bc

BROKEN STRING

book_age16+
3.2K
FOLLOW
23.4K
READ
fated
goodgirl
band
drama
twisted
bxg
city
first love
secrets
like
intro-logo
Blurb

|COMPLETED|

Ang buong akala ni Louissa ay namatay sa isang aksidente ang kanyang pinakamamahal na lalaki dahil do'n ay hindi niya mapatawad ang kanyang sarili. Ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi na niya bubuksang muli ang puso niya dahil iisa lang ang kinikilala nito. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil ibinalik nito sa kanya si Noriel, pero sa ibang katauhan at ang masaklap pa ay fiance ng kanyang pinsan. Magawa niya kayang ipaglaban ang pag-ibig niya ngayon? O katulad ng dati ay mawala itong muli sa kanya?

chap-preview
Free preview
PROLOGO
TUNOG  ng telepono ang umagaw nang atensyon ni Louissa Jean at nang makita kung sino ang tumatawag ay agad na umukit ang magandang ngiti sa kanyang mga labi. “Hi mahal ko, how are you today?” malambing na tanong niya sa kabilang linya. “Hmm, not feeling well.” She answered and try to suppress the smile on her lips. “Care to tell me why my love is not feeling well?” masuyo pa din nitong tanong. Tuluyan nang  napangiti si Louissa nang marinig ang malambing nitong boses. Hindi niya alam kung bakit sa tuwing naririnig niya ang boses ng nobyo ay agad gumagaan ang kanyang pakiramdan. Nawawala lahat ng pagod at pangamba niya  kapag ganitong magkausap silang dalawa. “Natulala ka na naman, baka mapunit na yang labi mo sa lapad ng ngiti mo diyan,” untag nitong may himig na pagbibiro sa boses. She pouted her lips. “Sira, hindi ako nakangiti ah,”sabi ni Louissa na pinaseryoso pa ang boses. Ayaw niyang aminin ang totoo dahil mas lalo lang siya nitong aasarin. “Oo na, mahal ko, by the way, puwede ba kitang sunduin mamaya? May surpresa ako sa'yo,” he said in an excited voice. “Sa dating tagpuan? Sure, what time?” tanong ni Louissa na halatang na-excite sa sinabi ng nobyo. “Okay lang ba talaga na hindi ka magpaalam sa tita mo? Baka mamaya niyan mapagkamalan na akong masamang impluwensiya sayo.” Saad nito na mahihimigan ang pag-aalala sa boses. Nakagat ni Louissa, ang kanyabg mga labi at mariing napapikit. Hindi niya gustong maglihim sa nobyo ngunit wala siyang magagawa pa sa ngayon. He didn’t know anything about her, her real status, and about her real life. Natatakot siyang aminin dito ang lahat at ipaalam sa parents niya ang relasyong meron sila. She lied. Pero kasalanan na bang magsinungaling para lang maprotektahan ang taong mahal mo? “Y-yeah, okay lang naman kay Tita iyon. Tsaka magpapaalam naman ako ng maayos kaya huwag ka ng mag-alala pa okay? Leave this matter to me,” saad ni Louissa na pilit pinakalma ang boses at hindj pinahalata ang pag-e-stammer. “Okay po, prinsesa ko. I will call you later kapag nandoon na ako, may kailangan lang akong gawin ngayon kaya okay lang ba na ibaba ko na ang tawag? I just want to hear your voice that's why I called,” wika nito sa malambing na boses. “Sure po. May tatapusin din kasi akong report ngayon mahal ko. Bye!” ganting tugon ni Louissa sa nasa kabilang linya. “Geh. Bye mahal ko, I love you!” pagpapaalam niya at sinundan pa ng isang tunog na parang humahalik sa telepono. Natawa siya sa ginawa nito ngunit ginantihan niya din ito ng paghalik sa mouthpiece ng telepono. Nang mawala na sa kabila ang boses ng nobyo at agad niyang itinabi ang aparato at humawak ng libro para tapusin ang kanyang ginagawang report. The one on the telephone is Louisa's boyfriend. His name is Noriel Cyrus, a popular student at our university. A perfect man in every girl's eyes. Espesyal ang araw na ito para sa dalawa dahil ngayon lang naman ang unang anibersaryo nila bilang magnobyo. At sa loob ng isang taon ay nagawa niyang maglihim ng ganoon katagal sa kanyang pamilya. Nang matapos siya sa ginagawa ay agad siyang bumaba para mananggalian at magpaalam na din sa kanyang mga magulang. Kinakabahan man ay kailangan niyang maging kalmado upang hindi mahalata ng mga ito ang kanyang pagsisinungaling. “Mom, Dad, aalis po ako mamaya. May gagawin po kaming thesis ng mga classmate ko about sa isa naming subject sa school,” ani Louisa at lumingon sa mga magulang niyang tahimik na kumakain. Tinitigan siya ng kanyang Daddy, tila inaarok kung nagsasabi siya ng totoo. Abot-abot ang dasal niya na sana ay hindi ito magduda at payagan siyang makalabas, pigil ang hinangang hinintay niya itong magsalita. “Just make sure it’s for the school’s sake at hindi dahil sa mga walang kwentang love affairs ma yan. You know that you’re still young for that stuff and you need to focus on your studies. Ayokong bibiguin mo kami ng mommy mo,” seryoso nitong saad sa anak. Tinanguan lang ni Louissa ang kanyang ama at patuloy na kumain. Naging tahimik ang paligid at tanging pagkalansing lang ng mga kubyertos ang maririnig. ‘This is why I didn’t tell Noriel the truth. The reason why I lied.’ Tutol ang mga magulang niya sa pagkakaroon niya ng relasyon sa edad niyang disi-syete. Ang sabi nila masyado pa akong bata para sa bagay na iyan, kailangan kong magfocus sa pag-aaral para sa kinabukasan ng negosyo nila which is she don’t like. Hindi niya gustong kinokontrol nila ang buhay niya  at nililimitahan ang mga gusto niyang gawin. Subalit wala siyang magagawa dahil wala pa siya sa tamang edad at mas lalong wala pa siya sa lugar upang kontrahin ang mga desisyon ng magulang. She love him. At walang duda iyon, kaya lang pinapangunagan siya ng takot na baka kapag nalaman ng magulang niya ang relasyong meron sila ay bigla silang paghiwalayin at ilayo sa isa’t-isa. Yun ang dahilan kaya nagawa niyang suwayin ang mga magulang niya at magsinungaling kay Noriel sa totoong estado ng buhay niya. **** NANG sumapit ang alas sais ng gabi ay nakatanggap ng tawag si Louissa galing sa nobyo. Agad siyang nagbihis at nagpaalam sa mga magulang. Pagkalabas niya ng bahay ay mabilis niyang tinahak ang hindi kalayuang parke kung saan lagi silang nagkikita ni Noriel. Iyon ang ginagawa naming tagpuan tuwing susunduin niya ako papuntang school at ihahatid niya ako galing din sa school. Espesyal ang gabing ito kaya kailangan niyang mag-isip ng mga dapat gawin para mapasaya ang kaisa-isang taong minamahal niya. Pagdating ni Louissa sa parke ay nakita niya ang nobyo na nakatayo sa ilalim ng isang puno at naghihintay. Napangiti siya nang mapagmasdan ang itsura nito, kupasing maong at isang simpleng t-shirt na kulat blue ang suot niya na tinernuhan ng converse na sapatos. Hindi niya kailangan pang bumili ng mga mamahaling gamit para lang pagtuunan siya ng pansin ng mga kababaihan gaya ng ilang kalalakihan. Yung simpleng dating lang niya ay kaya ng bumighani ng sangkaterbang kadalagahan. Umaliwalas ang mukha ni Noriel nang makita ang pagdating ng babaeng pinakamamahal niya. Nakangiti itong nilapitan siya, isang V-neck na blouse ang suot nito at itim na jeans ang suot ng nobya. Inilugay lang nito ang mahaba at unat nitong buhok kaya lalong tumingkad ang simpleng ganda nito. “I miss you, mahal ko.” Ani Noriel na niyakap pa siya ng mahigpit. Kumabog ng malakas ang dibdib ni Louissa sa sinabi ng nobyo, gumanti siya ng yakap dito at ipinikit ang mata upang damhin ang mainit nitong yakap. “Matagal ka bang naghintay?" malambing niyang tanong sa binata at ipinulupot ang kamay niya sa braso nito. “Hindi naman, let's go?” nakangiting sagot ni Noriel at inakay ang dalaga papunta sa sakayan ng jeep. Tumango ang dalaga at magkasabay silang nagtungo sa sakayan. Kapag nalaman ng kanyang mommy na sasakay siya ng jeep ay baka bigla itong atakihin ng alta presyon. May sarili silang driver at hindi niya kailangang sumakay sa ganitong uri ng sasakyan. Pero hindi iyon problema kay Louissa, as long as kasama niya ang nobyo kahit ang maglakad lang sila o sumakay ng tricycle ay okay lang sa kanya. Noriel is not the typical rich and famous guy na galing sa mayamang angkan. Isa lang siyang anak ng mag-asawang may-ari ng maliit na grocery store sa kanilang lugat, pero ni minsan ay hindi naging problema iyon sa kanya. She loves him for what and who he is. Ngunit hindi iyon pwede sa kanyang mga magulang, mataas ang pangarap ng mga ito sa kanya kaya ang isang tulad ni Noriel ay hindi karapat-dapat sa kanya. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi niya magawang sabihin ang totoo sa mga magulang at kay Noriel. Dinala siya ni Noriel sa isang amusement park, halos lahat ng mga rides na naroroon ay sinubukan nila at para silang mga batang nagsisigawan sa bawat rides na sinakyan. Magkahawak kamay silang nagtatawanan at naglilibot sa buong paligid. Panghuli nilang sinakyan ay ang malaking Ferris Wheel kung saan may inihandang surpresa ang kanyang nobyo. Sa mismong booth na sasakya namin ay may mga nagkalat na rose petals at iba’t-ibang hugis-pusong papel. Naroon din ang paborito niyang gitara na lagi niyang bitbit tuwing magkasama sila. Walang maapuhap sabihin si Louissa  sa munting surpresang inihanda ng nobyonpara sa kanya. Nakangiti nitong hinawakan ang kamay niya at inalalayang makasakay sa booth. Magkatabi kaming umupo at humarap sa maliwanag na kalangitan na nababalutan ng napakaraming bituin. Habang umiikot ang sinsasaktan namin ay sinimulan niyang magpatugtog ng isang sikat na kanta ni Ed Sheeran. The song that he choose to sing was the perfect meaning of how we felt for each other. Isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat nito at pumikit upang mas lalong damhin ang kanta. ‘I really do wish we will be together, FOREVER.’ Ngunit hindi na pala mangyayari iyon dahil sa paghinto ng Ferris Wheel ay sabay na hihinto din ang pag-ikot ng mundo niya. Pagkababa nila sa huling sinakyan ay magkahawak kamay nilang tinahak ang daan papunta sa maillit na canteen ng parke. Huminto kami saglit at humarap sa akin si Noriel, abot sa mga mata nito ang ngiti at inayos sa pagkakaipit ang buhok ko. Natawa siya sa ginawa nito  ngunit bigla din iyon nawala nang mapansin niya ang mukha ng kanyang mga magulang na seryoso at nagdidilim ang mga mukha. Nawalan ng kulay ang kanyang mukha at biglang nanlamig ang kanyang pakiramdam. Ilang beses akong napalunok at napahigpit ang kapit sa hawak na gitara. Napansin nibNoriel ang biglang pagbabago nang ekspresyon sa mukha ko “Mahalko, masama ba ang pakiramdam mo? Nahilo ka ba sa sinakyan natin?" malambing nitong tanong na hinawakan pa ang kabilang pisngi niya. Ipinikit ni Louissa ang kanyang mga mata at tila nag-iisip kung ano ang magandang gawin. Tatakbo ba siya palayo sa mga magulang? O haharapin ang mga ito at ipapaliwanag ng maayos ang lahat. Kinakabahan siya at halos manginig ang kanyang buong katawan sa takot. Pagkamulat niya ng mga mata ay tumambad sa harap niya ang nanggagaliting mukha ng kanyang ama. She don’t want know how to face the situation. She can’t tell them to stop and she will explain everytging once they reach home pero anong mangyayari kay Noriel kapag iniwan niya lang ito ng ganoon? Alam din niyang hindi ito palalampasin ng kanyang mga magulang. “Dad--” Isang malakas na sampal ang dumapo sa kabilang pisngi ni Louissa. Kung hindi siya  agad nahawakan ni Noriel ay baka natumba siya sa sobrang lakas ng sampal. “Nagawa mong magsinungaling para lang makipaglandian?! Anong klase kang anak Louissa?!” sigaw ng kanyang ama na may kasama pang pagduro sa mukha niya. May mga mangilan-ngilan nang napapatingin sa kanial dahil sa lakas ng boses nito. “Hindi ka namin pinalaki para lang maglakwatsa at magwaldas ng pera para lang sa  paglalandi! Go inside in the car now!” maawtoridad nitong utos sa kanya. “Dad please listen-” tinangkang magpaliwanag ni Louissa sa kanyang ama. Nagsimulang maglandas ang kanyang mga luha sa kabang nararamdaman. “Go inside the car now! Ponce, dalhin mo sa kotse ang malanding ito at huwag na huwag mong hahayaang bumaba!” singhal ng kanyang ama sa tahimik nilang driver. Hinawakan siya ng driver at inakay papunta sa sasakyan. Lumapit siya sa kanyang mommy at nagmamakaawang nagsalati. “M-mommy, please pigilan mo naman si Daddy oh,” sabi kong humawak pa sa braso nito. Nag-iwas lang ito ng tingin at parang walang narinig na deretso ang tingin sa kanyang ama. Walang nagawa si Louissa kundi ang humagulhol at tignan ang mukha ni Noriel na naguguluhan sa mga nangyayari. ‘Noriel, I'm sorry..’ Napilitang pumasok ng sasakyan si Louissa at hindi magawang suwayin ang nanggagalaiti niyang ama. Mula sa loob ay kitang-kita niya kung paanong ipahiya ng sarili niyang ama ang pinakamamahal niyang lalaki. Bakas sa mukha nito ang sobrang sakit at pagkapahiya, ni hindi siya binigyan ng pagkakataon ng kanyang ama na makapagsalita at maipagtanggol ang sarili. “Manong Ponce, pababain mo po ako. Kailangan ko pong patigilin si Daddy wala pong kasalanan si Noriel dito,” nagsusumamong saad ni Louissa sa matandang driver. “Iha, gustuhin ko man hindi pwede. Malalagot ako sa Papa mo kapag pinababa kita. Patawarin mo ako at hindi kita mapagbibigyan," sagot nito at nag-iwas ng tingin. Mas lalong lumakas ang pag-iyak niya sa sinabi ng matanda. Hanggang dito na lang ba talaga sila? Ano na ang mangyayari pagkatapos ng gabing ito? Parang hindi niya kakayanin pang mapalayo sa binata. Napapitlag siya nang makitang naglakad si Noriel palalapit sa sasakyang kinaroroonan niya ngunit huminto ito may ilang metro mula sa kanya, banaag sa mukha nito ang sakif, hinanakit, pagkalito at pagtatanong. Parang gustong takbuhin ni Louissa ang nobyo at yakapin ng mahigpit. Gusto niyang magpaliwanag dito at sabihin ang lahat ngunit paano niya iyon gagawin? Kaya niya bang suwayin ulit ang mga magulang niya? May magagawa ba siya kung sakaling kaladkarin siya palayo ng kanyang ama? Bago tuluyang ibaling ni Noriel sa daan ang tingin ay hindi nakaligtas kay Louissa ang mga luhang nag-unahang bumagsak mula sa mga mata nito. Parang sinaksak ng milyun-milyong karayom ang puso ni Louissa sa nasaksihan. ‘Noriel..’  bulong ng kanyang puso. Maya-maya lang ay nakita niyang papalapit na ang mga magulang niya sa sasakyan. Kasabay nang pagbukas nila ng pinto ay ang malakas na tunog ng dalawang sasakyang nag-umpugan. Biglang tinambol ng malakas ang dibdib ni Louissa at wala sa sariling napalabas siya ng sasakyan. Sa di kalayuan ay makikita ang dalawang wasak na sasakyan at isang lalaking nakahandusay at duguan. Parang binagsakan ng langit at lupa si Louissa nang makilala ang lalaking iyon. Nanginginig man ay nagawa niyang takbuhin ang kinaroroonan nito. “N-noriel, p-please wake up!” sigaw kong hawak ang kamay niya. Tigmak na ang mukha niya sa luha at sa nanlalabong mga mata ay nakita niya ang pagmulat ng mata ng katipan. Itinaas nito ang duguan nitong kamay at hinaplos ang mukha niya. “Mahalko, bakit..” Hindi nito naituloy ang sasabihin dahil biglang bumulwak ang dugo sa bibig nito. Lalong nataranta si Louissa at sumigaw nang tulong ngunit huli na ang lahat. “Mahalko, stay with me okay? Huwag kang bibitiw! Huwag mo’kong iiwan!” sigaw ni Louissa sa pagitan nang paghikbi. Natigilan siya nang biglang bumagsak ang kamay ni Noriel sa lupa. Nakita niya ang unti-unting pagpikit ng mga mata nito at ang sumunod na nagyari ay hindi na matanggap ng kanyang pagkatao. Isang malakas na tili ang lumabas sa lalamunan ni Louissa, yayakapin na sana niya ang katawan ng nobyo nang biglang may pumigil sa kanya at sapilitang itayo. Nagpumiglas siya ngunit sa lakas nang kung sinumang may hawak sa kanya ay hindi niya nagawang kumawala. ‘Noriel.. Mahalko.. Wag mo kong iiwan please!’ usal niya sa isip. “Let’s go home Louisa, stop humiliating us here.” Matigas nitong sabi at hinawakan siya sa kamay. Sa huling beses na pagpupumiglas niya sa pagkakahawak ng kanyang ama ay nakawala siya at patakbong babalikan ang walang buhay na katawan ng nobyo ngunit agad din siyang natigilan nang mapansin niya ang maraming dugong dumadaloy sa likod ng ulo nito. Halos mapunit ang litid niya sa lakas nang sigaw na kumawala sa lalamunan niya at ang sumunod na nangyari ay nabalot siya ng kadiliman.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unwanted

read
510.4K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
176.3K
bc

A Billionaire In Disguise

read
654.1K
bc

Unexpected Romance

read
38.2K
bc

Tamed to Be Yours

read
385.0K
bc

THE BILLIONAIRE'S SÊX SLÂVÊ R-18 (COMPLETE)

read
603.4K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
325.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook