bc

Live Boys

book_age0+
416
FOLLOW
1.5K
READ
drama
sweet
bxb
like
intro-logo
Blurb

Napasok si EARL sa isang kakaibang trabaho dahil kay LIAM-- ang paghuhubad sa harap ng webcam sa pamamagitan ng website na boyslive.com. Noong una ay okay naman, kumikita siya ng malaki at nasusuportahan niya ang kanyang pamilya. Hanggang sa isang pag-ibig ang hindi inaasahang mamuo sa pagitan nilang dalawa. Ngunit nang magdesisyon na silang layuan ang kakaibang trabahong meron sila ay saka naman sila hihilahin nito pabalik...

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
MAHIRAP talaga ang buhay sa mundo. Mas lalong mahirap ito kung hindi ka tapos sa iyong pinag-aralan or worst wala ka talagang pinag-aralan. Kaya naman dahil high school graduate lang ang natapos ni Earl ay natuto siyang pahalagahan ang bawat trabahong kanyang nakukuha. Sa edad niyang disi-nueve ay lumuwas siya ng Maynila, iniwan niya ang kanyang pamilya na nasa probinsya upang makipagsapalaran. Wala naman kasing matinong trabaho sa probinsiya nila. Karamihan ay pagsasaka, pagtatanim o kaya ay pangingisda. Nagsawa na siya sa ganoong klase ng trabaho dahil kahit anong sipag niya ay hindi naman siya umaasenso. Apat pa ang kapatid niya na nag-aaral at masyado nang matanda ang kanyang ama at ina para magtrabaho ng mabigat. Nangingisda ang tatay niya at ang nanay naman niya ang nagbebenta nito. Siya ang panganay sa magkakapatid kaya naman siya talaga ang inaasahan ng mga ito. Pagbaba ni Earl ng bus ay nagpalinga-linga siya. Sumalubong sa kanya ang mukha ng Maynila. Traffic, mausok, maraming matataas na gusali at ang lahat ng tao ay tila nagmamadali na parang naghahabol ng kung ano. Tumabi siya at sumilong sa malapit na waiting shed dahil medyo matindi ang sikat ng araw. Tanghali na kasi. Isang lumang back pack na nakasukbit sa kanyang likod at isang travelling bag ang kanyang dala. Literal na pakikipagsapalaran ang gagawin niyang ito dahil wala siyang tirahan dito at maghahanap pa lang siya ng trabaho. Nangutang pa nga ang nanay niya ng pera sa kakilala nitong nagpapautang para may budget siya sa pakikipagsapalaran sa lungsod. Kaya dapat niyang paghusayan ang pagtatrabaho dito. Ayaw niyang madisappoint ang pamilya niya sa kanya. Sandaling hinugot ni Earl ang isang panyo sa kanyang bulsa. Pinunasan niya ang kanyang pawis sa mukha. Matangkad na lalaki si Earl. Limang talampakan at sampung pulgada ang kanyang height. Medium-built ang pangangatawan at moreno ang balat. Dahil na rin iyon sa madalas na pagkakabilad niya sa araw kapag nagsasaka siya. Marami rin ang nagsasabing gwapo siya. Matangos ang kanyang ilong at bilugan ang mga mata na para bang palaging malungkot, maganda rin ang hugis ng kanyang labi. Manipis iyon at bahagyang mapula. Hindi kasi siya naninigarilyo. Umupo siya saglit upang mag-isip kung saan ba siya magpupunta. Ang kailangan muna niyang hanapin ay murang bahay na matitirhan niya. O kahit apartment o boarding house. Maya maya ay nakaramdam siya ng pagkalam ng sikmura. Gutom na pala siya. Sa bus ay hindi man lang siya bumili ng makakain. Pinagtiyagaan niya ang tigpi-pisong kendi na binili pa niya sa tindahan na malapit sa bahay nila. Talagang hangga’t kaya ay magtitipid siya. Tumayo na siya. Bago ang bahay, kainan muna pala ang kailangan niyang hanapin. Isang lalaki ang biglang dumaan sa harapan niya. Huminto ito saglit at hinugot ang cellphone sa bulsa. Nakita niya na nahulog mula sa bulsa nito ang pitaka nito nang hugutin nito ang cellphone mula doon. Nang maglalakad na paalis ang naturang lalaki ay mabilis niyang dinampot ang wallet at tinawag ito. “Boss! Wallet niyo!” Tinapik pa niya ito sa likod at nang lumingon ay ipinakita niya ang nalaglag na wallet. “Ah, salamat!” Agad nitong inabot ang wallet. “Sige ho. Sa susunod mag-iingat po kayo. Be careful ho.” “Salamat talaga. 'Andito kasi lahat ng ID ko at ATM card. Mabuti na lang at ikaw ang nakapulot. Salamat talaga!” “Walang anuman…” Itinigil na ni Earl ang pangungu-po sa lalaki dahil sa tantiya niya ay magkasing-edad lang sila. Iyon nga lang, mas maayos ang pananamit nito. Nakaporma ito habang siya ay simpleng puting T-shirt, maong na pantalon at lumang rubber shoes ang suot. Iyon na ang pinakamaganda niyang damit na panglakad. Nakita niya na binuklat ng lalaki ang wallet nito at kumuha ng isang libong piso. “'Eto, reward mo kasi honest ka,” anito sabay abot sa kanya ng pera. “Naku, 'wag na. Salamat na lang. Bukal sa loob ko ang pagsauli ko sa iyo ng wallet mo kaya hindi ko kailangan ng reward.” “Sige na. Tanggapin mo na ito,” giit nito. Tumanggi pa rin siya hanggang sa ibalik na ito ang pera sa wallet. “Kung ayaw mo ng pera, ililibre na lang kita ng lunch. Kumain ka na ba?” “'Wag na rin. Okay lang ako…” aniya. Pero ang totoo ay nahihiya lang siya. Isa iyon sa ugali niya-- ang pagiging mahiyain. “Hay! Napapahiya na ako sa iyo, ha.” “Hindi naman. Okay lang talaga--” Napahinto siya sa pagsasalita nang malakas na tumunog ang kanyang tiyan. Parang may nag-aaway na halimaw sa loob niyon. Nagkatinginan sila ng lalaki. Napatawa ito. “O, gutom ka na. Tara na! Ililibre kita!” Nagulat siya nang bigla siyang akbayan nito. “Ako nga pala si Liam. Ikaw? Anong pangalan mo?” “Earl…” “Okay, Earl. Sumama ka sa akin at ililibre kita ng lunch dahil ibinalik mo ang wallet ko!” Wala nang nagawa si Earl nang hilahin na siya ni Liam. Sumama siya dito dahil mukha naman itong mabait. Sumakay sila ng taxi ay nagpahatid sa isang kainan na hindi niya naintindihan ang pangalang nang banggitin iyon ni Liam sa driver. -----***----- HALOS mabulunan na si Earl sa pagkain. Pagkasubo ng isa ay susundan agad niya ng isa pang pagsubo. Ganoon siya kagutom. Ikaw ba naman ang hainan ng napakaraming masasarap na pagkain, e. Sa isang buffet restaurant siya inilibre ni Liam. Ngayon lang siya nakakain sa ganitong klase ng restaurant na pwede kang kumain nang kumain hangga’t gusto mo. Nang maramdaman niya na parang nabibilaukan siya ay agad niyang kinuha ang baso na may lamang inumin na kulay blue. Hindi niya alam ang tawag doon basta masarap. Habang iniinom niya iyon ay napansin niya na parang pinapanood siya ni Liam. Nakatingin kasi ito sa kanya at hindi ginagalaw ang pagkain sa pinggan nito. Nakaramdam tuloy siya ng pagkapahiya kaya nagdahan-dahan na lang siya sa pagkain. “O, bakit parang bumagal ka sa pagkain diyan?” anito. Nag-umpisa na ito sa pagkain. “Ah, eh… P-para kasing nakakahiya sa iyo, e. Pasensiya ka na. Gutom na kasi talaga ako at ngayon lang ako nakakain ng ganito kasasarap na pagkain. Saka ang ganda pala dine, 'no? Kapag nagkapera na ako ng marami, dadalhin ko dito ang buong pamilya ko na nasa probinsiya. Paniguradong matutuwa ang mga iyon.” “Teka. Hulaan ko kung saang probinsya ka galing…” Huminto ito saglit habang diretsong nakatingin sa kanya. “Batangas!” “'Ala! Paano mo ga nalaman? Manghuhula ka ga?” Natatawang umiling si Liam. “Hindi. Halata kasi sa punto mo. Taga-Laguna lang ako pero dito na ako nagtatrabaho sa Manila for three years…” “Paniguradong big time ka. Kasi ang kapal ng wallet mo, e. Saka 'di ga mahal kumain dito? Nailibre mo pa ako, e.” Umiling si Liam. “Ako? Big time? Hindi. Basta, okay ang trabaho ko. Kumikita ako ng sapat para sa sarili ko. Oo nga pala, ilang taon ka na ba, Earl? At anong ginagawa mo dito sa Manila? Vacation ba?” “Nineteen pa lang ako. Nandito ako kasi naghahanap ako ng trabaho…” Biglang naisip ni Earl na kung matagal na si Liam dito sa Manila ay baka may alam itong boarding house o bahay na pwede niyang upahan. “Ah, e… Kakapalan ko na rin sana ang mukha ko, Liam. May itatanong sana ako sa iyo, e.” “Ano iyon?” anito pagkatapos uminom ng tubig. “May alam ka gang paupahan dito o bahay na mura lamang? Naghahanap kasi ako. Para naman may matirhan ako habang naghahanap ako ng trabaho. Kung wala naman ay ayos lamang.” “Magkano ba budget mo? Usually kasi ang apartment dito ay nagre-range ng five thousand pataas. Kapag boarding house naman na may kasama ka ay three thousand. Per month lahat iyon.” “Ala, e… kamahal naman pala!” bulalas niya. Kung ganoon kamahal ang bayad sa upa ay paniguradong mauubos agad ang pera niya bago pa siya makahanap ng trabaho. Tinignan siya ni Liam na para bang ine-eksamin siya nito. “Mukha ka namang mapagkakatiwalaan kaya… sige! Kung gusto mo, doon ka na lang sa apartment ko tumira. Share tayo sa upa. Five thousand ang bayad ko kada buwan doon. So, tig-two-five tayo. Kasama na doon ang tubig at kuryente. Iyon nga lang, hindi iyon ganoon kalaki at studio-type lang siya.” “Studio-type? May studio ka sa apartmnet? Photographer ka?” Natawa si Liam nang hindi niya alam kung bakit. “Hindi. Studio-type. Ibig sabihin, walang divider. Sa isang kwarto ay nandoon na lahat. Tulugan, kainan, salas. Pero may sarili naman akong CR doon na ako lang ang gumagamit. Kapag kasi nagboarding house ka, medyo mura nga pero mahihirapan ka naman gumamit ng banyo kasi marami kayo. Ano? Pag-isipan mo, Earl.” Napatingin siya sa kwalan habang nag-iisip. Gumagalaw-galaw ang gilid ng labi niya. Mannerism na niya iyon kapag nag-iisip ng malalim. Sa wari naman niya ay mabuting tao si Liam. Nilibre pa nga siya nito ng tanghalian, e. Pabor na pabor sa kanya ang offer nito na maki-share siya sa apartment nito. Malaki ang matitipid niya sa pera at enerhiya sa paghahanap ng matitirhan. Bukas na bukas ay pwede pa siyang mag-umpisa na sa paghahanap ng trabaho. Kaya naman mabilis siyang nakapagdesisyon. “Sige. Makiki-share ako sa apartment mo.” Pinal na sabi niya kay Liam na ikina-ngiti nito. Pinagsalikop nito ang dalawang kamay. “Okay! After nating kumain ay pupunta na tayo doon para makita mo. Pwede ka pa namang umatras kapag hindi mo nagustuhan. Wala namang problema.” “Naku, hindi na. Kahit anong hitsura ng titirhan ko basta okay ang kasama, walang problema naman iyon sa akin. Saka, hindi naman ako maarte.” “That’s good. Kain na tayo!” ani Liam. -----***----- PAGKATAPOS nilang kumain ay dumiretso na sila ni Liam sa apartment nito. Ipinakilala siya nito sa matandang landlady na mukha namang mabait at pagkatapos ay nagtungo na sila sa unit nito na nasa ikalawang palapag sa dulo. Pagpasok nila sa loob ay sumalubong sa kanya ang walang kaayusan na mga gamit. May mga brief at t-shirt sa ibabaw ng maliit na kama, may mga hugasan pa sa lababo at mga nagkalat na kung anu-ano sa sahig. Balat ng chichirya at bote ng alak. “Pasensiya ka na kung magulo. Hindi ko naman kasi ini-expect na makakakuha ako ng room mate sa labas.” Kakamot-kamot sa ulo at natatawang turan ni Liam. Inalis nito ang mga nagkalat sa sahig at itinapon iyon sa maliit na basurahan na malapit sa lababo. Mabilis din nitong sinamsam ang mga damit sa ibabaw ng kama at shi-noot sa laundry basket nito. “Okay lang. Sanay na ako sa ganiyan…” aniya habang iginagala ang paningin sa kabuuan ng apartment. “Ayos naman pala dito. Presko pa.” May malaki kasing bintana na malapit sa kama. “Oo nga pala, okay lang ba na sa sahig ka matutulog? Kung gusto mo, dalawang libo na lang ang ibayad mo. Wala namang kaso sa akin iyon.” “Talaga? Okay lang sa iyo na dalawang libo?” Nanlalaki ang mata ni Earl dahil hindi siya makapaniwala. Mas makakatipid siya kung ganoon. Kumibit-balikat si Liam. “Oo naman. Nakakahiya kasi sa iyo kasi sa sahig ka tutulog. Pero, don’t worry, may extra akong kutson diyan at mga unan at kumot. Ipapagamit ko na sa iyon iyon.” Sa sobrang tuwa ni Earl ay hindi niya napigilan ang kanyang sarili na yakapin si Liam. “Salamat, Liam! Hulog ka ng langit para sa akin! Ang laki ng matitipid ko dahil nakilala kita, e!” Masayang turan niya. Nang tapikin siya nito sa likod ay kumalas na siya sa pagkakayakap sa lalaki. “Wala iyon basta ang rules natin dito ay walang pakialamanan. Kung ano man makita mong gagawin ko, 'wag mo na lang pansisin. Ganoon din ako. Kahit magpalabas ka sa harapan ko, wala akong pakialam. Nagkakaintindihan ba tayo?” Mabilis pa sa alas-kwatro ang pagtango niya. “Oo ba! Iyon lang pala, e. Walang kaso sa akin iyon. Sandali…” Yumukod siya at hinalughog ang bag. Hinugot niya sa pinakailalim ng travelling bag ang kanyang pera at inabutan niya ng dalawang libong piso si Liam. “'Eto na pala ang bayad ko para sa unang buwan ko dito.” Nagtaka siya nang ibalik ni Liam sa kanya ang pera. “Sa susunod ka na magbayad. Tuwing unang araw ng buwan ang bayaran ko dito kaya sa susunod na linggo ka na magbayad.” “Naku, salamat talaga! Ako ay natutuwa talaga sa iyo, e!” At nayakap na naman niya si Liam sa ikalawang pagkakataon dahil sa labis na kasiyahan. Tunay na hulog ito ng langit!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
47.9K
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M
bc

NINONG II

read
618.5K
bc

OSCAR

read
226.3K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
272.8K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.7K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook