bc

Right Star for Beads

book_age16+
332
FOLLOW
1.0K
READ
independent
band
drama
comedy
bxg
bully
enimies to lovers
friendship
love at the first sight
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Paano kung ang tanging gusto mo lang naman ay makalapit sa pinakamamahal mong grupo, makausap sila at makilala ka nila pero higit pa doon ang nangyari? How would you handle being one of the member's girlfriend?

Kung may award lang ang pagiging swerte, baka champion na roon si Beads. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na magiging boyfriend niya ang bunsong miyembro ng MAXIMUM LIMIT na si Sly?

Perfect na sana ang lahat para sa kanya pero paano naman kung dumating ang taong matagal na niyang hinahanap at lihim na ginugusto? Would she gave up the love she have for Sly and be with the person who saved her life or would she just continue the relationship she have with her boyfriend and bury her feelings for her saviour?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE Hindi maampat ang pagluha ni Beads habang nakasalampak sa harapan ng puntod ng kaniyang namayapang ama at doon ay malakas na humihikbi. She decided to move out from their house because she can't stand living under one roof with some stranger inside it. Hindi niya matanggap na mas piniling kampihan at paniwalaan ng kaniyang mommy ang bago nitong kinakasama kaysa sa kaniyang anak nito. Simula pa lamang nang unang araw na dalhin at patirahin ng kaniyang ina ang demonyong hukluban na iyon sa bahay nila ay mabigat na ang loob niya rito. Mas lalo pa siyang nasuklam dito dahil sa ilang beses na siya nitong pinagtangkaang molestiyahin. Mabuti na lamang at mapagmatiyag siya sa kaniyang kapaligiran at hindi rin niya hinahayaan na makalapit ito sa kaniya kaya hindi matuloy-tuloy ang balak nitong pangwa-walang hiya sa kaniya. At kanina, naputol na ang pisi ng kaniyang pagtitimpi nang lantaran nitong haplusin ang hita niya sa harap mismo ng kaniyang mommy. Her blood boil in such anger that she managed to slap him on his face. Pero sa halip na tanungin siya ng ina kung bakit at anong nangyari ay siya pa ang pinagalitan at pinangaralan nito na matuto raw siyang gumalang at rumespeto sa nakatatanda sa kaniya. “I am not gonna respect that old p*****t, Mommy! Hindi mo ba nakita ang ginawa niya? Hinipuan niya ako! What do you want me to do with that? Anong gusto niyong maging reaksyon ko sa ginawa niya? Manahimik? Hell no, Mom! I won't allow some stranger to molest me inside my own house! Inside my father's house!” aniya na binigyang diin pa ang pagkakabigkas ng dalawang huling kataga para iparating sa mga ito ang ipinupunto niya. Hindi na niya napigilan ang naging pagsigaw na iyon habang dinuduro ang lalaking kinakasama ng kaniyang ina na nasa tabi nito. Her body is trembling in such madness. Her chest is moving up and down in a harsh and fast way while gritting her teeth. “Beads! How many times do I have to tell you? Greg is not a stranger to us! He's going to be your step-father soon. Bakit ba hanggang ngayon ay hindi mo matanggap iyon? And you are accusing him of something that he cannot do. Hindi niya magagawa ang ipinararatang mo sa kaniya, anak.” Her mother tried to persuade her many times already but then she knew better. Masyado lamang itong nabubulag sa nararamdaman nito para sa Greg na iyon. She's just trying to fill the blank space that only her father is capable of fulfilling. “Mahal ka ng Papa Greg mo kagaya ng pagmamahal ng isang totoong ama para sa kaniyang anak, Beads. Please, don't make this a big deal. Say sorry to him this instant.”, utos ng kaniyang ina na may bahagyang awtoridad sa boses. She couldn't help but to laugh sarcastically on that. Even the side of her lips arched up while eyeing them both, “No, Mommy. I will never say sorry to that p*****t!” umiiling-iling pa niyang sagot, “Tingnan mo nga, oh! He's grinning like a devil! Proud na proud pa sa kamanyakan niya!” Isang beses niya pa itong itinuro at nang lingunin at tingnan ito ng kaniyang ina ay mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Mula sa kaninang ngising-demonyo nito ay kaagad iyong napalitan ng lungkot na animo'y nagpapaawa sa ngayon ay nakamasid na rin niyang ina. Mas lalo siyang napatawa roon ng pagak. Unbelievable! He's such a good f*cking actor! Kaya bilog na bilog ang ulo ng kaniyang ina! Paniwalang-paniwala na ang bait-bait nito kahit na ang totoo ay may sa demonyo ang ugali ng lalaking ipinaggigiitan nitong mahal sila. Her mother let out a disappointed sigh while shaking her head. Muli itong nagbaling ng tingin sa kaniya saka siya tiningnan ng masama. Her heart ache because of that. In her 21 years of existence in this world, that was the first time her mother glared at her like that. It was so intense that she can feel her fury. Tila ba ay nakalimutan na nitong anak siya nito nang mga sandaling iyon. “I'm so disappointed, Beads. Hindi ka namin pinalaki ng daddy mo para maging ganyan kabastos at walang respeto. If he's just alive, he's not gonna be proud of what you're acting.” Napakurap siya roon. Maybe. Pero hindi rin naman sila magkakaganoon kung buhay ang kaniyang ama. “Yeah, right. If Daddy is just alive, eh 'di sana wala 'yang manyak na 'yan dito sa pamamahay natin,” she answered glaring at him. “Eh 'di sana hindi kayo manlalalaki kahit three months pa lang na wala si Da—” Natigil sa ere ang mga dapat ay sasabihin pa niya nang maramdaman niya ang malakas na paglagapak ng palad ng kaniyang mommy sa pisngi niya. Pakiramdam niya ay nabingi siya ng ilang segundo dahil sa lakas ng naging pagsampal na iyon sa kaniya. Her cheeks suddenly feel numb as she felt the stinging sensation on her eyes. Hindi siya makapaniwala na nang dahil sa Greg na iyon ay magagawa siyang saktan ng kaniyang ina. “Sumusobra ka ng bata ka!” sigaw ng kaniyang ina habang pigil-pigil ito ng kinakasama sa tangkang paglapit at p*******t pa sa kaniya. “If you cannot stand being with Greg, lumayas ka! I won't tolerate that bad attitude of yours, Beads! Hindi ka na nahiya sa kapatid mo! You're showing him your bad manners. Hindi kita pinalaki para bastusin ako! Lumayas ka kung ayaw mong pakisamahan ng ayos ang Papa Greg mo!” Saglit niyang sinulyapan ang labing-walong anyos niyang kapatid na tahimik lamang na nakamasid sa pagtatalong nagaganap na iyon sa pagitan nilang dalawa ng kanilang ina. Doon na tuluyang bumuhos ang luha sa kaniyang mga mata. Ni sa hinagap ay hindi niya kailanman naisip na darating sila sa ganoong punto ng kaniyang mommy. Hindi niya akalain na dahil lamang sa lalaki ay magkakasira silang dalawa. Ang masayang pamilya na binuo at pinangalagaan ng namayapa niyang ama ay nasira dahil lamang sa pagdating ng lalaking wala namang magandang dulot sa buhay nila. “Dad? I know you are in good place already. I'm sure, hindi ka na nahihirapan dyan. Wala ka ng sakit na nararamdaman. I miss you so much, Daddy. Miss na miss na kita,” she sobbed as she pinched her nose to make her voice more recognizable, “When you left, I lost almost half of me. Pasensiya na po kung hindi kami okay ni Mommy. It wasn't my intention to be like that. You just thought me to fight for what is right. For what is my right.” Tumingala siya sa ngayon ay papadilim ng kalangitan kasabay ng malungkot na pagsilay ng ngiti sa kaniyang mga labi. She feel so hopeless. Ni hindi niya alam kung paano magsisimula o kung saan magsisimula. She lost her family. Itinakwil na siya ng kaniyang ina para sa ibang tao. All she got now is herself only. No one else. Gustuhin man niya na isama sana ang kapatid ay hindi naman niya magawa dahil hindi rin mapanatag ang loob niya na walang ibang kasama ang kanilang mommy sa bahay nila. Her brother doesn't want to go either because of the same reason. ‘Dad, sunod na lang kaya ako sa inyo dyan? Para magkasama na tayo. Miss na miss na talaga kita. Para nama—’ Marahas siyang napaigtad nang makarinig ng malakas na pagkulog. Napatakip pa siya sa kaniyang tainga dahil sa sobrang gulat. Mukhang hindi nagustuhan ng kaniyang ama ang naisip niyang ideya. Muli ay malungkot siyang napangiti roon. What is she even thinking? ‘Joke lang, Daddy,’ she continued speaking inside her mind, ‘I'll be okay. I'll try to be okay. I'll try to start a new on my own.’ She took a last glance and a last touch at the tomb of her father before she finally decide to leave the place. Baka kasi matagalan na siya bago niya ulit madalaw sa puntod na iyon ang ama. If she's gonna start anew, she also need to be in a place far away from where she is right now. She'll go to her father's hometown in the Philippines. Wala man siyang kilalang kamag-anak doon, makikipagsapalaran siya. Wala sa sarili siyang naglalakad palabas ng sementeryong kinaroroonan niya nang masilaw siya sa nakabubulag na liwanag mula sa paparating at humaharurot na sasakyan. Her eyes widened in such shock as she stilled from where she was standing. Pakiramdam niya ay namanhid ang buo niyang katawan na hindi na niya magawa pang ikilos iyon dahil sa sobrang kabiglaan. Her mind suddenly went blank as she couldn't think of what to do best in that kind of situation she's at the moment. Mariin niyang naipikit ang kaniyang mga mata at hinintay na lamang ang pagsalpok ng katawan sa humaharurot na sasakyan. Tanggap na niya ang sasapiting kapalaran. Kung kanina ay handa na siyang magsimula ng panibago, ngayon naman ay handa na siyang lisanin ang mundo. At least, not to her guilt and conscience, she'll be gone because of some sort of accident and not because she took her own life away. Kasabay ng pagpigil niya sa kaniyang hininga at ang nakangingilong kalansingan ng nagyupiang bahagi ng sasakyan ay ang pakiramdam ng pagtilapon niya mula sa kung saan. Pero kakatwang bukod sa naramdaman niyang pagsayad sa lupa, wala na siyang ibang kakaibang naramdaman pa. “Miss!” Why is she even hearing someone's voice? Boses na ba iyon ng susundo sa kaniya paakyat sa paroroon niya? “Miss! Are you okay? Can you hear me?” Muli niyang narinig ang boses na iyon kasabay nang may marahang tumatapik sa kaniyang pisngi. She groan in such displeasure as she slowly open her eyes. Una niyang nabungaran ang mukha ng isang lalaki na natatakluban ng itim na face mask ang kalahating bahagi ng mukha at ang suot nitong itim din na sumbrero, na siyang nasa ilalim niya, bago marahang nagbaling ang tingin niya sa sasakyang kanina ay humaharurot patungo sa direksyon niya. Hindi sa kaniya tuluyang bumangga ang sasakyan kundi sa puno na malapit din sa kinatatayuan niya kanina. Umuusok pa ang unahang bahagi ng sasakyan na siyang nagtamo ng matinding pinsala dahil sa lakas ng impact ng naging pagbangga nito sa puno. Doon lamang siya ginapangan ng matinding kaba at kilabot. Hindi niya lubos maisip na kung sa kaniya bumangga ang sasakyan ay baka nagkalasog-lasog na ang buong katawan niya. Her body started shaking as another wave of tears pooled her eyes. Hindi na rin niya namalayan na napahigpit na pala ang pagkakakapit niya sa braso ng binatang nagligtas sa kaniya. “It's okay. You're safe now. Hush now, babe.”, mahinang saad ng estranghero kasabay ng marahan nitong pagkabig sa likod ng kaniyang ulo para maidantay sa dibdib nito. He was gently caressing her hair while hushing her and calming her down. Ilang minuto pa siyang nanatili sa pagkakasubsob sa dibdib nito bago niya naramdaman ang pagbangon nito kasama siya. They were still sitting on the cemented road and he's still holding her, as if afraid that something might happen to her if he let her go. She bit her lower lip as she wiped the tears that ran down her face before looking straight at the eyes of the man who saved her from her almost tragic death. “Thank you,” mahinang usal niya ng pasasalamat sa estranghero, “for saving me.” Ngumiti naman doon ang lalaki saka dahan-dahang tumayo at pinagpag ang narumihang suot na itim na pantalon. “Next time, be careful. I might not be around to save you again.”, huling paalala nito bago siya tuluyang iwanan doon. Akmang pipigilan pa sana niya ito sa pag-alis pero hindi na niya nagawa dahil na rin mabilis siyang dinaluhan ng driver ng sasakyang muntikan ng makabangga sa kaniya. And from that day onwards, she tried and she's still trying her best to find that mysterious guy who saved her. Pero hanggang sa makaalis na lamang siya ng bansang iyon ay wala na siyang naging balita pa at hindi na rin niya nakita pa itong muli. But then, she's hoping. She's hoping that one day, maybe one day, he'll introduce his self to her and make her feel alive once again.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
83.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
66.7K
bc

His Obsession

read
69.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook