bc

The Man Who Cried

book_age18+
366
FOLLOW
1.1K
READ
independent
others
tragedy
bxb
heavy
ambitious
male lead
realistic earth
slice of life
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

[STANDALONE NOVEL | BL]

Pumagitna man ang mundo, ikaw at ikaw pa rin. Sumagabal man ang mga tao, walang ibang pipiliin. Lahat ay tatawirin, maging ang kamatayan, maibigay lamang ang buhay na alay para sa 'yo. Handa 'kong ibigay sa 'yo lahat ng yaman sa mundo, hindi mag-aatubili pati ang puso ko.

chap-preview
Free preview
Prologue
[ALI] "CONDOLENCE, PARE," wika ko sa 'king kaibigan na namatayan ng lolo. Hindi ko alam kung saang lugar 'to pero ang alam ko, mahaba-habang biyahe din ang tinahak namin para abutin ang lugar na 'to. "Nakikiramay kami." "Salamat, Ali." Nginitian ko lang siya. Naupo ako sa isang upuan. Malikot, iniikot ni Evan ang buong lugar para magbigay ng tinapay at kape sa mga nagpuntang bisita, kasali na ako do'n. Wala naman kasi rito sa lugar na 'to ang kabihasnan. Malayo sa tipikal na lugar na kinagisnan ko, ang Maynila. Bilang driver nila papunta dito, hindi ko alam kung saang lugar 'to pero sure ako na malayo 'to sa Maynila. Maaga akong namulat sa mundo ng negosyo. My Dad owns a big company inside the capital. Samantalang ako, panay barkada muna ang atupag. Tapos naman na ako sa college, nothing to be worried of. My Mom? Wala rin. She's on her beloved God's side. She passed away when I was young while crossing the road. Wala kasi no'n si Dad nang mamalengke siya kaya ayon, nasagasaan si Mom. Wala din akong kapatid, kaya sa ayaw o sa gusto ko man ay ako ang magmamana ng kompanya. Ayaw ko naman kasing maging director ng kompanya, pero walang magagawa. Minsan, hindi rin masayang maging mayaman. Tumingin-tingin ako sa paligid. Mapuno sa lugar. Wala ring halos semento. Malubak din ang daan kanina. Proven, probinsiya na ata 'to. Pero anong lugar? Biglang sumapaw ang napakalakas na iyak ng isang ale. Halos mahimatay pa ang ale no'ng makita ang bangkay na nasa kabaong. Siguro 'yun ang Lola ni Evan. Matanda na rin kasi, e. Nakita kong umalalay si Evan sa kaniyang Lola at pinaupo ito sa isang upuan bago pinainom ng tubig. Yeah, it was really hard losing someone you love. However, no matter how hard will it be, hindi tayo makakatakas. After all, death is inevitable. We just have to live our life to the fullest, or foolest may be. Ayaw ko pang mamatay, gusto ko pang maghasik ng lagim. Hindi, biro lang. My phone buzzed three times inside my pocket. I sighed. Sino pa ba ang tatawag sa 'kin sa ganitong oras kapag wala pa ako sa bahay? Kinuha ko ang phone ko at pinatay ang tawag. Nakakainis, pagkabalik ko ng phone, tumawag ulit. Wala na akong takas dito. Kinuha ko ang phone ko at pinindot ang berdeng buton. "Gabing-gabi na, nasa layasan ka pa rin? Wala ka bang planong umuwi?" "Uuwi rin ako, Dad," wika ko sa kaniya. Napailing na lamang ako. "Pero siguro mga bukas na. Malubak ang daan, mahirap na, mawalan ka pa ng anak." "Nasaan ka na naman ba?" tanong ni Dad. Bakit ba gustong-gusto niyang alamin kung nasa'n ako? "Ba't ang ingay sa paligid? Nakikipag-away ka na naman ba?" "Wala ako sa away, Dad." I heaved a deep sigh. "Kaya maingay kasi nasa lamay ako." "Lamay nino?" "Lamay ng Lolo ni Evan, 'yung kaibigan kong dinala ko diyan sa bahay," maikling sagot ko. "Ayos lang ako dito, Dad. Ibababa ko na ang tawag. Nakakahiya, ang lakas ng boses mo." "Kumain ka na ba?" "Opo, Dad," walang ganang sagot ko. "Kanina sa dinaanan naming fastfood chain, nag-stop by kami at kumain." "Hindi ka man lang umuuwi sa bahay nang makatikim ka man lang ng lutong-bahay," ani Dad na ramdam ang frustration sa kaniyang boses. Ever since nawala si Mom, ayaw ko nang kumain sa bahay. I only eat things na luto ni Mom dati, ngayon when I eat at our dining room, the pain of loss and longing still hurts me. "Ang busy mo siguro, 'no? Umuwi ka sa sabado ha? Death anniversary ng mother mo." "Yep, I will," sagot ko. "Hindi ko naman kinakalimutan 'yan bawat taon e." "Aasahan ko 'yan, anak." I appreciate that Dad is doing everything he can para iparamdam sa 'kin na anak niya ako pero iba pa rin talaga kapag may ina sa tabi ko. "Mag-iingat ka, ha? Layo muna sa rambol, pagod na akong pakiusapan ang mga pulis para sa 'yo. Kumain ka ng agahan bukas. Bye." "Bye, Dad." Biglang may dumating na lalaki sa harap ko, si Evan. "Sino? Dad mo?" "Sino pa ba?" "Oh, I see," Evan replied. "The thing is, kailangan nating umusog ng upuan papuntang likod, Ali." "Bakit?" "May padating kasing mga bisita," ani Evan at tumingin sa may pinto. Napakunot ang noo niya. "Oh, ayan na pala sila. Tara na, do'n sa likod." "Sino ba sila? Ba't kailangan naming mag-adjust?" Pabulong na sinagot ako ni Evan. "Importante sila, mga 'tol, sumunod na lang kayo." Kahit na ayaw kong tumayo sa kinauupuan ko ay ginawa ko pa rin at naupo sa bandang likod. At ayon nga, nagsidatingan na ang mga bisita na mas importante pa sa 'kin at agad na ini-okupa ang upuan sa bandang unahan. Halos lahat sila matandang babae, pero ang pumukaw ng atensiyon ko ay ang binatang nasa likod lamang ng mga matatandang babae. Anong ginagawa niya sa unahan? Walang ano-ano ay nagsimula silang humikbi at umiyak. Wala akong ma-gets sa ginagawa nila. Ah, baka naman pamilya sila ng namatay? Oh, baka asawa silang lahat ta's anak ng isa 'yung lalaki? That's an absurd thought, Ali. Stop it. But that bachelor looks good, though. He looks like he has a foreign blood. Medyo kayumanggi lang siya pero kita sa complexion ng mukha niya na may lahi siya. A blood of asian decency? Overall, may hitsura. Pero ano pa rin ang ginagawa nila sa unahan? Hindi sila natigil sa pag-atungal at pag-iyak. Oo, umiyak ako that time na nawalan ako pero ganitong iyak? Hindi, ah. Tumayo ako para lagyan ng juice ang empty glass na hawak ko. Palihim kong tinignan ang binata na umiiyak sa unahan. Ewan, pero naaawa ako habang tinitignan siyang umiyak. Nakikita ko ang sarili ko no'ng bata pa ako. Kinuha ko ang panyo at inalok sa kaniya ang panyo. Natigil siya sa pag-iyak pero tinignan lamang ang panyo ko. Walang ano-ano ay may pumigil sa kamay ko. "Evan, binibigay ko lang sa kaniya 'yung panyo. Huwag kang OA." Kaagad niya akong kinaladkad papunta sa upuan ko. "Bawal 'yan, Ali." "Ang alin?" "Ang magbigay ng panyo sa kanila," Evan replied. Lines were knotted on my forehead as I can't follow. May nagawa ba akong mali? "May pamahiin sa lugar namin na kailangan iyakan ang patay ng makatawid sila sa sunod na yugto. Dapat diretso ang agos kaya bawal gumamit ng panyo. Binayaran namin sila para maging crying lady." "Pati 'yung lalaki?" "Ah, si Simon," aniya. Simon pala ang pangalan. "Oo. Hindi naman talaga siya kasali sa grupo ng mga matanda pero kailangan niya ng pera kaya pinatos niya na. Bihira lang din makakita ng crying man, mukhang sa lugar lang namin." I didn't know na sa lamay ko makikita ang taong pupukaw sa atensiyon ko. He was just crying that time, pero hindi maalis ang tingin ko sa kaniya. He looks so serious doing his job. That's where I first saw Simon, the man who caught my sight and attention, the man who cried.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
266.1K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
274.2K
bc

OSCAR

read
224.9K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
314.9K
bc

NINONG III

read
360.8K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook