bc

Melting Ice Princess

book_age18+
953
FOLLOW
8.5K
READ
sporty
comedy
twisted
sweet
Girl Power Counterattack
gxg
bisexual
female lead
basketball
cheating
like
intro-logo
Blurb

Paano matutunaw ang yelo? eh ang taong tingin pa lang ay aatras ka na. Yung pakikiusap nya sayo napakalamig at tipid pa. GxG stories

chap-preview
Free preview
Chapter 1
----- "Bear!" isang matinis at malakas na boses ang narinig ko mula dito sa kwarto ko sa pangalawang palapag ng bahay namin.  "Bear! Bear! Where are you?! May goodnews ako sayo!" patuloy na sigaw nya na para bang hindi namamaos kahit kahapon ay panay din ang sigaw nya sa pinanood naming laro sa MOA. "Hoy Shiela! Yung hinahanap mo nasa kwarto nya lang kaya wag ka mag sisisigaw dyan na akala mo bahay mo 'to!" boses iyon ng Kuya ko. Pati sya ay naiirita na din sa boses ng babaeng 'yon. "Che! Sungit mo! sumbong kita kay Tito eh! Bear!" tawag na naman nya sa tawagan naming dalawa. She's my bestfriend since birth. Magkaibigan ang mga magulang namin kaya mula bata ay magkasama na kaming dalawa. Sa katunayan tatlo kaming magkakaibigan pero nasa ibang bansa na ngayon ang isa pa naming kaibigan. Malakas na bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Napabuga na lang ako na hininga. Naii-stress na talaga akong sa taong ito. Hindi ko alam kung bakit natagalan ko sya. "Bear!" dahil malapit na sya ngayon sakin, rinig na rinig ko na ang malakas na sigaw nya. Ang sakit sa tainga. "Pwede ba, Bear? wala ka sa bundok para sumigaw ng malakas." mahinahon na sabi ko. Nagpeace-sign sya at nag-dive sa hinihigaan ko. "Look oh look! Oh-M-G!" mahabang sabi nya sa huling letra at nagpagulong gulong sya sa higaan ko kaya ang resulta nahulog sya. Mabuti nga sa kanya nang tumigil sya kakasigaw. Pero akala ko lang yon dahil kahit nahulog na sya sa higaan ay tumitili pa din sya at doon tinuloy ang paggulong. Carpet naman ang sahig ko kaya okay lang sa kanya ang magpagulong gulong. Nagulat ako nang kumapang sya papalapit sakin. Muntik na ako atakihin sa puso. Akala ko si sudako na, ang gulo kasi ng buhok nya at natatakpan pa ang mukha nya tapos tumatawa pa sya ng parang baliw.  "Bear." ginamitan nya na nakakatakot na boses na pagtawag sa endearment naming dalawa kaya nagmumukha syang nakakatakot. Kinaltukan ko sya para magtigil sya sa kalokohan nya. "Aray! bear naman!" sabi nya at hinimas ang ulo na kinaltukan ko. Napangisi ako sa kanya. "Grabe ka!" "Tumigil ka. Ano bang kailangan mo?" sabi ko sa kanya na may bahid na pagkairita. Kanina pa ako nasusura sa kakatili nya at sigaw nya. "Ay, Bear!" napapikit ako dahil sumigaw na naman sya. "Nakikita mo 'to? nakikita mo to? Oh-M-G! Oh-M-G! Bear this is it! this is it!" paulit ulit na sabi nya. Idinilat ko ang mga mata ko at tinignan ang pinapakita nya. May hawaks yang puting envelope na may design na golden rose. "Ano ba yan?" tanong ko sa kanya. Ngumiti sya ng malaki at kumendeng kendeng ang balakang nya habang hawak ang envelope. "Here's the mail, it never fails. It makes me want to wag my tail. When it comes I want to wail - Mail!" pakanta nya sa kanta ng Blue Clues kapag dumating ang mail habang kumenkendeng. Walang emosyon akong nakatingin sa kanya. "Tapos?" sabi ko pagkatapos nyang kumanta. "Grabe!" napaawang ang bibig ko nang hampasin nya ako sa braso ko. Tinignan sya ng masama. "Sorry! kasi naman eh!" tinignan ko lang sya habang nagmamaktol sya. Hindi ko na talaga alam sa taong ito. "Ano bang laman ng envelope?" tanong ko na lang para matapos na at makaalis na sya dito. "Basahin mo! dali!" nakangiting ibinato nya ang envelope sa lamesa ko. Nakita ko ang pangalan ko na nakaukit sa likod ng envelope. Walang nakasulat kung kanino galing. Kinuha ko ang envelope at binuksan. May nakita akong isang papel. Tumingin ako sa kasama ko na may malaki ang ngiti sa labi. Kiinuha ko ang papel. Una kong nabasa ang 'Congratulation' na word sa gitna at itaas ng papel.  "Bear nakapasa tayo sa Dragon Basketball Girls International Training Camp!" hindi ko pa nasisimulan basahin sinabi nya na agad kung ano ang sinasabi sa papel. Pinabasa nya pa sakin kung sasabihin din nya? May saltik na talaga ang taong ito. "Yun lang?" sabi ko. Hindi na itinuloy ang pagbabasa dahil sinabi nya na eh. Ibinalik ko na lang sa loob ng envelope ang papel. "Anong yun lang?! Bear Dragon Empire yon! Hello?!" tumango tango ako sa kanya. "Alam ko. Nagtry-out tayo dito hindi ba?" sabi ko. Wala naman akong balak na magtry-out sa Training Camp ng Dragon Empire which is kung tawagin ay Dragon Basketball Girls International Training Camp. Pinilit lang nya akong sumali dahil pangarap nyang mapabilang sa Dragon Empire. Ang Dragon Empire ay isang sikat na team sa basketball sa buong Pilipinas. Boys team or Girls team kilala parehas. Sila ang nangunguna sa bawat Cup taon taon tapos sila din ang lumalaban sa ibang bansa. At kapag lumalaban sila sa ibang bansa, kadalasan uuwi silang Champion sa World Tournament. Isa lang ibigsabihin non, magagaling sila. "Hindi ka ba masaya na nakapasa tayo dito?" kinuha nya ang envelope at pinakita sakin. "Ako kasi sobrang saya! matutupad na ang pangarap ko!" umikot sya at niyakap ang envelope. "Pinilit mo lang naman ako dito." sabi ko. Marunong lang akong magbasketball pero hindi ako magaling. Kadalasan na role ko sa bawat game ay tagapasa ng bola sa team. Mas madalas kasing nasa bench lang ako at nanonood. Nilalabas lang ako kapag mahina ang kalaban kaya wala akong big role sa basketball. Mas gusto ko pang magbisikleta kaysa maglaro ng basketball. Gustong gusto ko ang makipagkarerahan sa iba pang bikers sa patag na daan o malubak na daan. Doon ako nasisisayahan makipagkompitensya. Kaya lang din ako napasali sa team ng basketball dahil din sa taong ito. Napipilitan lang talaga ako tapos sinabayan pa ng mga kapatid kong lalaki na mga varsity players ng basketball. Sila ang nagturo sakin noon ng basketball kahit ayoko. Pati ang lolo Thai ko sa mother side, tinuruan din ako. Si lolo Thai naman ang nagturo sakin sa pagpasa ng bola ng mabilis.  "Sus! matutuwa naman pamilya mo kapag nalaman nilang isa ka sa itra-train ng Dragon Empire!" sabi nya. Nakitbitbalikat ako. "Whatever. So sabihin mo kung ano pa nilalaman ng sulat." sabi ko. "At tsaka nasaan ang envelope mo kung pati ikaw kasama sa itra-train?" "Nasa bahay. Anyway, mag-ayos ka na ng gamit mo dahil bukas na bukas, pupunta na tayo sa camp!" masayang sabi nya habang nakataas ang dalawang kamay nya. "I'm so excited!" "Bakit ang bilis naman?" kakakita ko pa lang ng envelope tapos bukas na agad ang punta sa camp. "Eh sa yun ang nakasulat sa envelope eh. Kailangan maaga tayo doon dahil 7am ang call time tapos ang layo pa ng camp nila. Tinignan ko sa google puro puno ang daan." sabi nya na ngayon ay nakaupo na sa higaan ko. "Baka naman hindi galing sa Dragon Basketball Girls International Training Camp yan?" ang haba talaga ng pangalan ng camp na yon. "Hindi, sa kanila galing yan!" masyado syang naniniwala na galing talaga yon sa Dragon Empire. Mamaya scam na pala tapos may gawing masama samin lalo na sinabi nyang puro puno ang lugar. "Bahala ka nga." sabi ko na lang. May tiwala naman ako sa taong ito. **** "I think nandito na tayo" sabi ni Bear o Shiela. Endearment namin ang Bear. "You think?" paninigurado ko, hawak nya yung mapa kung saan yung camp ng Dragon Basketball Girl International Training Camp kaya sya yung may alam kung saan. Tama nga sya ng sinabi kahapon dahil puro puno nga ang nasa paligid. Walang masyadong madaan na sasakyan at walang ding tao. Natawa naman ng mapakla si Shiela. Napabuntong hininga ako. Tinignan ko ang orasan ko. May kinse minuto na lang kaming natitira bago mag-ala siyete ng umaga. "Hey girls! kasali kayo sa training camp right?" napatingin kami sa kabilang side ng kalsada, isang babaeng pamilyar ang mukha na nakasakay sa bisekleta. "Bear, si Sun yan diba?" tanong sakin ni Shiela. Sa sinabi nyang yon ay napantanto kong si Sun nga ito, miyembro ng Dragon Empire Ladies. Ang halimaw sa tres. Wala kasing palya ang bawat tira nya, meron man pero bilang lang sa kamay. "Oo pero mukhang naligaw kami." ako na sumagot kay Sun. Pumunta sya sa tabi ng sasakyan.  "Sabi na, may maliligaw. Tara, ihahatid ko kayo kung saan ang meeting place ninyo." sabi nya pa. Tumango ako sa kanya. Sinenyasan ko syang mauna dahil nakabisekleta sya habang nakakotse kami. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa may nakita din kaming mga sasakyan na nakaparada sa gilid at ilang babae. Itinabi ko ang sasakyan sa gilid. Parehas kaming bumaba ni Shiela sa sasakyan. Lumapit samin si Sun. "Oh-M-G! ang ganda mo sa personal Sun!" sabi ni Shiela. Natawa naman si Sun sa kanya. "Thank you." nakangiting sabi ni Sun. "Iwan lang ninyo yung gamit ninyo dito tapos ligyan ninyo ng pangalan ninyo." May inabot syang pentel pen at masking tape. Kinuha yon ni Shiela. "Tapos yung susi ng kotse. Kami na bahala magdala nito sa camp. Sa ngayon, may kailangan kayong gawin dito." "Anong gagawin namin?" tanong ni Shiela. Inabot ko ang susi ng sasakyan kay Sun. "Sasabihin mamaya ni Lexie." sabi ni Sun. Hindi na kami nagtanong pa sa kanya at niligyan ng label ang mga gamit namin. Dalawang maleta at isang backpack ang dala ko habang tatlong maleta naman kay Shiela. Pagkatapos naming ligyan ng label ang mga gamit namin ibinalik namin ang pentel pen at masking tape kay Sun. "Goodluck." yun ang sinabi ni Sun. "Thank you!" nakangiting sabi ni Shiela. Hindi na ako nagsalita pa. Pumunta kami sa mga babae na nandito. Napansin ko din si Lexie na nakasakay sa mountain bike sa harapan. Nakahilera sa magkabilang side nya ang iba pang mountain bike. Hindi ko na nagawa pang tignan ang mga makakasama namin dito dahil nagsalita na si Lexie. "Hello rookies! Welcome to Dragon Basketball Girls International Training Camp!" pagbati nya. "Kailangan ko pa ba magpakilala? may tao pa ba dyan na hindi ako kilala?" hindi naman mayabang ang pagkakasabi noon pero may dating pa din. "Okay, mukhang wala naman. Anyway, konting introduction lang tayo. Natandaan ninyo ba kung gaano kadaming nagtry-out nung nagpatry-out kami para sa itra-train ng camp na 'to? sobrang dami hindi ba? pero ilan lang kayong nandito? fifteen." nagulat ako na fifteen lang kaming nakapasa. Sa dinami dami na nagtry-out non konti lang ang kinuha nila? "Yes, fifteen out of more than five hundred players na nagtry-out, fifteen lang ang kinuha namin. Why? kasi ang kinukuha lang namin yung mastrategy, nakukuha yung flow ng laro, yung natatalo na pero hindi pa din sumusuko at syempre magaling. Lahat kayo pasok sa category namin kaya nandito kayo ngayon." sabi nya. So bakit ako nandito? sa lahat ng sinabi nya wala ako non, si Shiela pwede pa pero ako? wala akong ganon. Kalokohan ata ang pagpili nila sakin dito. Madami akong nakalaban nung try-out na mas magaling sakin. Kapag hindi ko sila makita dito, kalokohan na. "Sa ngayon kailangan na natin pumunta sa camp para makapagpahinga na kayo. Kailangan lang ninyo sundan ako gamit ang bike. Isa na rin ito sa training ninyo dito so kailangan masundan ninyo ako hanggang sa camp. Kung hindi ninyo man ako masundan o naligaw kayo, kayo na bahala kung pano kayo makakarating sa camp. Tandaan ninyo ang category namin kaya kayo nandito. So tara let's!" sabi ni Lexie at sinimulan umandar. Nagulat kami dahil hindi man lang nya kami hinayaan makasakay ng bike bago umalis kaya naman agad kami nagsitakbuhan sa mga bike at sumakay dahil baka hindi namin sya mahabol. Mukhang alam ko na, gusto nya kaming maligaw o hindi sya masundan para kami na ang bahala makarating sa camp. Matalino talaga ang Lexie na yon. "Grabe! hindi man lang tayo hinayaan makasakay muna!" reklamo ng isa. Lahat kami hinahabol si Lexie na nasa harap namin. Mabuti na lang straight ang daan nya kaya nakikita pa din sya at hindi kami maligaw. Binilisan na lang namin magpedal para makahabol sa kanya. "For sure, may iba pang balak si Lexie para mahirapan tayo sa paghabol sa kanya" sabi pa ng isa. Mukhang tama sya. Papahirapan ata kami nito ni Lexie. Ilang minuto namin sinundan si Lexie at medyo bumibilis na sya kaya lalo kami naging alerto. Medyo malubak at madahon na ang dinadaanan namin, yung iba nahihirapan na din. Mabuti na lang sanay ako sa ganito kaya walang problema sakin ang ganito. Kung alam ko lang ang daan papuntang camp baka inunahan ko na itong si Lexie. "Sa ganitong pagkakataon, si Bear ang maaasahan ko dito." rinig kong natatawang sabi ni Shiela. Nailing na lang ako. Kung sya napipilit nya ako sa basketball, ako naman napipilit ko syang sumama sa pagbi-bike kaya nakakasunod pa din si Shiela. Napatingin ako saglit sa gilid ko dahil may nakahabol samin, kami kasi ang nauuna ni Shiela sa mga kasamahan namin. Mabilis din sya magpatakbo kaya naabutan nya si Lexie. Nakita kong nag apir silang dalawa at medyo bumagal ang takbo ni Lexie yung babae naman mabilis pa din. Yung babae na ngayon ang nangunguna. Napansin ko ang suot na tshirt ng babaeng nauna. May number 2 nakaligay tapos Team Red sa itaas ng numiro. May duda akong miyembro ito ng Dragon Empire pero hindi ko mamukhaan kung sino sya dahil nakasalamin sya. Biglang lumiko si Lexie pakanan, liliko na din sana ako pero napansin ko yung babae na kumaliwa naman. Napangisi ako at sinundan yung babae na kumaliwa. Binilisan ko ang pagpadel na maabutan ko sya. "Bear! Sa kanan lumiko si Lexie huh?! Bakit kumaliwa tayo?!" napalingon ako sa likod, nakasunod pa rin pala sakin si Shiela, mukhang sakin talaga 'to umaasa. "Bakit ka sumunod?" tanong ko sa kanya at tumingin sa harapan. "May tiwala ako sayo eh kahit medyo nalilito ako kung bakit kumaliwa ka." sabi nya. Narealize ko lang naman na paglalaruan kami ng mga 'to. Sigurado na ako na patatagalin nila ang pagsunod sa kanila para kapag napagod kami, hindi kami makasunod sa kanila at kami na bahala makarating sa camp.  Napansin kong bumilis lalo yung pagtakbo nung babae. Lumingon ako kay Shiela. Ngumiti sya sakin. Medyo binagalan ko ang takbo ko nang magkapantay na kami ni Shiela. "Bear, paunahan tayo makarating sa camp. Kapag nanalo ka, ipagluluto kita ng adobong atay at kapag nanalo ako, gagawan mo ako ng chocolate cake." sabi ko sa kanya. "Hindi naman natin alam kung nasaan ang camp." takang tanong nya. "Tsaka sino ba yang sinusundan natin? player din ba sya ng Dragon Empire?" "Miyembro sya ng Dragon Empire pero hindi ko kilala kung sino sya. Wag mo na lang pansin ang taong yan. Napansin ko kasing pahihirapan nila tayo kaya mas mabuti pang tayo na ang bahalang pumunta sa camp at wag silang sundan." sabi ko. "Bakit hindi ko napansin yon?" inirapan ko sya. "Anyway, game! mauna na ako!" sabi nya at binilisan ang pagpedal. Napailing ako at sumunod sa kanya. Inunahan namin ang babae dahil bumagal ito sa pagtakbo. Nagpaalam pa si Shiela don sa babae na uunahan na namin sya sa camp. Napanganga pa yung babae dahil sa huling sinabi ni Shiela. "Hindi ninyo kami maloloko!" As if naman na narealize nya ang plano nila Lexie.  ----------------------

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.5K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
431.1K
bc

Mr. Moore: The Monster of my Life (book 1) - SPG

read
684.3K
bc

The Sex Web

read
131.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook