bc

Marry Me again, Sweetheart (Completed)

book_age16+
637
FOLLOW
2.0K
READ
escape while being pregnant
friends to lovers
arranged marriage
goodgirl
drama
bxg
heavy
first love
wife
friends
like
intro-logo
Blurb

Nasaktan man si Lia sa pakikipaghiwalay sa kanya ni Andrei ay tinanggap niyang bumalik sa dating estado niya sa buhay nito bilang: KAIBIGAN, kahangalan mang isipin.

Now, single and much available and annuled bakit may nadagdag na naman sa status niya?

Panibagong pagsubok ang kanyang haharapin ngayong nasumpungan niyang dinadala niya sa sinapupunan ang anak nila nang lalaking patuloy na minamahal....

chap-preview
Free preview
Happy Anniversary
Chapter 1 Lia's POV Happy Anniversary. Mapait na bulong niya sa hangin. Masaya sana ang okasyong ito but it is ironic na puno ng pighati ang kanyang puso. Ito dapat ang unang beses na magse-celebrate sila ni Andrei ng anibersaryo ng kanilang kasal ngunit ito na din pala ang huli. Sino ang mag-aakalang hahantong ang araw na ito sa ganito? Sa halip na kumakain sila sa mamahaling restaurant ay okupado ang oras niya sa pag-e-empake ng mga damit at personal na gamit niya sa di kalakihang maleta. Ang mga naipon niyang gamit na nanggaling sa pera ng asawa ay napagpasyahan niyang huwag isama sa pag-aalsa balutan niya. Their marriage is over. Wala man lang babala na magtatapos kaya biglang guho ang mundo niya. Nakakapanghinayang na natapos kaagad sa loob ng isang taon ang pagsasama nila. O wala naman talaga silang dapat panghinayang sa simula pa lang? They were married one year ago. Nagpakasal siya kay Andrei dahil mahal niya ito habang si Andrei naman ay napilitan dahil napabalag sa alanganin ang ego nito bilang lalaki. Hindi masasabing walang pag-ibig na namagitan habang nagsasama sila dahil gaya ng sabi niya kanina ay mahal niya nga ito. Yaman nga lamang na ibang babae ang nagmamay-ari sa puso nito. Nais niyang ipaglaban ang pag-ibig kay Andrei. Magmakaawang huwag na nitong ituloy ang pagpoproseso sa annulment papers nila ngunit hindi ba't naunahan na siya ni Andrei na magmakaawa nang hilingin nito ang kalayaan mula sa kanya? Marahas niyang pinahid ang naglandas na mga luha. Pagalit na sinaway ang sarili na huwag magpakita ng anumang kahinaan. Kasabay ng pagtunog ng isinarang zipper ng maleta ay ang pagbukas ng pinto ng silid na inuokupa ni Lia simula ng magsama sila bilang mag-asawa ni Andrei. Nasa kabila ang silid ng lalaking nakakwadro sa nakabukas na pinto at nakamasid sa kanyang ginagawa. Connected ang mga silid nila ng isang pinto na kailanman ay hindi niya nagamit para pumasok sa silid nito. Privacy. Iyon ang unang napag-usapan nila ni Andrei. At pareho nilang inirerespeto ang aspetong iyon. "Pwedeng ipagpabukas mo na ang pag-alis Lia. Nagpaluto ako kay Nana Seling ng tanghalian."swabeng-swabeng pagkakasabi ni Andrei. Pinigil niya ang pag-alpas ng isang marahas na paghinga. Nagpahanda ba ito para ipagdiwang ang kalayaang natamo mula sa kanya? At ine-expect ba nito na sasaluhan niya ito? "N-naghihintay sa baba ang taxi."may bikig sa lalamunan na di tuwiran niyang pagtanggi. What a lame excuse. Another day with him ay baka bawiin niya ang pagpayag na makipaghiwalay dito. Mahal niya ito. Mahal na mahal. Kung sana ay pareho lamang sila ng nararamdaman ay siguradong siya na ang pinakamaligayang babae ngayon. Hindi nagkomento si Andrei sa sinabi niya ngunit naalerto siya ng lumapit ito sa kinaroroonan niyang gilid ng kama. "Masamang humindi sa pagkain Lia."anito sa tonong hindi mababali ninuman ang pasya. He is eyeing her intently. Ano pa ba ang gusto nito sa kanya? She was shattered into million pieces. Durug-durog na ang puso niya ng sabihin nito mas makakabuti sa kanila ang maghiwalay ng landas. A cruel words na narinig niya sa taong pinakamamahal niya. Ang pakitunguhan ito ng normal ay napakahirap na gawin para sa kanya. And yet,- nagpakawala siya ng malalim na paghinga. "May next time pa naman siguro Andrei. I'm in the hurry."pagdadahilan niya. Lihim niyang pinuri ang sarili dahil sa hindi niya pag-i-stammer gayong ang totoo ay gusto na niyang pumalahaw ng iyak. Mahigpit na hinawakan niya ang handle ng maleta na parang doon kumukuha ng supply ng buhay niya. Ang mga tuhod niya ay bahagya pang nanginginig. "If you say so."salubong ang kilay na sabi ni Andrei. Tinawid nito ang kaunting distansya nila saka hinapit siya nito palapit sa katawan nito. "Pwede naman siguro akong humingi ng goodbye kiss."anito bago walang paalam na siniil siya ng halik sa labi. Mas malalim ang paraan ng paghalik nito sa kanya. Mapang-angkin. Marubdob. Nagpatangay siya ng ihiga siya ni Andrei sa kama at angkinin siya nito. Nakatulog itong nakayakap sa kanya. Siya naman ay malungkot na inayos ang sarili at lumabas ng silid. Goodbye Andrei. Ipinikit niya ang mga mata upang pigilan ang pag-alpas ng butil ng mga luha niya habang binabagtas ang daan palabas ng kanyang silid. I am Lilia Barrameo Monseratt. Oh, drop the Monseratt. Balik na ako sa realidad. I was born Lilia Perez Barrameo. Lia for short. Sa edad na 21 ay nagpakasal kami ni Andrei Monseratt. He was 23 that time. At ngayong 22 na ako ay nanganganib akong maging annuled. Hindi pa alam ng parents ko ang nangyari sa amin ni Andrei. At wala akong balak na ipaalam. They will know sooner naman. Hindi pa ako handang ipaalam sa kanila dahil tiyak na masasaktan sila ng husto para sa akin. Ayokong kaawaan nila ako. Ginusto kong makasal kay Andrei. Hindi nga lang pinalad na tumagal iyon. Siguro'y sadyang mailap ang salitang "forever" para sa aming dalawa. Kapwa kami nagmamahal na dalawa. Ako, mahal ko siya ngunit siya ay may mahal na iba. Ipinilig ko ang aking ulo para palisin ang sakit na maya't-maya ay sumasagi sa isipan ko. One week. Ganoong katagal na akong wala sa bahay namin ni Andrei. Ganoon katagal ko na rin siyang hindi nakikita. Madaming beses akong natutuksong tawagan siya o kumustahin lamang but in the end ay nanalo ang bahagi ng isipan ko na nais na pakawalan siya at tapusin ang paghihirap niya kaya ang pagtawag ko sa kanya para mangamusta ay nanatili na lamang mga balak. Natatakot din akong kapag nagkausap kami ay sabihin niyang dapat ko ng pirmahan ang annulment papers namin. Nangako akong makikipagtulungan sa kanya tungkol sa issue na iyon ngunit hindi ko pa rin mapigilang matakot na kapag pinirmahan ko ang kapirasong papel na iyon ay tuluyan na siyang mawawala sa buhay ko. Marahan akong lumapit sa barandilya ng rooftop ng building ng kumpanyang pinapasukan ko. Accountant ako at sapat ang kinikita ko para suportahan ang aking mga pangangailangan. Tuwing lunchbreak ay dito ako pumupunta para maglibang. Magpalipas ng oras at para huwag parating maging laman ng aking isipan si Andrei. Ngunit hindi ko mapigilan ang pasaway kong puso na nakipagjoin forces pa sa aking utak. Mahal ko pa rin siya. Sobrang mahal. *** Sa nanginginig kong mga kamay ay pinirmahan ko ang annulment papers na dala-dala ni Andrei. Madaming sinabi ang abogado niya na kaharap ko at idini-discuss ang mga benipisyong makukuha ko sa hiwalayan. Isang villa, isang kotse, at buwan-buwang sustento mula kay Andrei na hindi biro ang halaga. Wala akong interes sa mga iyon. Si Andrei lang ang gusto ko!         Mabigat man ang loob ay hindi na ako kumontra. Wala din naman akong magagawa kung ipipilit ko pa na ipagpatuloy namin ang aming pagsasama.         "Let's celebrate."nagulat ako ng  marinig ko ang tinig ni Andrei. Sadista talaga si Andrei, bagaman hindi niya alam na nasasaktan ako sa nangyayari sa amin dahil mahal ko siya at napahirap para sa akin na pakawalan siya.         Nasa likuran ko siya ng malingunan ko. Natigil ang pagbubukas ko sa pinto katapat ng driver's seat ng aking sasakyan na kulay puting Honda Civic. Hindi pa ito ang kotse na nakalagay na matatanggap ko kay Andrei. May kotse naman ako kaya bakit niya pa ako kailangang bigyan?           Masaya ang bukas ng mukha niya. Mas umalwan kaysa noong nagsasama pa kami. We're used to be friends. Yeah, dati. At mukhang gusto niyang ibalik ang dati naming samahan.         Ang nobya niya talaga ay ang kaibigan kong si Chloe. Dahil malapit kami ni Chloe ay naging malapit na din kami ni Andrei.          Napakasal kami ni Andrei dahil sa isang insidente. Lilinawin ko lang mahal ko si Andrei noon pa man bago sila naging ni Chloe. Wala din akong inagaw kay Chloe dahil iniwan niya si Andrei. Nakipagtanan siya sa childhood friend niya na si Hans. Nang malaman iyon ni Andrei ay nagkulong ito ng ilang linggo sa kwarto nito. Ako naman ay madalas tawagan ng mommy niya upang kumbinsihin si Andrei na maganda pa rin ang buhay kahit wala na si Chloe sa piling nito.        Galit na galit noon sa akin si Andrei. Akala niya ay may alam ako sa plano ni Chloe hanggang sa unti-unti ko din siyang nakumbinsi na wala akong alam. Na tulad niya ay nagulat na lang sa naging desisyon ni Chloe.       Naging mas malapit kaming dalawa. Madalas niya akong sunduin noon sa pinapasukan kong office unannounced. Sumasama din siya sa mga lakad ko out-of-town. Talagang naglilibang lang siya. Hindi ko naman siya inaakit or something dahil alam kong platonic lang ang nararamdaman niya para sa akin. Isa pa ay nakatakda na rin naman akong ikasal sa lalaking noon pa man ay naka-arrange marriage ko. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit kahit mahal ko siya ay hindi ko magawang sabihin sa kanya dahil committed ako kay Jaco kahit hindi namin ginusto na makasal sa isa't-isa.         Nagpa-party ang mama ko sa bahay namin para i-announce ang pagreretiro ng papa ko sa kompanya namin. Ang panganay kong kapatid na si Leon ang hahalili. Dumalo doon si Andrei. Kinabukasan ay nagising ako sa malakas na tili ng mama ko. Doon ko nadiskubreng napasukan niya kami ni Andrei na magkatabi sa kama ko na walang kahit na anong saplot. Hindi ko alam kung paano at ano ang nangyari dahil bago pa matapos ang kasiyahan ay umakyat na akong mag-isa sa silid ko dahil inatake ako ng migraine.      Napilitan si Andrei na pakasalan ako. Naurong naman ang kasal ko kay Jaco. Sunud-sunuran na lamang ako sa mga pangyayari. Sa isang kilala at mamahalin kaming restaurant kumain. Balak ko sana siyang yayain dito noong anibersaryo namin kaso ay naunahan niya ako sa paglalatag ng mga plano niya. Mabigat man ang dibdib ko ay sumaya din ako kahit papaano dahil bumalik na ang dating Andrei na kakilala ko. Palangiti na ito muli at palakwento.         "When will I see you?Pwede sigurong magkita tayo bukas?"tanong niya. Pahinamad siyang sumandal sa pinto ng driver's seat ng kotse ko para hindi ko iyon tuluyang mabuksan.         "Hindi pwedeng araw-araw ay absent ako."dahilan ko. Pinilit kong ngumiti para iparating sa kanyang ayos lang ako. Ilang beses siyang humingi ng sorry sa akin ngunit sinabi kong wala siyang dapat ihingi ng tawad. We'll remain friends gaya ng gusto niya bagaman mahihirapan ako dahil kailangan kong bumalik sa dati kong estado sa buhay niya. Friend. What a bitter word.         "Mahigpit talaga si Leon."pagpalatak niya na ang tinutukoy ay ang boss at kapatid ko. Siya pa lamang ang nakakaalam ng sitwasyon namin ni Andrei. Ang kapatid ko din ang kumuha ng isang condo unit para may magamit akong tirahan. Hindi na ako pwedeng bumalik sa bahay nang aming mga magulang.         Again I give him a smile.         "Saan ka nakatira?"tanong niya. Para siyang makulit na bata.         "Sinabi ko na sa iyo kanina di ba?"balik-tanong ko.          "Hindi mo man lang ba ako iimbitahan?"         Napatitig ako sa kanya. Inaarok ang kaseryosohan sa mukha niya. Awkward na gawin ko na imbitahan siya.         "For oldtime sake's."pagdadahilan niya. Nag-puppy eyes pa siya para magpaawa.         Napapitlag ako ng tumunog ang cellphone ko nasa bitbit kong handbag. Tinanggap ko ang tawag ng makita ang pangalan ng caller. Lumayo ako ng bahagya kay Andrei matapos kong mag-excuse. Nang balikan ko si Andrei ay nakahalukipkip na ang magkabilang braso niya sa tapat ng kanyang dibdib.         "Sino iyong tumawag?"pamumuna niya. Kunut na kunot ang noo.          "S-si Jaco."maikling sagot ko.         "Bakit daw?"hindi ko gusto ang tono niya na parang may karapatan pa siyang magtanong ng ganoon sa akin. Pinalampas ko na lang siya dahil ayoko ng away.         "Nangangamusta."simpleng sagot ko na lang. Iyon naman ang kabuuan ng dahilan ng pagtawag ni Jaco.         "And?"tanong niya na parang may hindi pa ako sinasabi sa kanya.         "Magkikita kami, okey."napipikon kong sabi. Alam na ni Jaco na annulled na kami ni Andrei. Siguradong si Leon ang nag-inform sa dati kong fiance. Inirereto kami ulit ni Leon sa isa't-isa. At mukhang nakikipagcooperate si Jaco sa kalokohan ng kapatid ko. Hindi pa rin nag-aasawa si Jaco. Hinihintay niya daw ako.         "Sana sinabi mong gagabihin ka ngayon ng uwi at hindi din pwede bukas o sa susunod na araw dahil occupy ko ang buo mong time."mapanganib ang tonong sabi ni Andrei. Kung pagaganahin ko ang pantasya ko ay iisipin kong nagseselos si Andrei. Pero imposible iyon.            "You don't own me."sabi ko sa kanya na pabiro. Mukhang nahimasmasan naman siya. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan.         "I'll see you around."there's a hint of promise sa pananalita niya ngunit ayoko ng umasa. Wala na, tapos na kami.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Broken Angel

read
3.8K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
388.7K
bc

Fight for my son's right

read
146.5K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.0K
bc

Unexpected Romance

read
38.1K
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
285.7K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook