bc

Nilimot Na Alaala

book_age18+
2.7K
FOLLOW
15.2K
READ
sex
drama
comedy
sweet
bxg
heavy
city
childhood crush
first love
virgin
like
intro-logo
Blurb

Si Vianna May Meranda, pinili na kalimutan ang masakit na alaala ng nakaraan. Kasama ang ina, namuhay ng masaya na wala ang bakas ng masakit na alaala.

Nakatagpo ng pag-ibig. Si Romeo Cordova. Dahil sa kan'ya naranasan niya ang mga bagay na akala niya hindi nangyayari sa totoong buhay.

Ngunit ang pag-ibig na akala niya panghambuhay ay unti-unting nagbago. Dahil sa pagbabalik ng taong naging parte ng nilimot na alaala.

Si Diego Fabriano, kaklse, mabait na kaibigan at higit sa lahat ang lalaking lihim na hinangaan. Umalis na wala man lang paalam, ngunit nagbalik dala ang nilimot na alaala ng nakaraan.

Kwento ng paglimot at pag-ibig. Pag-ibig na hanggad ng bawat isa.

Ano ang dala na pagbabago ni Diego sa buhay nina Vianna May at Romeo?

Ano at hanggang saan ang kayang gawin makuha lamang ang ninanais na pag-ibig.

chap-preview
Free preview
SIMULA
"Ano ang binigay mong kapalit, katawan mo?" Katagang binigkas ng Mommy ni Romeo—ang lalaking mahal ko. I fell in love with a man whose social standing was vastly different from mine. Ito ang kapalit, masakit na salita at panglalait. Ni ang ipagtanggol ang sarili hindi ko magawa. Isang hamak na jeweler lang naman kasi ako sa branch ng diamond jewelry shop na pagmamay-ari ng pamilya nila. Ang Jouel Corp. at si Romeo ang manager ko. Sa loob ng isang buwan na naging kami, ngayon ko lamang nakita at nakilala ang Mommy niya. Ngayon pa mismo sa araw ng aming monthiversary . Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi ko na sana tinanggap ang regalong bigay ni Romeo. A lovely and expensive necklace, kapalit naman paghamak sa aking pagkatao. I tried to talked to him, ngunit wala akong narinig na salita mula sa kaniya, ni ang lingunin ako hindi niya ginawa. Ang kaninang maganda at masayang simula ng aming araw, nauwi sa iyak at mugtong mga mata. Hindi ko na tinangkang kausapin siya. Hindi na rin ako nag-abalang magpaalam pa. Basta na lang ako umuwi pagkatapos ng trabaho at hindi na rin sinagot ang tawag niya. "Anak, anong problema?" tanong ni Mama. Hindi ko na pansin na sinundan niya pala ako dito sa kwarto ko. Yumuko ako at hindi kaagad sumagot. Sinubukan ko pa na itago ang mugto kong mga mata. "Wala po, Ma," pagsisinungaling ko. Pero hindi naman makatingin ng diretso sa kanya. Mapakla rin akong ngumiti. Hindi ko kasi alam kung tama ba na nagsinungaling ako. Nag-aalangan ako na sabihin sa Mama ko ang nangyari dahil ayaw ko na masaktan siya gaya ko. "Anak, kahit anong tago pa ang gawin mo, alam ko at kita naman sa mga mata mo na may problema ka. Na umiiyak ka. Nag-away ba kayo ni Romeo?" mahinahon niyang tanong. Mapait akong ngumiti. "Sana nga po ay nag-away na lang kami. Siguro hindi ganito kasakit ang nararamdaman ko." Sa huli ay sinabi ko rin kay Mama ang totoong nangyari. She paused for a moment, then let out a sigh, saka siya umupo sa tabi ko. Alam kong nasasaktan din siya. Alam kong nakaramdam din siya ng galit gaya ko kahit hindi niya pang sabihin. Wala naman kasing magulang na gustong masaktan, tapakan, at maliitin ang anak ng kahit na sino. She gently stroked my hair. "Tahan na Anak, sa simula pa lang, alam mo na darating talaga ang araw na 'to. Magkikita at magkikita kayo ng magulang ng nobyo mo," mahinahon niyang sabi. "Nagmahal ka kasi ng lalaki na sobrang layo ng mapupuhay sa atin. Pero Anak, ang importante lang naman ay alam mo sa sarili mo na hindi totoo ang mga sinabi ng Mommy ni Romeo." Mama was right; hindi nga totoo ang mga sinabi ng Mommy ni Romeo, but I still couldn't help but be hurt and resentful. Tagos hanggang buto ang mga binitiwan niyang masasakit na salita. Oo, mahirap lamang kami, hindi ko naranasan ang magkaroon ng mamahaling gamit. Pero ni minsan hindi ako naghangad na magkaroon, hindi ako nanghingi. Kusang binigay sa akin ang kwentas na iyon ni Romeo, ngunit binalik ko sa kaniya na walang ano mang salita. I love Romeo for who he is, not for his wealth or what he can give me. Ang sakit marinig ng mga salitang iyon, galing pa mismo sa bibig ng Mommy niya. Nagawa niya akong husgahan hindi man lang ako kinilala ng lubusan. Why do such people exist? Bakit may mga taong ang dali lamang sa kanila na magbitiw ng masakit na salita? Hindi man lang ba niya naiisip na katulad din nila ako. May puso at nasasaktan. Dahil ba mahirap ako, wala na akong karapatan na gustuhin ang lalaki na angat ang pamumuhay kay sa akin? Wala namang pinipili ang pagmamahal, kusa na lang itong nararamdaman. At swear to God. Sinubukan kong pigilin ang puso ko. Pero ayaw kasi paawat. Mahal ko na si Sir Romeo. What hurts more is that the man I thought could defend and fight for me because he loved me did nothing. He didn't even talk to me or console me. Hinayaan niya lang akong masaktan at umiyak mag-isa. Ito ang unang beses na hindi niya ako sinuyo, kaya masyado akong nasaktan. Pero kahit na masakit, kahit durog at wasak ang puso ko ngayon. Tanggap ko na, wala na kami. Tapos na ang isang buwan na mala fairytale love story naming dalawa. Ano ba ang laban ko sa Mommy niya? "Tanggap ko na po, Ma, wala na kami!" humihikbi kong sabi. Mama chuckled. "Bakit nag-usap na ba kayo?" I simply shook my head. Hindi na namin kailangan mag-usap. The fact that he didn't pay much attention to me earlier was enough, para masabi ko na tapos na ang aming relasyon. "Huwag mo munang pangunahan si Romeo, Anak. Malay mo nag-iisip lang 'yon. Tumahan ka na Anak," pag-alo niya, kasabay ang paghalik sa noo ko. Yakap na lamang ang tugon ko, kasabay din ang pag-alog ng balikat at paghikbi. "Sige na anak, maligo ka na at pilitin mong matulog." Pinahid niya ang mga luha ko, kasabay ang paghalik sa aking pisngi. Sinunod ko ang sabi ni Mama. Naligo ako at nagbihis agad pagkatapos, ngunit ayaw naman akong dalawin ng antok. Walang humpay pa rin ang pag-agos ng mga luha ko. Hindi na lang sana ako nagmahal. Hindi sana ako nasasaktan ng ganito. Hindi sana hinamak ang pagkatao ko. Balot ang puso ko ngayon sa galit at hinanakit kay Romeo. Pero bakit mas nanaig pa rin ang pagmamahal ko. Gusto kong marinig ang boses niya. Gusto ko siyang makita at mayakap. Miss ko ang paglalambing niya. Binabaliw ako ng pagmamahal kong ito. Umiiyak ako, nasasaktan, ngunit nakuha ko pa rin ang ngumiti. Ganito ba talaga ang magmahal? Totoo nga ang sinasabi nila, na ang pag-ibig ay pasasayahin ka at pakikiligin, paiiyakin ka naman at wawasakin. Iyon kasi ang nararamdam ko ngayon. Nakakabaliw, ayoko nang umiyak. Pagod na akong umiyak. Pinahid ko ang mga luha. Tumayo at bumaba. Tinungo ko ang ref at kumuha ng tubig doon. Nilagok ko iyon at walang tinira, baka sakaling maanud itong nakabara sa dibdib ko na nagpapahirap sa paghinga ko. Pero wala. Walang silbi ang pag-inum ko ng tubig. Hindi pa rin na ibsan ang sakit na nararamdam ko. Hindi pa rin nawala ang hinanakit ko. Hindi ko pa nga alam kung may trabaho pa ba akong babalikan. Baka kasi pinatanggal na ako sa trabaho ng Mommy ni Romeo, para tuluyang malayo sa mahal niyang anak. Bahala na kung anong mangyari bukas. Alam ko naman na hindi pa ito ang katapusan ng buhay. Oo nga at nasaktan ako pero alam kong hindi pa ito ang katapusan. Nabuhay kami ni Mama na kami lamang ang magkaramay. Walang ibang tumulong at dumamay. Hindi ito ang magiging dahilan na malugmok ako. Alam ko rin naman na kaakibat ng pagmamahal, ang masaktan. Sugal ang magmahal dahil hindi mo alam kung ano ang kahihinatnan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook