bc

Marrio, The Playful Heart (Complete)

book_age16+
763
FOLLOW
1.8K
READ
playboy
independent
comedy
humorous
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Stressed-out si Lemuella Mahinhinon habang sakay ng bus. Nakikita kasi niya sa isip si Kamatayan na sumasayaw ng "Trumpets" habang nag-aabang ng perfect chance para tagpasin ang kanyang leeg. Tsismis iyon sa buong angkan nila—ang maagang pagkatsugi ng mga babaeng virgin. At una siya sa pila.

Saklap, bes!

Ang matandang katabi ni Lemuella sa bus, mukhang napapanaginipan din si Kamatayan—binabangungot yata kaya ginising niya. Natuwa ang matanda na nagpatawag ng Lola Pinang. Inalok siya nito ng kakatwang trabaho. Babayaran siya ni Lola Pinang kapalit ng pagiging companion nito sa isang resort. Cold cash ang bayad kaya kahit hesitant ay pumayag si Lemuella.

Pero miyembro yata ng sindikato ang matanda at ibinenta siya sa DOM. Nagising kasi siya na may nangyayakap at nanghahalik sa kanya habang nasa ilalim ng kumot!

Itinulak niya ang "DOM," saka lumayo. Nagulat pati kaluluwa niya nang makitang sariwa at hindi bilasang isda—este, DOM ang nasa sahig. Guwapong-guwapo, machong-macho, at ang bango-bango!

Biglang may pumasok sa isip ni Lemuella kung paano maiwawala ang virginity at makakatakas sa sumpa. Inalok niya ng one-night stand ang sariwang macho.

Ang problema, tinawag siyang "Sisa" ng impakto. Virgin din daw ito kaya pakasalan muna niya bago sila mag-do.

Lagot na si Lemuella. Nauubos na ang oras niya!

chap-preview
Free preview
One
"Ellah?" Ang boses ang gumising sa kanya. Huminto rin ang paghakbang niya. Saglit na naguluhan si Lemuella kung totoo ang boses o hindi. Lumingon siya—at nakita niya si Marrio, nakasandal sa tagiliran ng kotseng naka-park pala sa tapat ng bahay nila. Sa lalim ng iniisip ay hindi na siya aware sa paligid. Nagtama lang ang mga mata nila. Wala siyang reaksiyon kundi pag-awang ng bibig lang. Hindi handa si Lemuella. Lalong hindi pa pala handa ang puso niya sa pagkikitang iyon. Hindi rin nagsalita si Marrio, tinitigan lang siya. Pero mayamaya, naging malinaw ang emosyon sa mga mata nito. Hindi niya alam kung ano ang emosyon na iyon. Ang sigurado lang ni Lemuella, parang tumawid sa kanya ang kung anumang bigat na dala ni Marrio. Pero ang mas ikinagulat niya ay nang maging misty ang mga mata nito...at paisa isang nalaglag sa pisngi nito ang luha nang sumunod na segundo. Kung hindi handa si Lemuella na makita ang lalaki sa Pugad Agila, lalong hindi siya handang makita ito na ganoon—na parang sobrang nasasaktan. Nakita na lang niya ang sarili na tinawid ang distansiya sa pagitan nila at niyakap si Marrio. Na-realize niya, sa kabila ng mga hindi magagandang eksena sa pagitan nila, hindi pa rin pala niya kayang tiisin ito. Hindi niya kayang tingnan lang na nasasaktan. Mahigpit na mahigpit ang naramdaman niyang pagtugon ni Marrio ng yakap. Wala sa kanilang dalawa ang nagsalita. Mahigpit lang nilang yakap ang isa't isa. "May nangyari ba, Em?" tanong ni Lemuella, hinahagod na niya ang likod nito. 'Em' ang parang naging endearment niya rito. As in 'M'—na tawag rin dito ng best friend na si Jamir. "Wala na naman sa mga babae mo ang may gustong samahan ka kaya ako ang naisip mo?" Lagi namang ganoon. Siya ang naiisip ni Marrio sa mga pagkakataong walang mapuntahan. Siya ang huling option lagi. Hindi alam ni Lemuella na hanggang ngayon pala ay okay lang sa kanya ang ganoong role sa buhay nito. Kung hindi, ano ang ginagawa niyang iyon? Hindi ba at binibigyan niya ng dahilan si Marrio para paulit-ulit na bumalik? Ang dapat niyang gawin ay itaboy ito—masaklap lang na hindi niya iyon kayang gawin. Walang sagot si Marrio. Hinagod lang buhok niya. Nanibago siya sa katahimikan ng lalaki. Ang natatandaan ni Lemuella, ganoon lang ito sa mga gabing gustong matulog nang tahimik—sa tabi niya. Sa mga ganoong moment lang hindi nakikipag-argumento si Marrio Debil a.k.a MD Greech. Moment iyon na hindi nito gustong umalis sa tabi niya. "Come home, El," ang narinig niyang sinabi ni Marrio. "El" naman ang tawag nito sa kanya tuwing naglalambing sa kama. Bagay nga daw silang mag-asawa, 'El at Em', pambobola pa nito madalas sa kanya pero ang gusto lang naman talaga ay s*x. Natigilan si Lemuella, nagsalubong mga kilay. Nalito bigla. Ano'ng home-home ang sinasabi nito? "H-Home saan?" balik niya. "Sa condo? Tapos na'ng usapan natin—" "Ang usapan natin, oo. Ang kasal, hindi," mariin na sinabi nito. Nakaawang ang labi na napatingala si Lemuella. "Asawa mo ako, El." pagdidiin pa ni Marrio. Iba ang emosyon sa mga mata nito. Unang beses niyang nakita. Wala ang dating kislap o kahit ang nang-iinis na tingin. Seryoso ang titig ng bruho. Ano na naman kaya ang naiisip nitong gawin? "Magpa-file ako ng annulment," ang sinabi ni Lemuella. Wala nang dahilan para patulan niya ang kung anumang naiisip gawin nito para mapabalik siya. "Hinihintay ko lang ang panggastos—" pinatahimik na siya ng halik nito. Okay. Oo na. Ang hirap lang talagang i-resist ang halik ni Marrio. Nalunod na naman agad siya. "Hindi ako pipirma," ang ibinulong ni Marrio matapos iwan ang shocked niyang lips. "Kahit magsayaw ka ng hubad sa harap ko." "Baliw—" "Yes, I'm getting there," agaw nito. "At mas mababaliw pa ako kung hindi ka sasama sa akin. I'm losing grandma and I'm losing you..." Mas umawang ang bibig ni Lemuella. "Ano'ng sinasabi mo? May...may nangyari kay Lola Pinang?" A year ago... HAH! Dadaan ka muna sa mga bilbil ko bago mo matagpas ang leeg ko, Kamatayan! Nakasandal sa kinauupuan sa bus si Lemuella 'Ellah' Mahinhinon. Biyaheng Maynila ang bus. Nasa pinakaunang upuan siya nakapuwesto. Hindi puno ang bus nang umalis ng Pugad Agila. Senior citizen na ang katabi ni Lemuella, hindi niya alam kung saan galing at mukhang puyat. Bago siya nagdesisyong umidlip ay kung saan saan bumabagsak ang ulo ng matandang babae na katabi niya. Luma ang mahabang damit ng matanda pero pang donya ang kinis ng balat at kulay ng buhok. Naka-make up din ito. Bakit kaya nasa bus kung donya? Bumagsak na naman sa harap ang ulo ng matanda—sinalo na iyon ni Lemuella. Maingat niyang isinandal sa kanyang balikat. Naalala niya si Lola Meryan at Lola Enriquetta rito. Kung tama siya ay hindi nalalayo ang edad nito sa dalawang Mahinhinon Lolas. Nasa pagitan ng seventy to eighty. Saan kaya pupunta ang matanda at nagba-biyahe mag-isa? Hindi pamilyar ang mukha nito. Hindi ito taga-Pugad Agila, sigurado siya. Napansin din ni Lemuella ang mga bagong mukha sa bus. May mga lalaki pang mukhang mga bodyguards ang dating. Mga turista yata. Nang maramdaman ni Lemuella na payapa na ang matanda sa balikat niya, siya naman ang pumikit para umidlip. Pero paano nga naman siyang iidlip kung si Kamatayan na may dalang karit at nagsasayaw ng Trumpets ang nakikita niya sa isip? Pasayaw sayaw ang itim na pigura habang hawak ang karit at hinahabol siya! Nagpigil lang si Lemuella na umungol nang malakas. Ilang taon na ba niyang bangungot ang eksenang iyon sa isip? Matagal na. At ang dahilan ang sumpa daw sa mga Mahinhinon—ang mapait na kamatayan ng mga virgin! At isa siya sa mga virgin sa henerasyong iyon. Hindi siya ligtas sa karit ni Kamatayan. Nakakaasar lang. Thirty ka na nga at virgin, mamamatay pa? Nasaan naman ang hustisya? Pero totoo man o hindi ang sumpa, kailangan niyang kumilos na rin. Si Macaria, ang pinsan na isa ring virgin ay naunang umalis ng Pugad Agila. Hindi man inamin, alam ni Lemuella na isa lang ang misyon nito sa pag-alis—ang itapon ang virginity. Ang naiwan lang sa Pugad Agila ay si Diosa, ang isa pang pinsan na virgin din pero hindi naniniwala na totoo ang sumpa. Mas iniisip nitong tsismis lang ang banta sa mga buhay nila. Sana lang talaga, tama si Diosa na tsismis lang. Kapag nagkataong totoo, mauunang mamamaalam sa mundo ang pinsan. Hindi siya matutuwa kapag nangyari iyon. Parang kapatid na niya si Diosa, ganoon rin si Macaria. Biglang napadilat si Lemuella nang umungol ng malakas ang matandang nakahilig sa balikat niya. Mahigpit ang naging pagkapit nito sa kanyang braso. Ilang segundong napanganga muna si Lemuella. Gulat at nalito. Pero nang makitang nakapikit pa rin ang matanda, naisip niyang nananaginip siguro. "Lola?" hinawakan ni Lemuella ang kamay nito na nakakapit sa braso niya. "Lola?" mas malakas. Sa tingin niya ay hindi maganda ang panaginip ng matanda kaya umuungol. Kailangan niyang gisingin ito. Hinawakan ni Lemuella ang kamay nito, kasunod ang braso—sa wakas ay kumilos ang matanda, dumilat at tumutok sa kanya ang mga matang katibayan ng panahong lumipas sa buhay nito. Ngumiti si Lemuella. "Nananaginip po yata kayo," sabi niya. "Umuungol kayo, Lola." Ilang segundong tumingin lang ang matanda sa mga mata niya. Napaisip din yata. Mayamaya ay tumango. "Puwede po kayong matulog uli," dugtong ni Lemuella. "Sa balikat ko na lang po ang ulo n'yo para hindi kayo mahirapan." Kitang kita ni Lemuella ang pagngiti nito. "Salamat, hija," sabi nito. "Lola Josefine o Pinang na lang. Ano ba'ng pangalan mo?" "Ellah po." "Ellah?" "Lemuella Mahinhinon po." "Lemuella Mahinhinon," ang matanda at tumango. "Saan ba ang punta mo, hija?" Natigilan si Lemuella. Ang totoo ay hindi niya alam kung saan siya pupunta. Sa Maynila ang biyahe ng bus pero wala siyang alam na pupuntahan sa Maynila. Umalis siya ng Pugad Agila na walang plano. Basta itapon lang ang virginity. Kumusta naman iyon? Mag-a-ala pick up girl ba siya sa kung saan mang kanto para lang magpa-devirginize? Ang saklap talaga ng kapalaran nilang magpipinsan. "Sa terminal ng bus, lola," ang wala sa loob na nasabi niya. Mayamaya ay nakaisip ng idudugtong. "Maghahanap po ng trabaho sa Maynila." "Saan sa Maynila?" na-curious yata ang matanda. "May trabaho na bang naghihintay sa 'yo, hija?" Na-realize ni Lemuella, ang hirap palang sumagot ng mga tanong kapag nangangapa siya ng sasabihin. Lutang lang ang peg niya. At ang matanda naman, sa kung anong dahilan ay parang interesado na sa buhay niya kaya ang daming mga tanong. "Wala pa po, eh." "Gusto mo ba ng tubig, hija?" "T-Tubig po?" "Resort ang pupuntahan ko. Baka gusto mong sumama sa akin? Wala kang gagawin kundi samahan lang ako sa beach. Bibigyan kita ng cottage na pahingahan. Hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon at walang pakialam sa akin ang pasaway kong apo," sabi ng matanda. "Ten thousand, hija, kapalit ng dalawa o tatlong araw na sasamahan mo ako." Napamaang si Lemuella sa matanda. Ten thousand? Mabilis ang calculator sa isip niya. Ten divided by three. Nasa katinuan kaya ang matanda? Nag-o-offer ng trabaho sa isang kapwa pasahero sa bus? Donya nga yata ito! Pero bakit nasa bus? Hindi kaya miyembro ng sindikato? Baka nangingidnap ng mga babae at ikinukulong at ginagawang p********e! "Saan po ba ang resort na pupuntahan n'yo, Lola?" "Sa Nasugbu lang," At kasunod na binanggit nito ang pangalan ng resort sa Batangas. Agad tinandaan iyon ni Lemuella. Maingat na inilabas ang cell phone at nag-text sa kapatid. Hindi naman mukhang bugaw ang matanda na ibebenta siya sa DOM, hindi siya dapat magtiwala sa bagong kakilala. Baka naman expertise pala nito ang magpanggap na nanghihinang matanda pero ang totoo, reyna ng sindikatong nangingidnap ng mga babae. Saan ko ba napanood iyon? Hindi nagsalita agad si Lemuella. Napatitig lang sa matanda. Tanda niya ang bilin ni Lola Enriqueta. Sa mga ganoong pagkakataon daw, lagi nilang pagkakatiwalaang magpipinsan ang instinct. Kung may hindi raw magandang pakiramdam sa isang sitwasyon, pakinggan ang munting bulong na iyon. Wala naman siyang maramdamang hindi maganda. "Hindi ako masamang tao," sabi ng matanda, nahalata yata na nag-aanalyze siya. "Hindi kita pipilitin. Naisip ko lang na baka kailangan mo ng tulong at ako naman ay kailangan ng kasama sa resort. Para naman may makausap ako habang naghihintay sa sutil kong apo." I-google mo, bilis! Text mo agad sa akin kung meron nga at kung tama ang address. Textback ASAP, Loy! Ang text niya sa kapatid kanina. "Sige po," sabi ni Lemuella sa matanda. "Pag-iisipan ko, Lola Pinang." "Sige, hija. Matutulog rin muna ako." Napangiti na lang din si Lemuella nang parang mag-lola talaga sila nang kumilos ito para humilig sa balikat niya. Bago mag-fifteen minutes, dumating ang text ni Loloy. Positive, Ate! May resort na ganoon sa Nasugbu at tama ang address. Ah, hindi sindikato si Lola, sa isip ni Lemuella. Nag-text back siya. Doon ako pupunta. Kapag may nangyari sa akin, sa resort na iyon ako malamang kinidnap. Ituro mo sa mga pulis. Ok? Walang kikidnap sa 'yo, Ate! Ayaw nila ng babaeng mataba. Hahaha! Baliw ka! Peace! Bantayan mo si Tatay! Napailing na ibinulsa uli ni Lemuella ang cell phone. Pasaway talaga ang kapatid niya. Imbes na mag-alala, nilait pa siya! Hindi siya mataba. May laman lang siya. May obvious na 'future' at oo, sige na, may bilbil din siya! Bakit ba? Eh, sa mahilig siya sa extra rice at tamad mag-exercise! Pero hindi siya mataba! Chubby lang. Tulog na ang matanda pagbaling ni Lemuella.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
69.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
66.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
84.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook