bc

Stallion #28: DABOI BUSTAMANTE

book_age4+
2.3K
FOLLOW
10.4K
READ
friends to lovers
self-improved
CEO
comedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

Arianne was devastated. Ang lalaking minahal niya sa loob ng tatlong taon ay isa palang nakakabahing na paminta. As in gay, bading, binabae. Because he was her first love, talagang iniyakan niya iyon nang husto.

Ngunit sa kanyang pagluluksa ay isang lalaki ang kumupkop sa kanya. Si Daboi. Inalagaan siya nito, pinangiti at tinuruang magmahal muli. Ang problema, dito muling tumibok ang puso niya. E hindi kasama iyon sa usapan. Ano na ngayon ang gagawin niya? Mabibigo na naman ba siya sa ikalawang pagkakataon? Sa loob lang ng halos dalawang linggo?

Sobra naman yatang parusa iyon…

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“ERICSON,” nakangiting tawag ni Arianne sa kasintahan.  Hinalikan niya ito sa pisngi bago naupo sa mga hita nito at ipinulupot ang kanyang mga braso sa leeg nito bilang paglalambing.  “I have a surprise for you.” “And what’s that?” With so much flair, she took something out from her purse bag.  Isa iyong maliit na pakete na pinaghirapan pa niyang lagyan ng ribbon para mas maging personal at mas maganda.   “Alam mo kung ano ito?” “No.  But I’m hoping you’d tell me.” Oh, how she loved this man.  Napakabait nito at napakalambing.  Nang magkakilala sila nito tatlong taon na ang nakakaraan, hindi talaga siya makapaniwalang tatagal sila ng ganito dahil masyadong maraming babae ang naghahabol dito.  Palibhasa kasi, napakaguwapo at nanggaling pa sa magandang pamilya.  At hindi naman niya itatangging isa siya sa mga naghabol dito noon.  Kasi naman, sino ba naman ang hindi maaakit sa isang gaya nito?  Simpleng babae lang naman siya na naghahanap ng taong magmamahal sa kanya.  Isang taong guwapo, mayaman, mabait, malinis sa katawan, masinop sa buhay, napakalambing at higit sa lahat, single and available.   Nagkakilala sila sa isang family gathering na dinaluhan ng kanilang mga pamilya.  Since nag-iisang anak lang sila pareho, hindi na kataka-takang silang dalawa ang laging nagkakausap nang panahong iyon.  Parang gusto nga niyang isipin na idinaos lang ang family gathering na iyon para magkakilala silang dalawa.  Na ipinagpasalamat naman niya ng malaki dahil kung hindi sa pakikialam ng kanilang pamilya ay hindi niya makikilala ang isang tulad ni Ericson.   Ngayong gabi ay ipagdiriwang nila ang kanilang third year anniversary.  At gusto niya, maging espesyal ang gabing iyon para sa kanilang dalawa.  Kaya nga doon sa hotel room na iyon niya napiling ganapin ang kanilang anibersaryo. “Hulaan mo,” aniya rito sa pinakamalambing niyang boses. “Hmm…”  Eksaherado pang naningkit ang mga mata nito.  “Is that a car?” “No.” “A mansion?” Tinawanan lang niya ang mga pinagsasasabi nito.  “Cute.  Pero mali ka pa rin.  Sige, mag-isip ka pa ng maliliit na bagay na gustong-gusto ng magkasintahan kapag magkasama sila.” “Cellphone?” “Ano ka ba, Ericson?  May cellphone bang two inches lang ang laki?” “Malay mo naman, di ba?”  Nagpangalumbaba ito habang nakangiting nakamasid pa rin sa kanya.  “Sige, sirit na ako.  Ano ba iyan?” “Ang daya mo talaga.  Kahit kailan ayaw mo talaga ng nahihirapan, ano?” “My dear, my life is easy.  Bakit ko naman kailangang pahirapan pa ang sarili ko?” “Tama ka.”  Inayos niya ang sarili sa pagkakaupo sa mga hita nito.  Kung hindi siya nagkakamali, siguradong nag-iinit na ngayon ang pakiramdam ni Ericson. Ang alam kasi niya, madaling ma-arouse ang mga lalaki lalo na kapag napaka-intimate ng sitwasyon.  Tamang-tama lang talaga ang regalo niya para rito.  Isinampay niya ang isang braso sa balikat nito at inilapit sa tenga nito ang kanyang mukha saka ito binulungan. “We could use this…when we spend the night together.”  Idinampi pa niya ang kanyang labi sa punong tenga nito.  “Happy anniversary, sweet—ay, kabayo!” Pakiramdam niya ay nangapal ang kanyang puwitan nang bumagsak siya sa carpeted floor nang biglang tumayo ang kasintahan.  Tiningala niya si Ericson na sa hindi malamang kadahilanan ay biglang namula ang mukha.   “Ericson, what’s wrong?”  Kinalimutan niya ang naupuang pride at tumayo na lang mag-isa.  Tila kasi masyadong distracted ang kasintahan para tulungan siyang makatayo.  She tried touching his arm but he moved away.  Nagtaka na siya.  “Ericson?  May problema ba?” “I’m…I’m sorry, Arianne.” “No, its okay.  Hindi naman ako nasaktan…”  Tinapik niya ang puwitan.  Aray… “Gaano.  I’m fine.  Don’t worry about me.” “No, I mean…I’m sorry…about everything.” “Ikaw naman.  Wala nga sabi iyon.  Lagi akong nagra-rock climbing at sagana rin ako sa jogging.  Sisiw lang sa akin ang pagkakabagsak na iyon—“ “Arianne, listen.  I’m not talking about what just happened.” “You’re not?”  Kung ganon balewala rito ang pinagdaanan ng pobreng pang-upo niya?  Hmm, may kalupitan din palang itinatago itong boyfriend niyang sweet.   “Arianne…”  Malakas itong napabuntunghininga.  Pagkatapos ay tinungo ang estante kung saan naroon ang isang pitsel ng tubig.  He poured in water to a glass and drank it. Habang pinagmamasdan ito ay napapakunot na ang kanyang noo.  Something was bothering him.  Itinago na muna niya sa likuran niya ang maliit na kahon na iyon. “Ericson, kung may problema ka, alam mong puwede mong sabihin sa akin iyon, hindi ba?”  Nilapitan niya ito.  Subalit lumayo lang ito sa kanya.  “Huwag ka namang ganyan, Ericson.  Wala naman akong nakakahawang sakit.” “Arianne…”  Sa wakas ay hinarap na rin siya nito.  Ngunit may kung anong nagbago na rito.  At parang hindi yata niya nagugustuhan ang pakiramdam na iyon.  “I…I have something to tell you.” Doon na tila sinipa ng kaba ang kanyang dibdib.  Kaya inunahan na niya ito.  “Are you married?” “No.” “Is there another woman?” “No—“ “Oh, that’s good.  Akala ko…”  Muli niya itong binalingan.  “May AIDS ka?” “Arianne, ano ba namang mga tanong iyan?” natatawa na lang nitong wika.   Siya man ay nabawasan na ang pangamba nang makita itong ngumiti.  “Kung ganon, ano ang problema, Ericson?  Bakit parang hirap na hirap kang sabihin iyang gusto mong sabihin?  Nakapatay ka ba?” Nagpamaywang ito at isang beses pang tumawa.  Ngunit pagkatapos nun ay sumeryoso na uli ito saka siya muling tinitigan. “You know I love you, right?” anito.  “I respected you because you’re the only woman in my life.” “Okay.”  Pero hindi siya kuntento sa mga naririnig.  May kung anong nangungulit pa sa isip niya na meron pa itong hindi sinasabi sa kanya.  “Are you dying, Ericson?” “No—“ “Oh, good—“ “Arianne, I’m gay.” “Akala ko kung ano na…”  Napatitig siya rito.  “What?” “I’m gay.” “Hah…”   “Arianne!”  Mabilis siya nitong inalalayan nang maging mabuway ang pagtayo niya.   Sa kama siya nito pinaupo.  Pagkatapos ay nagsalin ng tubig sa baso saka iyon ibinigay sa kanya.  Tinungga naman niya agad iyon at hindi tinigilan hangga’t hindi nasasaid ang laman.  But the tension she was feeling after hearing his revelation was still there. “Arianne, I’m sorry.  I’m really really sorry.  Alam kong dapat ay noon ko pa sinabi ito sa iyo kaya lang…nag-aalala akong baka sabihin mo sa mga magulang ko.  Alam mo namang napakataas ng tingin ng mga tao sa pamilya namin.  Kapag nalaman nilang bakla ako, baka ikamatay iyon ng Papa ko.” Umiling siya upang kahit paano ay luminaw ang takbo ng isip niya.  Ngunit tila umaalingawngaw pa rin ang mga sinabi nito sa isip niya.  Gusto niyang magalit dito.  Hindi lang niya magawa dahil kahit paano ay naintindihan niya kung bakit nito itinago ang totoong pagkatao nito.  Istrikto nga naman ang ama nito at kilala ang pamilya nito sa mundo ng mga barakong sundalo, doktor at negosyante.  Isang malaking eskandalo kapag nalaman ng mga tao na isa itong binabae. “I’m so sorry, Arianne.  Wala akong balak na saktan ang damdamin mo.” Hindi pa rin siya nakakalma pero kahit paano ay malinaw na ang isip niya.  “I know, Ericson.” “Galit ka?” “Mahal kita, paano akong magagalit sa iyo?”  Pinilit niyang ngumiti.  Subalit may munting hikbi pa rin na nakawala sa kanya.  Tinampal niya ito sa balikat.  “Hindi ka man lang pumili ng mas magandang timing para sabihin sa akin ito.  Bakit ngayon pa?  Anniversary natin ngayon.” “I’ve been thinking of telling you tomorrow.  Dahil sabi mo nga, anniversary natin ngayon.  Ayokong masira ang araw natin.  Kaya lang…” “Kaya lang hindi mo matanggap na gusto kong makipag-s*x sa iyo ngayon.”  Tinanggap niya ang panyo na ibinigay nito.  Napansin niyang hawak pa rin pala niya ang kahon ng c****m.  “Wala ng silbi ito.” “Meron.  Puwede mo pa iyang magamit sa susunod na lalaking mamahalin mo.” “Huwag ka ngang magsalita ng ganyan.  Katatapos ko lang mabigo sa iyo.”  She blew her nose on the handkerchief.  “Kaya pala ni minsan ay hindi mo man lang ako hinalikan.  Kaya pala lagi ka na lang lumalayo kapag minamanyak na kita.  ‘Yun pala…isa kang paminta.” “Hindi ko rin naman gustong maging ganito.  Pero anong magagawa ko?  God knows how much I tried loving you as a woman, Arianne.  Kaya lang, talagang hanggang kapatid na babae at kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa iyo.” Muli siyang suminga sa panyo nito.  “I’m really thinking of forever with you, Ericson.  Bakit…bakit naging badinger Z ka pa?” “Maybe…there was someone else out there who could love you more.” Tiningnan niya ito na nagtutubig ang kanyang mga mata.  “But I love you.” “Arianne…” “Hindi na bale.  Lilipas din naman ito.  Kahit paano naman ay nahasa na ako ng buhay para maging matatag.  This is just one heartache.  I can get over it.” Batid niyang nahihirapan din ito sa nakikita nitong kalungkutan niya sa mga nangyari.  Wala nga lang talaga itong magawa.  He couldn’t love her.  She couldn’t force him to love her.  Dead end na.  Ilang minuto rin silang walang imikan.  Hinayaan lang siya nitong maglabas ng sama ng loob at shock sa mga nalaman niya.   Nang maramdaman niyang kumalma na siya ay nagpaalam na siya.  Kailangan na muna niyang makalayo rito dahil alam niyang marami pa siyang natatagong emosyon na may kinalaman sa ‘coming out’ nito. “Aalis na ako.  Huwag kang mag-alala, Ericson.  Walang makakaalam ng sekreto mong ito.” “Thank you.  Ah, ihahatid na kita.” “Hindi na.  Kaya ko ng magmaneho.” “Okay.”  inihatid na siya nito sa pinto ng silid.  “Arianne…I’m really sorry.” Tumango lang siya saka tuluyan ng lumabas ng silid na iyon.  Nang mawala sa paningin niya ang tanging lalaking minahal niya ay hindi na niya napigilan pa ang sarili na maiyak.  Naghihintay siya sa elevator ay walang patid ang pagpatak ng kanyang mga luha.  She really couldn’t believe that the best night she thought she could ever had would be the worst night of her life.  At ang pag-ibig na inakala niyang wagas ay kulay pink pala.  Impit na naman siyang napahagulgol.  Ano ba ang napakalaking kasalanang nagawa niya at sa kanya pa nangyari ang ganitong bagay?  Mabait naman siya.  Wala siyang napapatay na tao.  Pero bakit pakiramdam niya ay siya na ang pinakamasamang tao sa mundo nang gabing iyon.   Ang unang karanasan sana niya sa s*x, naging gabi ng paglaladlad ng kanyang kasintahan.  Napatili siya bago pumasok sa elevator nang hindi na tumitingin pa sa kanyang dinaraanan.  Tuloy ay hindi niya nakita ang paglabas naman mula roon ng kung sino.  Malakas siyang bumangga sa katawang iyon at dahil disoriented ay mabilis ding natalo ang kanyang balanse.   “Oh, damn!” narinig niyang malakas na sambit na iyon ng kung sino bago niya naramdaman ang pag-angat niya sa carpeted floor ng hallway na iyon.  “I’m sorry.  Are you okay, Miss?” “No, I’m not okay!”  Saka niya ibinuhos ang lahat ng sama ng loob niya sa mga nangyari sa kanya.  Humagulgol na siya ng iyak.   “Miss, sandali.  Huwag kang umiyak.  Sige, dadalhin na kita sa ospital—“ “I said I’m fine!” bulyaw niya rito.  Nang sa wakas ay magawa na rin niyang tingnan ang isa pang nagbigay ng dagok sa kanyang gabi, at makitang isang guwapo at matangkad na nilalang ang naroon, muli niyang naaalala ang sinapit niya pagdating sa pag-ibig.  Dahil si Ericson ay guwapo rin at matangkad.  Mas lalong lumakas ang hagulgol niya.   “Ayoko na talaga…!” “Miss, come on.  Don’t cry.  I…”  Tumunog ang cellphone nito na agad din naman nitong sinagot.  “Claire, mabuti at tumawag ka—what?  That noise?  There’s a woman here and…and she’s crying—No, she’s not my woman.  I don’t even know her—hello?  Claire?  Claire—damn it!” Patuloy lang siya sa pagngawa.  Oo, hindi na lang siya basta umiiyak ngayon.  Sa sobrang sama ng loob ay inginawa na lang niya iyon para kahit paano ay maibsan ang nararamdaman niya.   “Saan ba ang masakit sa iyo?” narinig niyang tanong ng lalaki.  “Kung masakit iyan, ang mabuti pa ay dalhin na kita sa hospital.” “I said I’m fine!  Bakit ba ang kulit mo?!” “If you’re fine, then stop crying.” “E, gusto kong umiyak!  Pakialam mo ba?!” Itinaas nito ang dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko.  Nilagpasan na lang niya ito at hinintay na uli ang pagbubukas ng elevator.  Basang-basa na ang panyong ibinigay sa kanya ni Ericson.  Naghalungkat siya ng magagamit na tissue sa kanyang bag nang hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.   Isang checkered dark brown na panyo ang iniaabot ng lalaki sa kanya.  “Gamitin mo na.  Mukhang kailangang kailangan mo.” “Hindi ko…” Kinuha nito sa kanya ang panyo na ibinigay ni Ericson at ito na mismo ang naglagay sa kamay niya ng panyo nito.  “Mukhang matagal-tagal pa ang session mo kaya gamitin mo na iyan.  Kung kulang pa, pumunta ka lang sa suite ko.  Room eight one two.” Tiningnan lang niya ito.  “Niloloko mo ba ako?” “Malambot ang puso ko sa mga babaeng umiiyak.  Kaya huwag kang mag-alala, hinding-hindi kita lolokohin.” Hinding-hindi lolokohin.  Minsan na ring nasabi ni Ericson ang mga salitang iyon noon.  Pero anong nangyari?  Heto siya, naloloka na dahil sa pagsisinungaling nito sa kanya.  Muli siyang napahagulgol. “Alam mo bang parehong-pareho kayo ni Ericson ng mga sinabi?  Kaya siguradong isa ka ring sinungaling na paminta!” “Huh?” “I love Ericson, you know?  Kaya hindi ko magawang magalit sa kanya kahit na nga napakalaki ng naging kasalanan niya sa akin.  Hindi ko rin hinuhusgahan ang pagkatao niya dahil mahal ko siya.  Hanggang ngayon.  Pero…hindi ko rin maiwasang maiyak.”  Itinupi-tupi niya ang panyo na ibinigay nito.  “Malinis ba ito?” Mukha namang malinis kaya hindi na niya hinintay ang sagot nito.  She blew her nose on the handkerchief.   “My room’s just a few feet away,” wika nito.  “Baka gusto mong uminom muna ng tubig para kumalma ka.” “No, thanks.  I have to…”  Naiyak na naman siya.    “Where’s your room?”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.1K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
961.3K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K
bc

Spending the Night with a Bachelor

read
1.8M
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.5K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook