bc

Denise's Secrets

book_age12+
1.6K
FOLLOW
8.9K
READ
revenge
badgirl
confident
inspirational
drama
comedy
twisted
heavy
serious
kicking
like
intro-logo
Blurb

Si Denise Cinco. Ang kilala bilang mayaman sa kanilang paaralan, bukod sa nakatira ito sa isang sikat na subdivision, ay sunod pa ito sa luho na hindi kayang bilhin ng mga ibang estudyante. Bawat pagpasok nito sa kanilang silid ay madalas ‘tong may dalang kung ano-anong mamahaling pagkain na ipanapatikim sa iba.

Ngunit, hindi nila alam ang sikreto ni Denise sa loob ng kanilang tahanan. Ito ang pinakatatago niyang sikreto sa lahat ng kanyang mga kaibigan o mga kaklase. Paano kung isa sa hindi inaasahang lalaki ang makakaalam nito, pipiliin kayang ibunyag nalang nito o mas pipiliin na sakalin ito sa kanyang leeg?

bookcover made by: Tate Graphics || Dahssi

chap-preview
Free preview
DSECRET 1
DENISE CINCO’S POV Caption: ‘Never akong mauumay sa’yo. Love, star bucks.’ Bago ko pindutin ang post botton. Napangiti ako ng malaki, marami na agad ang nagreact sa post ko kahit ilang seconds palang. Oh well, gano’n talaga once na mapera ka marami kang reactors at syempre ang mga ‘yan ay mga siguradong naiingit sa’kin. Hawak ang isang baso ng  Espresso mula sa kanan kong kamay ay pumasok ako sa loob ng classroom. Agad na bumungad sa’kin ang mga mata ng classmate ko na nakatingin sa hawak ko at ang iba naman ay binabati ako. Lumapit ako sa pwesto ng mga kaibigan ko sa bandang gitna ng classroom bago naupo sa pwesto ko. Natigil sila sa ginagawa nilang pagcecellphone bago ako tinignan mula ulo hanggang paa bago ngumiti. “Ang sosyal mo talaga, Denise!”, bulaslas ng kaibigan ko si Abi. Ngumiti ako sa kanya bago napangisi. “Ako pa ba, abi?”, may halong pagmamayabang kong sabi. “Oo nga naman, kalian ba nagpahuli ‘yan si Denise? Wag mo s’yang igaya kay Dine ‘no, sobrang kuripot", sagot ni Ella kay Abi bago sila bumaling kay Dine. “May mga magulang kasi na nagpapaaral sa inyo kaya hindi kayo marunong magtipid", prangka na sabi niya bago binaba ang libro na hawak niya. Mukhang wala na naman siyang assignments na nagawa dahil sa trabaho niya. “Hindi mo naman maeenjoy ang pera kung puro ka lang tipid. You know Dine, kailangan mo rin gumastos at bumili ng luho mo", mahinahon kong sabi bago napairap sakanya. Masyado siyang KJ pagdating sa mga galaan o di kaya naman sa mga kakainin namin. Lagi niyang sinasabi na wala siyang pera kahit kakasahod palang. Like duh? May trabaho ka tsaka wala kang pera. As far as I know sadyang tinitipid n’ya lang ang sarili niya. “Hindi kasi kayo ang naghihirap kumita para bumili ng luho n’yo", sabi niya bago kami tinalikuran at nagsagot na sa gilid ng homework namin. “Ang kj talaga”, bulong ni Abi. Ano pa nga bang aasahan sakanya? Malaki naman ang kinikita niya pagdating sa pagiging crew sa Mcdo pero laging umaasta na walang pera. Porket siya ang nagpapaaral sa sarili niya hindi niya i-enjoy ang mga sinasahod. Napairap nalang ako sa nakatalikod na si Dine, Kj. MABILIS lang natapos ang dalawang subject namin para sa ngayong araw. At ito na kami ngayon papunta na sa isang mall na malapit sa school namin. Lagi naming tambayan mas lalo na sa tuwing wala kaming prof or ayaw pa namin umuwi. Syempre kaming apat lang ang magkakasama. Hindi naman belong sa’min ang iilan naming mga classmates mas lalo na ‘yong mga Kj. Kaya naman isang malaking katanungan para sakin na napapasama sa’min si Dine. “Isang malaking himala na sumama ka sa’min ngayon Dine”, natatawang sabi ni Abi bago pa siya nagsign of the cross para naman may himala na nangyari. “Day off ko ngayon gusto ko sana magpahinga nalang pero matagal na akong hindi nakakasama sa inyo", natatawa niyang sabi na hindi dinadamdam ang pang-aasar ni Abi. “Buti naman at naisip mo na magday-off para kang halimaw sa trabaho ‘no! sabay sasabihin mo sa’min na wala kang pera, gurl kami ba ay pinagloloko mo? Haha", natatawang sabat naman ni Ella. Umiling lang si Dine. “Alam niyo once na may trabaho may kinikiita at kapag may kinikita may bills", makahulugan niyang sabi na medyo magulo para sa’kin. “Oo nalang, Dine”, sabi ko sakanya. Pare-parehas lang kaming tumawang apat. For sure hindi din naman alam ng dalawa ang tinutukoy ni Dine, mas lalo na kapag usapang trabaho. Dahil una, malay ba namin sa trabaho at pangalawa, never kaming magtratrabaho habang nag-aaral. Afford naman namin ang mag-aral, mas lalo na si mama na binibigay ang lahat ng pangangailangan ko. Aba’t dapat lang ‘no, ako na nga lang nag-iisang naiwan sakanya hindi niya pa ako pag-aaralin. “Look! May taga LPU”, tili ko ng mapansin na may isang papalapit sa’min. May lahi ang lalaki na ‘yon at base sa itsura niyang mukhang Americano habang ang ilan naman niyang kasama ay mga Filipino pero may itsura rin. Lima silang naglalakad, habang ang dalawa ay may dala-dalang mga electric guitars sa likod nila at ang tatlo ay seryosong nag-uusap-usap sa unahan ng dalawa. Kasama na ang Americano na tinuturo ko. Isa talaga sa mga pangarap ko ay makapangasawa ng kano na mayaman. Syempre, para maganda ang anak ko kung saka-sakali. “8, 7, 7, 8, 6”, bulong ni Ella sa’min. “Same", kibit balikat na sabi ni Abi bago tumingin naman kay Dine na mukhang walang pake sa dumaan na mga pogi. “5, 5, 5, 5, 5", pantay-pantay na sabi niya. “What? Ang pogi nila sabay 5?”, malakas na bulaslas ko para makuha ang atensyon nila na padaan na papunta sa pwesto namin. Nakaramdam naman ako ng kahihiyan pero agad din nawala. Bakit ako mahihiya sa kanila? Fyi, ako si Denise Cinco at masasabi kong maganda, sexy at angat ako sa iba. “Ang dungis nila mukhang hindi marurunong magshave mas lalo na ‘yong nakakulay itim na may hawak na gitara",  dire-diretso niyang sabi na hindi inaalala na maririnig ng lalaki. Rinig ko mula sa hindi kalayuan ang asaran ng lima. Mukhang narinig nga nila ang sinabi ni Dine tungkol sa kaibigan nila.   “Gaga! Style kasi ‘yon, tsaka look naman ang lalakas ng appeal nila”, paglalaban ko sa mga dumaan. Kahit kalian talaga ang kj nitong babae na ‘to palibhasa puro nalang trabaho ang nasa utak. “Sa’yo, sakin hindi", diretso niyang sabi na walang pake. “Nakakahiya kayong dalawa”, namumula na sabi ni Ella. Inirapan ko lang siya bago sila tinalikuran at nag-umpisa nang maglakad. Balita ko ay may banda ngayong tutugtog. Hindi gaano kilala ang banda na ‘yon. Hindi ko nga rin sila kilala. “Nuod muna tayo ng banda", aya ko sa kanila na nakasunod sa likuran ko. Wala akong narinig na angal sa kanilang tatlo at sumunod nalang sila sa gusto ko, kasi kung hindi. Hindi ko rin sila ililibre. Ilang minuto lang ay nag-umpisa na rin pinakilala isa-isa ng emcee ang myembro ng banda. May iilang nagtitilian pero madalas ay walang pake ang ibang estudyante, hindi naman sila sikat para tilian. “O-M-G!” bulaslas ko ng mapansin na sila ang mga lalaki na dumaan sa harap namin kanina.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.3K
bc

OSCAR

read
226.0K
bc

Just A Taste (SPG)

read
892.1K
bc

Love Donor

read
86.6K
bc

NINONG III

read
362.5K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.3K
bc

STEP-BROTHER (SPG)

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook