bc

The Dangerous Deal

book_age16+
17.9K
FOLLOW
101.4K
READ
billionaire
family
age gap
second chance
playboy
CEO
maid
comedy
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Life has never been easy for Alexa Margarette Santiago. Iniwan sila ng ama para sa ibang babae at nagpakamatay ang ina dahil sa depresyon.

Simula noon ay naging mantra na niya sa buhay na dapat siyang makapagtapos ng pag-aaral. Pinagsabay niya ang trabaho at pag-aaral sa kagustuhan na hindi maging pabigat sa mga kamag-anak.

Isang araw, nakilala niya si Magnus Montecillo dahil sa raket na inialok sa kanya ng isang kapitbahay.

Pero ang part time cleaner na dapat sana ay trabaho lang ni Alexa ay nadagdagan nang pinagpanggap siya nitong girlfriend sa harap ng isang kaibigan. Hanggang sa ang pagpapanggap ay nauwi sa totohanan at humantong sa biglaang pagpapakasal ng dalawa.

Basta na lamang kasi siyang hinila ni Magnus sa ninong nito para magpakasal bago lumipad si Magnus patungong New. Ngunit sa pagbabalik niya ay mauungkat ang isang lihim na maghahatid ng sobrang galit kay Alexa.

Paano niya tatanggapin na ang ina pala ni Magnus ang dahilan kung bakit sila iniwan ng ama na dahilan din para magpakamatay ang ina?

Sapat ba ang pagmamahal para kalimutan ang nakaraan? O mas mananaig ang galit sa puso niya?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Ladies and gentlemen, we have just landed at Philippine International Airport, AirAsia Airlines welcomes you to Manila." It's been six years. Anim na taon na simula nang lisanin ko ang bansa na aking kinalakihan. Marami na rin ang nangyari at nagbago. May mga taong nawala at dumating. Ngunit isang bagay lang ang hindi nagbago at nawala, 'yon ay ang pagmamahal ko sa aking asawa. Ang lalaking minahal ako ng higit pa sa kung ano'ng materyal na bagay at kayamanan ang meron siya. Ang lalaking ipinaglaban ako sa lahat pero nagawa ko paring talikuran. Ipinilig ko ang aking ulo. Heto na naman, nakakaramdam na naman ako ng sakit. Time will heal all wounds sabi nila. Pero kailan kaya 'yong time na 'yon? Kapag ubos na ako? Kasi kahit lumipas na ang maraming taon, paulit-ulit pa rin akong sinasampal ng katotohanan sa katangahang ginawa ko noon. Bakit ako biglang sumuko? Bakit hinayaan kong manaig ang galit sa puso ko? Bakit ko siya idinamay sa kasalanan ng iba na hindi rin naman niya ginusto? Hindi naman ako dapat nagrereklamo kasi ako naman ang may kasalanan ng lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Ako ang lumayo at hindi lumaban. Pinanatili ko ang saradong isipan at hindi nakinig sa mga paliwanag niya. Ako ang nagtulak sa kanya para layuan ako. Dapat maging masaya na lang ako para sa kanya dahil sa wakas, masaya na siya at nakabangon na mula sa sakit na idinulot ko. Kaya anong karapatan ko na magreklamo sa sakit na nararamdaman ko ngayon? Mahal ko pa rin siya pero huli na para ipaglaban pa ang nararamdaman ko. He's in a better arms now. He's with the girl that can give the love that he deserves. Three months ago nang ma-cover sa isang magazine sina Magnus at Hillary. They both look good together and very happy. And last week, I received an email from his lawyer about the annulment papers. Gusto na niyang tuldukan ang lahat. Napagod na rin siya sa kahahabol at kahihintay sa akin. I blinked back the tears and took a deep breath. Pasimple kong tinapik-tapik ang aking dibdib na nagsisimula na naman makaramdam ng sakit. Okay lang. . . okay lang. . . Magiging okay rin ako. Mapait akong ngumiti at humugot ng isang marahas na hininga. Tumunog ang cellphone na nasa loob ng aking bag kaya na-divert ang atensyon ko rito. Napangiti ako nang makita ang caller ID kaya agad kong pinindot ang answer button. "Hello? Oh, nasaan ka na? Akala ko ikaw ang susundo sa akin? Dadating ka pa ba o hindi na?" May bahid tampong tanong ko. "I'm sorry love, I can't make it, katatapos lang ng hearing ng kaso na hawak ko. Maghihintay ka pa ng matagal diyan kung ako ang susundo sa'yo. Pero don't worry, pinasundo na kita kay manong Rico." "Okay, sige na nga. Basta 'yong adobo at laing, ha? Naku, kakagatin kita kapag wala, makita mo," biro ko. Narinig ko ang tawa nito mula sa kabilang linya. "Nakahanda na ang pa-fiesta sa'yo mahal na diyosa. Ikaw nalang ang hinihintay. Magsawa ka sa adobo. Adobong baboy, sitaw, atay, talong, manok at lahat ng klase ng adobo na ipinaluto ni—" "Stop! Ang o.a naman ng puro adobo. Pero pinaluto nino?" Kunot-noo kong tanong. Saglit siyang natigilan. "Hmmm. . . Pinaluto ni lola Tasya. Alam mo naman 'yon, mis na mis ka na." Napangiti ako sa narinig. Kahit kailan talaga si Lola. Ilang sandali lang ay napatingin ako sa gawi ng mga taong naghihintay, mga sundo ng mga balikbayan na katulad ko. Nakita ko ang karatulang may pangalan ko na nakataas na hawak ng isang lalaking may katandaan na. Siguro siya 'yong sinasabi niyang manong Rico. "Howard, Love, narito na 'yong pinadala mong driver. Kita na lang tayo pag-uwi ko, ha?" Hindi ko na siya hinintay sumagot at agad na pinatay ang cell phone ko bago ibinalik sa bag. Kumaway ako sa matanda na agad naman akong nakita. Mabilis akong lumapit sa kanya at kinuha nito ang maleta na hila-hila ko. "Ma'am, kanina pa po kayo hinihintay ni Ser," nakangiti nitong wika. Napangiwi lang ako dahil sa bigote niyang umaabot na sa labi niya. Feeling niya yata ay siya si Mister Suwabe. Pero nangunot bigla ang noo ko. Hinihintay? Eh, katatapos lang namin mag-usap ni Howard, ah? Ipinag kibit- balikat ko na lang at nagsimula na kaming maglakad papunta sa sasakyan. Pinagbuksan agad ako ng pinto ng matanda pero natigilan ako nang makita kung sino ang nasa loob. Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko nang sandaling magtama ang aming mga mata. Parang tumigil ang ikot ng mundo ko. Ang mga bughaw na matang iyon. . . "Magnus?" "Welcome home, My Baby."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.4K
bc

My Godfather My husband

read
269.3K
bc

My virgin bedcretary ( COMPLETE )

read
1.2M
bc

The Professor's Wife

read
449.2K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.4K
bc

His Cheating Heart

read
40.8K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook