bc

REMEMBER SUMMER (Isla del Amor Yacht & Country Club Series) (Filipino/Tagalog)

book_age16+
164
FOLLOW
1K
READ
billionaire
one-night stand
age gap
second chance
drama
sweet
bold
cheating
passionate
wild
like
intro-logo
Blurb

REMEMBER SUMMER

Jillian lost her unborn child and she almost lost her life.

The culprit? The man she loved the most. Si Eric. Ang unang pag-ibig niya na pinag-alayan niya nang lahat-lahat sa kaniya.

Makalipas ang pitong buwan mula nang mangyari ang bangungot sa buhay niya, dinala siya ni Roxy, ang matalik niyang kaibigan, sa Isla del Amor.

She meets Damian Rogers, ang may-ari ng chalet na tinuluyan nila. Ang ikalawang lalaking bumihag sa puso niya ngunit tinakasan niya matapos na may mangyari sa kanila.

Pero, paano kung malaman niyang hindi lang pala si Damian ang iniwan niya? Paano kung mapagtanto niya na may bahagi ng puso niya ang naiwan sa isla pagbalik niya ng Maynila?

Now, she's in dilemma. How will she ever forget the summer she shared with Damian lalo ngayong nakatakdang magbago nang tuluyan ang buhay niya?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“T-TAMA na, E-Eric, p-please,” umiiyak na pakiusap ni Jillian sa nobyo habang nakaupo siya sa isang gilid ng kuwarto niya at yakap ang nakatiklop na tuhod niya. Para siyang isang basang sisiw na nakayukyok sa isang sulok at nanginginig sa takot.  Nanlalabo na ang paningin niya dahil sa pamamaga ng kanan niyang mata na dulot ng suntok na ibinigay ni Eric sa kaniya kanina. Nagdurugo na rin ang ilong at bibig niya dahil sa isa pang sapok ni Eric na tumama naman sa pagitan ng ilong at bibig niya.  Pakiramdam niya ay papanawan na siya ng ulirat ano mang oras dahil bukod sa tama niya sa mukha ay bugbog-sarado na rin ang buong katawan niya. “Hindi ka na kasi nadala, eh,” pabulol na paninisi pa sa kaniya ng nobyo na lasing na namang umuwi kanina kaya siya na naman ang napagdiskitahan. “Sabi ko naman sa iyo, ‘di ba, huwag mo akong tatanungin nang kung ano-ano? Ang kulit-kulit mo naman kasi, eh. Panay ka dakdak. Nakakarindi!” dagdag pa nito na itinakip ang kamay sa tainga bago tila ba baliw na iwinagayway pa ang kamay sa ere. “N-nagtatanong lang n-naman ako kung… k-kung s-saan ka galing, eh…” humihikbing pahayag niya habang nakasiksik pa rin sa gilid. Alanganin siyang nag-angat ng mukha upang saglit itong tingnan habang nakasalag ang braso niya sa mukha niya dahil sa pangambang baka suntukin siya ulit nito.  Lalong lumakas ang pagtibok ng dibdib niya sa takot nang makita ang pagniningas ng mga mata ni Eric nang sulyapan niya ito. Naunahan na siya nang labis na takot. Hindi na magkamayaw ang mga luha sa pagbagsak sa pisngi niya lalo na nang hinawakan nito nang mahigpit ang braso niya habang ang isang kamay naman nito ay walang pakundangang isinabunot sa buhok niya pagdaka'y inilapit ang namumulang mukha sa kaniya. “Anak ng—nang-aasar ka ba talaga na hinayupak ka!” Inalis nito ang pagkakahawak sa braso niya at saka siya inambaan nito na awtomatiko niyang sinalag. Sapilitan siyang itinayo ng nobyo bago inalis ang braso niya sa mukha niya nang muli niya itong itaas para ipananggalang nang akma namang sasampalin siya nito.  “H-Huwag!” salag niya kaagad kasunod ng nagpa-panic na pag-iyak. Mas lalo pang nanlisik ang mga matang tinitigan siya ni Eric at tila demonyong pinisil ang baba at pisngi niya. “Sinabi ko ba sa ‘yong puwede ka nang magsalita ngayon, ha? ‘T*ngn*ng to! Wala ka talagang kakuwenta-kuwenta!” tila ba nababaliw na sambit at mura nito saka siya walang pakialam na muling inundayan ng dalawang suntok sa sikmura at isa pang sapak na nag-landing sa kanang cheekbone niya.  Awtomatiko siyang bumagsak sa sahig ng kuwarto niya nang walang kalaban-laban at tuluyan nang nawalan ng ulirat. NAGISING si Jillian dahil sa kirot na nararamdaman niya sa tiyan niya. Nang pinilit niyang bumangon ay biglang pumaimbabaw ang hapdi sa kanang mata at sa sentido naman niya. Pagdaka'y muling kumirot ang tiyan at puson niya na para bang may kung anong matulis na bagay ang paulit-ulit na tumutusok doon. Sa sobrang sakit ng naramdaman ay napaungol siya at napaiyak. Sa muling pagkakataon ay nagdilim ang kaniyang paningin at nawalan siya ng malay. Nang bumalik ang ulirat ni Jillian ay kaagad siyang dinaluhan ng matalik niyang kaibigan at boss na si Roxy na noon ay hawak ang kamay niya. May pinindot ito sa may headboard ng kama niya pagdaka'y pinagmasdan nang maigi. Sumalubong din sa ilong niya ang amoy ng alcohol sa paligid. Pilit niyang iminulat ang kaniyang mga mata ngunit bukod-tanging ang kaliwang mata niya lamang ang nakakakita. Sinubukan niyang magsalita ngunit walang namutawi sa lalamunan niya maliban sa napakahinang pag-igik. Sobrang bigat ng pakiramdam niya, sobrang sakit ng katawan niya at hindi niya alam kung nasaan siya. Iginala niya ang paningin sa paligid. Pawang puti lamang ang lahat ng bagay na nakikita niya roon. Ang dalawang kamay niya ay pawang may nakatusok na IV line.  “You’re safe now,” mayamaya ay bulong sa kaniya ni Roxy. “S-Si…” mahinang anas niya saka siya lumunok dahil pakiramdam niya ay nanunuyo ang lalamunan niya. “E-Eric?”  Nakita niya ang pagdilim ng mukha ng kaibigan. Alam niyang hindi boto si Roxy kay Eric para sa kaniya pero ito ang unang pagkakataon na nakita niya ang kaibigan na namumula sa galit pagkarinig pa lang sa pangalan ng boyfriend niya. Bago pa man makapagsalita si Roxy ay napalingon na ito sa bagong dating na babaeng doktor at nurse na kasama nito. Nanlalabo pa rin ang paningin niya at disoriented pa rin siya kaya mas minabuti muna niyang pumikit at pinakiramdaman ang sarili niya. Sobrang sakit pa rin ng kaniyang ulo at katawan, partikular na tiyan niya na pakiramdam niya ay totoo namang namimigat at tila ba may nakadagan doon. Noon niya naalala na bago nga pala siya nawalan ng malay ay sinuntok pa siya ng nobyo sa tiyan niya at sa mukha nia. Iyon marahil ang dahilan kung bakit sobrang sakit ng bahaging iyon ng katawan niya habang ang mukha naman niya ay tila ba namamanhid dahl siguro sa pasa. Maagap na kinuha ng nurse ang vitals niya habang ang doktor naman ay tiningnan ang medical record niya na nakasulat sa chart.  “Nurse, is this complete?” paglilinaw ng doktor sa nurse sa mahinang paraan. “Yes, doc,” tugon at pagkumpirma ng middle-aged na nurse habang tumatango pagdaka’y alanganing tumingin sa kaniya. Tumingin naman ang doktor kay Roxy. “Nandito ba ang husband niya?” mahinang tanong nito sa kaibigan niya na ikinamulat ng mata niya. Nakita niyang umiling Roxy bagama’t hindi na nag-elaborate pa. “Ms. Salvador?” pukaw ng doktor sa kaniya. Bumaling siya sa doktor at diretsong tumingin dito. Bakas ang pag-aalinlangan sa pagkakangiti nito sa kaniya. Nagpakawala nang malalim na hininga ang doktor bago nagsalita. “Itse-check ko lang ang mga pasa at sugat mo, ha?” sambit nito at saka siya nito hinawakan sa mukha. Tiningnan nito ang mga mata niya at inilawan bago inisa-isang in-examine ang mga pasa sa mukha at katawan niya. Napapitlag at napadaing siya nang eksaminin n anito ang bandang tiyan niya.  Huminga ito nang malalim at saka tumitig sa kaniya samantalang si Roxy naman ay hinawakan nang mahigpit ang kamay niya para ba bigyan siya nang sapat na lakas ng loob. Alam kasi nito na takot siyang pumunta ng ospital dahil ayaw niyang makakarinig ng masamang balita mula sa mga doktor dahil na rin sa naranasan niya sa ospital noong naratay sa sakit ang lola niya.  “Ms. Salvador,” tawag ulit sa kaniya ng doktor nang muli siyang pumikit.  Kaagad naman siyang nagmulat. Pinilit niyang tumingin sa doktor nang direstor na noon ay my isinulat sa medical record niya bago ibinigay sa katabing nurse. “You were unconscious for almost three days,” wika ng doktor sa kaniya na nakapagpatigagal sa kaniya. “T-Three days?” sobrang hina at hindi makapaniwalang tanong niya saka siya napalingon kay Roxy na kababakasan din ng kaba ang mukha. Tumango ang babaeng doktor bago muling humugot nang malalim na hininga. “And during those three days, we lost your baby and we almost lost you as well,” pahayag ng doktora, bagay na tila nakapagpatulog sa kaniya. Hindi niya alam kung tam aba ang narinig niya na sinabi nito. “A-Ano po, d-doc?” nagugulumihanang tanong niya saka nagtatakang bumaling kay Roxy na noon ay napaluha na rin. “I’m sorry. We tried to save your baby but—” “A-Anong baby?” pabulong na tanong niya habang pasalit-salit ang tingin sa doktor at kaibigan. Sa pagkakataong iyon ay ang doktor naman ang nagkunot ng noo bago tumingin sa nagtatanong ng paraan kay Roxy. “She also didn’t know that she was pregnant. None of us knew,” tugon ni Roxy kahit hindi isatinig ng doktor ang tanong. Napasinghap ang doktor at nag-aalalang ibinalik ang tingin sa kaniya nang muli siyang magsalita. “A-Anong baby po, doc?” nagsisimula na siyang mag-panic. “R-Roxy…” tawag niya sa kaibigan niya. Pakiramdam niya ay naninikip ang dibdib niya nang muling maalala ang eksaktong sinabi ng doktora. “And during those three days, we lost your baby and we almost lost you as well.” “Ian…” untag naman sa kaniya ni Roxy na tangkain niyang bumangon at muling sumilay ang luha sa mga mata niya. “N-Nasaan ang baby ko, Roxy? N-Nasaan siya? S-Si Eric… a-anong ginawa niya?” namamaos na sambit niya habang palingon-lingon at umiiyak.  Mabilis namang umaksyon ang doktor at ang nurse para pakalmahin siya habang mahigpit na mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa kaniya ng kaibigan. “Stay strong, Ian… nandito lang ako, okay? Hindi kita pababayaan,” umiiyak pa ring sambit ni Roxy. “L-Lalabas na ako rito…” nanghihinang anas niya. “Relax, Ms. Salvador,” pagpapakalma naman ng doktor sa kaniya matapos turukan ng gamot ang suwero niya. “Relax, okay?” makailang ulit na sambit ng doktora. Makalipas ang ilang saglit, ay unti-unti na namang nagdilim ang paningin niya. Sa pagpikit ng mga mata niya ay awtomatikong nanumbalik ang nakaraan sa kaniya.  SIX months ago… PAKIRAMDAN ni Jillian ay papanawan siya ng ulirat habang nasa likuran siya ng puno ng mangga ‘di kalayuan kung saan naroon ang nobyong si Eric. Mula sa pinagkukublihan ay tanaw na tanaw niya ang ginagawa nitong pakikipaglampungan sa ibang babae. Dapat ay sanay na siya. Dapat ay hindi na siya nasasaktan ng ganito. Dapat ay manhid na siya sa mga panlolokong ginagawa sa kaniya ng nobyo. Pero hindi, eh. Ganoon pa din kasakit tulad noong una na para bang pinupunit ang dibdib niya sa tuwing nahuhuli niyang nambababae si Eric.  Huminga siya nang malalim para supilin ang nag-aambang luha mula sa mga mata niya. Bagama’t nanlalabo na ang kaniyang kanang mata dahil sa tinamong pasa mula sa pagsapak ni Eric sa kaniya kanina, malinaw na malinaw pa rin sa paningin niya ang ginagawang paghahalikan ng dalawa. Tiim-bagang niyang naikuyom ang mga palad niya na nakahawak sa katawan ng puno nang hilahin ni Eric ang babae papasok ng motel habang nagtatawanan. Humakbang siya patungo sana sa dalawa para sampalin si Eric at isumbat dito ang mga panlolokong ginawa at ginagawa nito sa kaniya. Gusto niyang sugurin at sabunutan ang babae nang nakahubad at ipangalandakan ang kalandian nito sa kalye! Pero napatda siya. Sa pagkakataong iyon, tila tuluyan nang tumigil ang pag-inog ng mundo niya. Magkasalubong ang mga kilay na muli siyang napaatras at napaiwas ng tingin sa mga ito. Hirap sa paghingang napatalikod at napasandal siya sa may puno nang tuluyan nang makapasok ang dalawa sa loob ng motel. Mariin siyang napapikit. Mariin na mariin na hindi na niya ininda ang sakit ng pasa sa mata niya. Hindi na niya napigilan pa ang pagpatak ng luha niya dahil sa hapding nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Nanlalambot na padausdos siyang napaupo sa lupa, pagdaka’y napa-aray nang mapadiin ang pagkakakagat niya sa putok niyang labi n amula rin sa pambubugbog sa kaniya ni Eric kanina. Itinaas niya ang kamay niya at marahang hinaplos ang tapat ng dibdib niya. Pakiramdam niya kasi ay tila ba hinihimay ang bawat hibla ng puso niya.  Humihikbi siyang nanatili lang nakayukyok doon. Makalipas ang ilang minuto ay pinilit niya ang sariling tumayo bagama’t nanginginig pa rin ang mga tuhod niya at nag-uulap pa rin ang paningin niya. Sinikap niyang makaalis sa lugar na iyon.  Sa lugar na makailang beses na niyang napuntahan dahil doon palaging dinadala ni Eric ang mga babae nito.  Sa lugar kung saan niya ipinaubaya ang sarili kay Eric sa unang pagkakataon. A MONTH after… HINDI nahirapan si Jillian na hanapin ang kinauupuan ng best friend at boss niyang si Roxy. Halos lahat kasi ng mga kalalakihan sa bar na iyon ay napapalingon sa tuwing nadaraan ang kinauupuan ni Roxy. Kababalik lang nito mula sa business meeting nito sa Singapore kaya siya niyayang magliwaliw. Iyon kasi ang remedy nito sa stress. Ang paminsan-minsan ay pagpunta sa Love Affair Bar para lang masilayan ang crush nitong bar tender na kilala lang ito sa mukha.  Napakasopistikada naman kasi ng dating nito sa suot nitong black haltered dress na lalo pang nagpalutang ng kaputian nito. Kahit pa nga simple lang ang make up nito at nakapusod ang buhok ay umangat pa rin ang ganda nito kaya hindi nakapagtatakangahalina ang kabaro ni Adan dito.  And she’s a bit different from Roxy. Between her and Roxy, she’s the timid one, while Roxy is the wild one.  Kinalabit niya ito at sinalubong kaagad siya nito ng magkasalubong na kilay pagkakita sa kaniya.  “Ian! Why are you wearing t-shirt and jeans here?” nanlalaki ang mga matang tanong nito sa kaniya. “Why not? Public place naman ‘to,” balewalang tugon niya saka siya umupo sa katabing bar stool na kinauupuan nito bago kinikilig at malapad ang pagkakangiting itinaas niya ang suot na diamond ring at ipinakita iyon sa dalaga.  Natigil sa ere ang kopita ng alak na tangan ni Roxy habang nakatitig sa singsing niya pagdaka’y nakataas ang kilay na lumipat iyon sa mukha niya at mataman siyang pinagmasdan na animo’y gustong siguraduhing hindi siya nagbibiro. “Don’t tell me—no!” gilalas na sambit nito habang nanlalaki ang mga mata nang pa-tweetums siyang tumango. “I said yes!” excited pa niyang wika saka mahinang umirit. Pakiramdam niya ay nasa cloud nine siya sa mga sandaling iyon.  She’s so happy! Sa wakas, sa mahigit limang taon na pagiging magnobyo nila ni Eric ay nag-propose na rin ito sa kaniya. Sa wakas, Eric will be finally hers after all they’ve been through. Or much better to say, after all what she’s been through. Iiling-iling at nakataas ang kilay na ipinagpatuloy nito ang naudlot na pag-inom ng alak bago saglit na napukaw ng pansin nito ang magiliw na pakikipag-usap ng crush nitong bar tender sa isang babae na mas bata sa kanila pagkuwa’y pairap na bumaling sa kaniya. “Why do you wanna get married with that boxer, huh?” sarkastikong tanong nito sa kaniya habang pinaglalaro ang alak sa kopita na hawak pa rin nito.  “Grabe! Boxer ka, d’yan!” sambit naman niya. Sinimangutan niya ang kaharap at saka kinuha rito ang alak bago inisang lagok ang laman niyon. “Magbabago rin si Eric once na kasal na kami,” pagtatanggol niya rito kay Eric.  Pagak namang tumawa si Roxy bago kinuha ang atensyon ng bar tender para humingi ng alak bago umiling-iling. “Ilang taon mo nang sinasabi ‘yan, eh. Ano? May pagbabago ba? Aba, eh, habit na nga niyan ang gawin kang punching bag sa tuwing nakakainom tapos mambababae na akala mo sobrang guwapo. Last month ka lang niya binugbog at nakipag-s*x sa ibang babae, tapos you said yes and now you’re—” “Roxy! Ano ba? Hindi ba puwedeng maging masaya ka na lang muna sa best friend mo?” pigil niya sa mga sasabihin pa nitong panenermon sa kaniya, bagay na palagi nitong ginagawa sa tuwing mahuhuli nitong may pasa o sugat siya dulot ng pambubugbog ni Eric.  Inirapan siya nito at saka naghalukipkip habang nakaharap sa kaniya.  “Bahala ka na nga. Don’t blame me that I didn’t warn you. Huwag na huwag kang susugod sa bahay ko kapag binugbog ka na naman at nahuli mo na namang may babae ‘yang boyfriend mo, ha! Hindi ako nagkulang ng paalala sa iyo simula pa noong una,” seryosong pahayag nito saka siya inirapan habang umiiling-iling pa rin. Nagpakawala na lang siya nang malalim na hininga at saka kinuha ang alak na kabibigay lang ng bar tender at inisang lagok ang laman niyon.  What does she expect from Roxy? Matuwa na sa wakas ay pakakasalan na siya ng taong nananakit sa kaniya emotionally at physically? Roxy witnessed it all at ito ang nagsilbing sumbungan niya kaya naman naiintindihan niya ang pag-aalburoto nito.  Pero tanga na kung tanga. Si Eric ang unang pag-ibig niya. Si Eric ang nauna sa lahat sa kaniya at handa siyang magsakripisyo para lang maging kaniya nang legal si Eric once and for all… kahit pa may bahagi ng puso niya ang nangangamba nab aka dumating pa rin ang oras na magkaroon pa rin siya ng kahati dito… eventually. HINIHINGAL na nagising si Jillian mula sa masamang bangungot. Basang-basa ang pisngi niya at sobrang sakit ng dibdib niya. Tiim-bagang siyang umiyak nang umiyak habang paulit-ulit na isinusumpa si Eric sa utak niya. She learned her lesson. She will never go back to him. Not after he killed their unborn child!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
118.3K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
11.5K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
89.6K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
31.2K
bc

The Sex Web

read
127.4K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
65.6K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
29.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook