bc

The Artist

book_age18+
2.8K
FOLLOW
14.6K
READ
manipulative
goodgirl
comedy
twisted
LGBT+ Patimpalak sa Pagsulat
gxg
humorous
lesbian
passionate
wild
like
intro-logo
Blurb

NOTE: THIS IS A GXG (GIRL AND GIRL STORY/LGBT)

Sikat siyang modelo at artista. Hinahangaan, iniidolo, tinitingala.

Pero meron siyang sikreto.

She's in relationship with a girl. At hindi lang ito basta babae dahil miyembro ito ng notorious gang sa Martenei University.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Ruth
Nakakainis si Conrad. Bakit ba nai-timing pa na nilagnat ito ngayon eh kailangan naming pumunta para sa unang session ng painting para sa kailangan kong portrait? Hindi pa naman ako nakadalo noong magkapirmahan sila nung painter ng kontrata kaya hindi ko alam ang itsura nung artist. Asan na ba 'yung 7 Demons building? Ano ba namang klaseng pangalan 'yun ng gusali? Hindi ko nga napigilang matawa nang tanungin ko kanina kung saan makikita 'yung Clem Gonzales na painter. In fairness, maganda ang university na ito, napakaluwang, at maraming estudyante. Lahat ay nakangiti. Maaaliwalas ang kanilang mga mukha. Parang masarap mag-aral dito. Ang cute lang kasing tignan dahil pati college students ay naka-uniform. Nang sa wakas ay makita ko na ang 7 Demons building na pitong palapag (duh) ay ipinark ko na ang kotseng dala ko. Natatakot akong bumaba. Baka sugurin at pagkaguluhan ako ng mga estudyante rito. Ako pa naman ang pinakasikat na star ngayon dito sa bansa. Ruth Antonette Chusk: modelo, artista at paminsan-minsan singer kahit hindi maganda ang boses. Wala akong magagawa. Sikat ako, eh. Kinakabahan man ay pinili ko na ang bumaba nang mainip na ako sa loob ng magara kong kotse. Alangan namang maghapon akong nasa loob ng Toyota Camry ko, ‘di ba? Maraming estudyante ang napatingin sa akin lalo na 'yung mga lumalabas sa building. Hinintay kong tumakbo sila papunta sa akin para magpa-autograph o magpa-picture pero tatlong minuto na akong nakatayo, dinaanan lang ako ng mga estudyante. Napakunot-noo ako. Hindi ba nila ako kilala? Wala ba silang TV dito sa Martenei para hindi nila ako mamukhaan? Natawa na lang ako sa aking sarili. Saka ko lang na-realize na wala silang pakialam sa akin nang limang minuto na akong nakatayo, dinededma pa rin ako ng mga mag-aaral na dumaraan sa harap ko. Hindi ko tuloy alam kung maaasar ako o matutuwa. Nang wala pa ring lumalapit sa akin kahit ngitian ko sila ay nagdesisyon na akong maglakad patungo sa building. Napatingin ang mga nasa loob ng gusali sa akin pagbungad ko. ‘Di ko sila masisisi. Maganda ako, eh. "Good morning. I came to meet Miss Clem Gonzales," pormal kong bati sa lalaking nakabantay sa pasukan ng building. "Oh, you are Miss Chusk, right?" "Yes, I am," proud kong sabi. Taas-noo kahit kanino, ang artista ay ako. "Pasasamahan po kita sa Work Room ni Founder." Founder? Ng building? Hmm, mayaman pala ang Clem Gonzales na 'yun. Nakita kong sumenyas ang lalaki at pinalapit ang isang mukhang gangster na lalaki. Uy, ‘wag ka. 'Yung ibang babae sa loob ng building ay pormang gangsters din. Baka naman may shooting dito sa building. Kung ako ay isang producer lamang ng pelikula at TV shows, hindi ako mag-aalinlangang gamitin ang building bilang isa sa mga locations. Pang-international naman kasi ang aura ng building, eh. "Samahan mo ang bisita ni Master Clem sa Work Room niya," utos nito sa lalaking lumapit. "This way, Ma'am." Uy, in fairness, magalang ito kahit mukhang barumbado. Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang pansinin ang mga pangalan ng nadaraanan naming mga kuwarto. Torture Room. BDSM Room. What the eff?! "Dito po tayo." Pinauna ako nitong pumasok sa elevator. Humalukipkip ako habang umaakyat ito. Malay ko ba kung tsansingan ako ng kasama ko. Nang tumigil kami sa 5th floor ay saka lang ako nakapag-relax. Sumunod ako sa lalaki palabas ng elevator hanggang sa makarating kami sa pintuang may naka-label na Work Room. Kumatok muna ng tatlong beses ang lalaki bago ako inayang pumasok. Wow. Maluwang ang kuwarto. Sa isang bahagi ay may nakita akong higaan at mga posters ng tattoos. Sa isang bahagi naman ay may mga paintings na nakasabit. At sa isang banda ay mga pigurang gawa sa kahoy. So, bukod sa pagiging painter ay tattooist at sculptor pala ang Clem Gonzales na iyon. Nakaka-curious naman. Napangiti ako nang maalala ko ang sinabi ng kasama kong model na si Samantha. Karamihan daw sa mga artists ay pangit kaya ang frustration nilang gumanda ay napupunta sa mga masterpieces nila. I wonder kung gaano kapangit ang Clem Gonzales na iyon. Sana hindi siya ma-insecure sa beauty ko at papangitin ako sa painting na gagawin niya para sa akin. Idedemanda ko siya kapag nangyari 'yun. Lumapit ako sa mga paintings na naka-display sa pader. Tama si Tito Conrad. Magaling nga ang painter na iyon. Kitang-kita iyon sa mga hagod ng mga kulay sa bawat painting na tinitignan ko. Nagtagal ang mga mata ko sa portrait ng isang napaka-cute na bata. Animo ito totoo. Buhay na buhay. Ine-expect ko ngang gumalaw ito bigla. "That's Marcus Martenei, ang may-ari ng eskuwelahaang ito." Napalingon ako sa boses sa likod ko. Nakita ko ang isang matangkad at magandang babae. Nakaka-insecure ang maamo nitong mukha. Mas maliit lang ako konti rito since naka-high heels ako. Isa ba itong model ng painter na si Clem Gonzales? Wow, ha. Ayos din ang taste ni Gonzales sa mga kinukuha nitong models. "Founder." Napalingon kaming dalawa sa lalaking naghatid sa akin kanina. "It's okay, Tom. Ako na ang bahala," pangdi-dismiss ng babae rito. Napanganga ako sa takbo ng usapan nila. What the eff? Itong magandang babaeng ito si Clem Gonzales?! Bumaling ito sa akin. "So, Miss Chusk, portrait ba ang ipapagawa mo?" Bahagya itong ngumiti sa akin. At ako naman.... Na-star struck ako. What the eff?! Bakit ako ang na-star struck dito? Ako ang artista, hello?! "Ah, y-yeah!" WTF! Bakit ako nabubulol?! Nakakahiya! "Okay." Tumalikod ito sa akin pagkatapos marinig ang sagot ko. "Wait!" Hinabol ko ito at napahawak ako sa braso niya na dagli ko ring nabitawan dahil sa nakakakuryente nitong balat. "Yes?" Napapikit ako nang tumama sa aking mukha ang mabangong hininga ni Clem Gonzales. Ipinilig ko ang aking ulo para bumalik ang aking katinuan. "I changed my mind." Nagsalubong ang mga kilay nitong tumingin sa akin dahil sa sinabi ko. "Ayaw mo na ang magpa-painting?" magkadikit ang magagandang kilay nitong tanong pero in fairness ha, maganda pa rin siya. Malayong mas maganda siya kesa sa akin. Iyon ang masarap este mapait na katotohanan. "No! I mean, hindi na portrait ang ipapagawa ko." Amused itong napatingin sa akin dahil sa iba-ibang ekspresyon na nagdaan sa mukha ko. Hindi ko kasi napigilang mag-blush sa epekto ng ngiti nito sa akin. "Eh, ano?" tanong nito. Lumunok muna ako para matanggal ang bara sa aking lalamunan. Nag-ipon muna ako ng lakas ng loob bago magsalita. "I want a nude painting. Ipinta mo ako ng hubad."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Their Desire (Super SPG)

read
962.2K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.3K
bc

NINONG II

read
618.4K
bc

OSCAR

read
226.3K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.7K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook