bc

My Lover Is A Maid (R18+)- Completed

book_age18+
77.0K
FOLLOW
381.7K
READ
love-triangle
sex
family
playboy
maid
sweet
bxg
kicking
first love
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Dangerously In Love Series Book #1

Warning Content: Not suitable for minors.

Note: Pagpasensiyahan niyo na po ang mga technical error at typographical error. Dumadaan na po ito sa pag-edit upang maisaayos.

*MY LOVER IS A MAID*

Lumaki sa mahirap na pamilya si Karen kaya sanay na sa reyalidad ng kahirapan, kasama niyang namumuhay ang kanyang ina at nakababatang kapatid na si Rose. Ngunit nang siya ay tumuntong ng college, siya ay nagpasyang mamasukan bilang katulong sa isang mayaman at kilalang pamilya ng Sandoval upang matustusan ang pag-aaral at makatulong sa kaniyang ina.

Ngunit di niya akalain na magkukrus ang kanyang landas at ng kanyang amo na si Ethan Sandoval sa kanyang pinapasukang paaralan at sa ubod ng suplado nito ay mahuhulog ang kaniyang loob dito. Ngunit isang pangyayari ang magpapabago sa lahat. Biglaan din ang pagbalik ng kaniyang ama na matagal nang hindi nagpapakita.

Sa paglipas ng panahon ay magkikita sila ni Ethan na ganap ng binata at dalaga at nasa tamang edad na. Mapipigilan niya kaya ang naramdaman sa anak ng kaniyang amo, o magpapadala sa bugso ng damdamin?

chap-preview
Free preview
Prologue
[Karen’s Pov] NAGULAT ako ng biglaang pumasok sa kuwarto ko si Ethan Sandoval. Ang anak ng amo ko at kilalang isa sa pinakamayaman sa buong bansa. Nakahiga na ako sa higaan ko kaya napabalikwas ako sa pagbangon.  “S-Sir Ethan?” tanong ko na may halong pagtataka.  Nagulat na lang ako dahil diretso siyang naglakad papunta sa akin at umakmang yayakapin ako. Ngunit mabilis akong nakaiwas kaya naman bumagsak siya sa sahig.  “Naku po, Sir Ethan! Ano’ng nangyayari?” tanong ko.  Nataranta na akong lumapit sa kaniya upang tulungan siyang tumayo.  “Diyos ko po, napakabigat niya!” nahihirapan kong sabi.  Naparami ang kaniyang pag-inom dahilan upang malasing siya. Inalalayan ko siya sa kaniyang kaliwang braso upang makabangon. Amoy na amoy ko ang alak sa kaniyang katawan. Dahan-dahan siyang tumayo at yumakap sa akin kaya naman bumagsak kaming dalawa sa aking kama. Dumaloy ang kaba sa aking buong katawan at tila ‘di ako makapaniwala sa nangyayari. Halos habulin ko ang aking hininga dahil nakapatong lang naman siya sa akin at nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko. “Naku po! Sir Ethan, lasing po kayo!” pilit ko siyang itinutulak ngunit sobrang bigat niya.  Ang dami niya sigurong nainom kaya naman wala na ito sa katinuan. “Diyos ko po! Lord? Tulungan niyo po ako at baka ‘di na ako makatayo rito?!” sabi ko sa aking sarili habang nahihirapan dahil sa bigat at lasing kong amo.  “Sir! Please?” pagmamakaawa ko. “hmmm… hmmm… K-Karen?” mahinang sabi ni Ethan at pilit niyang itinaas ang kaniyang mukha.  Nagtama ang mga mata namin at tinitigan niya ako. Naniningkit ang mga mata nito dahil inaaninag niyang maigi ang mukha ko. Halos ‘di na ako makagalaw at matindi ang kaba sa dibdib ko sa kaganapan. Pilit ko siyang tinutulak ngunit natigilan ako sapagkat ikinulong niya ang mukha ko sa kaniyang mga braso. Ang mga kamay niya ay nasa ulohan ko na. Kinilabutan ako at para akong binuhusan ng malamig na tubig. “Sir Ethan, lasing na po kayo at mali po ang kuwartong pinasukan n’yo,” naiinis kong sabi. Ngunit balewala sa kaniya ang mga sinasabi ko at hindi ako pinakikinggan. “Tumayo na po kayo at ihahatid na kita sa kwarto niyo po, Sir!” kinakabahan kong sabi sa kaniya. Hindi ko malaman kung matutuwa ba ako o maiinis dahil sa ginagawa niya sa ngayon. Ang suplado kong amo ay nandito sa kuwarto naming mga katulong at nandito siya. Lasing at nakapatong pa sa akin. “Karen, b-bakit ka gan'yan? Ayaw mo ba sa akin at palagi mo akong iniiwasan?” nakasimangot na tanong niya sa akin.  Natigilan ako sa kaniyang sinabi kaya naman naramdaman ko na lang na nag-iinit na ang mukha ko sa hiya.  “H-Hindi po sir, mali po ang iniisip mong ayaw ko sa inyo. G-gusto ko po kayo!” nabigla kong sagot. Ano nga ba ‘tong pinagsasabi ko? Naku, Karen! Lasing lamang siya kaya wag kang umasa na gugustuhin niya ang katulad mo na isang maid lamang. Sabi ko sa aking isipan. “Hmmm… G-Gusto mo pala ako... b-bakit lagi kang umiiwas, kapag tumitingin ako sa’yo?” namamaos niya pang sabi. Halos nagkandautal-utal pa siya sa pagsasalita niya. Nang dahil sa sinabi niya ay pinabilis lamang nito lalo ang pagtibok ng puso ko. “H-Hindi po sir?! Mali po ang iniisip niyo. Gusto ko po kayo bilang amo ko dahil—” Napahinto ako sa pagsasalita dahil sa biglaan niya akong sinunggaban ng halik sa aking labi. Hindi ko alam kung gaganti ba ako o kailangan kong pigilan siya.  Habang nagpipilit ako ay tuluyan na akong nadala. Tinatangay na rin ako sa mapanukso niyang halik. Halos hindi na ako makahinga sa malalim nitong halik. Dahil sa mapusok niyang halik, may kung anong gumapang na milyon- milyong boltahe ng kuryente sa aking katawan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagpaubaya na ako. Napapikit na ako nang mariin. Ginantihan ko siya ng mainit kong halik. Ngunit bigla kaming napahinto sa paglayo ng kaniyang mga labi sa ‘kin. Ginawaran niya ako ng isang matamis na ngiti. Halos magkadikit pa rin ang aming mukha. “S-Sir,” mahina kong sambit. Ang gwapo ni sir Ethan. Kahit sino ay magkakagusto sa kanya. Ang hot niya palaging tingnan, matangkad, at maganda ang pangangatawan. Iyon nga lang ay suplado at masungit. Ni hindi nga siya mahilig ngumiti. Subalit ngayon ay nahuli niya at nabihag ang puso ko. Lalo na noong binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. “K-Karen? I… I love—”   Pinagpawisan ako nang malamig sa narinig ko. Hinintay kong matapos siya sa kaniyang sasabihin ngunit napahinto ito. Umalis siya sa pagkakapatong sa ‘kin at humiga na sa aking tabi. Namilog ang mga mata ko at binalingan ko siya ng tingin. Umupo ako upang tignan ko siya para malaman kung gising pa ba ito. Para akong nabunutan ng tinik nang makitang tulog na ang lasing kong amo. Bumalik ako sa aking pagkakahiga at napako ang tingin ko sa kisame. Hindi ko alam kong matutuwa ba ako sa nangyari.  Lasing lang siya Karen! Wag kang magpadala! Ganiyan talaga ang mga lalaki, dadaanin ka sa mga gan'yang pahalik-halik tapos sasaktan ka lang. Huwag kang maniwala Karen, isang hamak na maid ka lang at tiyak ako na pinaglalaruan ka lang ni Ethan.  Sabi ko sa aking isipan. Bigla na lang sumagi sa aking isipan at naalala ang lahat kung bakit ako narito at isang hamak na maid lamang sa mansyon ng mga Sandoval.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Possessive Boss (R18 Tagalog)

read
572.4K
bc

The Young Master's Maid

read
748.8K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
197.2K
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
453.2K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
341.7K
bc

That Professor is my Husband

read
504.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook