bc

Falling for my Blue-Eyed Girl (Filipino / Tagalog)

book_age12+
4.0K
FOLLOW
10.4K
READ
family
goodgirl
dare to love and hate
band
bxg
lighthearted
enimies to lovers
virgin
love at the first sight
passionate
like
intro-logo
Blurb

TIMOTHY SAAVEDRA is about to propose to his long-time girlfriend Nina when she breaks up with him. He's so devastated that he wastes his time flirting and dating girls that usually ends up in bed. His father decides to send him back to Philippines to mend his broken heart and get back to his senses.

AMARANTHA DAVIES, ang Fil-Am probinsyana na napadpad sa Maynila para alagaan ang Lola Charito niya. Sa isang iglap, kinailangan niyang mamuhay sa maingay at nagmamadaling mundo ng Maynila, kabaligtaran ng payapa at tahimik niyang mundo sa probinsya.

What will happen when their fates collide?

How will the cool Brit guy with a deep set of eyes, long pointed nose, and thin rosy lips pursue the grumpy, cute and freckly blue-eyed girl from a remote place in Cavite? Tumalab naman kaya ang karisma ni Timothy kay Amarantha o kailangan niya itong suyuin, habulin at ligawan - the pure old-Pinoy style?

How about his heart? Maka-move on na kaya talaga siya kay Nina o gagawin niya lang rebound si Amarantha, ang babaeng probinsyana?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
NAPATITIG si Timothy sa nobyang si Nina pagdating nito sa dining room. Kaliligo lang ng dalaga and she’s literally a goddess in disguise with her perfect curves and angelic face. Kumikinang pa ang mga butil ng tubig na nagmumula sa basa nitong buhok pababa sa makinis at kayumanggi nitong katawan na natatabingan lamang ng puting tuwalya na nakapulupot sa katawan nito. Bagama’t purong Pilipina, matangkad ito at hindi nalalayo ang taas sa mga European at American girls na nakakasalamuha nila sa UK kaya madalas itong napagkakamalang modelo. Napangiti siya sa sarili at saka ibinalik ang atensyon sa noon ay nilulutong sinangag bago niya narinig ang malalalim at sunud-sunod na paghugot nito ng hininga. Napakunot-noo siya sa ginawi ng nobya. Pinatay niya ang kalan at isinalin ang sinangag sa serving plate na nasa countertop bago kunot-noong tiningnan ang nobya. Kagabi pa niya napansin ang pagiging balisa nito at tila ba may malalim na iniisip. Nang tanungin naman niya ito bago sila matulog kagabi ay ikinatwiran lang nitong napagod ito sa trabaho. Hindi na siya nag-usisa pa at hinayaan na lang itong magpahinga. Nina just came back from her three-day seminar in Ireland. Siguro ay hindi ito gaanong nakapagpahinga roon dahil sa hectic schedule. She has a demanding and competitive job as strategic planner sa isang advertising agency sa London. Tatlong beses na itong isinugod sa ospital dahil sa stress at fatigue kaya ilang beses na rin niya itong kinumbinse na tumigil na sa pagtatrabaho sa advertising agency. After all, she could easily manage the travel agency that his family owns para na rin matuloy ang expansion at branch out na balak nila ng kanyang ama. Nakaupo na ito sa hapag habang iniinom ang freshly-squeezed orange juice na ginawa niya kanina para rito nang magsimula siyang maghain. “So, are you okay now?” tanong niya rito saka ito hinalikan sa noo. Pagkuwa’y inilapag ang bitbit na plato ng ulam at sinangag. “Yeah,” walang emosyon na tugon nito saka nagsimulang sumandok ng pagkain. “It’s better if you’ll take a rest muna,” saad niya. “I’m fine,” malamig na sambit nito saka nagsimulang sumubo ng pagkain. He ignored her coldness. Sumandok siya ng pagkain at inisip na baka may sumpong lang ito. On typical days, she will definitely wrap her arms around his waist and explore her favorite part of his body especially now that he’s almost n***d and wearing only brief to hide his now semi-erected maleness. She usually initiates morning s*x lalo at nasa mood ito. But her work gradually changed. Naging madalas ang pagtotopak nito. Bigla na lang magagalit o ‘di kaya ay mananahimik nang walang kadahi-dahilan. Palibhasa ay mahal niya kaya palagi niya itong iniintindi. He became more protective of her nang mamatay ang bunsong kapatid nito two years ago na naging sanhi ng paglala ng unstable behaviour nito. Hindi niya ito iniwan nang ma-depressed ito. He held her tight and kept her safe like a knight in shining armour he thought he should be. “What’s wrong?” usisa niya nang magpakawala ito ng buntong-hininga makalipas ang ilang saglit. She raised her head and met his eyes. Bigla siyang kinabahan. Tila may kakaibang kislap ng kalungkutang sumilay sa mata nito. Nagbaba ito ng tingin saka itinuon ang atensyon sa plato, at pagkuwa’y nilaru-laro ang natirang pagkain doon. Nag-alis ito ng bikig sa lalamunan at tumingala pagdaka. She was on the verge of crying when she met his eyes again. “I-I’ve been thinking about this for a while and I always end up with the same decision,” umpisa nito bago suminghot. “I-I need space, Tim,” patuloy nito. She bit her lower lip to supress her cry. Napamaang siya. Naumid ang dila niya at ‘di siya kaagad nakasagot. Pakiwari niya ay nagkamali siya ng pagkakaintindi sa sinabi nito. “C-Come again? What did you just say?” tanong niya, hoping na mali ang sapantaha niya. “I-I’m sorry, Tim,” mahinang sambit nito. Puno ng pagtataka siyang tumingin dito. Tumungo ito na para bang nag-iipon ng lakas ng loob para sa susunod na sasabihin sa kanya. “W-What did you just say? I-I mean, you’re not serious, are you?” Magkahalong kunot ng noo at matiim na pagtitig ang ginawa niya. Nag-angat ito ng mukha saka humugot ng hininga. She was already crying when she met his suspicious eyes. “I’m serious. It’s just that… I’m tired,” katwiran nito. “Then, rest—” He tried holding her but she avoided his gesture and cut him off while shaking her head. “I’m tired of this relationship. I’m tired of my work. I’m tired of everything, Tim!” mataas ang boses na putol nito sa kanya. “I… I have to find my self and leave for a while. I feel like I’m going mad every waking day! Please, Tim… please, try to understand,” she pleaded. Noon siya nagpaalpas ng marahas na hangin sa dibdib.  “Understand? I’m absolutely gutted! How could you even think of that, Nina? I hadn’t seen you for three days and now, you’re breaking up with me? What’s got into you?” His voice was loud yet shaky. “I-I’ve made up my mind, Tim.” Tumayo ito bago nag-ipon ng hangin sa dibdib. “I’ll pack my things and leave today,” patuloy nito saka nagmartsa papunta sa kuwarto nila. Mabilis siyang tumayo at agad itong sinundan. “b****y hell, Nina! What’s wrong with you?” Pinigilan niya ang braso nito at iniharap sa kanya. “Mag-isip ka nga muna! Gano’n lang ba kadali sa iyong talikuran ang lahat ng pinagsamahan natin just because you’re tired? That’s rubbish! You’re too tired of that God-damn work and you’re losing your mind! I kept telling you, quit your job… not this f*cking relationship,” emosyonal niyang anas, nag-iigting ang bagang niya sa sama ng loob. “I-I’m sorry, Tim. This is not easy for me—” Umiwas ito ng tingin sa kanya saka tumungo. “Not easy? So, how come na nakikipagkalas ka sa akin ngayon? Bakit gusto mo akong iwan? Why are you hurting me?” Napapiyok na siya sa pagsasalita dahil sa sama ng loob. Hinawakan niya ito sa balikat saka nagpatuloy. “b****y hell, Nina! Let’s talk! Huwag ka namang ganyan! Alam mo kung gaano kita kamahal, ‘di ba? If you’re tired, magbakasyon tayo. Let’s go somewhere. Somewhere you could rest—” “I’m no longer happy, Tim. I know, I’m being selfish but this is the best for us,” naluluhang sambit nito bago nag-angat ng ulo at diretsong tumingin sa kanya saka iwinaksi ang pagkakahawak niya. “Just let me go.” “Dammit it! Naririnig mo ba ‘yang sinasabi mo, Nina? How could you say that? Since when did you feel that way? Is there someone else? Magtapat ka!” He combed his hair with his fingers because of anger, and he tried so hard not to hurt her. He was mad beyond comprehension. “That’s absurd! O-Of course not!” Naging mailap ang mga mata nito saka humugot ng hininga. “I’m sorry, Tim.” Umiling siya saka ito muling hinawakan sa magkabilang balikat at bahagyang tumungo upang magkatapat ang mukha nila. “I’m not letting you go. Tell me, just tell me what to do at gagawin ko. Do you want me to—” Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang naging malakas na ang pag-iyak nito. Kinagat nito ang pang-ibabang labi saka sunud-sunod na umiling. “I’m no longer in love with you, Tim…” pag-amin nito. Tinanggal nito ang pagkakahawak niya at tumingin sa kanya nang may determinasyon. “I-I’m sorry for everything,” anas nito bago tumalikod at tuluyang pumasok sa kuwarto nila. Natulala siya. He was lost for words but still followed her after some time and tried his best to convince her to stay, but she didn’t listen. It seemed that she already made up her mind.  He went back to the kitchen while contemplating on what went wrong. She even left him without saying goodbye. Eight long years was forgotten just like that… just because she fell out of love.   LUNOD na sa alak si Timothy nang muling tumawag ang matalik niyang kaibigan na si Von mula sa Pilipinas. Kahit pa nga magkalayo sila, he’s one of those people he knows na masasandalan niya sa mga pagkakataong ganito. Naputol ang pag-uusap nila kanina nang magpasya siyang lumabas muna ng flat niya dahil pakiramdam niya ay pangangapusan siya ng hininga kung mananatili siya sa roon. He went over to her workplace when she turned off her phone, but he was astounded when he found out that she already resigned more than a week ago. Lalong lumalim ang pagtataka at pagdududa niya dahil obviously, she went to Ireland not because of work but because of something else. Did she go away para mapag-isipang maigi ang naging desisyon nito? Was she alone or with someone else? Halos mabaliw na siya sa kakaisip, and the unknown just made him more agitated… and hurt. “Hey, Tim, nandiyan ka pa?” untag ni Von sa kabilang linya na nagpabalik sa kanyang gunita sa kasalukuyan. Banaag sa boses nito ang pag-aalala. His father was concerned and disheartened nang malaman nito mula kay Von ang nangyari. Parang anak na rin kasi ang turing nito kay Nina. He, himself, never saw it coming, how much more the people around them? “No signs, pards! One day, we’re so happy like we’re in heaven, then, I’m in hell the next day! It was totally rubbish! I still can’t believe that she left me. It hurts like hell knowing that she fell out of love with me,” lasing na anas niya saka muling tumungga ng alak na naghatid ng init sa kanyang lalamunan. “Tama na ‘yan, pards,” nag-aalalang wika nito. “I tried everything to find her. Lahat na ginawa ko pero pinagtataguan niya ako! Tell me, pards, nagkulang ba ako? God knows kung paano ako umiwas sa mga babae. My world revolved around her because I thought she was the one for me. Pero bakit ganito? Hindi pa rin sapat ang pagiging good boy ko, pards!” Muli siyang tumungga ng alak saka pinahid ang luha. Pagkuwa’y pagak siyang tumawa. “Ang sakit, pards! I don’t even know if she’s having the time of her life now that we’re no longer together. Tang*na, pards! This is really bullsh*t!” Muli siyang napahikbi na parang bata. “C’mon, Tim. Give her time to think saka kayo mag-usap. Don’t give up. Maybe, all she needed is a space so she could think. Pabayaan mo na muna siguro siya,” payo nito. “It’s easier said than done. Believe me, kung ganoon lang kadali…” He sighed then rested his head down the table. That night, he went home with empty mind and heart. He opened the bed-side drawer and took the small red velvet box inside. He chuckled then laughed bitterly when he took out the ring. “We’ll meet again, Nina. That time, you’ll be begging me to take you back!” Hinimas niya ang diamond ring na ibibigay sana niya kay Nina ngayong gabi para mag-propose. He closed his eyes while letting his tears run down his cheeks. How he wished that accepting the fact that Nina will not be by his side every waking morning is as simple as crying the pain away. Sana nga ay ganoon lang kadali ang lahat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
597.6K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

Broken Angel

read
3.7K
bc

Wicked Seduction (R-18)

read
337.3K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
314.9K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
245.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook