bc

Threesome

book_age0+
14.1K
FOLLOW
85.9K
READ
love-triangle
love after marriage
second chance
pregnant
drama
tragedy
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

(TAGALOG STORY)

"Papayag ka bang sumiping ang asawa mo sa ibang babae dahil sa gusto nitong magkaroon ng anak?"

Hindi kayang bigyan ni AGNES ng anak si TRISTAN. Anak na magiging dahilan sana upang mas maging matibay ang kanilang pag-iibigan. Kaya naman pumayag siya sa ideyang kukuha sila ng isang babae para anakan ni Tristan. Nakilala nila si Monique. Pumayag ito. Nagkasundo silang tatlo na oras na mabuntis si Monique at manganak ito ay iiwan nito sa kanila ang sanggol kapalit ang malaking halaga ng pera.

Ngunit makakaya ba ni Agnes na may ibang babae na makakasiping ang kaniyang asawa gabi-gabi?

Paano kung ang pag-iibigan nila ni Tristan na pandalawahan ay maging tatluhan dahil kay Monique?

chap-preview
Free preview
Chapter One
Agnes’ POV “YOU may now kiss the bride…” Parang musika sa aking pandinig ang sinabing iyon ng pari. Simple lang ang aking suot na wedding gown. Iyon lang kasi ang nakayanan ng pera ni Tristan. Ngunit wala akong pakialam kahit hindi mamahalin ang aking trahe de boda. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng aking luha nang alisin ni Tristan ang belong nakatakip sa aking mukha. Wala na akong pakialam kung mabura ang make-up ko o kung pumangit man ako sa kakaiyak. Gusto ko lang talagang mailabas ang saya ko at sa pag-iyak ko iyon nagawa. Tears of joy… Parang kwento lang ng pag-iibigan namin ni Tristan. May luha noong una pero kasunod naman niyon ay kaligayahan. Kaligayahan na sana ay hindi na magwakas. Ngumiti ng matamis si Tristan. “Bakit ka naman umiiyak?” tanong niya sa akin. Umiling ako. “Masaya lang ako, Tristan. Matapos ang lahat, heto tayong dalawa at kasal na…” Puno ng saya ang puso ko ng sandaling iyon. Hindi na ako sinagot ni Tristan. Bagkus ay hinalikan na lang niya ako sa labi. Isang mabilis ngunit puno ng pagmamahal na halik. Nang maghiwalay ang aming mga labi ay sumunod naman ang malakas na palakpakan ng mga taong naroon sa simbahan para saksihan ang aming pag-iisang dibdib. Magkahawak ang kamay na humarap kaming dalawa sa lahat. Kahit ako ay hindi ko inakala na darating ako sa ganitong tagpo. Iyong may lalaking iibigin sa kung sino ako at ihaharap ako sa dambana ng Diyos. Sa nakaraan na meron ako? Hindi na ako umasa na maikakasal pa ako, na may lalaking sesryoso sa akin. Iyon pala ay isang malaking pagkakamali dahil dumating sa buhay ko si Tristan. At hindi ko inakala na sa kabila ng aking nakaraan ay nagawa niya pa rin akong tanggapin… -----ooo----- FIVE years earlier… “Our star of the night! Please welcome… Aryana!” Matapos akong maipakilala ay lumabas na ako sa likod ng kurtina. Pa-sexy akong naglakad papunta sa gitna ng maliit na entablado sa bar na iyon. Sa gitna niyon ay may isang bakal na pole. Aryana? Oo. Iyan ang pangalan ko sa club na ito. Screen name lang kumbaga. Wala rin naman akong balak na sabihin sa lahat ang tunay kong pangalan. Sexy dancer ako sa bar na ito na puntahan ng mga lalaking naghahanap ng panandalian aliw. Mga lalaking uhaw sa laman at gustong magtampisaw sa makamundong pagnanasa. Mga lalaking sawa na sa kanilang mga asawa’t nobya at nais tumikim ng ibang putahe. Mga lalaking iisa lang ang gusto-- ang makalimot sandali sa problema. Apat na bagay lang ang suot ko sa aking katawan ng sandaling iyon. Sapatos na may mataas na takong, panty at bra na nilagyan ng kung anu-anong palamuti para mas magmukhang sexy. At ang pang-apat? Ang kapal ng mukha. Hindi ko naman magagawang sumayaw ng ganito sa harap ng maraming lalaki kung wala kong kapal ng mukha. Kailangan ko itong gawin para mabuhay. Ayoko nang maranasan iyong mga panahon na kumakalam ang tiyan ko sa gutom. Wala na rin naman akong aasahan kundi ang sarili ko na lang. Wala na akong mga magulang. Napatay sila nang matabunan ng lupa ang bahay namin nang mag-landslide. Nasa school ako noon kaya ako lang ang nabuhay sa aming pamilya. Hindi ko kilala ang mga iba naming kamag-anak kaya naman huminto ako sa pag-aaral at lumuwas ng Maynila para makipagsapalaran. Ginawa ko iyon kahit hindi ko natapos ang high school. Ang akala ko ay isang paraiso ang Maynila pero nagkamali ako. Sa edad na labing-anim ay tumira ako sa lansangan. Namamalimos at nagnanakaw. Eighteen years olad ako nang makatakas ako sa malupit na lansangan. Sa tulong ni Mama Fe. Siya ang may-ari ng bar kung saan ako nagtatrabaho. Noong una ay serbidora lang ako. Napansin yata ni Mama Fe na sinisipolan ako ng mga customer na lalaki kaya ginawa niya akong dancer. Naging mabenta ako kaya tume-table na rin ako at inilalabas na rin ako ng ilan para makipagtalik. Ayoko noong una pero nang makahawak na ako ng malaking salapi ay nilunok ko na lang ang aking dignidad. Ang inisip ko na lang ay mag-ipon para kung sakaling may sapat na akong pera ay lilisanin ko na ang lusak na kinalulubugan ko. Pero lumipas pa ang maraming taon, twenty-one years old na ako ay narito pa rin ako sa bar ni Mama Fe. Nagsasayaw, tume-table at lumalabas kasama ang kung sinu-sinong lalaki kapalit ang pera. Doon na ako nawalan ng pag-asa… Tinanggap ko na sa sarili ko na dito na ako sa trabahong ito malalagutan ng hininga. -----ooo----- “PUTA!” Napamura ako nang makita ko ang dalawang linya sa pregnancy test kit na hawak ko. Nasa isang cubicle ako ng CR sa isang mall ng tanghaling iyon. Naiiritang isinilid ko sa shoulder bag ang pregnancy test kit. Kaya naman pala hindi na ako nagkaka-regla nitong mga nakaraang araw dahil buntis na naman ako. Sino naman kaya ang nakabuntis sa akin? Iyong matabang pulis? O baka naman iyong Hapon na patay na patay sa akin? Si Bogart kaya na construction worker o baka naman iyong pangit na lalaki na may mabahong hininga? Ah! Hindi na importante kung sino sa kanila. Ang kailangan kong gawin ay alisin ang buhay na nasa loob ko dahil magiging sagabal ito sa aking pagtatrabaho. Kailangan ko itong agapan bago pa ito lumaki. Mas mahihirapan akong alisin ito. Nagmamadali akong lumabas ng CR at ng mall na iyon. Pumara ako ng jeep at sumakay. Bumaba ako makalipas ang ilang minuto. Pumasok ako sa isang squatter’s area. Panay ang sipol sa akin ng ilang kalalakihan na nakakakita sa akin. Bahala silang tigasan diyan! Memoryado ko ang daan na aking nilalakad. Medyo kinakabahan ako kaya naman nagsindi ako ng sigarilyo. Iyon kasi ang aking pampakalma. Hanggang sa marating ko na ang aking pupuntahan. Isang bahay na yari sa semento at yero. Hindi ganoon kalaki. Sa aking palagay ay iyon ang pinaka magandang bahay sa lugar na ito. Kumatok ako at isang matandang babae na may katabaan ang nagbukas ng pinto. Malaki ang ngiti niya sa akin. Litaw ang malalaki at madilaw niyang mga ngipin. “Agnes. Suki! Pasok ka!” anyaya niya sa akin. “Mukhang naka-tsamba ka na naman, ah.” Ipinitik ko sa labas ang sigarilyo bago ako pumasok. “Oo, e. Bigyan mo naman ako ng discount. Aba, pang-anim na punta ko na yata sa iyo ngayon. Dapat binibigyan mo na ako ng loyalty card para sa discount!” Medyo nagbibiro ako upang kahit papaano ay mabawasan ang kaba sa aking dibdib. “Walang ganoon dito, Agnes. Sumunod ka na sa operating room para masimulan na natin iyan,” anito. -----ooo----- “NAGPALAGLAG ka na naman ba ng bata?!” Napahinto ako sa pagbubunot ng buhok sa kili-kili sa may pintuan nang marinig ko ang sigaw na iyon ng kaibigan kong si Lulu. Magkasama kami sa inuupahan naming apartment at sa bar din siya nagtatrabaho. Iyon nga lang, waitress lang siya. Hindi naman kasi siya kasing-ganda ko. Sa lahat ng katrabaho niya sa bar ay ito ang naging kasundo niya. Taklesa kasi ito at talagang sinasabi ang gusto katulad niya. “Sige. Mag-microphone ka pa para makinig ng kapitbahay!” ani ko at ipinagpatuloy ang pagbubunot ng buhok ng kili-kili gamit ang tiyani. Sinulyapan ko siya at nakita kong binulatlat pala niya ang shoulder bag ko. Hawak niya ang pregnancy test kit na ginamit ko kahapon. “Saka, pwede ba, tigilan mo na ang pakikialam sa gamit ko? Kailangan kong ipalaglag ang bata dahil sagabal lang sila sa trabaho ko. Na-iimagine mo ba na sumasayaw ako na bilog ang tiyan? Ang pangit, 'di ba?” “Agnes, ilang bata na ang inilaglag mo. Hindi ka ba naku-konsensiya? Hindi ka ba natatakot na baka kapag gusto mo nang magkaroon ng anak ay hindi ka na bigyan ng Diyos?” Medyo naiinis na ako sa sermon ni Lulu. Nawala na ako sa mood na magbunot ng buhok sa kili-kili. Tumayo na ako at pumasok sa kwarto namin. Sumunod pa rin siya doon. Nagsindi ako ng sigarilyo habang nakadungaw sa bintana. “Bakit naman ako matatakot? Alam ko naman na walang lalaki na seseryoso sa akin kaya hindi naman talaga ako mag-aanak. Saka anong Diyos ba ang sinasabi mo, ha? Walang Diyos. Dahil kung meron, bakit pinabayaan niya akong maging ganito?” May halong hinanakit na litanya ko. “Hoy! Hoy! Hoy! 'Wag ka ngang magsalita ng tapos diyan! Basta, naniniwala ako na isang araw ay may makikilala kang lalaki na mamahalin ka maging sino ka man!” “'Wag mo nga akong paasahin sa fairytale! Sa mga pocketbook lang may ganiyan!” “Ah, basta! Tama na iyang pagpapalaglag mo! Kung ayaw mo sa bata, ibigay mo na lang sa akin!” -----ooo----- “CONGRATS, bes! Masaya ako para sa iyo!” Isang mahigpit na yakap ang ibinigay sa akin ni Lulu nang lapitan niya ako sa table namin ni Tristan sa reception. Sandali kasing umalis si Tristan para gumamit ng CR. Ginanap ang reception ng kasal namin sa maliit na bakuran ng bahay na nabili ni Tristan. Ilang taon din siyang nag-ipon para makabili ng bahay at lupa nang sa gayon kapag ikinasal kami at bubuo na ng pamilya ay may sarili na kaming bahay. Talagang humahanga ako kay Tristan sa pagiging responsable niya sa lahat ng bagay. “Salamat, bes!” Nakangiti kong sagot. Si Lulu ang kinuha kong bride’s maid dahil siya lang naman ang kaibigan kong babae. Isa pa, deserved naman niya iyon dahil nasaksihan niya ang lahat ng nangyari sa buhay ko. “Sa wakas, naikasal ka na rin. Sabi ko naman kasi sa iyo, may lalaking darating na seseryosohin ka, e. Duda ka pa?” Bumuntung-hininga ako. Paano ay naalala ko na sinabi ko nga noon na wala namang lalaki na seseryoso sa akin. Ngayon, nilunok kong lahat ang sinabi ko. “Kahit naman ako, hindi pa rin makapaniwala na nangyayari ito, e. Biruin mo, pinakasalan ako ni Tristan!” Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. “Para kang timang, bes! Anong akala mo ba? Panaginip lang ang lahat ng ito? Sampal, gusto mo?” “Ah, basta! Ang saya-saya ko, bes!” “Deserved mo naman iyan, e. Ang dami mo ding pinagdaanan, 'no? Eskinita, kalsada at kung anu-ano pa!” “Luka-luka ka talaga!” Natatawang sabi ko sa birong iyon ni Lulu. TO BE CONTINUED…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
962.4K
bc

NINONG II

read
618.5K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.3K
bc

NINONG III

read
363.1K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
268.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook