bc

MY COLD ABUSIVE HUSBAND

book_age16+
50.9K
FOLLOW
298.7K
READ
others
dark
drama
tragedy
twisted
sweet
heavy
serious
Writing Academy
Girlpower Revenge Writing Contest
like
intro-logo
Blurb

Akala ko pag binigay ko lahat-lahat ay mamahalin niya na ako.

Akala ko pag minahal ko siya kesa sa pagmamahal ko sa sarili ko ay mapapansin niya na ako.

Akala ko pag tiniis ko lahat ng sakit na ibinibigay niya sa akin ay magiging maayos rin ang lahat.

Pero lahat ng iyon ay hanggang akala lang pala.

chap-preview
Free preview
K A B A N A T A 1
"S-sorry na Grae, H-hindi ko naman s-sinasadya na gisingin ka eh...L-late ka na kasi sa t-trabaho mo." mangiyak-ngiyak na sabi ko habang nagpapaumanhin kay Grae. "A-aray! tama na p-please." pagmamaka-awa ko dahil hawak niya ang buhok ko at ikinakaladkad ako sa kung saan. "Sabi ko diba wag na wag mo iistorbohin ang tulog ko! you never listen to me! Ako ang boss sa kumpanya at wala kang pake kung malate man ako!" sigaw niya sa akon habang hawak parin ang buhok ko. "S-sorry na talaga Grae please pakawalan mo na a-ako." pagmamaka-awa ko para bitawan na niya ang buhok ko. Sobrang sakit ng ginagawa niya ngayon sa akin. "Sa susunod na pakealaman mo pa ako hindi lang yan ang aabutin mo sakin,naiintindihan mo ba?!" patanong na sigaw niya sa akin at basta nalang ako itinulak kung saan dahilan para masalampak ako sa sahig. Ang sakit,parang nabalian ata ako dahil sa lakas ng pagtulak niya sa akin. "N-naiintindihan ko." sagot ko naman habang uniiyak at nanghihina. Hindi ko nakita ang reaksyon niya matapos kung sabihin iyon dahil nakatungo lang ako sahig,ayoko makita niya ako na sobrang kaawa-awa dahil sa kagagawan niya. Narinig ko naman ang yabag ng paa niya papalayo sa akin at nang hindi ko na marinig ang mga yapak niya ay tumayo ako para pumunta sa kwarto. "O-uch" napadaing ako sa sakit dahil mukhang nadali ang balakang ko dahil sa impact ng pagtulak niya sa akin kanina. Masakit man ay pinilit kong tumayo ulit at maglakad. Sa awa ng Diyos ay nakarating naman ako sa kwarto ko,buti nalang ay nasa unang palapag lang ito. Dahil sa Maid's quarter ako pinapatulog ng asawa ko dahil ayaw niya akong makatabi sa kama. Umupo ako sa kama at nakita ko ang replekyon ko sa salamin na nasa harapan ko ngayon. Anong nangyari sa akin? Bat ako humantong sa ganito? Mag-asawa kami pero bat nagagawa niya akong saktan kahit na alam niyang mahal na mahal ko siya. Bakit sa lahat ng sakit na binibigay niya sa akin ay hindi parin ako umaalis? Ang tanga ko naman. Mahal ko eh. Pinunasan ko ang luhang tumulo nanaman sa mata ko. Pumunta ako sa banyo para maligo. Ramdam ko ang buhos ng malamig na tubig na bumubuhos sa akin...tulad ng malamig na tubig na ito; ganun din ang asawa ko sa akin. Bakit nga ba kami nahantong sa ganito? Oo nga pala kasalanan ko. Napatawa ako bg mapait sa aking isipan. Kung hindi ko pinagsamantalahan ang kalasingan niya at hinaluan ng kung ano ang iniinom niya ay siguro hindi kami kasal ngayon. Kung sana hindi ko ginawa yun dati ay hindi ako nasasaktan ngayon. Flashback... "Shania are you really sure about this? pag nalaman ni Grae ang gagawin mo sa kanya ay siguradong magagalit iyon sayo." naga-alalang sabi ng kaibigan ko na si Patricia. "Pat, I really love Grae and if I don't do it now I will surely regret it,wala akong pake kung magalit siya sa akin pag nalaman niya ito pero ayoko na muna isipin yon." sabi ko naman. Desidido na ako sa plano kong ito. I really love him to death. and I will make sure that this night Grae and I will be married. Iniwan ko muna si Pat at nilapitan ang table nila Grae dito sa bar. "Hi Shania how are you?" tanong ni Bryan sa akin na kaibigan ni Grae. "I'm fine thank you." sabi ko naman at ngumiti. Sinulyapan ko si Grae sa tabi ni James na nasa bandang sulok at nakita kong tipsy na ito dahil sa alak. Dahil may bakanteng upuan pa sa tabi niya ay doon ako umupo. "Hi Grae, you're drunk na." sabi ko at hinawakan siya sa mukha pero inihawi naman niya ang kamay ko at dahil sa ginawa niyang iyon ay tila binagsakan ako ng mabigay na bagay dahil doon. "Tsk. don't touch me..stay away from me..I don't want to see your face." lasing na sabi niya kahit pabulong lang iyon ay narinig ko iyon. Parang sinaksak ng ilang kutsilyo ang puso ko dahil sa narinig mula sa kanya. He don't like me...He hated me actually and I think it will stays that way forever...He will always think that I ki- Naputol ang pagmumuni ko ng marinig at nakita kong nagsusuka si Grae. "Grae! are you alright?" naga-alalang tanong ko at hinagod siya sa likod. "D-don't touch me" tanging sinabi lang niya at pasalampak na sumandal sa couch at pinikit ang mga mata. It hurts that the man that I love don't want me. Pasimple kong kinuha ang tubig sa tabi at kinuha ang gamot at inihalo ito doon. Ang gamot na ito ay ang magpapawala sayo sa katinuan at madaling mapapasunod ang mga iinom nito. Kinuha ko pa ito sa ibang bansa at hindi ko sasayangin ang effort at perang nilaan ko dito. Kinuha ko ang baso at pilit na inilalapit ito sa bibig ni Grae. "Grae inumin mo tong tubig para mahimasmasan ka." sabi ko at pilit inilalapit sa bibig niya ang tubig at sa wakas ay pagalit na ininom niya ito ng isang lagok at basta tinapon ang baso sa kung saan buti nalang ay di nabasag. Tinignan ko siya at pinagmasdan habang ang mga mata ay nakapikit. Ang gwapo niya talaga kung saang angulo. "Ano James pede pakitulungan ako na dalhin sa VIP room itong si Grae, sobrang lasing na kasi." pakiusap ko kay James na halatang lasing narin. "Okay." tanging sabi lang niya at pilit itinayo si Grae at inakay papunta sa 3rd floor nitong bar kung nasaan ang VIP rooms. Agad kung binuksan ang pintuan ng kwarto at agad namang isinunod ni James ang kaibigan at inihiga sa kama. "Maraming Salamat James." sabi ko naman at tango lang ang isinagot niya sa akin at umalis na. Tinignan ko naman sa kama si Grae at mukang matutulog na. Kinuha ko ang papeles ng kasal...Oo kahit hindi naman kami ay ire-register ko na mag-asawa kami kahit wala pang pormal na kasal para wala na siyang kawala sa akin. Kinuha ko ang ballpen at papeles,lumapit ako sa kama at pilit na itinatayo siya. "Grae umupo ka muna may kailangan kang pirmahan." sabi ko ngunit ayaw niyang umupo. "Grae naman, pirmahan mo lang ito at aalis na ako." sabi ko at naramdaman ko namang bigla siyang napatigil at umupo kahit pasuray suray siya. Gusto niya talagang umalis na ako.. mapaklang asad ko sa sarili. "San a-ako pi-pirma bilisan mo." lasing na sabi niya kaya naman inilapit ko ang papeles at binigay ang ballpen. Hinawakan ko pa ang kamay niya kung saan dapat siya pumirma dahil pasuray-suray siya at hindi makasulat ng ayos. Nang mapirmahan na niya ang dapat pirmahan ay pabagsak siyang humiga ng kama at tinalikuran ako. Masaya akong nakatingin sa pirma niya. Sa wakas...mag-asawa na kami. Kailangan ko lang ipasa ito sa korte para malegal. Pero ang mahalaga ngayon ay wala na siyang kawala sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
542.1K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
452.8K
bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M
bc

His Obsession (Tagalog)

read
88.7K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
324.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook