bc

The Billionaire is In Love with the Surrogate Book 2

book_age18+
83
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
playboy
arrogant
CEO
bxg
humorous
office/work place
poor to rich
stubborn
like
intro-logo
Blurb

MASAYA ang pagsasama ni Aggie at Thumbler bilang mag-asawa, lalo na't nasa sinapupunan niya ang pangatlo nilang maging anak. Ngunit ang pagbubuntis niya ay hinahadlangan ni Claudia na nagpapanggap na Lovely. Dahil ayaw niyang tuluyang lumayo ang atensyon ni Thumbler sa kanilang mag-ina. Nagtagumpay si Claudia o Lovely, sa kaniyang plano at nalaglag ang ipinagbubuntis ni Aggie. Dahil doon ay disappointed si Thumbler at na-depress. Sapagkat napaniwala siya ni Claudia o Lovely, na sinadya ni Aggie na malaglag ang kanilang pangatlong anak. Muling nagtakpo ang landas ni Aggie at Enchong, ito ang naging sumbungan at sandalan niya sa kaniyang mga problema. Ipinagtapat ni Enchong na kapatid niya si Echai, ang babaeng sumira sa relasyon nilang mag-asawa. Sa simula ay nagalit si Aggie sa kanya ngunit agad rin naman niya itong napatawad. Isang malaking pagkakamali na desisyon ang ginawa ni Thumbler, nang magpasya itong mag-file ng annulment. Kahit labag sa loob ni Aggie ay pumirma siya upang ibigay ang kalayaan ng asawa niya. Isang malaking rebelasyon ang sumabog, nang matuklasan ni Aggie na hindi anak ni Thumbler ang anak nila ni Claudia. Sapagkat nakita niya na walang birthmark ang anak nila ni Claudia, Samantalang noong nakita niya ang larawan ng bata ay meron itong birthmark.

chap-preview
Free preview
Episode 1: Enchong Is Back
HINDI NAMALAYAN ni Enchong ang pagbaha ng mga luha niya. Hindi siya iyakakin ngunit sa pagkakataon na iyon ay malayang umagos ang mga luha niya. Sobra siyang nasaktan at nanghihinayang sa relasyon nila ni Aggie. Subalit sa kaibuturan ng puso niya ay sinisigaw nito na huwag siyang sumuko at ipaglaban ang babaeng minahal niya. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha bago ito tumayo at lumabas, at bitbit niya ng notebook ni Aggie. "Pa, hihingi sana ako ng pabor," ani niya kay Mang Lucio. "Ano 'yan, Encho?" "Huwag mo na lang ipaalam kay Gie-Gie na nagpunta ako dito, at huwag mo na ring banggitin na nakauwi na ako ng Pinas, upang hindi magulo ang isip at ang pagsasama nila ng asawa niya." "Sige, kung iyan ang gusto mo, at mabuti na rin iyon," sang-ayon niya rito. "Magpaalam na po ako, Pa." "Sige. Pero saan ka pala tutuloy ngayon?" pag-alala na tanong ni Mang Lucio. "Babalik na lang siguro ako sa Manila." "Kung dito ka na lang magpalipas ng gabi." "Huwag na, Pa. Mas lalo ko lang maaalala si Gie-Gie." "Naiintindihan kita, Encho." Hanggang sa nagpapaalam si Enchong at tuluyang umalis. Malungkot siya na sumakay ng taxi. At laman pa rin ng isip niya ang mga sinasabi ni Mang Lucio.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.3K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
90.7K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.2K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
36.0K
bc

The Sex Web

read
130.9K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook