaralan ang buhay may asawa,” malumanay na paliwanag ni Jane. Ilang buwan pa lang ang nakalilipas nang ini-appoint siya ng daddy niya bilang executive Vvce president ng Monteclaro & Narvantez Group of Companies or MNGC. Ngunit hindi naman siya basta in-appoint lang doon. Nag-umpisa siya sa mababang posisyon at hindi mabilang na mga training ang pinagdaanan niya bago siya napunta sa posisyon na iyon. Graduate din siya ng Hotel and Restaurant Administration at may dalawa siyang masterals degree. Pero may pagka-late bloomer siya sa halos lahat ng bagay. She used to be a dork and an ugly duckling. Nasa graduate school na siya nang mag-transform siya into a beautiful and modern swan. She did not have a boyfriend until she was twenty-three and Paolo was her first boyfriend. “You cannot learn about married life unless we’re living together, Jane,” halatang nagpipigil magalit na katwiran ni Poalo. “I know. But I want to be financially, physically, emotionally and even spiritually ready before settling down. So should you.”  “But I’m very much ready in all aspects, Jane. I assure you, mararanasan mo pa rin ang maalwan at komportableng buhay na nakasanayan mo kapag ikinasal na tayo kahit hindi ka pa magtrabaho.”    She believed him. Paolo came from a good and wealthy family. He was a licensed architect. Senior architect at head ng architectural and planning department ang binata sa kilalang construction company sa bansa, ang Yuzon–Alegre Builders and Design Incorporated na mas kilala sa tawag na Builders na pag-aari ng mga magulang nina Ken at Kate. Bukod doon ay consultant din si Paolo sa real estate company ng Daddy Vincent nito at ng daddy ni Gabe na si Tito Gino.           “I’m sorry, Pao, pero hindi pa talaga ako handa. Please give me enough time to prepare myself into being your wife,” apologetic na sabi ni Jane. Hindi kumibo si Paolo. Binitiwan nito ang kamay niya at kinuha ang flute sa ibabaw ng mesa at dire-diretsong ininom. Pagkatapos ay ibinaling nito ang tingin sa mga nagsasayaw sa flatform. “Pao,” untag niya rito makalipas ang mahabang katahimikan sa pagitan nila. Salubong pa rin ang mga kilay na ibinalik nito ang tingin sa kanya. “Hanggang kailan ako maghihintay para maging handa ka nang magpakasal sa akin, Jane?” walang kangiti-ngiting tanong nito.   “I don’t know. It won’t take too long I guess. Please understand me.” Napabuntong-hininga si Paolo. “All right. But promise me, whatever happens, sa akin ka pa rin magpapakasal,” pagsuko nito. Nakahinga siya nang maluwag sa narinig. “You bet, Architect Rosales,” nakangiti nang sabi niya. Mabilis na ipinulupot niya ang mga kamay sa leeg ng nobyo at hinalikan sa mga labi. Mabilis namang tumugon si Paolo at mas pinalalim pa ang halik. Ilang sandali ang lumipas bago kumalas si Jane sa nobyo, kuntentong humilig sa balikat nito.   She was really lucky to have Paolo. He was very handsome, tall, intelligent, athletic, charmer, responsible, religious, charitable and friendly. Broad-minded din ito at very understandable. Hindi siya mahilig mangulit dahil mahina ang convincing powers niya. Pero once na humiling siya kay Paolo ay lagi siya nitong pinagbibigyan at mas madalas na nasusunod ang gusto niya. Kahit na ano talagang mangyari ay hindi siya makapapayag na maagaw ito sa kanya ng iba. She was intended to be Mrs. Paolo Jason Rosales when the right time came and of course when she was ready to be his wife.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ZACH HOFFMAN

read
225.4K
bc

My Favorite Subject

read
216.4K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.0K
bc

His Cheating Heart

read
40.6K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
198.7K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
533.3K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook