bc

Contract - Tagalog

book_age18+
107.1K
FOLLOW
753.3K
READ
possessive
contract marriage
manipulative
badboy
goodgirl
CEO
boss
drama
tragedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa kinakaharap na problema ni Isabella Barcellano ay pikit-mata niyang tinanggap ang alok na pera ng kanyang boss na si Chris Montero. Ito ay may mangyari sa kanila at kailangan niyang magbuntis upang bigyan ito ng anak. May pinirmahan siyang kontrata na nagsasaad roon na hindi niya kukunin ang anak at ang lahat ng karapatan ay ibibigay niya sa kanyang boss. Labag man sa kalooban niya ay pumayag siya dahil wala siyang pagpipilian dahil nakasalalay dito ang buhay ng kanyang bunsong kapatid na kailangan ng operasyon sa puso. Ngunit lingid kay Isabella may mas higit pang kailangan si Chris Montero sa kanya.

chap-preview
Free preview
Episode 1
Chris's POV Isang malakas na sampal ang iginawad ko sa aking girlfriend. Napabaling ang mukha niya sa lakas ng pagkakasampal ko sa kanya. "You deserved it, b***h! Matapos kitang mahalin niloko mo lang ako. Kahit alam ko namalaki ang agwat ng edad natin, balewala lang sa akin iyon. Minahal kita higit pa sa inaakala mo. Kahit marami ang may ayaw sa ating relasyon binalewala ko lang ang kanilang sinasabi laban sa iyo." Halos magpuyos sa galit ang dibdib ko. Napakuyom ako ng aking kamao. "Hindi na ako masaya sa relasyon natin, Chris. Masyado mo na akong sinasakal sa pagmamahal na sinasabi mo. I need freedom." Aniya. Lahat naman ibinigay ko sa kanya kaya paanong nasakal siya sa relasyon namin? "Nagkulang ba ako sa iyo? I devoted my entire time to you.Tapos ito lang ang gagawin mo sa akin?" galit na sigaw ko sa kanya. "Chris, I loved you, pero napagod na ako sa relasyon natin. Hindi na ako masaya sa piling mo. Nasasakal na ako!" umiiyak na sabi nito. Nagtagis ang bagang ko. Ang kapal ng mukha niyang sabihin na mahal niya ako. Tapos iiwan lang pala ako, na ang rason niya nasasakal na siya. Lame excuses. Ang sabihin niya may nahanap na siyang mas may pera kaysa sa akin. Naging bulag ako sa pagmamahal sa kanya. Kahit alam kong pera lang ang gusto niya binalewala ko lang lahat ng iyon. Dahil sa pesteng pagmamahal ko sa kanya. "Okay, is that what you want? Go! Pero tandaan mo ito, oras na umalis ka sa buhay ko, huwag na huwag ka ng magbabalik dahil hindi na kita tatanggapin!" tiningnan lang niya ako at saka lumabas na nang opisina ko. Nanghihinang naupo ako sa swivel chair ko. Sa sobrang inis hinawi ko ang mga gamit na nasa ibabaw ng table ko. Nahulog ang mga iyon sa lapag. Naglikha iyon ng ingay kung kaya pumasok sa loob ng opisina ko ang aking Sekretarya na may pag-aalala sa kanyang mukha. "Sir, okay lang po ba kayo?" napatingin ako sa kanya. Okay, ba ako sa lagay na ito? Tumayo ako upang lumabas ng opisina ko. "Linisin mo ang mga iyan." Utos ko sa kanya at saka lumabas nang opisina ko. Kailangan kong uminom dahil gusto kong makalimot. Isabella's POV Grabe, naman si Sir Chris. Kulang na lang wasakin niya ang buong opisina niya. Narinig kong nag-away sila ng nobya niya kanina. Hindi naman ako tsismosa kaso sa lakas ng sigawan nila narinig ko mula sa labas ng office ng boss ko. Sa guwapo ba naman ni Sir Chris nakuha pa siyang hiwalayan ng nobya niya? Kahit sampong taon ang agwat nila minahal naman ni Sir ang babae. Ano pa bang hahanapin niya? Nasa boss ko na ang lahat. Mayaman, guwapo, matalino at masungit. Medyo sablay nga lang sa ugali. Baka isa iyon sa dahilan ng babae. Masyado naman kasing masungit si Sir. Akala mo palaging may dalaw kung magalit. Palagi nga akong nasasampulan. Kulang na lang bugahan ako ng apoy sa galit. Panay ang singhal sa akin at palaging nakakunot ang noo. Ang suwerte ng nobya niya dahil mahal na mahal siya nito pero parang hindi naman na-appreciate ng babae iyon. Ganoon naman walang contentment ang mga tao. Gusto nila mas higit pa roon. Kuntento na ako sa pagiging Secretary. Nabubuhay ko naman ang pamilya ko. Although ako ang bread winner sa pamilya namin dahil ulila na kami sa mga magulang. Maagang kinuha ng Diyos si Tatay tapos noong nakaraang taon si Nanay naman. May dalawa akong kapatid mga nag-aaral pa. Nasa kolehiyo ang sumunod sa akin at ang bunso nasa high school pa lamang. May problema pa sa puso ang bunso kong kapatid. Naggagamot pa ito kaya hindi ko na iniisip ang mag-asawa dahil may mga kapatid pa akong tinutulungan. Kailangan nila ako dahil tanging ako na ang tumayong magulang nila. Natapos kong linisan ang magulong opisina ni Sir Chris. Lumabas na ako upang gawin naman ang mga schedule ni Sir Chris. Hindi ko namalayang mag-ala dos na pala ng hapon. Saan na naman kaya nagpunta ang boss kong masungit? Kanina pang umaga umalis iyon. Alam naman niyang ang daming trabaho dito sa opisina nakuha pang mamasyal sa labas. Speaking of the devil dumating na sa wakas ang boss kong masungit. Ang kanyang kilay ay parang magdudugtong na sa sobrang kunot ng noo niya. "Why are you looking at me?" masungit na tanong niya nang mapansin ang pagtitig ko sa kanya. "S-Sir papipirmahan ko po itong paper." sabi ko. Inaabot ko sa kanya ngunit hindi niya ito kinuha. "Please, bring it to my office." Aniya. Naamoy ko ang alak nang lagpasan niya ako. Mukhang uminom ang boss ko. Broken hearted kasi. Sumunod ako sa kanya dala ang paper na papapirmahan ko. Pagkapasok sa loob nakita ko itong umiinom sa bote. Mukhang alak ang kanyang iniinom. Palihim akong napailing. "Ito na po, Sir." Inilapag ko sa table niya ang papel. Napatitig sa akin si Sir Chris kaya bigla akong naasiwa sa klase ng kanyang pagtitig. Nanlaki ang mga mata ko nang naghubad ng long sleeve ang kanyang boss mismo sa aking harapan. My God! Hindi ko tuloy alam kung tatalikod or lalabas ng opisina niya. Magla-live show pa yata ang boss ko. "Wala na po ba kayong ipag-uutos?" tanong ko sa kanya upang maakalabas na ako. Pinagpapawisan ako ng butil-butil sa noo. Half naked na ang boss ko. Umiling siya sa sinabi ko at saka sumenyas na umalis na ako. Lumabas na ako agad sa opisina niya. Pagkalabas napasandal ako sa pinto habang hawak ang aking dibdib. Napakalbilis ng t***k ng puso ko. Nakaka-suffocate pala ang abs ni Sir Chris at saka ang macho niya pala.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

Married By Mistake

read
170.6K
bc

A night with Mr. CEO

read
175.2K
bc

The Professor's Wife

read
449.0K
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M
bc

Womanizer's Property (TAGALOG)

read
1.2M
bc

Wanted Perfect Yaya

read
241.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook