bc

The Escort

book_age18+
1.5K
FOLLOW
8.2K
READ
drama
like
intro-logo
Blurb

Simula pagkabata ay namulat na sa kahirapan ng buhay si Carmella, lumaki siyang walang kinagisnang magulang. Tanging ang kanyang tiya Elvira at ang pamilya nito ang kinalakihan niyang pamilya, ngunit hindi pamilya ang turing ng mga ito sakanya. Hindi niya naramdaman na trinato siya bilang parte ng pamilya. Bagkus ay puro pagmamalupit ang naranasan niya sa mga ito. Hanggang sa isang gabi ay pinagtangkaan siyang pagsamantalahan ng asawa nang kanyang Tiya Elvira at nadatnan sila nito sa isang kwarto. Sinubukan niyang magpaliwanag sa kanyang Tiya Elvira ngunit hindi ito naniwala sa kanya. Mas pinaniwalaan nito ang asawa. Walang awa siyang tinaboy nang kanyang Tiya Elvira, pinilit niyang magmakaawa sa mga ito ngunit hindi siya pinakinggan.

Saan kaya siya dadalhin ng kanyang mga paa? Anong kapalaran ang naghihintay sa kanya ngayong wala na siya sa pamilyang kinagisnan niya?

chap-preview
Free preview
Chapter One
Habang pinagmamasdan ni Carmella ang dalawang batang paslit na naglalaro sa kanilang hardin ay hindi niya maiwasang ngumiti. Tumakbo papalapit sa kanya ang dalawang batang limang taong gulang.  ‘’Mommyyy!’’ sigaw ng batang babaeng papalapit sa kanya habang nakasunod naman ang isa pang batang lalake. Tumayo si Carmella mula sa pagkaka-upo upang salubungin ang dalawang batang nag-uunahan na lumapit  sa kanya. ‘’Yehey! Ako ang nauna,’’ tuwang-tuwa na wika ng batang lalake. ‘’Mommy ang daya ni kuya,’’ nakangusong maktol naman ng batang babae. Tumatawang niyakap ni Carmella ang dalawang bata, at saka ito hinalikan sa noo. ‘’Gutom na ba kayo?’’ tanong niya. ‘’Yes Mommy,’’ sabay na sagot ng mga anak niya. ‘’Okay. Sige maupo muna kayo rito at kukunin ko lang sa kusina ang cookies na ginawa ko,'’ sabi niya sa dalawang bata. Sa nakalipas na mga taon, sa kabila ng lahat ng nangyari sa kanyang buhay ay masasabi niyang masaya siya ngayon dahil sa dalawang anghel na dumating sa buhay niya si Jerrie at Garrie, ang kanyang kambal. Ilang sandali lang at binalikan niya ang mga ito sa hardin dala ang mga cookies na ginawa niya para sa mga ito. ‘’Here’s your cookies,’’ nakangiting inanunsyo ni Carmella habang papalapit sa kambal niya. ‘’Hmmmm! It looks yummy.’’ Tuwang-tuwa na inamoy ni Jerrie ang cookies na nasa tray. ‘’Of course. Mommy baked that,’’ sagot naman ni Garrie. ‘’Oh, sya! 'Wag na kayong mag-argumentong dalawa. Kumain na kayo,’’ sabi niya sa kambal. Habang pinapanood niya ang kanyang kambal na tuwang-tuwa na kumakain ay may saya sa dibdib ni Carmella. Ang kanyang mga anak ang tanging mayroon siya at hindi niya kakayanin kung mawala ang mga ito sa kanya. Simula pagkabata ay puro hirap na ang nakagisnan niya kaya ayaw niya maranasan ng kanyang mga anak ang naranasan niya noon. ‘’Mommy why aren’t you eating?’’ tanong ng batang lalaki  na si Jerrie dahilan kung bakit naputol ang iniisip ni Carmella. ‘’H-Huh? What did you say baby?’’ tanong niya. ‘’I said why are you not eating,’’ inulit ni Jerrie ang sinabi nito. ‘’Oh, I heard.Hmmm... okay. Can I have some baby?’’ tanong niya na kunwari na humihingi sa anak niya. ‘’Of course, Mommy. You can have some. You made all these cookies, right Garrie?’’ baling ni Jerrie sa kakambal nito na si Garrie na walang pakialam sa pinag-uusapan nila dahil abala ito sa paglantak ng cookies na nasa harap nila. ‘’Garrieeee! You ate all the cookies.’’ hiyaw niya sa kapatid. ‘’It’s okay Jerrie, I can make cookies again,’’ saway niya kay Jerrie dahil mukhang nagsisimula na itong mainis sa kakambal niya. ‘’But mommy!’’ sagot nito. ‘’Come on Jerrie, eat your cookies kung ayaw mo na ubusan ka ng iyong kapatid,’’ sabi niya sa anak. Tumahimik naman si Jerrie at muling hinarap ang cookies na kinakain ng mga ito. Minsan hindi maiwasan ng kambal na hindi mag-away dahil si Garrie ay may pagkasutil ngunit malambing naman ito. Siguro ay natural na sa isang batang lalaki ang makulit paminsan-minsan. Then, naalala niya bigla noong pinagbubuntis niya ang mga ito ay nahihirapan siya dahil maselan siya ngunit kinaya niya ito. Pinanganak niya na normal delivery ang kambal kahit na ang sabi ng doctor ay hindi niya kakayanin. Sa kabila ng pagiging tahimik at masayang buhay ang mayroon sila ngayon ay hindi pa rin niya maiwasan na maalala ang kanyang nakaraan. Lalo pa at ang nakaraan na iyon ay parte ng pagkatao ng kanyang mga anak. Paano kung isang araw ay hanapin ng kambal ang kanilang ama? Paano niya ipapaliwanag sa mga ito na iniwan  siya noon at hindi nito alam na buntis siya. ‘’Mommy are we going to the farm today?’’ tanong ni Garrie na tapos ng kumain. Ang farm na tinutukoy ni Garrie ay ang taniman nila ng mga strawberry at gulay. May mga bulaklak din na nakatanim doon. ‘’Hmmm! Hindi muna siguro anak dahil mukhang uulan,’’ sagot ni Carmella sa anak at tumingala  upang tingnan ang nagdidilim na  kalangitan. ‘’But we want to pick flowers, Mommy,’’ si Jerrie naman ang nagsalita. ‘’I know, sweetie. But it’s going to rain. Hmmm…kung gusto niyo we can ask Nanay Josie to pick flowers for us. What do you think?’’ tanong niya sa mga anak. ‘’Okay mommy,’’ sabay na sagot ng kambal. Ngumiti siya at niyaya na ang kambal na pumasok sa loob ng bahay bago pa bumagsak ang nagbabadyang ulan. Gaya ng dati ay muli na naman nag-uunahan na tumakbo ang kanyang mga anak papasok ng bahay. ‘’Garrie, Jerrie, careful!’’ sigaw niya sa kambal. ‘’Yes, Mommy,’’ sabay na sagot  ng dalawang bata. Hay! Ang mga batang ito, sa isip-isip ni Carmella. Pagpasok na pagpasok pa lang nila sa loob ng kanilang bahay ay doon naman bumuhos ang ulan. Tinungo ni Carmella ang sala upang  sindihan ang fireplace dahil malamig ngayon at dahil malapit ng mag-disyembre. Nasa bundok sila ng La Presa Benguet at mas malamig ang klima doon kaysa sa patag. Bumababa lang sila sa bayan  kapag bibili sila ng mga kailangan nila sa bahay at kapag ibababa ang mga ani nilang mga gulay at strawberry upang ibenta. Tahimik ang buhay nila ng kanyang mga anak. Hindi man sila nakatira sa patag ngunit kuntento naman ang kambal  kahit na malayo sa kapatagan. Pagkatapos niyang sindihan  ang fireplace ay nagtungo siya sa kusina upang maghanda ng kanilang tanghalian. Habang abala sa paghahanda si Carmella ng kanilang tanghalian ay pumasok si Nanay Josie. ‘’Nay! Nandyan na pala kayo,’’ bati ni Carmella sa matanda at nagmano. ‘’Kaawaan  ka ng Diyos anak. Nasaan ang kambal?’’ tanong ng matanda. ‘’Tignan niyo na lang po sa kwarto nila, Nay,’’ sagot naman niya. ‘’Oh, sige. Pupuntahan ko muna ang kambal,’’ sabi ng matanda bago tinungo ang kwarto ng mga bata. Si Nanay Josie ang nagsilbing pamilya niya noong panahon na  kailangan niya ng pamilyang masasandalan. Siya rin ang tumulong sa kanya noon nang napadpad siya sa Baguio. Hindi niya alam ang gagawin niya noon. Hindi rin niya alam kung saan siya pupunta dahil walang-wala siya. Doon naman niya nakilala si Nanay Josie. Tinulungan siya at pinatuloy sa bahay niya. Isang buwan na siyang nakatira kay Nanay Josie nang malaman niya na nagdadalang-tao siya. Hindi niya alam noon ang kanyang gagawin pero ginabayan siya ni Nanay Josie sa kanyang pagbubuntis. Tinuring siyang tunay na anak dahil wala na siyang pamilya o kamag-anak man lang. Ang bahay na tinitirhan nila ay pag-aari ni Nanay Josie. Tinulungan niya na palaguin  ang lupang pag-aari niya. Dahil sa malaking utang na loob niya sa matanda ay pinagbuti niya ang pagpapalago sa maliit na lupain nito na pinagtataniman lamang noon ng gulay. Pero sa nakalipas na mga taon ay lumawak, lumaki at lumago ito ng husto. Ang dati’y gulay lang ang tinatanim, ngayon ay may mga strawberry at iba’t-ibang klase ng bulaklak ang tinatanim sa lupain ni Nanay Josie. Ang sabi ni Nanay Josie ay sa kanila rin daw mapupunta ang lupain niya dahil siya daw ang mas nagpalago.  Narinig niya mula sa kwarto  ang boses ng kambal niyang anak na tuwang-tuwa pagkakita sa matanda na nagpangiti sa kaniya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
127.4K
bc

Stubborn Love

read
98.5K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.6K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

OSCAR

read
224.9K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
240.9K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
414.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook