bc

Life Behind Bars (SPG-18)

book_age18+
8.1K
FOLLOW
44.9K
READ
dark
possessive
dominant
badboy
bxg
heavy
serious
female lead
pirate
city
like
intro-logo
Blurb

Si Christine, hindi marunong magbasa at magsulat. Sa gitna ng pagiging mangmang ay makikilala niya ang isang guwapo at bilyonaryong binata.

Siya na nga ba ang prince charming niya o ang magpaparanas sa kaniya kung gaano kalupit ang mundo.

Disclaimer: This story is heavy. It contains; erotic romances, action and vulgar. So if you are sensitive type of a person please, do not read it.

Thank you!

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
“Ano’ng ulam? bakit walang sinaing?” Napatayo ako nang marinig ang pag-alburoto ni Caloy at malakas niyang ibinalibag ang kaldero at tumilapon ito sa pinto. Nang binuksan niya ang takip sa maliit namin lamesa na tutong lang ang laman ng plato ay mabilis niyang hinagis sa akin ang plato at hindi ako nakailag kaya tumama ito sa aking mukha. Mabuti na lamang at plastic ang plato kaya hindi ito gaano masakit at hindi rin nabasag. “C-caloy, aray, nasasaktan ako,” nahihikbi kong sabi nang nakalapit siya sa ‘kin at sinabunutan niya ang buhok ko nang malakas. “Hindi ba’t sinabi ko saiyo na ang ayoko sa lahat ay wala akong malamon sa pag-uwi ko?” nagtatagis ang kaniyang bagang at nandidilat ang kaniyang mata. Hinawakan ko ang kaniyang kamay nang mahigpit na nakahawak sa aking buhok ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakasabunot sa akin. “Wala ka naman ibinigay na pera pambili ng bigas at ayaw na rin tayong pautangin ni Aling Merna dahil hindi pa tayo nakakabayad sa—aray ko Caloy, tama na!” umiiyak kong paki-usap at binitawan ako sabay na itinulak nang malakas kaya tumama ako sa haligi at namilipit ako sa sakit. Pinag-sisipa niya ang mga damit namin na labahin sa gilid. Malamang ay talo na naman siya sa sugal kaya mainit ang ulo. Muli siyang umalis kaya tumayo rin ako at uminom na lang ng tubig upang mapawi ang sakit ng aking sikmura dahil kagabi pa ako huling kumain. Namamasukan ako dati bilang labandera ngnit nang malaman ng mga amo ko na si Caloy ang ka-live-in partner ko ay tinanggal nila ako sa paglalaba. Kilala kasi na barumbado at snatcher si Caloy dito sa baryo kaya halos lahat ng pinapasukan ko ay walang tumatanggap sa akin kaya tuloy ay bugbug sarado ako palagi ni Caloy lalo na kapag lasing at talo siya sa sugal. Kasalukuyan kong pinulot ang kaldero na tinapon niya kanina at pati ang tutong na nagkalat sa sahig nang kumalabog ang pinto at niluwa ulit si Caloy kaya nangatog na naman ang aking tuhod. Itinapon niya sa aking mukha ang pares na panty at bra na kulay pula kaya mabilis kong itinapon ito sa kaniya pabalik kaya isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisnge at sa subrang lakas nito ay napaiyak na naman ako. “Ano’ng iniiyak iyak mo riyan, ‘wag ka nga mag-inarte. Virginity lang ‘yan hindi ‘yan ginto para panghinayangan mo!” bulyaw niya sa akin dito sa loob ng aming barong-barong. Kinagat ko na lang ang aking ibabang labi sa sinabi ni Caloy dahil kahit anong paki-usap ko ay buo na ang kaniyang desisyon. Palagi akong nakakatikim sa kaniya ng sampal at minsan pa’y suntok sa tuwing tumatanggi ako sa gusto niyang mangyari. Katulad na lamang ngayon na iginigiit niya sa akin ang gusto niya. Ibebenta niya ako sa mga mayayaman intsik para may pang-sugal na naman siya. “P-puwede ba’ng ikaw ang mauna sa ‘kin, gusto kong i-alay ang aking p********e sa taong mahal ko at ikaw ‘yon, Caloy,” nahihikbi kong wika ngunit tinadyakan niya lamang ang pintuan at dahil sa gawa lang ito sa kahoy at marupok na rin ay tuluyan itong nagiba. “Anak ng putcha naman, Tina oh, oh,” dahil sa lintek na pagmamahal na ‘yan wala tayong sasaingin ngayon! sa tingin mo kung puro puso ang pai-iralin mo saan tayo pupulutin? may hitsura ka at iyan ang mapapakinabangan natin. Kaya nga hindi kita ginagalaw dahil ‘yan ang alas natin para mabaliw sa’yo ang intsik na ‘yon kaya maghanda ka dahil mamayang gabi pupunta tayo sa bar at galingan mo para ganahan sa’yo ang gagong ‘yon at para malaki ang kikitain natin.” Napaigtad pa ako nang sinipa niya ang sirang pinto at tumalsik ito. Muli siyang lumapit sa akin at hinatak ako patungo sa labas at binuhusan niya ako ng isang baldeng tubig at binato niya sa akin ang sabon. “Ayusin mo ang paligo mo dapat mabango ka para hindi ako mapahiya sa intsik na ‘yon,” turan niya at sinunod ko na lang ang gusto niya. Nakamasid siya habang nililinisan ko ang aking katawan. Maging sa aking pagbihis ay nasa harapan ko siya. Lumapit siya sa akin at winaksi ang tuwalyang nakatapis sa hubad kong katawan. Pinaikot niya ako at pinapasadahan ang hubad kong katawan at nilamas niya ang dalawa kong dibdib at sumilay ang ngisi sa kaniyang labi. “Talagang pinalaki kita dahil malaking pera ang makukuha sa’yo at hindi ako nagkamali. Napakinis at sexy mo Tinay. Dahil birhen ka ay doble ang kikitain ko.” Naglandas na naman ang aking luha sa mga sinabi niya. Ito pala ang plano niya noon sa akin ang pagkakitaan sa hinaharap kaya tinulungan niya ako noon at kinupkop dahil may masama siyang pinplano. “Caloy, huwag mo naman gawin sa ‘kin ‘to oh, maghahanap na lang ako ng trabaho para may maibigay akong pera sa’yo,” pag-susumamo ko ngunit mahigpit niya lang hinawakan ang dibdib ko kaya napapadaing ako dahil masakit. “Napakaboba mo talaga. Hindi mo ginagamit ang kukote mo!” Turan niya sabay na binitawan akong pabalang. Sinuot ko na lang ang dala niya kaninang bra at panty na kulay pula at pinaresan ko na lang na puting bestida na dala din niya. Maya-maya pa’y pumasok ang baklang taga kabilang baryo at inayusan ako hanggang sa nagmukha na akong pokpok sa hitsura ko. Sumilay ang ngisi ni Caloy nang matapos akong make-upon at mabilis niya akong ginuyod at sinakay sa motor ng barkada niya. Wala akong kawala dahil napapagitnaan ako ng dalawang lalaki kaya kahit na gusto kong tumalon ay wala hindi ko magawa Bumaba kami sa bahay aliwan at sa labas pa lang ay naka-abang na ang mga babaeng naghihintay ng mga kustomer. Masakit sa mata ang iba’t-ibang ilaw sa dance floor at mayroon rin mga naka-upo sa harap at may kaniya-kaniyang babae ang mga ito. Kinaladkad ako ni Caloy at mahigpit ang hawak niya sa aking kamay habang binabaktas namin ang hagdan paitaas. Kumatok siya ng ilang beses kaya sunod-sunod ang kaba na aking nararamdaman. Bumukas ang pinto at niluwa no’n ang kalbong lalaki at may hawak na tobacco. A-atras sana ako nang mas hinigpitan pa ni Caloy ang pagkakahawak sa akin. “Boss, this is what I told you, yesterday,” nakangiting saad ni Caloy “Okay. She’s beautiful but you wait outside if I prove she virgin I give you more money,” turan ng lalaking singkit ang mata at sinuyod ang aking tingin sabay na binuguhan ako ng usok ng tobacco nito. Ngumiti si Caloy at hinawakan ko ang kaniyang braso at nagmamakaawa ako pero isang matalim na pagbabanta lang ang pinukol nito sa akin bago tumalikod. Isang kamay lang ay naitulak na ako ng lalaki patungo sa kama at hinubad ang kaniyang sinturon kaya ngumiti ako nang pilit. “Sir, we drink first for… for good s*x,” sabi ko kahit na hindi ako marunong mag-english pero sinikap ko na maintidihan niya ako. “I give you wild performances Sir, but we drink wine,” dagdag ko pa. Ngumiti siya nang malaki kaya nawala ang kaniyang mga mata. “I like it, darling,” tugon niya at nilahad ang kaniyang kamay kaya inabot ko ito para ipakita sa kaniya na hindi ako natatakot. Hinipuan niya ako at hindi ako pumalag sa ginawa niya hanggang sa inabot niya sa akin bote ng wine. Limang bote ang mga naka-lapag sa lamesa kaya kinuha ko ang isang bote at nakatalikod siya habang naghuhubad kaya agad kong pinokpok sa ulo niya ang bote at nabasag ito. Napamura siya nang sunod-sunod kaya kinuha ko pa ang isa pang bote at buong lakas kong hinampas ulit sa ulo niya at sa pagkakataong ito ay natumba siya at nahimatay. Kinuha ko ang hinubad niyang sinturon kanina at ito ang ginawa ko ng pangtali sa dalawa niyang kamay at ikinabit ko ito sa headboard ng kama. Lumapit ako sa bintana at pangalawang palapag lang ay lupa na. Kinuha ko ang kumot at pinunit ito sa gitna at binuhol ko ng mahigpit. Sinukat ko hanggang sa ibaba at tamang tama ang haba at muli kong itinali sa bintana nang subrang higpit at saka ako bumaba at mahigpit ang hawak ko sa kumot pababa at nang sa tantiya ko ay kaya ko na ay kaagad akong tumalon. Masakit sa puwet pero kinaya kong tumayo at sa likod ako dumaan palayo sa bar. Sa kakatakbo ko ay napadpad ako sa kalsada at sa pagkakataong ito ay gusto ko nang tapusin ang aking buhay dahil hirap na hirap na rin ako sa sitwasyon ko, sa pagmamalupit sa akin ni Caloy. Napapaluha ako habang pinagmamasdan ko ang walang humpay na pagtakbo ng mga sasakyan. Mga bata pa lang ay magkakilala na kami ni Caloy dahil parehas kaming ulila sa aming mga magulang kaya kami na lamang ang nagsama at magkakampi. Minsa’y nahuli kami ng mga nagrorondang pulis dahil nag-snatch kami ng wallet ng isang ale na naglalakad sa gilid ng kalsada at pinasa-pasahan namin iyon ngunit sa huli ay nahuli rin kami kaya dinala kami sa DWSD at isinama ako ni Caloy na tumakas at nagkasundo kami na magsama na lang kahit sa mura namin edad. Hanggang nag-edad ako ng dese otso at napabarkada si Caloy hanggang sa nalulong siya sa bisyo at sugal hanggang sa umabot na pati ako ay sinasaktan niya lalo pa kung wala siyang perang pantustos sa mga bisyo niya. Minsan na rin akong tumakas upang makalayo sa pagmamalupit niya ngunit wala naman akong ibang mapuntahan kaya kaagad niya akong nahanap sa tulong na rin ng kaniyang mga barkada at muntikan pa niya akong ipalapa sa mga barkada niya kaya nagmakaawa ako sa kaniya na huwag niyang gawin sa akin iyon at hindi na ako muling tatakas pa. Magmula noon ay naging sunod-sunuran ako sa lahat nang naisin niya at iniinda ko na lang ang bawat pasang natatamo ko mula sa kaniyang mga kamao.Tatlong taon na akong naghihirap sa mga kamay niya at sa araw- araw ay para akong pinapatay. Wala akong kamag-anak dahil maliit pa ako nang maulila sa mga magulang. Nagising ako noon sa isang ospital at ang sabi ng doctor ay namatay ang mga magulang ko sa isang aksidente at ako lang ang nabuhay sa aming pamilya. Hindi ako nakatungtung ng paaralan ni hindi ako marunong sumulat at magbasa kahit pangalan ko ay hindi ko alam kung paano isulat. Si Caloy na lamang ang nagbigay ng pangalan sa akin dahil hindi ko rin alam ang tunay kong pagkatao. Pinahid ko ang aking luha dahil ayaw kong may makakita sa kin na umiiyak at ayokong kaawaan nila ako. Napalunok ako nang may isang sasakyan na dadaan sa harap ko kaya bumuwelo ako at sabay na tumakbo hanggang sa naramdaman kong tumilapon ako at napadaing ako nang parang hinihiwa ang aking mga tuhod gano’n rin ang aking braso. Narinig ko sigawan ng mga tao at bago pa makalapit sa akin ang taong nakabangga sa akin ay pumikit ako. Naramdaman kong ipinasok niya ako sa sasakyan niya at sunod- sunod ang kaniyang pagmura at pinatakbo niya ito nang matulin hanggang sa nakatulog na ako nang tuluyan. Nagising ako sa malamig na paligid at pagtingin ko ay porong puti ang aking nakikita. Tinanggal ko ang ilang aparatong nakakabit sa aking pulsuhan at maging ang mga puting nakadikit sa aking mga sugat ngunit napadaing lamang ako dahil mahapdi ito. “Hey, don’t take that off and don’t get up. You need to rest because your wounds haven’t healed yet.” Napatingin ako sa pinto nang bumungad roon ang isang lalaki na suot ang hindi maipintang mukha. Kahit na kunot ang kaniyang noo ay hindi matatawaran ang kagawapuhan ng lalaki. Parang papel sa kaputian ang kaniyang balat at napakalinis niyang tingnan. Sa tantiya ko ay mataas ang kaniyang pinag-aralan dahil kaya niyang magsalita sa wikang English pero wala na akong oras pa na titigan ang stranghero at kailangan ko nang makaalis dito. “Kailangan ko nang umalis at tiyak na hinahanap na ako ni Caloy at ng mga anak ko,” nahihikbi kong sabi na kailangan ko pa’ng gumawa ng kuwento upang maawa sa akin ang lalaki at hayaan akong makaalis. Masakit ang gilid ko at mga sugat ko sa braso at tuhod at himalang nabuhay pa rin ako. “Hey, huwag kang umiyak hindi kita pababayaan. Pinapahanap ko na ang pamilya mo para ipaalam sa kanila ang nangyari ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin balita sa mga tauhan ko. Kahit ang parents mo ay hindi nila mahanap.” “S-sir, wala na ho akong parents tanging si Caloy na lang at dalawa kong maliliit na anak ang mayroon ako kaya kailangan ko nang umalis,” paki-usap ko at nang magtama ang aming mga mata ay nawala ang kunot sa kaniyang mukha. “Asawa mo ba ang sinasabi mong Caloy?” tanong niya “Parang ganoon na nga ho,” tugon ko. Tumango tango siya at hinawakan niya ako sa mga kamay at giniya niya akong humiga pabalik at nadapo ang tingin ko sa bulsa ng pantalon niya na medyo nakausli ang kaniyang pitaka at makapal ito kaya malamang marami itong laman kaya naman ay gumawa ako nang hakbang. “A-aray, Sir, masakit ang gilid ko, ahhh,” pagkukunwari ko kaya bigla naman siyang nag-alala at hinaplos ang aking gilid. Umiyak ako nang umiyak at kumapit ako sa kaniya at sinadya kong sumubsub sa kaniyang dibdib. Hinagod hagod niya ang aking likod at pinapakalma ako pero mas lalo lang akong umiyak nang malakas kasabay nang aking pagdaing at hagulhol ay mabilisan kong sinukbit ang wallet niya at tinapon ko ito sa ilalim ng kama. “Tatawag ako ng doctor, kumapit ka lang,” sabi niya kaya tumango tango ako at nang lumabas siya ay mabilis ko rin kinuha ang wallet sa ilalim ng kama at mabilis akong lumabas ng room. Isinuot ko ang malaking blazer ng lalaking iyon na naiwan sa gilid ng higaan at pinilit kong maglakad na normal at dumikit pa ako sa matandang babae na hirap maglakad kaya inalalayan ko ito at medyo nagulat ito kaya nginitian ko lang siya at inakbayan. “Salamat, Ineng,” wika niya kaya kinuha ko na iyon na paraan para bahagyang yumuko at kausapin pa ang matanda hanggang sa nakalabas kami ng exit. Pagkarating ko sa gate ay pumara ako ng taxi. Nang makapasok ako ay nilingon ko ang malaking ospital sabay ng aking pagbuntong hininga. Pagbukas ko ng wallet ay namilog ang aking mga mata nang makapal na lilibuhin ang laman at mayroon rin mga ATM at isang picture. “Ma’am, narito na po tayo,” nawindang ako sa simpleng sinabi ng driver kaya hindi ko natingnan nang maiigi ang nasa larawan. Pag-angat ko ng tingin sa salamin ay nakatingin sa akin ang driver at naghihinala ang kaniyang mata kaya mabilis akong nagbayad ng limangdaan at mabilis rin akong lumabas ng sasakyan na hindi ko na alintana ang sukli. Sumakay ako ng bus na hindi ko alam kung saan patungo. Ang importante ay makalayo ako kay Caloy. Naalimpungatan akong nagising nang tinapik ako ng kundoktor ng bus at doon ko lang napansin na nahinto na pala ang bus. “Nasa Maynila ka na, Ineng,” sabi niya kaya dali-dali kong sinukbit ang sakong bag na nabili ko lang sa bangketa. Pagbaba ko ay kaagad sumalubong ang ma-iingay na ugong ng sasakyan at ang mga taong may kaniya- kaniyang rota. Napangiti ako dahil malayo na ako sa bayan ng Makiling at tiyak na hindi na ako matutuntun ni Caloy. ~~~ Dito ako napadpad sa squatter area dahil kailangan kong tipirin itong perang kinulimbat ko doon sa guwapong lalaki. Kahit hindi ako marunong magsulat at magbasa ay kahit papaano ay marunong naman akong magbilang lalo na pagdating sa pera. Nakatulog ako ng ilang oras at pagkagising ko ay naligo ako at bumili lang ng lutong kanin at barbecue sa labas. Pagkatapos ay nagtungo ako sa palengke at nakahanap ako ng trabaho ang tagalinis ng isda. Mag-aalas nuebey na nang papaalis ako sa market at binigyan ako ng sengkuwenta ng may-ari. Kasalukuyan akong naglalakad sa makipot at maingay na daan papasok sa tinitirhan ko. Sumalubong sa akin ang maingay na binggohan, ang mga naghahabulan na mga bata at ang mga mag-asawang nagbubugbugan. “Miss sexy, ngayon lang kita nakita dito ah, dayo ka ba, tumagay ka naman?” baling sa akin ng lalaking may hawak na emperador at umu-usok ang bibig. Hindi ko ito pinansin at mas nilakihan ko pa ang hakbang pero mabilis niya akong hinatak at napasubsub ako sa lamesa at naghiyawan pa ang mga kasamahan nito. Naghiyawan ang mga ito at parang mga asong nau-ulol ang kanilang mga hitsura kaya hindi ko maiwasan na kabahan ngunit tinatagan ko ang aking sarili at hindi patinag sa kanila. “Akalain mo ‘yon, may grasya pala dito sa barangay ninyo.” Singit ng lalaking malaki ang tiyan kaya agad akong tumayo at napahiyaw ako nang malakas nang hinampas niya ang puwet ko at mabilis kong sinampal ang bastos na lalaki. Nag-asaran ang mga ito kaya galit na tumayo ang lalaki at sasampalin din sana ako nang naiwan sa ere ang kamay nito at namimilog ang mga matang lagpas sa akin ang paningin at parang tutang biglang bumaluktot. Nagsitakbuhan ang mga kasamahan nito at tumaob pa ang lamesa kaya natapon ang mga alak at pulutan ng mga ito. Napalingon ako sa aking likod pero wala naman tao at biglang tumahimik ang paligid. Inayos ko ang sarili at tumakbo patungo sa aking inuupahan. Nang makapasok ako ay kaagad kong binuksan ang ilaw at bigla akong napaatras sa taong bumungad sa akin. Sumasabay sa aking pag-hinga ang malakas na tahip ng aking dibdib. Nagtatagis ang kaniyang bagang at magkasalubong ang mga kilay habang nakade-kuwatro ito sa silya. Siya ang guwapong lalaking nakabangga sa akin at ninakawan ko rin sa ospital. Paano siya nakapasok at Paano niya ako natuntun? Bigla akong napa-atras at napakapit pa ako sa hamba ng pintuan nang kinasa niya ang hawak niyang baril at itinutok sa ‘kin. “Move… and you’re dead!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.7K
bc

Dangerous Spy

read
297.4K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.1K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.4K
bc

EASY MONEY

read
174.0K
bc

YOU'RE MINE

read
893.1K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
195.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook