bc

Flames of Desire

book_age18+
1.0K
FOLLOW
2.7K
READ
witch/wizard
bxb
bisexual
friendship
like
intro-logo
Blurb

A friendship that started with hatred and fear, Two Wizards who will bring fire and Ice to each other's heart.

Puno ng pagkagusto si Shawn, Pagkagusto na patayin ang Wizard ng Yelo. Tuwing titingin siya sa malalamig nitong mga mata ay Kusang Nagwawala ang apoy na nakapaloob sa puso niya, but Somehow that son of a b-itch has a special place in his heart.

Hindi gustong aminin ni Shawn ang nararamdaman niya para sa Kaklase at karibal, kaya naman pilit niya iyong pinagsasantabi gamit ang galit at Inis niya dito. Ngunit sadyang sinubukan siya ng Panahon, They will be summoned together in a Mission---Isang misyon na Magbubunyag ng sikreto na meroon ang kani-Kaniyang pamilya.

As they slowly reveal the Secret of the history, Their feeling for each other became more fatal and Intense.

Hindi alam ni Shawn na pwede pala...Mahalin ang Nilalang na Kinaiinisan niya, He can love the person who belongs in the same s*x as him.

Shawn has the Flame of desire to love and hate his Mortal Enemy...

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Chapter 1 Third person's Point of view Walang mapagsidlan ng Saya si Shawn habang nakatitig sa entablado kung saan may dalawang wizard na nag lalaban. He's not excited for the other players...he's excited to face his mortal enemy. May ngisi na nakaplaster sa mukha ng mag angat siya ng tingin upang titigan ang lalaking pilit na umiinis sa bawat araw niya. The ice Wizard...None other than Lawrence Levriz the Cold yet the most Fatal enemy that he ever fought with. Ilang taon narin simula ng maganap ang Naging Laban nila, Marami ang nasaktan ng araw na iyon at malaki ang pinsalang natamo ng lugar kung saan sila naglaban---Dahilan kung bakit panandalian silang napaalis sa eskwelahan. He doesn't care about his grades...all Shawn wants is to get his throne---Ang pagiging Una sa lahat ng bagay. "Stop that fight, it's nonsense" Masungit niyang litanya na tinutukoy ang dalawang wizard na nasa entablado at patuloy sa pakikipag laban sa Isa't isa. He's losing his patience, He can't wait any longer. Kating kati na ang palad niya na mapakain ng lupa ang mayabang na Ice wizard na iyon. Nawala ang ngisi sa mukha ni shawn ng matuon sakanya ang tingin ni Lawrence, Kahit na gaano pa kalamig ang kulay asul nitong mga mata---Wala iyong epekto sakanya. Mas lalo lamang siyang nag iinit at mas ninanais na sunugin ang kulay Sky blue na buhok ng lalaki. "Pustahan kung matatalo mo si Lawrence?" Asik ng kaibigan niyang Isang Wind Wizard, Alam nito kung gaano siya kainis kay Lawrence kaya hindi ito natatakot habang titig na titig sakanya na umuusok na ang palad. "Mananalo ako" Singhal ni shawn bago nagtagis ang panga at matalim na tinignan ang kaibigan. "Geeez Shawn relax, This is just a bet...Gusto kong pumusta kung sino ang mananalo sainyong dalawa" Paniguradong may pinaplano nanamang kakaiba ang kaibigan niya dahil base palang sa ngiti nito. Mukhang nakaisip ito ng Ideya na mas magdadagdag ng Init sa laban nila ni Lawrence. Wala siyang pakialam sa Ideya na iyon pwera nalang kung Pangit ang kalalabasan non sakanya.  Mas lalong umingay ang paligid ng matapos ang laban sa pagitan ng dalawang wizard At ng Banggitin na ng guro ang pangalan nila ni Lawrence tila ba nagkaroon ng lindol sa buong stadium, Nawala ang pagka antok ng ibang mga estudyante at mas naging katakot takot ang entabladong hinanda ng mga propesor. Ito na ang Oras para patunayan niya ang Sarili niya... "Boto ako kay lawrence" Rinig niya pang biro ng kaibigan niya na ikinakunot ng noo niya, Sige kay lawrence ka bumuto. Tignan lang natin kung sino ang mapapahiya. Bulong ni shawn sa sarili bago napagpasyahan na lumakad papunta sa Entablado. Lihim na napaismid si lawrence ng makita kung gaano kagigil si Shawn, Kanina pa niya ito inoobserbahan at base sa mga mata nitong tila ba nag aapoy... Sabik na sabik na itong tustahin siya, Hindi siya papayag. Wala siyang pakialam sa titulo niya pero may pakialam siya sa sarili niya. Kahit na gaano pa niya hilingin na sumuko nalang kay Shawn, Hindi niya pwedeng gawin iyon dahil sa Ama niyang patuloy sa pag mamatyag sa bawat gagawin niya. Nakakainis at nakakawalang gana dahil pakiramdam niya ay para siyang puppet na kinkontrol ng Isang matandang gustong gustong angkinin ang buong Elementia. Hindi niya makakalimutan ang Motto ng Ama niya  "To be the number one means to be the king"  Nakakatawa dahil sa sobrang pagkagusto ng Ama niya na Manguna, Nagmumukha na itong Baliw na sabik sa atensyon ng mga nilalang sa paligid. "Don't disappoint me" Rinig niyang bulong ng Ina ng Lumapit sakanya ito, Pinanatili niya ang lamig sa bawat titig bago inayos ang suot na kulay puting cloak. Hindi na niya paghihintayin pa si Shawn dahil mukhang gustong gusto na nitong masimulan ang laro. Nakakabingi ang sigawan ng mga wizard, Lahat sila ay may kaniya-Kaniyang manok na para bang nasa Isang sabong sila. Halos pantay lang ang naririnig niya ngunit alam niya na mas lamang si Shawn marahil sa kadahilanan na Maraming mga Babaeng wizard ang attracted sa mga Mainitin ang ulo, Engot, Pabigla bigla at Magagalitin na lalaki. He's not that type... Mas malamig pa sa yelo ang pakikitungo niya sa mga Nakakasalamuha niya, Malayong malayo kay Shawn na Mainit at Punong puno ng Reklamo sa buhay. Napabuga siya ng hangin ng hindi pa man siya nakakapwesto ay binato na siya ng Bolang apoy ng kalaban. Agad niya iyong iniwasan na para bang umiwas siya sa Isang bolang binato ng Isang bata. "Give up or die levriz" Banta sakanya ni shawn na meroon na ngayong bolang nagliliyab sa mga palad, Miski ang mga mata nito ay nagliliyab na tila ba Isang Nagwawalang apoy. Hmmm Napaangat ang dulo ng labi ni Lawrence bago niya inalis ang salamin na pumapawi sa Pagka hilo niya tuwing Nababad sa pagbabasa tuwing gabi. Based from what he's seeing...Shawn did Improve Mula pagkabata ay kaaway na ang tingin nito sakanya, There's no doubt on that. Simula noon pa man ay hindi na maganda ang relasyon ng pamilya nila sa Isa't Isa. It's in their blood to be Mortal Enemies... "Kung sino ang mawawalan ng malay, Susuko at Mauubusan ng Enerhiya. Tal-" Hindi na natuloy pa ng Emcee ang sasabihin ng Isang iglap lang ay nawala na sa harapan niya si shawn. Alam niya ang trick na ito at hindi na siya magpapauto dito. Napabuga ng hangin si Lawrence at agad na humarap sa likoran niya upang sapuhin ang suntok ng kalaban. It's not just a normal punch dahil napapalibutan ng Apoy ang kamao ni Shawn. Napaatras siya at nabasag ang yelong bumalot sa palad niya upang hindi mapinsala sa apoy na nasa palad ng Kalaban. "Bullshit!" Hindi nag iba ang emosyon na nakaplaster sa mukha ni Lawrence nanatili siyang sin'g lamig ng yelo habang sinasangga ang mga nanggigil na suntok ni shawn na Punong puno ng Pagka irita sa mukha. It's not just his eye's that is burning...Lawrence can also see the fire in Shawn's heart. A fire that can melt his Ice, But not his Tactics. Nang akmang susuntukin muli siya ng lalaki ay agad niyang ginamit ang paa upang magpakawala ng yelo na sasalag sa suntok ni shawn, Naharangan siya ng yelo kaya naman ginawa niya iyong pagkakataon upang mabilis na pumunta sa likoran ni shawn at paulanan ito ng matutulis na tipak ng yelo. Ramdam niya ang hapdi sa palad gawa ng mahika, Ngunit Kailangan niyang mag tiis upang manalo. "That's not enough levriz!" Rinig niyang sigaw ng lalaki, Hindi na nagulat pa si Lawrence ng makitang nadaplisan lamang si Shawn. Agad niyang Hinarang Ang braso upang salagin ang napakalaking bolang apoy na bigla nitong pinakawalan. Napaka init, Ramdam na ramdam niyang hapdi at init ng saluhin niya iyon at itulak siya non paatras sa kinatatapakan niya. "Damn" Hindi na napigilan pa ni lawrence ang magmura ng Wala pang ilang segundo nasa harapan na niya si shawn. And what's more shocking? It's the fact that Shawn face is just a few inches away from his face. Kitang kita niya ang pag ngisi ng lalaki at ang pagtaas ng sulok ng labi nito. "Got you Ice s**t" He can smell his breath, The odd thing is he's enjoying the distance between their faces. Nagulat man si Lawrence ngunit agad niyang binalik sa dati ang sariling expression ng mukha, He needs to look Cold. The Fire wizard is hotter than what he expect... Nagtagis ang bagang ni Shawn ng makitang mukhang nilalaro lang siya ng kalaban niya. Kaya naman mas pinagbuti niya ang pagbato dito ng mga bolang gawa sa apoy, Hindi siya nababahala na maubusan ng Enerhiya dahil ang lakas niya...ay nanggagaling sa galit na nakapaloob sa puso niya. Siguro lahat ay nagtataka kung bakit ganito nalang siya kagalit kay Lawrence Levriz. Hindi lang dahil sa Pagiging pinaka una nito Galit siya dito Dahil sa Isang pangyayari na hangang ngayon ay nakakatatak sa isip niya. This is his way of easing the pain that he will feel whenever that memories haunts him. Ang saktan ang lalaki ang pinaka nagpapangiti sakanya. Akmang magpapakawala muli ng fireball si shawn ng bigla nalang bumulusok ang tipak ng yelo papunta sa direksyon niya, Maagap siyang umalis sa pwesto niyang iyon at maglalabas na sana ng apoy sa palad ng Isang iglap lang ay may Tumama ng kamao sa mukha niya. Malakas ang pagkakatama niyon dahilan para mapatigil si shawn at mapahawak sa pisngi kung saan tumama ang suntok ni lawrence. "You..." Puno ng panggigil ang buong Sistema ni Shawn, Hindi na niya nalaman kung ano ang gagawin... Ang gawing abo ba ang kalaban o ang bugbugin ito hangang sa mamatay. Mas lalo lamang nainis ang wizard ng imbes na magsalita ay humikab lang si lawrence at inaantok siyang pinagmasdan. Sawang sawa na akong makita yang mgs mata mong yan, Napakayabang mo! Napahinto ang lahat ng Biglang nilamon ng Naglalagablab na apoy ang kalahati ng Entablado, Sunod na nangyari ay ang pagpuno naman ng yelo sa kalahati. Nakakatakot ang bawat tagpo at Akmang susugod na ang dalawa sa Isa't isa ng Biglang tumunog ang kampana. Hudyat na may nagaganap na kaguluhan sa isang parte ng Elementia.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
325.6K
bc

My Favorite Subject

read
216.4K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.3K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.3K
bc

That Professor is my Husband

read
504.6K
bc

THE BILLIONAIRE'S SÊX SLÂVÊ R-18 (COMPLETE)

read
603.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook