bc

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)

book_age18+
56.4K
FOLLOW
992.0K
READ
sex
playboy
sensitive
dare to love and hate
tragedy
bxg
heavy
campus
enimies to lovers
wild
like
intro-logo
Blurb

Series 7 of 8

Reat At Your Own Risk!

"Do you smoke?" natatawang tanong niya sa akin kahit alam niyang hindi.

Pagilid ko siyang sinulyapan nang ilabas niya ang sigarilyo at mabilis na sinindihan sa harapan ko. Sinasadya niya ito para ipakita sa akin na walang kahit sino ang magbabawal sa kanya sa school na ito.

Agaw pansin ang mga biloy niya na lumabas nang hithitin niya ang dulo ng sigarilyo. Kahit nagsasalita, kumakain, o kahit kaonting kibot lang ng labi niya'y lumalabas iyon. Gamit ang mga daliri'y sinuklay niya papunta sa likod ang pawisan niyang buhok. Ang manipis na gintong kwintas niya'y kumikinang sa tirik na araw.

Nagbuntong hininga ako at pilit pinapakalma ang sarili. I don't like people breaking school rules that's why I hate him. He's the best example of bad boy. A rebel. He's teaching other students to do wrong.

"Breaking a few rules won't hurt your grades, Miss. If you want to taste, I can give you some," tukoy niya sa sigarilyo na wala akong balak tikman.

chap-preview
Free preview
Lascivious Casanova 01
(LC) Chapter 01 Dismayado akong nagbuntong hininga ng madaanan ko ang grupo na nag-iinuman. Nasa loob kami ng eskwelahan at hindi sila nahihiya na ipangalandakan ang ginagawa nila! Ano ba ang nakukuha nila diyan sa alak at hindi nila matigilan?! "Tawagin mo sila Harry, sabihin mo may mga nag-iinuman nanaman." "Eh, ayoko.. baka ako ang pagdiskitahan ni Jaxsen kapag nalaman na nagsumbong ako.." Inilingan ko si Irene na pinaglalaruan ang ilalim ng uniform niya. Nakababa ang tingin dahil ayaw akong sundin. "Ako na!" Sabi ko at umikot para bumalik sa kwarto na nilabasan namin. Nakasunod si Irene sa akin, kapag nililingon ko naman ay umiiwas ng tingin. Alam ko na gusto niya akong pigilan, hindi dahil sa ayaw niyang pagdiskitahan siya ni Jax kundi dahil alam ko na malaki ang pagkagusto niya dito. "Ano ba ang nakikita niyo sa lalaki na iyon? Ang daming bisyo at basagulero.." "Ang ilap niya kasi sa babae! Parang ang laking premyo kapag napansin ka.." kinikilig na sabi niya sa huli. Umiling ako at ngumiwi sakanya. "Hindi mo ba nakita ang ginagawa niya?" Turo ko sa nilagpasan namin kung nasaan ang mga nag-iinuman. Napanguso siya at umiwas ulit ng tingin. Namumula ang pisngi at parang nagpipigil ng hagikgik. "Nag-iinuman sila at ang narinig ko kahapon lang nakipag basag-ulo nanaman sa labas." Dagdag ko pa. Tinitigan ko siya na parang nababaliw na siya ng humagikgik siya. "Ano ka ba, Clem! Ang hot nga niya eh!" Tili niya, namumula at humawak pa sa magkabilang pisngi. "He's not hot.. he's a bad guy." Tinulak ko pabukas ang pinto at nakita na nag-uusap ang mga estudyante na inatasang magpaayos ng mga panuntunan sa paaralan. "May mga nag-iinuman sa dating pwesto." Nagkatinginan kami ni Harry. Lumapit siya at hinawi ang buhok ko na nasa balikat. "Dating grupo ba?" Tumango ako at nagkibit balikat. Wala pa kasi sa kalahati ng taon ay ilan beses na yun nababalita na nag-iinom at nakikipag-away. Madalas may band aid sa mukha at amoy alak. "Sasama ka?" Tanong ni Harry, ang kababata ko at kapitbahay. "Oo. Sana mahuli niyo na ngayon. Palagi nalang nakakatakas sa inyo." Tumawa siya at inakbayan ako para lumabas kasama ang mga estudyanteng opisyal ng eskwelahan. Palapit palang kami kung nasaan ang mga nag-iinom ay naririnig na namin ang mga ingay nila. Natatakpan sila ng mataas na talahib mula dito pero konting lakad pa namin ay natanaw na namin sila, nasa damuhan ang ilan sa mga lalaki na kasama niya't mayroon mga kasama na babae habang si Jax ay nakaupo sa batong upuan na pahaba. Nasa tabi ang alak at ilang pagkain na pulutan nila. Naka-dekwatro at mayroon hinihithit na sigarilyo. Napatayo ang mga babae na kasama ng grupo niya at isa isang nagtakbuhan, ganoon din ang mga kasama niya na lalaki. Pero siya nanatili doon at mayabang na bumuga ng usok. "Bawal mag-inuman dito. At bawal ang sigarilyo." Tumigil si Harry sa harap niya. Ang mga kasama namin na opisyal ay hawak sa braso ang ilan sa mga nahuli na kagrupo ni Jax. "Sino may sabi?" Mabilis kumulo ang dugo ko sa maangas na pagsagot niya. Hindi porket mayaman siya ay magiging batas na siya dito sa paaralan. Pinitik niya ang upos ng sigarilyo malapit sa paanan ni Harry at idinipa ang dalawang braso sa sandalan ng upuan. Huminga ako ng malalim at hindi makapagpigil sa bastos ng ugali niya. Humakbang ako at lalapitan sana siya pero pinigilan ako ni Harry. "Ayos lang.." nakangiti na sabi niya at marahan na nakahawak sa braso ko. "Ang bastos eh.." Mula kay Harry ay inilipat ko ang tingin kay Jax. Nasa kamay ni Harry ang tingin niya, pag-angat niya ng tingin ay nagkatinginan kami. "Ikaw ang nagsumbong?" Tinitigan ko siya. Wala ang polo niya, tanging ang puti na malinis na t-shirt lang ang suot. Nakasuot siya ng kwintas na manipis na ginto at mayroon maliit na pendant na bilog. Mahaba din ang buhok na labag sa gupit ng eskwelahan. "Hindi naman kayo kailangan isumbong dahil kitang kita kayo at parang nagpapapansin pa sa mga mag-aaral dito." Umangat ang gilid ng labi niya, nakangisi siya ng una hanggang sa naging malaking ngiti. Tinignan ko si Irene na nasa gilid ko ng marinig ang pagsinghap niya. Namumula ito at nakatitig kay Jax. Mabilis kong ibinalik ang tingin sa harap at salubong ang kilay na tinignan siya. Magandang lalaki nga pero nakakababa ng dangal ang ugali. Hindi siya makikita na mayroon kasamang mga babae, mga kaibigan niya ang kaliwa't kanan ang babae pero siya basagulero at puro bisyo naman. Nakita ko pa siya isang beses na nagsusugal sa kabilang bayan, hindi naman marunong magtrabaho pero ang lakas ng loob tumaya sa sabong. "Tsk! Hindi ko alam na sa ganda mong iyan sumbungera ka pala.." Nanlaki ang mata ko at umamba na lalapit ulit, humigpit ang hawak ni Harry sa akin at  ibinaba ang kamay sa bewang ko para pigilan ako. "Dahil bawal ang ginagawa niyo! Ang bastos talaga ng bunganga mo!" Mariin na sinabi ko, masama ang tingin sakanya. Natawa siya at inalis ang pag-dekwatro sa binti. Hindi inaalis ang tingin sa akin ng itukod niya ang mga siko sa tuhod niya. Pinaglalaruan sa mga kamay ang lighter at isang pakete ng sigarilyo. "Sinabihan ka na nga na maganda, bastos pa? Baka kapag binastos kita, hindi ka na makapagsalita.." Pumikit ako at iniwas ang tingin sakanya pagkadilat, kapag nagkakasalubong kami madalas talaga kaming magbangayan dahil sa kabastusan ng bunganga niya. Minsan sisipulan niya ako at kapag tinignan ko ng masama ay tatawa. "Sumama ka, Jax.. kailangan namin kayo makausap ng mga kaibigan mo." Maayos na pakiusap ni Harry. "Magsasayang lang kayo ng oras. Papapuntahin niyo ang magulang ko? Titiklop nga ang may-ari ng paaralan na ito sakanila, kayo pa ba?" Kinagat ko ang labi ko dahil sa mga salita na sinabi niya, para niya na rin sinabi na wala kaming karapatan na mga mahihirap para galawin ang mayaman na kagaya niya. Sila ang may pinakamalaking lupain dito. Ang mga magulang namin ni Harry ay nagtatrabaho sakanila, pera ng mga magulang niya ang ginagamit niya pero kung makapagyabang siya akala mo sariling pera niya! Kahit unang beses ko palang siya na makita pagka-uwi niya galing sa ibang bansa mainit na agad ang dugo ko sakanya. Katirikan ng araw sa tanghali na iyon, panay ang ulan ng mga nakaraan na araw kaya basa pa ang lupa at puro putik pa. Nakasuot ako ng uniporme para sa pagpasok ng dumaan ang sasakyan na minamaneho niya. Mabilis ang patakbo kaya pagdaan sa lubak na mayroon tubig ay tumalsik ang mga putik sa damit ko. Naiangat ko ang mga kamay ko at napatitig sa dumi na tumalsik sa damit at pati na din sa pisngi ko. Galit kong nilingon ang sasakyan na diretso ang patakbo at hindi bumagal ang patakbo. Sa huli, umuwi nalang ako at hindi nakapasok sa araw na iyon. "Nalabhan ko na ang damit mo, Anak. Tulungan mo akong dalhin ito sa Masion ni Senyora, dumating ang Apo niya ang anak ng mga Dawson." Kinuha ko ang malagkit na niluto ni Nanay, isang bilao iyon. Ang bilo bilo naman ay bitbit niya. Habang naglalakad kami ay ikinekwento niya ang napangasawa ng nag-iisang anak ng senyora. Nagbakasyon lang daw sa Ireland at pagbalik ay mayroon ng kasintahan na Irishmen. Tinanggap nalang ng senyora at lalo pa ay buntis na. Nagbabalak daw na dumalaw sa mansion, pinauna lang ang anak at nagdesisyon daw na dito pansamantala na patirahin. "Sumunod ka sa loob at baka gutom na ang Senyora at Apo niya. Magugustuhan niya ito dahil talaga naman na sinarapan ko ang luto." Nakangiti si Nanay at tuwang tuwa na mapapakain sa dayuhan ang luto niya. Nakasunod ako pero natigilan ng malingunan ang pamilyar na sasakyan. Matagal kong tinitigan iyon hanggang sa maalala ang barumbado na nagmamaneho ng sasakyan na tinalsikan ako ng putik! Naisip ko na kaagad na siya iyon, kaya naman hindi na ako bumati pagkapasok sa loob, sumama ang timpla ko lalo na ng tanggihan niya ang niluto ni Nanay. "What food is this?" "Malagkit ito, at ito naman po bilo bilo-" "Is that clean?" His arrogant voice makes me want to slap him. Nasa likod ako ng lalaki dahil si Nanay lang ang lumapit pagkakuha ng bitbit ko na bilao. Likod lang ng lalaki ang nakikita ko pero nag-iinit talaga ang dugo ko. "Malinis po ito, Sir.. eto ho at tikman niyo-" Umawang ang labi ko ng tabigin niya ang platito na nilagyan ng pagkain ni Nanay. "I don't eat that.. that thing don't look appetizing to me.. do you have any other food here, Lola?" Pumikit ako at humakbang para pigilan si Nanay sa pag-alok ng pagkain, ayokong makita na ulitin niya pa iyon kay Nanay dahil baka hindi na ako makapag-pigil. Napatingala siya ng tumabi ako kay Nanay at inagaw ang hawak ni Nanay na platito. Ang Lola niya tumayo at nagtawag ng ibang katulong para magluto ng ibang pagkain. "Nay, dalhin nalang natin ito sa palayan kung nasaan si Tatay para hindi masayang." Tumango si Nanay at nakatitig ang lalaki sa akin ng lingunin ko. Hanggang ibabaw ng tainga ang buhok, makapal na kulay brown na hinahawi niya pataas kapag tumatabing sa mata niya. Malalim ang kayumanggi na mata, nagbabago ang kulay kapag nasisinagan ng araw. He has brown eyes but normally it changes to color bright blue or gray when it expose to light. Simula ng araw na iyon, hindi ko na siya sinusulyapan dahil nag-iinit ang dugo ko kapag nakikita siya. Sa ganitong paraan lang kami nagkakaharap, kapag may mga ginagawa siyang kalokohan saka lang ako napapatingin sakanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
443.2K
bc

Unexpected Romance

read
38.2K
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
315.6K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
534.2K
bc

His Cheating Heart

read
40.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook