bc

The Billionaire's Choice

book_age18+
14.5K
FOLLOW
110.4K
READ
billionaire
contract marriage
age gap
CEO
comedy
sweet
bxg
city
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Will you dare to fool a billionaire?

WARNING R18+ This story includes vulgar words, mature, and violent content.

Si Magnolia Mijares ay kilala bilang isang magaling na con artist. Isang araw ay binayaran siya upang magpanggap bilang si Charlotte—isa sa mga pagpipilian na bride ng bilyonaryo na si Hector Santiesteban.

Hindi inaasahan ni Magnolia na siya ang pipiliing pakasalan ni Hector.

Malalaman kaya ni Hector na nagpapanggap lang si Magnolia? Anong mangyayari sakanilang dalawa?

chap-preview
Free preview
Simula
"Mom and Dad, siya po ang girlfriend ko," tinignan ako ng lalaki na parang ako ang pinaka-magandang babae sa buong mundo. "Si Rosalie." "Good evening po, Mister and misis Roxas. Ako po si Rosalie Quintero," I smiled to the oldies. Con artist. A person who tricks people in order to get some money. "Oh? May girlfriend talaga ang anak ko?" Tanong ni Mr. Roxas. Nagdadalawang isip. "Pasensya na po, ilang beses akong sinabihan ni Roger na pumunta... Pero wala pong masyadong oras," I started to act. "My schedule are really full po. I have business with the Tans'—" "Tan?" Napahinto ako. Parte ng script. "Yes, the Tan po." Ngumiti ako. Nagkatinginan ang dalawang matanda at tumango-tango. "So where do you work?" "I am the team manager of La Israel," I told them. Biglang nanlaki ang mga mata nila at tumango. "So you really have a girlfriend, anak! Akala ko talaga ay wala!" Halos isang oras din akong ngumiti at nakipag-kwentuhan. Nakakangawit nga at purong tanong sila about sa kumpanya! Mabuti ay nag-research ako. Worth it ang basa ko ng script kagabi dahil wala akong nakalimutan sa acting namin nitong si Roger. Matapos ang dinner ay nagpa-iwan kami ni Roger. He smiled to me. "Kinabahan ako doon ha," he sighed. "How did you get all the infos about the company?" Inirapan ko ang bakla. "Duh ako pa? I did my research 'no," tawa ko. Humagikgik sa'kin ang lalaki—or should I say gay... "You did great! Tama nga ang ni-recommend sa'kin ni Rowie! You're such a great pretender!" Oh. Si Rowie pala ang nagbigay ng contact ko sakanya. Hays! Nakakailang pagpapanggap na ako na girlfriend ng mga bading ha! But I smiled to his compliment. Yes. I am a very good pretender. Iyon ang nagpapalamon sa'kin at iniaahon ako sa hirap. "Kaya dagdagan mo ang bigay mo," inilapat ko ang palad. Tumawa si Ethan. "Of course girl," aniya at inilabas ang fifteen-thousand sa bag. "Thanks sa help, girl. I'll recommend you too others!" Pagkatanggap ko ng pera ay mabilis kong niyakap 'yon. Easy money! "Hays, nakakapagod na maging girlfriend niyong mga bakla ha!" Asar ko dito. Humalakhak si Ethan. "Nakakapagod din mag-panggap," he remarked. "Siguro iyong akting mo sapat na para sa ilang taong pangungulit nila. I need to go, MM. Good night!" "Yown. Welcome. Salamat!" Paalam ko kay Ethan. "Alam mo na Ethan ha? Huwag mo akong hahanapin. Hindi ako tumatanggap ng mga naging kliyente ko na!" "Oo na girl! Sige una na ako! Take care!" Bago umalis sa kinauupuan ay tinignan ko ang malulutong na pera sa kamay. "Yon naman. May masarap na ulam na naman ako today!" Ngisi ko. Nag-iisip rin ako mag-shopping. Umalis na ako sa table at pumunta ng comfort room. Tinignan ko ang sarili sa salamin. "Galing ko talaga, ang ganda pa." I just said in the mirror. Ethan bought me a white dress, gold pins and necklace. Mukha akong maamong babae ngayon. Nakakatawa lang. Rosalie Quintero? I don't even know her. Ang pagkatao na ito ay peke—at ginawa para bayaran ako. Tinanggal ko ang mamahaling kwintas at bracelet. Pwede ko pang ibenta 'to o isangla. Or gamitin ulit para sa bagong katauhan. Kinuha ko ang bag na dala ko at humugot ng white shirt roon. Ibinaba ko rin ang pants ko dahil naka-roll lang naman 'yon sa ilalim ng dress. Ang lamig-lamig sa restaurant tapos pinag-dress ako ng hayop na 'yon? Tsk! Hirap maging girlfriend ng mga bading! Ang daming tanong ng magulang! Nang matapos magbihis ay tuluyan na akong umalis sa building. Sakto naman at may namesteng tumawag sa'kin. "Hello!" "MM, kamusta raket?" Tanong ni Gio. Isa sa pinakamagaling na con artist na kilala ko. "Tapos na, bakit? May bago ba diyan?" "Oo. CEO ng kumpanya. Trenta-mil ang bayad," he told me. Mahirap 'yang acting na 'yan. CEO? Iyong leader ng mismong kumpanya? "Milyon?" Napahinto ako sa paglalakad. "Bobo! Trenta-kyaw lang!" "Pangit ng bayad. Mahirap ang role. Tapos hati pa tayo?" "Ito naman, pwede natin kausapin 'yong naghahanap—" "Ayoko—" "MM! Makinig ka muna! Malaki ang kikitain natin dito. Ikaw lang ang matinong mukha na kilala ko kaya ikaw ang tinatawagan ko," sigaw nito sa kabilang linya. "Maghanap ka pa kasi ng babaeng marunong manloko," I sighed. "Malay mo pasado ex-girlfriend mo? Ipasok natin siya—" "Tanginang 'to! Ano nga!" Sigaw nito. "Hoy, ikaw ang may kailangan sa'kin ha!" Huminto ako at naghanap ng taxi. Susyal ako ngayon at mahirap ng mag-commute. Baka mawala pa sa'kin ang fifteen kyaw. "Ano nga MM?" "Mamaya, pag-usapan natin pag dating ko!" I shouted and hang my phone. Sumakay ako sa taxi at napasinghap. Tatanggapin lo ba 'yon? Mahirap kasi um-acting na CEO. Ma-trabaho at delikado. Pero trenta kyaw kasi ang kikitain. Isa pa, pwede pa daw tumaas. Nang maka-uwi ay binabati ako ng mga walang magawang tambay sa paligid. "MM! Shot tayo diyan!" "Kung kayo ang shotin ko diyan?" Tanong ng tatay ko. Napangiti ako at niyakap si Papa. "Pa! Bakit ka nasa labas? Mahamog na!" "Bakit ba? Hinihintay ko ang pinaka-maganda kong anak!" Giliw na giliw sa'kin ang tatay ko at pinisil pa ang pisngi ko. Nang makarating sa maliit at hindi pa tapos naming bahay ay mabilis akong nag-kwento kay Papa. "Sino ka naman ngayon?" "Rosalie Quintero, team manager ng La Israel!" I chuckled. "Kung nakita mo lang, Pa! Paniwalang-paniwala sila na girlfriend ako ni bakla!" Ngumisi si Papa at umiling. Naghanda na ako ng isda—bilang pagkain niya at insulin para sa diabetes niya. "Kamusta na ang mata mo pa?" I asked. "Okay naman anak," he lied to me. Alam ko namang hindi na siya masyadong nakakakita. Lahat ng ito—ang pagiging con artist o scammer ko... ay para sakanya. Oo mali. Oo, alam kong ayaw ni Papa para sa'kin 'tong landas na tinatahak ko. Pero ayaw ko siyang mawala. Si Papa na lang ang mayroon ako. At mahal ang pagpapagamot ng may diabetes. Ngumiti sa'kin si Papa. Alam ko ang ganyang ngiti! "Papa!" Inunahan ko siya. "Subukan niyong mag-sorry! Hindi mo kasalanan kung bakit 'di ako nag-college, bakit nagkaganito ako—ito ang pinili ko. At wala akong pinagsisisihan kasi ito ang bumubuhay sa'tin," I smiled. "Pasensya na talaga anak... At hindi ko naibigay ang pinangakong buhay..." Ngumiti ako at tumawa. "Hayaan mo, Pa. Ako ang gagawa ng paraan para magkaroon tayo ng pinangako mong buhay."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

His Obsession

read
70.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook