bc

Ang Pamaypay Ni Liwayway

book_age18+
216
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
powerful
brave
comedy
bxb
humorous
mystery
rebirth/reborn
supernatural
wild
like
intro-logo
Blurb

Si Liwayway ay isang baklang, ubod ng kaharutan ngunit puno ng kabutihan ang kalooban. Kagaya ng ibang kabataan, ay mahilig siyang bumili ng mga kung ano-anong kagamitan, ngunit ito ay sa online.

Hanggang saan kaya siya dadalhin ng pagkahilig niya sa pagbili ng mga gamit sa online shopping app? Paano kung isang araw, wala siyang kamalay-malay ay nakabili siya ng isang pamaypay na magbibigay ng matinding obligasyon sa kanya at makapagbabago sa normal na takbo ng mundo? Handa kaya siyang harapin ang obligasyon na ito at magsakripisyo para sa mapanatili ang kaayusan ng mundo o basta hayaan na lamang ito?

Ating tunghayan ang eme-emeng buhay ng baklang si Liwayway at ang kanyang Mahiwagang Pamaypay

chap-preview
Free preview
Chapter 1: 11:11
Panimula Hindi na mabilang ang digmaan na naipanalo ng isang makapangyarihang imperyo sa Asya na pinamumunuan ng isang babae. Sa kahit anong digmaan ay hindi umuuwi ang imperyong ito nang hindi nauubos ang kanilang kalaban. Ang reynang ito lamang ang katangi-tanging babae na nakikibahagi sa isang madugo at mapanganib na digmaan. Ang halos lahat ng imperyo sa mundo ay napasailalim na sa kanilang malakas na puwersa. Sa kabila ng lahat, hindi naiibigan ng isa sa kanang kamay ng reyna ang kasakiman nito sa kapangyarihan kung kaya’t sa gitna ng isang malaking pagsasalo ay gumawa ito ng isang inuming lason at pinainom sa mahal na reyna. Ito lamang ang tanging paraan upang matigil na ang kasamaan at pagiging makasaliri nito dahil hindi na maganda ang hangarin niyang sakupin ang buong mundo. Nang makatulog ang mahal na reyna sa silid nito ay agad na nagtungo ang kanang kamay niya rito at maingat na ninakaw ang makapangyarihang pamaypay na pagmamay-ari ng reyna. Ang pamaypay na ito ang sikreto kung bakit hindi matalo-talo sa labanan ang imperyong ito. Kinailangang ilayo ng kanang kamay ang pamaypay kung kaya’t agad niyang itong nilagay sa isang kahon at dali-daling dinala sa isang bangka na nagpapalit ng produkto sa iba’t ibang lugar sa Asya. Lumipas ang ilang buwan ay nakarating ang makapangyarihang pamaypay sa isang mayamang kapuluan na tinatawag ngayong Pilipinas.             Matapos ang ilang libong taon…             Habang paakyat ng bundok ang isang baybaylan upang mag-alay sa mga Diyosa sa kagubatan ay may natagpuan ito na isang kahon. Nahiwagaan siya, kung kaya’t dinampot niya ito at nang mabuksan niya ang kahon ay nakita niya na isang kakaibang abaniko ang laman nito. Nakaramdam ang babaylan ng isang kakaibang enerhiya na nagmumula sa pamaypay. May kakayahan ang isang babaylan na makaramdam ng kakaibang enerhiya sa isang bagay kung kaya’t hindi na ito nakakapagtaka kung bakit agad niya itong napansin. Sinuri at pinag-aralan ng babaylan kung ano misteryo sa likod ng pamaypay at malaon ay napag-alaman niyang may kapangyarihang tinataglay ito. Inaral ng babaylan kung paano gamitin ang kapangyarihan ng pamaypay. Nang malaman niya ito ay agad niyang pinarating ang balita sa kanilang Datu na nag-ngangalang, Lapu-Lapu. Kalaunan ay ginamit nila ito bilang sandata sa mga taong nagnanais na sakupin ang kanilang barangay. Nang dumating ang mga mananakop sa bansang Pilipinas ay napag-alaman ng mga ito ang tungkol sa makapangyarihang pamaypay at gumamit sila ng dahas, talino at makabagong armas upang sapilitan na makuha sa pangangalaga ng babaylan ang pamaypay at itinago nila ito ng napakatagal na panahon. Dahil sa pangyayaring ito ay nawalan ng malakas na armas ang kanilang barangay at humantong ito upang tuluyan nang nasakop ang buong kapuluan ng Pilipinas ng mga mananakop na kilala sa katawagan na, Kastila.    Liwayway’s POV Present time “That’s all for today class, dismiss!” wika ni ma’am Phinay sa klase. Kinuha niya ang mga gamit niya mayari ay gumora na palabas ng super init na room na kinalalagyan namin ngayon. Ayan, buti naman at nag-sawa na din kakatalak ang prof namin sa History. Paano ba naman mga ghorl’rilya, tatlong oras kaming nakaupo lang sa sira-sirang upuan na ito at nakikinig sa mga pinagsasabi niya. Sino ba namang hindi mabo-bored doon e, dami niyang sinasabi. Gusto ko sana siyang pakainin ng projector kanina kaso, hmm... Bad! She’s my prof. Churie! “Ghorl? Anong eksena mo at tulala ka diyan? Tara na!” wika ni Merin sa akin. Bumaling ako sa kanya at natawa ako kay bakla nang makita ko ang mukha niya. Galit na galit na naman ang pisngi nito sa hindi papakabog na violet foundation. “Wala, chaka nito! Naghuhumiyaw na naman iyang foundation mo! Shuta ka!” nakataas kilay kong sagot sa kanya sabay kuha ng mga gamit ko at tumayo na.  Lumabas ako ng room at sumunod naman siya sa akin.  “Nasaan nga pala si Pitu!? Hindi ba siya pumasok ngayon?” usisa ko kay Merin. Humarap siya sa akin at tumigil kami sa paglalakad. Hindi ko pa kasi nakikita si Pitu simula kanina. Hindi ko alam kung pumasok ba ito o hindi. Hindi na nakasagot si Merin sa akin dahil may biglang humiyaw ng sobrang lakas. “Mga friends kong betlaaaa!” Ang lakas ng hiyaw niya! Agaw atensyon sa mga taong nandito sa hallway. Hindi na kami nagtaka kung sino iyon dahil sa boses pa lang niya ay malalaman mo na kung sino siya. Ito ay walang iba kung hindi si Pitu, ang baklang akala ko ay hindi pumasok sa klase ni ma’am Phinay. Saan ba siya nang galing? “Bunganga mo, gusto mong hagisan ko iyan ng pospuro? Tutal naman, e amoy gasolina iyang hininga mo! For sure ako, magliliyab iyan ng todo-todo!” iritang wika ni Merin kay Pitu nang makalapit ito sa amin. Natawa tuloy ako sa sinabi ni baklang Merin. “Grabe naman gurl! Hiyang hiya naman ako sa bibig mong amoy natuyong t***d!” malakas na sagot ni Pitu dito. Naging sanhi ang kanyang ginawa upang mapatingin sa amin ang mga taong dumadaan dito sa hallway. Ang lakas ng boses! “Puta ka!” untag ni Merin at mahinang inablot ang buhok ni Pitu. “Arayy! Akala mo naman kasi ay papatalo ako sa iyo!” tumatawang sagot ni Pitu kay Merin. Ang saya nilang panoorin. Nakaka-good vibes lang! “Saang lupalop ka ba nakarating bakla ka!? Bigla ka nalang nawawala!” tanong ko kay Pitu at bilang pagputol na rin sa pusa’t asong awayan ng dalawang ito. “Well, saan pa ba? Alam niyo na! Kinuha ko yung order ko sa Shozada sa gate. Bakla kayo na-miss niyo agad ako,” magiliw na paliwanag nito. Okay, gets ko na! Mahilig kasi kaming umorder na magkakaibigan sa Shozada. Yung Shozada ay isa siyang shopping app na very trending ngayon dito sa Pilipinas. Naku, shopping knows no age. Pati nga mga bata ngayon ay nakaka-order na din sa app na iyan. Super shunga at very duka mo nalang talaga kapag hindi ka pa nakaka-order diyan kahit ni isa. Charot! “Nasaan!? Show mo naman hanes!?” pagmamadali ko kay Pitu. Hyper kasi ako kapag nakakarinig ng mga order-order ganon! Gusto ko agad malaman kung anong in-order niya. “Doon na tayo sa bench! Nasa bag ko,” sagot niya sa amin. Sumang-ayon kami sa kanya at agad na humahap ng unoccupied bench para masilayan na namin kung ano ang in-order ng baklang ito.  “Nasaan na!? Ilabas moo!” maligalig na hiyaw ni Merin nang makahanap kami ng bench. Agaw eksena talaga itong dalawa kong prend. Kaya nagiging echosera na din ako. Adapted na sa kanila. “Itahimik mo muna iyang bibig mo bago ko ipakita sa inyo yung order ko,” ani ni Pitu kay Merin. Saglit siyang huminto at humawak sa ilong niya na parang nandidiri. “Iww, that amoy sperm na galing sa bibig mo ay hindi pa din nawawala. Maybe later, I’ll buy you thousands of candies para maging fresh naman iyang hininga mo ghorl! HAHA! Peace!” dagdag pa nito at nagtawanan kami ng todo-todo.  Buti naman at mahina lang ang pagkakasabi non ni Pitu dahil kung hindi ay baka agaw eksena na naman kami. Nakakahiya na! Wow! Mayroon pa pala kami non!? “Ilabas mo na!” utos ko kay Pitu. Pa-suspense pa kasi si bakla. Akala mo naman kinaganda niya iyon. “Oo, ito na nga ‘di ba?” wika niya. Binuksan niya ang bag niya at kinuha ang isang box matapos tinanggal ang balot nito. Nakita naming puro buto ang laman ng order ni baklang Pitu. Naloka kami ni Merin dahil doon. Kadalasan kasi ay puro pampalandi ang binibili nito tapos ngayon mga buto na? Anong nangyari sa kanya? Nakulam ba siya? Hmmmm! “Ghorl, balak mo bang maging agriculturist!? Anong gagawin mo diyan sa mga butong iyan?” takang tanong ko kay Pitu. “Bakla! Naaadik ako ngayon sa mga halaman. Mga buto ito ng rose, tulips, at eme-eme pa!” paliwanag naman nito sa amin. “Iyan, hindi niyo ba nakikita ang mga cards!?” Pinamukha pa nito sa amin ang mga cards na may mga nakasulat na quotation about the environment. “Ahh… okay! Naol, plantita! Goods iyan gurl. Sa four years nating magkasama sa college ngayon lang ako natuwa sa desisyon mo sa buhay,” saad ni Merin kay Pitu. “Tama si Merin, goods iyan. Ipagpatuloy mo lang dahil nagagawa mo na ang hobby mo at the same time ay nakakatulong ka pa sa environment! Same as Merin ngayon lang din ako natuwa sa mga actions mo. Malandi ka!” sang-ayon ko sa sinabi ni Merin. “Hoy, nakakataba naman ng puso ang mga sinabi niyo! Thank you naman at na-appreciate niyo ako! Group hug nga diyan!” nakangiting saad ni Pitu sa amin. Humawak pa siya dibdib niya at nag-aya ng isang group hug na mahilig naming gawing magkakaibigan.  “Natuwa lang ako sa advocacy mo pero ayoko kitang yakapin no!” nandidiring saad ni Merin. Baklang ito, akala mo naman ay super linis niya. Sa totoo nga lang e mas nakakadiri iyang mukha niya. Mukhang pinagsamang dragon at bayawak. Charot! “Adi kung ayaw mo ay kami nalang dalawa,” salita ko dito. Ninakap ko si Pitu at ganon din ang ginawa niya sa akin. Sabay kaming tumingin kay Merin at ininggit ito. “Sali na nga din ako! Kahit mga mukha kayong kalabaw, e lab ko kayong dalawa!”  Hindi na nakatiis ang bakla at jumoin na nga sa aming group hug. “Love u mga ghorl’rilya!” wika ko sa kanila matapos ang nasabing group hug. “Love u moreee!” sabay na ani ng dalawang anghit na kasama ko. Solid kaming tatlo kahit na super high ng mga utak namin madalas. “Naka-add to cart na ba kayo? 11:11 na mamaya mga gurl!” biglang sambit ni Pitu. “Ay oo nga pala shuta!” untag ko. Muntik ko nang makalimutan ng slight ang araw na pinakahihintay ko! Shet! “Naol maraming pang-shopping,” nakangiting ani ni Merin ngunit may kaldag ang mga salita niya. Bigla akong nakaramdam ng katiting na awa kay bakla at alam kong ganon din si Pitu. Kami kasing dalawa ni Pitu ang sabihin na natin na medyo nakakaluwag sa buhay. Samantalang si Merin naman ay isa working student dahil wala na siyang family to support his financial needs. Nagtatrabaho siya bilang isang crew sa fast food chain at masaya naman siya sa ginagawa niya sa buhay. “Don’t worry I”ll order you ng new collections of foundation ni meme Vice!” palubag loob kong saad. Halatang nagulat siya sa sinabi ko, favorite niya kasi ang mga make-up ni meme Vice kaya ganyan ang reaksyon niya. I want to make him happy kasi he always makes me laugh. “Hala, it’s a prank ba iyan?” tanong nito marayi ang gulat na reaksyon. “Mukha ba akong nagpa-prank!?” sagot ko sa kanya. “Sige, ‘wag nalang,” dagdag ko pa. “Charot lang, sis!! Hoy, thank youuuu!” bigla niya akong ginawaran ng saglit ngunit mainit na yakap. Nakita ko ang mga ngiti ni Pitu sa mga labi niya nang yakapin ako ni Merin. “Sus, wala iyon gurl! Alam ko namang bet na bet mo ang mga make-up ni meme Vice. Landi ka!” ani ko sa kanya nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. “Truth, knows na knows mo talaga ako! Tenchuu, Liwayway!” nakangiting saad nito.  Shuta sinabi pa talaga ang name ko!? Hindi na nga ako nagpapakilala sa inyo ay binanggit pa talaga ni Bakla! Hindi ko na siya ililibre. Charot! Ganon lang din at sinabi niya na ang ngalan ko ay hayaan niyo na akong ipakilala ang sarili ko. I am Liwayway Batungkahoy na may edad na dalawapu. Ako ngayon ay nasa huling antas sa kolehiyo na may kursong Bachelor of Science in Business Adminstration major in Human Resources. Kung hindi niyo mamasamain ay isa akong binabae na kasapi sa ikatlong kasarian. Hindi ako nagdadamit ng super pambabae pero mukha akong babae, sa isip, sa kilos at sa salita, babaeng babae. Ganern! Take note: ako ang pinakamagandang bakla sa buto ng lupa! The reason kasi behind my name is mahilig daw kasi si daddy before sa isdang Liwalo, iyan ang tawag sa amin at palagi silang nag-aaway ni Mujie kaya ang naging name ko ay Liwayway comes from the root words, Liwalo at Away. So ayon lang. Ano nakakatawa doon? Wala ‘di ba? Share ko lang. Sabunutan ko kayo diyan eh! Charot! “Hoy, Merin Daqah, sinabi pa talaga ang name ko?” sagot ko sa kanya. Nakakaloka din ang name niya ‘di ba? Akala niyo sa akin lang!  “Churie, na ateng! Ito naman, bakit sinabi mo din ang sa akin?” linya ni Merin.  Daqah ang surname ni Bakla. Merin Daqah. Gay din siya katulad ko. Actually puro gays kaming tatlo at masaya lang kami for being who we are. We don’t mind bashers or those people telling na salot kaming mga bakla. Well, it’s a digital age na no at hindi na uso yung ganiyang makitid ang pag-iisip. Hindi sila nababagay sa mundong ito kapag ganon. Daming tawa kaya ang nabibigay naming mga gays. Happiness for me is the highest form of success. Taray! Ayon nga. Matapos ang mga kaganapang ito ay nagpagdesisyunan kaming magkakaiban na gumora muna ng canteen bago tuluyang umuwi sa mga kanya-kanyang bahay.  Nang makarating kami sa canteen ng university ay ilang minute lang ang nakalipas ay nagpaalam na agad si Merin sa amin. “Mga ghorl’rilya una na ako. Alam niyo naman na may shift pa ako ang lola niyo. Need kumayod ng bakla. Baburrr! See you nalang tomorrow!” nagbeso ito sa amin ni Pitu bago tuluyang gumora.  “Go gurl! Ilaban mo iyan! Ingat sis!” sagot ko sa kanya. Maya-maya lang din ay nag-aya na ding umuwi si Pitu dahil same village lang naman kaming dalawa ng tinitirhan.  Atat ang mga baklang lisanin ang paaralang ito! Ayoko namang umuwi ng mag-isa ngayon kaya sumang-ayon na rin ako at umuwi na kami.  Nang makarating ako sa bahay ay agad akong nagtungo sa aking silid at binuksan ang aking laptop para tawagan si ate. Alam niyo na hihingi ng pera si bakla pambili sa online. Si ate kasi ay nasa Italy at nagwo-work siya doon bilang isang accountant. Bigatin iyang si ate at more more money. Nagbebenta ata ng laman kaya ganon. Awwww, charot langggg! Her name is Rose Marine Silverio. We have different father kaya magkaiba ang apelyido naming dalawa. 30 years old na si ate at I do not know kung may jowa siyang afam or what so ever. Pero alam kong masaya siya doon dahil strong, witty, and independent woman siya.   Nakita kong may green na circle sa display picture niya sa messenger kaya chinat ko muna siya bago tawagan baka kasi mamaya ay nasa work pa ito at makaabala pa ako. Iba’t-iba kasi ang sched ni ate, mahirap kapain kaya nag-chat muna ako bago siya tawagan to know if she’s busy or not. Me: Hello ate, still at work? Iyan ang chat ko sa kanya. Agad niyang na-seen ang chat ko at nag-reply. Ate: No, na sa house na. Why? Me: I’ll call you kasi. Ate: Sure, darling! Nang malaman kong hindi siya busy ay nagmadali akong pindutin ang dial button dahil atat na atat na akong kausapin siya. Sa awa ng Diyosa ay mabilis niyang sinagot ang tawag ko at sa pagkakataong ito ay nakita ko na naman ang napaka-fresh niyang mukha. Si ate is beautiful. Paano ba naman kasi ay yayamanin ang tatay niya! Hindi naman sa pagmamayabang pero pang miss universe ang datingan ni ate at hindi siya mahilig sa mga ganong bagay kaya wala siyang future sa mga beauty pageants. “Bago na naman ang hair color mo Ate?” tanong ko sa kanya. Napasin ko kasing parang iba na naman ang kulay ng buhok nito kumpara last week noong huling tawag ko sa kanya kaya ko na tanong. “Yes, darling! You know your ate, I don’t stick longer to anything that could later on be out-dated,” nakangiting sagot nito sa akin. Nakita niyo? To do English siya ‘di ba? “Ang bongga niyan ate!” nakangiting wika ko. Si ate kasi ang isa sa idol ko. One of my role models. “Wait, where’s Mama?” tanong nito sa akin. “I don’t know ate, walang tao dito sa bahay nang dumating ako baka nasa palengke lang, parang nakita ko kasi kanina siya na naglilista ng mga bibilhin sa market bago ako gumora ng university,” saad ko. “Bakit wala na ba kayong stock diyan?” “Ewan ate. Busy ako sa school alam mo naman ‘yon. Wala na akong time to check everything sa bahay na ito,” paliwanag ko. “Itchura mo! Akala mo naman ay nag-aaral ka talaga ng matino! So anong purpose mo  why you called me?” salita nito sa akin. May point naman siya. HAHAHA! “Beke nemen! Send money to my ditigal wallet, I need to shop kasi later sa Shozada dahil 11:11 na mamaya at ayokong magpahuli. Kahit 5k langggg!? Huhu, please Atelya Homes!” paglalambing ko sa kanya. Alam kong love na love ako ni Ate kaya never niya akong matitiis kapag humiling ako sa kanya. “Sabi ko na nga ba! Sige, I’ll send it right away. Iyon lang ba?” wish granted nito sa akin. “Wahhh, love you, ate! Basta, I give back everything kapag may worksung na ako. Muahhh!" linya ko sa kanya and I gave her virtual kisses. “You don’t have to. Makatapos ka lang ng pag-aaral ay paid off ka na agad!” nakangiting ani nito sa akin. Wala na akong masabi pa kay ate. Sobrang bait niya at she deserved all the love and blessings she’s receiving. “Huhu, sure ate. I will.” “Okay, have to end this call na. My future is calling me! Take care of yourself and mama as well. Love you both. Muah! Muah! Gonna send the money agad, wait mo nalang. Bye, darling!” Hindi ko na siya na-chismis tungkol doon sa future na tinutukoy niya dahil in-end niya agad ang call namin. Feeling ko talaga ay may jowa si ate at hindi lang sinasabi sa amin ni mama. By the way, sana Lord iyon na po ang the one para kay ate at hindi sana siyang katulad noong ex niya na nag-abroad lang e, iniwan na siya. Gigil ako sa lalaki na iyon. Jutulin ko jetlogs niya kapag nagkita kami ulit! Nakita kong umilaw ang phone ko at alam kong may nag-text doon. Ito naaaa!! I received 5k from user, Rose Merine Silverio. Wow! Ansayaaaaa! Agad kong chinat si ate after receiving this. 11:11, handa ka na ba? Here I goooo! “Liwayway, pumarini ka na sa ibaba at lutuin mo itong adobong baboy,” hiyaw sa akin ng isang pamilyar na boses at alam kong si mama iyon dahil ka-boses niya. Boses tiyanak kasi si Mama kaya hindi na ako nagtataka pa. Charot! Beautiful ang voice ni Mother no, kahit 50 years old na siya. “Sige po, ma! Sunod po ako,” sagot ko. Nagpalit muna ako ng damit bago tuluyang bumaba sa bubong. Hala ano ba kayo!? Sa baba syempre! Leegan ko kayo diyan e! HAHAH! Charot!  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

Unloved by the billionaire

read
396.8K
bc

Loving The Billionaire |SPG

read
248.8K
bc

OSCAR

read
225.9K
bc

His Cheating Heart

read
40.4K
bc

My Son's Father

read
582.9K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook