bc

Billionaire's Touch - (R18/SPG)

book_age18+
13.3K
FOLLOW
68.2K
READ
dark
second chance
arrogant
others
drama
twisted
bold
like
intro-logo
Blurb

RACE CLUB BOYS SERIES #1

( Gavin Smith )

"Ikaw na rin ang nagsabi na boyfriend mo lang siya! Hindi pa kayo mag-asawa. Meaning..? Pwede pa kitang agawin sa kanya!"

-Gavin

Gavin Smith & Bella Fernandez - story

Warning!! : Not suitable for minors.

TEASER : BOOK 1

Manyakis- ito ang unang reaksyon ni Bella kay Gavin. Dahil sa pagiging touchy at kung makatingin sa kanya ay para siyang hinuhubaran. Nang mag birthday ito ay hindi niya napigilan na ipagkaloob ang sarili sa binatang lihim na niyang minahal. Kasabay no'n ang pinakamasakit niyang natuklasan na engaged na ito sa ibang babae at nakatakda ng ikasal.

Nabuntis si Bella at si Gavin ang ama. Paano kung muling bumalik ang binata at hilingin nito na maging buo sila bilang isang pamilya?

Kaya ba niyang patawarin at tanggapin ito muli kung kasal pa rin ito sa iba?

*******

TEASER : BOOK 2

Ang buong akala ni Bella ay magiging maayos na ang lahat sa kanila ni Gavin. Wala ng problema. Happily ever after, pagkatapos ng anim na taon. Subalit, pagkalipas lamang ng isang taon. Sa mismong first wedding anniversary nila ni Gavin, biglang lumutang si Darlyn Gamboa - ang babaeng unang minahal at naging asawa ni Gavin.

Paano niya ipaglaban ang karapatan niya bilang asawa ni Gavin, kung sa umpisa pa lang...ay hindi na pala siya ang tunay na legal wife nito?

chap-preview
Free preview
C1- Bella
"Bella!" Narinig kong tawag ni Mama sa akin. Kaya pansamantala ko munang itinigil ang ginagawang paglilinis ko sa kwarto at mabilis ko siyang pinuntahan sa sala dahil baka may iuutos siya sa akin. "Ma, bakit po?" magalang kong tanong sa kanya. "Bumili ka nga ng shampoo doon sa tindahan. Dahil maliligo na ako at wala pa lang shampoo sa banyo." utos niya sa akin. "Akin na po pambili, Ma," tugon ko sa kanya at inilahad ko ang kanang kamay ko sa harap niya. Ngumuso siya at tumingin sa drawer. "Kumuha ka doon sa wallet ko na nasa loob ng drawer na 'yon," utos niya habang patuloy pa rin sa kanyang ginagawa. "Sige po, Ma," sagot ko at tinungo kaagad ang sinasabi niyang drawer. "Bilisan mo, ha! Dahil nangangati na talaga ako," dagdag pa niyang sabi. "Yes, Mother! Right away!" Nakangiting biro ko pa sa kanya bago kumuha ng pera sa wallet niya saka pumunta sa tindahan para bumili ng shampoo. "Tao po? Tao po! Pabili po ng shampoo!" malakas kong tawag sa may-ari ng tindahan. Maya-maya ay nakita ko si Darwin na lumabas at agad na ngumiti sa akin. Kaya ngumiti na rin ako ng tipid. Knowing him? He is a playboy. Kilalang-kilala ko siya dahil matagal na rin kaming mag-kapitbahay. "Hi, Bella! May bibilhin ka ba?" bati at tanong niya sa akin. "Pabili ng shampoo," sagot ko naman sa kanya. "Anong shampoo?" tanong niya at napansin kong titig na titig siya sa akin. "Palmolive," tugon ko at yumuko ng kaunti. Agad niya naman itong binigay at mabilis ko rin itong binayaran. Tatalikod na sana ako nang may makita akong isang lalaki na nakasandal sa pintuan at titig na titig sa akin. Nakapamulsa ito sa kanyang suot na pantalon. Guwapo ito. Matangkad rin at maputi. Maganda rin ang mga mata nito pero nakakatakot kung tumingin. Na para bang may balak na masama. Natakot ako at bigla kaya agad akong tumalikod dahil sa tingin niyang 'yon. "Sino kaya 'yung lalaking 'yon? Parang manyakis. Grabe kung makatingin. Para na akong hinubaran sa titig niya!" inis kong bulong habang mabilis ang hakbang pauwi sa bahay. "Ma, ito na po.." kaagad kong binigay ang shampoo kay Mama. "Sige, ilagay mo na lang muna diyan sa lamesa at tatapusin ko lang itong ginagawa ko," tugon niya. "Okay, po." sagot ko at nilagay ang shampoo saka tumalikod na rin. "Bella!" tawag niya uli sa akin. Kaya nahinto ako sa paglalakad at muling humarap kay Mama. "Bakit po, Ma?" ngiti kong tugon. "Kayo pa rin ba ni Mark?" tanong niya sa akin na ipinagtataka ko. "O-Opo. Bakit po, Ma?" Nagtataka ako kung bakit niya naitanong ang bagay na 'yon. E, alam naman niyang laging pumupunta si Mark dito sa bahay at halos araw-araw ay nakikita rin naman niya kami. "Natanong ko lang, 'nak," balewala niyang sagot na lalo kong ipinagtataka. "Ah.." tanging sagot ko sa kanya at agad na pumunta sa sala. Kaagad kong binuksan ang TV dahil may inaabangan akong palabas. "Ma, anong niluto mong ulam?" tanong ko sa kanya dahil bigla akong nakaramdam ng gutom. "May niluto akong adobo doon. Bakit? Gutom ka na naman ba? Parang kakain mo lang kanina." Puna niya sa akin. Kaagad akong sumimangot dahil sa sinabing iyon ni Mama. Para kasing binabantayan niya ako kapag kumakain. Nakakapagtampo, ha! Bigla tuloy akong nawalan ng gana. Salubong ang kilay ko nang tumingin ako sa TV kahit sobrang sweet naman ang palabas. Pakiramdam ko ay daig ko pa ang may regla sa itsura ko ngayon. Ngunit nang maalala ko ang lalaki kanina sa tindahan ay bigla na lang nawala ang asar ko. Sino kaya siya? Sa totoo lang ang gwapo niya pero nakakatakot kung tumingin. Para bang minamanyak niya na ako sa paraan ng titig niya. Pakiramdam ko kasi para na akong huhubaran kanina. Sobrang talim pa ng tingin niya sa akin. Nakakatusok at nakakakilabot. Sino kaya siya? Kaano-ano kaya ni Darwin 'yong lalaking yon? Hmp! Bahala nga siya sa buhay niya! Lakompake! Pero sa totoo lang hindi talaga ako mapakali sa lalaking 'yon. Hindi ko r8n alam kung bakit? Parang sobrang misteryoso ang pagkatao niya. Paano pala kung rapist 'yon? Tapos ako pa ang una niyang biktimahin? s**t! Nakakatakot talaga siya! Bigla akong napatingin kay Mama. Kilala kaya ni Mama ang lalaking 'yon? Naisip kong Itanong na lang kay Mama at baka kilala niya 'yon. Tutal magkaibigan naman sila ng Mama ni Darwin. "Ma, kilala mo ba iyong bisita nila Darwin?" pasimple kong tanong para hindi ako magmukhang interesado. "Sino?" "Iyong lalaking matangkad? Bisita yata nila Darwin." tugon ko. Biglang napatingin si Mama sa akin. Kaya agad akong tumutok sa TV kahit hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari sa pinapanood ko. "Ah, si Gavin?" patanong niyang sagot. So, kilala nga ni Mama 'yong lalaking gwapong manyakis! At Gavin ang pangalan niya. Ang ganda naman ng pangalan niya. Bagay na bagay sa kanyang mukha pero ewan ko lang pagkatao. "Kilala mo siya, Ma?" tanong ko uli. Ngunit nang lumingon ako sa kanya ay nakatitig na pa siya sa akin. Bigla akong namula at napatingin din ako sa kanya. Nag-iisip ako kung bakit gano'n na lang ito makatingin sa akin. Hindi kaya nahalata niya ako? "Pinsan ni Darwin si Gavin. At sa abroad ito nakatira. Kasalukuyan lang siyang nagbabakasyon dito sa Pilipinas," sagot niya habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Bigla akong nailang sa tingin niya. "Ah, gano'n ba?" patay malisya kong tugon. Muli kong itinuon ang tingin sa palabas at hindi na muling nagtanong pa. Para kasing iba ang nasa isip niya. Baka isipin pa niya a interesado ako sa lalaking 'yon. "Ma, akala ko ba maliligo ka na?" Pag-iiba ko ng usapan para mawala na ang usaping 'yon. Tanong ko na rin sa kanya dahil parang hindi na siya matapos-tapos sa kanyang ginagawa. "Maliligo na," sagot naman niya at tumayo na rin t'saka naglakad papuntang banyo. Kaya naisip ko maliligo na siguro ito. Nakaramdam uli ako ng gutom kaya naisip kong kumain na habang nasa banyo pa si Mama. Tahimik akong naglakad at maingat na kumuha ako ng pinggan saka kutsara. Dahan-dahan kong binuksan ang kaldero at nagsandok ng konting kanin. Hinanap ko ang ulam na sinabi ni Mama at agad ko naman itong nakita sa lamesa kaya kumuha na rin ako. Parang gusto kong mag-soft drinks nang makita ko ang pagkain. Kaya pumasok ako sa kwarto at kumuha ng pera sa wallet ko saka bumalik sa tindahan nila Darwin para bumili ng soft drinks. "Pabili po! Pabili po!" sunod-sunod at malakas kong tawag para marinig ako ni Darwin o kaya ay si Tita Marie. Pero dalawang minuto na ay wala pa rin lumabas na tao mula sa loob. Nakaramdam na ako ng pagka-inip dahil medyo mainit na sa pwesto ko at baka masira na ang beauty ko sa tagal. Ilang minuto pa ang lumipas ay wala pa rin taong lumabas. Kaya naisip kong huwag na lang bumili. Aalis na sana ako nang may lumabas na tao. Gano'n na lang ang pagdilat ko nang makitang si Gwapong manyakis ang lumabas. Nakahubad at bagong paligo ito. Halos lumuwa ang mga mata ko sa nakikita kong ayos niya. Particular na sa hubad-baro niyang katawan. s**t, ang hot! Hindi ko maiwasang humanga sa maganda niyang katawan. Dahil halos perpekto na ito sa sobrang ganda. "Ano 'yon, Miss beautiful," tanong niya sa akin at walang kurap na tumingin sa mukha ko. Bigla akong nailang sa paraan nang tingin niya sa akin. Pakiramdam ko kasi ay hinihikayat niya akong makipagtitigan sa kanya. Idagdag mo pa na wala man lang siyang balak na takpan ang maganda niyang katawan. Dahil sa tingin ko ay daig ko pa ang na-engkanto sa nangyaring pagsusuri sa katawan niya. Sobrang nakakahiya! Ngunit kasabay nito ay kakaibang pagsalakay naman ng kaba sa aking dibdib na hindi ko kayang ipaliwanag. Ngunit muli na naman akong tumingin sa kanya kaya hindi ko maiwasan na tumitig na naman sa maganda niyang katawan. Halos hindi na ako kumukurap sa paninitig ng katawan niya. Para kasing pinapakita niya pa sa akin kung gaano ito kaganda. Hindi ba ito nahihiya? O, sanay lang talaga? Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka inaakit na ako nitong manyakis na 'to! "Are you done checking on me? Pasado na ba sayo ?" nakangising tanong niya sa akin. Halos lumuwa ang mata ko nang marinig at makita ko ang pagngisi niya. Nahiya ako sa sarili dahil totoong sinusuri ko ang katawan niya. Parang gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko ng mga oras na ito. Masyado na ba akong halata? Kaya naman bigla tumalikod sa kanya at mabilis na naglakad pabalik. Narinig ko pa ang tawa niya kaya lalo kong binilisan ang lakad ko pauwi sa bahay. Pakiramdam ko aatakihin na yata ako sa puso sa sobrang bilis ng kaba nito. Pagkadating sa bahay uminom agad ako ng tubig dahil parang nanunuyo na ang lalamunan sa sobrang init ng pakiramdam ko. "O, 'nak, anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Mama. "Huh?" Gulat pa akong nakatingin sa kanya. Hindi ko man lang namalayan na nasa gilid ko na pala siya. "Bakit parang gulat na gulat ka? Hinahabol ka ba ng aswang?" biro niya sabay tawa. "H-hindi po, Ma! Dahil na-encounter ko lang naman siya." Parang gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko na lang sinabi at baka mag-usisa pa siya at i-pakwento pa niya sa akin kung ano ang nangyari sa amin ni Gwapong manyakis. Nakakahiya talaga ang ginawa ko kanina. Kainis! Bigla kong naalala ang soft drinks. Nawala sa isip kong bumil nito dahil sa lalaking 'yon. Lalo akong nainis dahil hindi ko man lang nasabi nang dahil sa katawan niya na sobrang perpekto. Bakit pa kasi siya ang lumabas? Asan na ba ibang mga tao doon? Sina Darwin at Tita Marie nasaan ba kasi sila? "Hay, bwisit na lalaking 'yon! Masyadong mahalay! Pero infairness, ha? Ang ganda ng katawan niya. Walang duda kaso lang ay nakakatakot talaga siya kung tumingin. Yumuko ako at tiningnan ang pagkaing nasa lamesa. Para akong nawalan ng gana. Tiningnan ko ito ng mabuti ngunit hindi ko na talaga kayang ubusin. Nakaramdam ako ng pagkaumay. Pero 'yong katawan niya parang ang sarap sa feeling kapag mayakap no'n "Kainis! Bakit ko ba naisip ang lalaking 'yon?" "Erase! Erase! Erase!" "Bella, relax lang, okay?" pakalma ko sa sarili ko. "Bella!" Halos mapatalon pa ako sa gulat nang marinig kong sumigaw ng malakas si Mama. Kaya agad ko siyang nilingon. Nakita kong nakapamewang na pala ito at nakakunot ang noo na nakatingin sa akin. "Po?" sagot ko na patanong. "Ano ba ang nangyari sa 'yo? Kanina pa kita tinatanong, ni hindi mo man lang ako pinapakinggan?" nandidilat niyang tanong sa akin. "A-Ano kasi, M-Ma..." Nag-aalangan ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang nangyari. Pero bigla ay naisip kong magsinungaling na lang. "Kanina kasi, Ma, nauuhaw ako at gusto ko sanang mag-soft drinks. Tapos lumabas ako para bumili sana, kaso may nakita akong ahas na nakaharang sa daan. Kaya tumakbo na lang ako pabalik kasi papunta na sa direksyon ko." Mahaba kong pagsisinungaling sa kanya. Sana lang ay maniwala agad siya at hindi na mag-usisa pa. "O, bakit hindi ka humingi ng tulong? Baka pupunta pa sa atin 'yon," tila nababahala na sabi ni Mama na parang kumagat na sa kasinungalingan ko. "Tumakbo na po ako, Ma, e. Dahil takot na takot na ako at baka matuklaw pa ako. Sige ka, baka 'di mo kakayanin kapag nawala ako." madramang sagot ko at pinigilan ko ang sarili ko na huwag tumawa para maniwala siya sa kwentong pagong ko. "Mawala agad? Hindi ba pwedeng ma-ospital muna?" Nakataas ang kilay niya nang sabihin sa akin 'yon. "Ewan ko sayo, Bella. Puro ka kalokohan!" inis niyang dugtong bago tumalikod. Napangiwi ako sa sinabi ni Mama. Ang akala ko pa naman ay naniniwala na siya sa mga sinabi ko. Nakasunod lang ako ng tingin sa kanya nang pumunta siya sa drawer kung saan nakalagay ang wallet niya. Napansin kong may kinuha siya doon at agad rin ibinalik sa loob bago bumalik papunta sa akin. "Gusto mo kamo ng softdrinks?" tanong niya sa akin. Bigla akong kinabahan sa tanong niyang iyon. "O-Opo, M-Ma," nauutal ko pang tugon. "Sige. Bumili ka doon." Walang kurap niyang utos sa akin. Napatanga ako nang marinig iyon. Kaya nga hindi ako nakabili ng softdrinks dahil si Gwapong manyakis ang nakabantay sa tindahan nila Tita Marie. Tapos babalik na naman ako doon para bumili uli? Patay! Parang hindi ko na kayang humarap pa sa kanya pagkatapos ang nangyari kanina. Natatakot ako sa totoo lang dahil halos wala rin taong bumili sa tindahan nila. At isa pa, paano kung bigla na lang akong hatakin ng lalaking 'yon sa loob? Lalo pa't siya lang 'yata mag-isa roon sa bahay. Ayokong ma-rape niya kahit siya pa ang pinaka-gwapong lalaking rapist na nakita ko. No way! "Hindi na po, Ma. Magtutubig na lang po ako," magalang kong tugon kay Mama para hindi na niya ako pabalikin doon. "Gusto ko rin mag-soft drinks," sa halip ay sabi nito sa akin at agad nilagay ang pera sa kamay ko para hindi na ako makatanggi pa. Kaya wala na akong nagawa pa kundi ang sumunod na lamang sa utos ni Mama at baka mahalata niya pa ako na affected sa lalaking 'yon. Nakasimangot akong lumabas ng bahay at papunta na naman kay Gwapong manyakis para bumili ng soft drinks.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
424.8K
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
453.3K
bc

That Billionaire Is My Husband

read
439.5K
bc

Sexytary |SPG|

read
537.1K
bc

Reckless Hearts

read
256.2K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.6K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
698.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook