bc

He's Dating A Writer

book_age18+
13
FOLLOW
1K
READ
second chance
independent
single mother
drama
bxg
humorous
nerd
cheating
virgin
addiction
like
intro-logo
Blurb

Shandrea Pennes is a freelance novel fiction writer who had a series of unfortunate experience in love. Being a broken-hearted gal, she focus her time writing her soon to be bestselling novel and never entertain suitors. Unexpectedly, she met Hector, a tall, dark and handsome man who from her own point of view is totally fit to be a protagonist male lead of the novel she is currently writing.

Armed with confidence, the man started to pursue her which she turned down several times. Until one day she finds herself falling for him. The two of them started a blossoming relationship, but, as time pass by, Shandrea notice they were far different from each other. That Hector is just like those men she had relationship with in the past. And much to her chagrin, Hector broke up with her without any valid reason and left the town, leaving her in a state where she needs to be strong for the new life who is slowly growing inside her womb.

Will she tell him about the baby? Will she beg Hector to come back? Or will she just focus her time writing a novel while waiting for her baby to come out in this world? What if Hector came back having a new girlfriend? And worst, that girl is one of the biggest fan of her crafts?

Dear readers, let us find out. So come and join me as we unravel the life and journey of a writer.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Juice colored, girl!" bulalas ni Nica kay Shandrea saka mahinang tinampal ang sariling noo. Halatang-halata sa boses nito ang pagkainis sa kaibigan. "He is not worth it. Kahit ang beke na gaya ko ay ma-t-turn off sa lalaking iyon. Kaloka! Hindi naman kaguwapuhan pero ang lakas ng loob na magloko." "Tama na, Baks!" Humalakhak si Leila at nilingon ang kapatid na panay lang ang pag-inom ng beer. "Ate Shan still loves that assh*le." Tumaas ang isang kilay ni Nica. Ngumiwi rin ito nang tunggain ni Shandrea ang hawak na bote ng beer na nangangalahati pa ang laman. Tila hindi nalalasing ang huli gayong pang-anim na bote niya na iyon. Alas diyes na ng gabi at narito sila sa bar kung saan nila dinala si Shandrea para kahit papaano ay makalimutan nito ang panloloko ng boyfriend. Siksikan ang mga tao sa dance floor, abala ang mga iyon sa pagsayaw sa saliw ng maharot na musika. Maingay ang paligid na sinabayan pa ng halo-halong amoy ng sigarilyo, alak, at pawis na nanggagaling sa mga taong naroon. Nagkasya na lang sina Nica at Leila na samahan si Shandrea imbes na sumayaw. Silang tatlo lang ang umuokupa sa mesa na naroon sa sulok. Medyo madilim doon subalit sapat na para maaninag nila ang isa't isa. Paminsan-minsan ay natatamaan sila ng neon lights na naroon sa gitna mismo ng dance floor. "Why do I have to experience this?" malakas na himutok si Shandrea at kumuha ng panibagong bote ng beer. "Aba malay ko sa 'yo," mataray na tugon ni Nica. "Kung bakit ba naman kasi ang luko-luko na 'yon pa ang jinowa mo. Alam mo namang bet ko para sa 'yo si Leonard, pero pinaasa mo lang 'yong tao." "I do not have feelings for Leonard, Nicanor." Umirap si Nica. "Nica ang pangalan ko, gurl. Nica at hindi Nicanor. Kapag hindi ako nakapagpigil, sasabunutan kita." Panay lang ang tawa ni Leila habang nakikinig sa dalawa. Medyo tipsy na ito, subalit patuloy pa rin sa pag-inom ng alak at paminsan-minsan ay ibinabaling ang paningin sa kabilang mesa kung saan naroon ang umpukan ng ilang kalalakihan na panay din ang tingin sa gawi nila. Kung hindi siya nagkakamali ay sa ate niya nakatingin ang isa sa mga lalaking naroon. "Meghed, Shan," muling pakli si Nica. "Do some revenge, noh. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Maghanap ka ng jo-jowain, 'yong mas higit pa sa tukmol na 'yon!" "Naku, Baks! Papaano naman makakahanap ng jo-jowain si Ate Shan, aber? Simula nang mahuli niyang nangangaliwa ang damuho na 'yon, aba palagi na lang siyang nagkukulong sa kuwarto. Wala ng ibang ginawa 'yan kundi magsulat nang magsulat ng manuscript. Maloloka ako sa kaniya. Maigi nga at napapayag ko na pumunta rito." "Shut your big mouth, Lei." Inirapan ni Shandrea ang kapatid saka uminom ng beer. "Huwag mo nga akong binubuking sa binabae na 'yan. Alam mo naman na ayaw na ayaw niya sa career na pinili ko." Isinandal niya ang likod sa sopa saka ipinikit ang mga mata. Medyo nahihilo na siya subalit kaya niya pa ang sarili. Simula't sapul ay pagsusulat na ang kinahiligan niya. Iyon ang nagpapasaya sa kaniya. Nag-resign siya sa dating kompanya na pinapasukan niya para lang ipagpatuloy ang pagiging writer. Hindi naman tutol ang kaniyang ina pati na rin ang kaisa-isang kapatid na si Leila. Suportado siya ng mga ito at labis niya iyong ikinatutuwa. "Shan, hindi naman sa gano'n. What I don't like is nakakalimutan mo na ang sarili mo. Kagaya ngayon, naghanap ng iba ang boyfriend mo dahil lagi kang nakakulong sa bahay at kaharap ang laptop. Do you think hindi mangangaliwa ang gag*ng iyon kung nabigyan mo siya ng oras?" Naimulat ni Shan ang mga mata at napaawang ang sariling bibig. Kung iisipin niyang maigi ay may punto naman ang kaibigan niyang bakla. Nawalan siya ng oras sa boyfriend dahil mas binigyan niya ng importansiya ang pagiging writer niya. "That's what I am trying to say, Baks!" sabat naman ni Leila. "Pero nangyari na, e. Niloko na si Ate Shan. Gusto niyang bumalik sila sa dati, pero pinagtataguan siya ni Joseph." Napahilot ito sa magkabilang sentido. "Kalurkey! Ang sarap putulan ng saging ng gag*ng Joseph na 'yon. Siya pa ngayon ang may ganang pagtaguan si Shan." "I still love him." Napaluha si Shandrea. Tinanggal niya ang suot na salamin at pinunasan ang magkabilang mata gamit ang tissue. "I don't know what to do anymore, Nica. Pinuntahan ko siya sa trabaho, pero sabi ng guwardiya ay hindi raw pumasok." Isinuot niyang muli ang eyeglass saka tumungga ng alak. "May mali ba sa akin, Baks?" patuloy na paghihinagpis ni Shandrea. Malakas ang boses niya para marinig ng dalawa dahil palakas nang palakas ang rock music sa bar na iyon. "Am I ugly?" Tinungga niya ang bote ng beer matapos sabihin iyon. Pinagmasdang maigi ni Nica ang kaibigan. Napailing siya. Kung tutuusin ay maganda naman si Shandrea. Maganda rin ang hubog ng katawan nito sabayan pa ng mala-sutla na balat na namana pa sa Amerikanong ama. Nagmumukha lang itong manang dahil palaging nakasuot ng malaking salamin sa mata at mahabang damit. "Maganda ka kaya, ate," pakli ni Lei na unti-unti ng tinatamaan ng ispiritu ng alak. Namumungay na ang mga mata nito. "Hindi ka lang palaayos." "Tumpak!" segunda naman ni Nica na ikinasimangot ni Shandrea. "Sabi ko na kasi sa 'yo noon pa, magpakita ka naman ng kaunting flesh. Saka tingnan mo nga ang suot mo ngayon, para kang magsisimba." "Okay naman ang suot ko, ah. Sleeveless naman." Tumaas ang kilay ni Nica. "Sleeveless dress with that bolero churvah? Duh? That's a big no. Tanggalin mo kaya ang bolero na 'yan nang makita naman ang cleavage mo. Jeske! Kung may ganyan lang ako kagandang cleavage matagal ko ng ini-rampa. Sureness ako na maraming papa ang magkakandarapa sa akin." Halata sa boses nito ang landi. Napailing na lang si Shandrea. Alam niya na nagbibiro lang ang kaibigan, pero dahil nakainom siya, pakiramdam niya ay may halong katotohanan ang pinagsasabi nito. Tuloy ay hindi niya maiwasang isipin na kaya hindi nagtatagal ang mga nakaraan niyang relasyon ay dahil sa hitsura niya. Hindi na lang siya umimik, sinaid niya na lang ang natitirang laman ng hawak na bote saka tumingin sa dance floor. Si Lei ay panay pa rin ang tingin sa kabilang mesa. Dinampot naman ni Nica ang cellphone sa ibabaw ng mesa nang mapansing umilaw iyon tanda na may dumating na mensahe. Mayamaya ay nagpaalam si Shandrea na pupunta sa ladies room. Sasamahan na sana siya ng kapatid subalit tinangggihan niya ito dahil kaya pa naman niyang maglakad. Hindi pa siya lasing samantalang ito ay nakasandal na ang ulo sa sopa. Nakipagsiksikan siya sa mga tao na naroon sa gilid ng dance floor dahil naroon sa kabilang panig ang comfort room. Ramdam niya ang init ng buong katawan niya, pinagpapawisan siya dahil sa beer na ininom niya. Lihim siyang nagpapasalamat dahil walang tao roon sa loob ng ladies room. Matapos umihi ay agad siyang naghugas ng kamay sa sink nang mapansin niya na natanggal ang isang butones ng suot niyang bolero. Natigilan siya, napatingin siya sa malaking salamin na naroon sa harap ng sink. Awtomatikong napadako ang kaniyang paningin sa sariling dibdib. At dahil maalinsangan ang pakiramdam niya ay dahan-dahan niyang hinubad ang suot na bolero. Tanging ang itim na sleeveless dress na lang ang suot niya kaya kitang-kita ang kaniyang cleavage dahil sa plunging neckline niyon. Napangiwi siya. Hindi siya sanay na magsuot ng ganoong klaseng damit. Litaw na litaw ang sexy figure niya kahit pa sabihing hanggang binti ang laylayan niyon. Pinatungan na lang niya ng bolero bago sila umalis ng bahay dahil sa tingin niya ay napakalaswa ng hitsura niya. Sa kapatid niya kasi ang bestida na 'yon , napilitan lang siya na isuot iyon dahil natalo siya kanina sa pustahan nila. Isusuot na sana niya ulit ang bolero nang mapansin niyang nabasa ng tubig ang kalahating bahagi niyon. Labis ang kaniyang pagkadismaya subalit wala naman siyang magawa. Itinupi niya na lang iyon at binitbit dahil hindi kasya sa dala niyang sling bag. Lumabas na siya sa ladies room habang hawak-hawak ang nabasa na bolero nang mapansin niya ang isang lalaki na agad na humarang sa daraanan niya. Silang dalawa lang ang naroon sa hallway at napatigil siya sa paglalakad nang ngitian siya nito sabay lahad ng kanang kamay. Nangunot ang kaniyang noo kasabay ng pagtaas ng kabila niyang kilay. "Hi," bati ng lalaki sa baritonong boses. "I am Hector." Pormal ang mukha ni Shandrea subalit may kakaiba siyang naramdaman sa sariling dibdib nang mapansin ang guwapong mukha nito. Para itong isang modelo na hinugot sa isang sikat na magazine. Medyo mahaba ang buhok nito at ang ilang hibla niyon ay tumatabing sa noo. Matangos din ang ilong na bumagay sa nangungusap nitong mga mata. Matikas ito at manipis ang medyo nakaawang na labi na tila nag-aanyaya ng isang matamis na halik. Natulala si Shandrea. Sumagi sa kaniyang isip ang bidang lalaki sa isinusulat niyang nobela habang nakatingin siya sa lalaking kaharap. Tila nabuhay ang nilikha niyang karakter sa katauhan nito at ngayon ay nakangiti sa kaniya. Sarkastikong ngumiti ang lalaki. Tumabingi pa ang isang sulok ng labi nito sabay hawi sa ilang hibla ng buhok na tila nagpapa-cute. "Done checking me out, Miss?" Awtomatikong tumaas ang kabilang kilay niya. Wala siyang planong kausapin ang lalaking kaharap. Ang gusto niya ay makauwi na dahil may hinahabol siyang deadline para sa kaniyang manuscript na ipapasa niya sa isang publishing company. Inirapan niya ang lalaki. Akma na siyang maglalakad palayo nang bigla na lang siya nitong hawakan sa magkabila braso at maingat siyang isinandal sa pader saka tinitigang maigi sa mga mata. "I really like you, Miss." Mahina lang ang pagkakasabi nito subalit tila umaalingawngaw iyon sa pandinig ni Shandrea.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.1K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.3K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.1K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
41.4K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.3K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook