bc

Purely Business (Tagalog) - COMPLETED

book_age16+
23.0K
FOLLOW
244.0K
READ
forbidden
self-improved
confident
inspirational
CEO
boss
sweet
office/work place
childhood crush
first love
like
intro-logo
Blurb

Arthur Montecillo is the owner and CEO of The Bubblegum & Talents Company. He is dubbed as the Most Laid Back CEO in the planet dahil sa sobrang swabeng pamamalakad niya sa kanyang kumpanya, ang problema lang ay ang charm niyang makalaglag-panty na sa isang kindat lamang ay sasagot na lang ng OO ang mga babae kung sakaling yayain niya sa kama. Well, rumor has it that he's actually one-hell of an animal in bed at wala pang nabigong babae kung satisfaction lang naman ang pag-uusapan.

Jenna Elizabeth Reyes. Art hires her as his Executive Secretary. Aside from her credentials, maiintriga kasi ang binata rito during her interview. She's smart, yet, seems unaware of his charm dahil ito lang ang bukod-tanging hindi magpapa-cute sa tuwing kakausapin ng binata. She's a hardworker and a strong-willed woman, a trait na matagal nang hinahanap ni Art sa isang sekretarya, idagdag pa ang kagandahang taglay ng mukha at katawan nito.

Art is disappointed dahil hindi niya makuha ang gusto niyang special treatment mula kay Elizabeth na nanatiling civil at focused sa trabaho makalipas ang isang buwan. Because of that, he'll challenge himself, by hook or by crook, magiging kanya si Elizabeth. But there's a problem, siya kasi ang nahuhulog sa dalaga, and the current is drastically dragging him deeply to the almost-forgotten place called Love.

What will he do if he'll discover something linking her avoidance to her past? Will he still pursue her? How about his own past? How will it affect their relationship once they manage to set aside their differences? Or will it still hunt him like it used to?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
Nagmamadaling ibinaba ni Liz ang tangan na kahon sa tapat ng elevator bago sinagot ang nagri-ring na cellphone na nasa loob ng bulsa ng pantalon niya sa likod. “Hello?” hinihingal niyang sagot, pagkuwa’y nilingon ang kaibigang si David na noo’y papasok na ng building habang hila ang isang maleta sa kanang kamay at hawak naman ang flower vase sa kaliwang kamay. “Hello? Am I speaking with Ms. Elizabeth Reyes?” pormal na tanong ng nasa kabilang linya. “Yes, this is she. Who’s this?” tugon niya saka inginuso kay David na pindutin ang button ng elevator. “Oh, hi, Ms. Reyes. I’m Jazmine Arevalo, HR Director of Bubblegum & Talents Company. I came across your CV and I would like to invite you for an interview,” masiglang saad ng babae. Bagama't pormal ang tono nito ay ramdam niya ang gaan ng loob sa pakikipag-usap dito. “Oh, of course!” nakangiting sagot niya. Pinigilan niya si David sa pagpasok sa kabubukas pa lamang na elevator saka niya ito sinenyasan na hintayin siyang matapos sa pakikipag-usap sa telepono. Minuwestrahan niya ang kaibigan na pumunta muna sa gilid habang mataman niyang pinapakinggan ang iba pang detalye ng appointment niya para sa job interview. Pagkababa niya ng telepono, malapad na ngiti ang ipinukol niya kay David na matamang nakatingin sa kaniya. “That’s the third one, right?” paniniguro nito. Muli nitong pinindot ang button ng elevator at nang magbukas iyon ay ginamit ang paa para ipasok ang nasa lapag na kahon na ibinaba niya kanina. “Yeah,” sagot niya saka sumunod dito sa pagpasok sa elevator. “With my age, ang hirap na talagang maghanap ng trabaho rito sa Pilipinas,” aniya saka bumuntong-hininga at pinindot ang 7th floor. Mabuti na lang talaga at nagpasa siya ng resume niya online bago siya umuwi ng Pilipinas. At least, maghihintay na lang siya ng mga tawag mula sa mga kumpanyang pinagpasahan niya. Itinirik ni David ang mga mata bago siya tinaasan ng kilay habang paakyat ang elevator. “Bakit ka kasi nag-resign na babae ka? Ang ganda-ganda ng work mo sa Dubai, eh!” sermon nito. Nagtatampo kasi ito sa kaniya dahil itinaon niyang nasa recruitment drive sa India ang lalaki nang magpasa siya ng resignation with immediate effect at umalis ng UAE makaraan ang dalawang araw. Ni hindi siya nag-serve ng notice period na ipinakiusap niya sa boss niya. Hindi rin nito ipina-cancel ang residency niya sa UAE para just in case gusto niyang bumalik sa loob ng anim na buwan ay maaari siyang bumalik without going through new visa processing and medical again. Katakut-takot na sermon ang ibinigay ni David sa kaniya nang malaman nito ang ginawa niyang pagbibitiw ngunit wala na rin itong nagawa dahil alam naman nito ang sitwasyon niya. Nauna lang siya rito ng isang linggo ng pagdating sa Pilipinas dahil nagkaroon pa ito ng recruitment drive sa Nepal at Bhutan bago dumiretso sa Pilipinas para naman sa recruitment drive nito na gaganapin sa Makati at Davao. “You knew the reason why, David. Kailangan kong asikasuhin ang mga naiwan ng magulang ko bago tuluyang makamkam ng mga gahaman kong kamag-anak. I do not even know when the case will be over kung sakaling mag-file ako ng kaso. Isa pa, mas okay na rin iyon kaysa bumalik pa ako roon at makita na naman ang manyak na si Henry!” nakabusangot niyang wika patungkol sa Sales Director ng dating hotel na pinagtatrabahuhan niya. “You should have gone for a long vacation instead,” pairap nitong tugon saka ngumuso. She gave him a sweet grin then said, “As if.” Umiling na lang ito saka humugot ng hininga sa kawalan ng lakas na makumbinsi siya na magbago ang isip niya. “Hay naku, ewan ko sa ‘yo. Well, I know for a fact that you hate that p*****t pero sa totoo lang, kaya ganoon iyon, kasi, ikaw lang ang hindi pumatol sa feeling pogi na iyon,” malanding sambit nito na sinundan ng nang-aasar na tawa. “He definitely ended up in jail kung sakaling nakanti niya kahit dulo ng daliri ko nang gabing iyon. Sa tanda kong ito, hindi ako mangingiming bayagan siya at dalhin sa presinto!” mataray niyang saad. Naalala niya na naman kasi kung paano nagtangka amg lalaki na halikan siya noong staff party nila. Nakainom na ito at nang mapag-isa sila sa may buffet area ay umakbay ito sa kaniya at halos idikit na ang nguso sa pisngi niya. Mabilis niyang pinilipit ang daliri nito, dahilan para magbalik ang katinuan nito sa katawan. Hindi na ito nagtangka pang muling lumapit sa kaniya noong gabing iyon sa takot na saktan niya. But to her amazement, the very next day, he was so vulgar on telling everyone in the hotel how he adores her. The nerve! “Hay naku, girl! Just tell me kung gusto mong bumalik so I could terminate him immediately,” biro ni David. Well, hindi naman kasi mahirap para dito na tanggalin si Henry dahil hindi naman kaila kay David ang mga kabalastugang ginagawa ng lalaki sa loob at labas ng hotel nila. Her boss just gave Henry a chance kaya hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin ito roon. Pagtigil ng elevator sa 7th floor ay mabilis nilang inilabas ang mga gamit niya. Tinulungan pa sila ng isang lalaking sa palagay niya ay nasa early twenties siguro ang edad na noo'y naghihintay sa labas ng elevator. Mukha itong Japanese or Korean. Ngumiti lang ito sa kanila saka pumasok sa elevator. She heaved a sigh of relief nang mapagmasdan ang kabuuan ng unit niya pagkapasok nila ni David. Nagkalat na doon ang ilang kahon at mahahalagang gamit na naiwan sa kaniya ng kaniyang magulang na nauna nang i-deliver kanina ng moving company na nirentahan niya para magbuhat. Paalis na ang mga ito nang dumating si David mula sa Recruitment Agency. “OMG! Kapagod maghakot, girl!” daing ni David saka agad humilata sa leather coffee-colored sofa na may accent ng putting kulay sa gilid na nauna na niyang ipina-deliver noong isang araw kasama ng iba pang gamit sa sala pati na rin ang bedroom at kitchen set na pawang pinaghalong kulay kape at puti lahat. She likes the combination of the two colors. Simple yet elegant. “As if ang dami nating hinakot,” natatawang sambit niya dahil sa exaggerating remarks nito. Muli niyang iginala ang mata sa kabuuan ng unit saka nagpakawala nang malalim na hininga. When her father died three years ago because of a car accident in UAE, she and her mother went back there after burying her father in the Philippines. Since her father died, she transferred her mother's residency under her sponsorship to keep her mother at bay because she knew for a fact that her mother will be sadder and will miss her father more. However, her mother was forced to go back to the Philippines months after because of the legal issues pertaining to their property in the province. Nag-desisyon siyang bumili ng condominium unit para sa kaarawan nito magdadalawang taon mula nang pumanaw ang kaniyang ama. Balak sana niyang kumbinsihin ang ina na huwag nang makipag-agawan sa mga kamag-anak nitong gahaman sa kayamanan dahil ayaw niyang mas lalo itong ma-stress at maka-apekto pa sa kalusugan nito. Sa kasamaang palad ay inatake sa puso ang kaniyang ina dalawang araw bago sana ang surprise arrival niya sa Pilipinas, isang linggo bago ang kaarawan sana nito. She immediately changed her departure date and travelled to the Philippines on the same day that she heard the bad news. Para siyang basang-sisiw pagdating niya sa burol dahil alam niyang nagbubunyi ang mga ito sa pagpanaw ng kaniyang ina. She was already broken-hearted because of the passing of her father but she almost lost it when her mom died. She did not have anybody to lean on during her mother's funeral. Bagama't nakiramay ang mga kamag-anak nila, batid niyang pagbabalat-kayo lang ang lahat. By the end of the day, kakamkamin pa rin ng mga ito ang mana na noon ay dapat sa kaniyang ina na ngayon dapat naman na sa kaniya. At hindi nga siya nagkamali. Isang araw pa lang pagkalibing ng kaniyang ina ay nagkagulo na sa bahay nila. Hindi pa man nagbabang-luksa ay sinabi na ng isa sa mga pinsang-buo ng kaniyang ina na kailangan niyang malaman ang tungkol sa dibisyon ng ari-arian ng kaniyang ina at ng mga ito. Hindi siya makapaniwala sa kapal ng apog ng mga ito. Kulang na lang ay sabihin ng mga ito na lumayas siya sa sariling pamamahay ng magulang niya! She had it! That's when she decided to fight for her mother's rights. Bago siya bumalik ng UAE ay nakipag-ugnayan siya sa barangay officials para makasiguradong hindi pakikialamanan ng naiwang kamag-anak ang bahay niya. Dinala niya ang lahat ng dokumento na magpapatunay na ang natatanging tagapagmana ng bahay at lupa ay ang kaniyang ina na awtomatikong malilipat sa kaniya dahil siya ang nag-iisang anak. She wanted to settle things privately and quietly, tutal, iisang pamilya pa rin sila sa ayaw o gusto niya. But her relatives were so persistent on taking what's not theirs. Kung hindi pa siya tinawagan ng barangay secretary ay hindi niya malalaman na mayroon nang buyer ang bahay at lupa niya. That was the main reason why she headed back to the Philippines immediately. The buyer already paid a deposit fee that her relatives were asking. Nalaman lang ng barangay officials ang ginawa ng mga kamag-anak niya nang maghanap na ang mag-asawang buyer ng titulo bago bayaran ang kalahati ng napagkasunduang presyo. Nang walang maipakitang titulo ay nagreklamo ang mag-asawa sa barangay. Mabuti na lamang at hindi ito naging mahirap kausapin lalo na nang malaman ng mga ito na ulila na siya at ito lamang ang naiwan ng kaniyang magulang, na maging siya ay biktima rin ng mga ganid sa pera na kamag-anak. She paid back the Php 20,000.00 that the buyer paid as deposit fee para lang hindi na matuloy ang pagsampa ng kasong ‘fraud’ laban sa kamag-anak niya. She promised the couple that once the property is legally settled, she will sell it to them. Tutal ay alam niyang hindi na talaga sila magkakasundo ng mga kamag-anak niya, much better to sell that property kaysa maging dahilan pa iyon ng maaga niyang pagpanaw! She stayed in the house for a few days and those were torturing days. Naroon pa siya sa estado ng pangungulila sa magulang ngunit naroon at walang ginawa ang kamag-anak niya kundi ang sagarin ang pasensya niya. Masyadong masakit at adelentadong magsalita ang mga kamag-anak niya to the point na nalilimutan niyang edukada siya. She tried her best to be patient until she decided to finally move to Makati once and for all. Baka kasi tuluyang magpanting ang tainga niya at magdilim ang paningin niya kung mananatili siya roon. She has enough money for her to get by for the next six months, so, she really needs to find a job immediately, otherwise, baka sa kangkungan siya pulutin kapag naubos na ang ipon niya. Ang tanging aasahan na lang talaga niya ay ang makukuha niyang pera oras na maging maayos at maibenta niya ang bahay at lupa, na pihadong matatagalan pa kung sakaling magmatigas ang mga kamag-anak niya. Ipinilig niya ang ulo saka nagbuga ng hangin bago bumaling kay David na matamang na nakatitig sa kaniya. Pinilit niyang ngumiti sa kaibigan. “Kain na muna tayo?” yakag niya rito saka kinuha ang mga personal na gamit niya na nasa pang-isahang sofa bago ipinasok sa kuwarto niya. “Naman!” Tumayo ito at saka sumunod sa kaniya nang dumiretso siya sa kusina. “So, kailan ang interview mo nga pala?” usisa nito bago umupo at kumuha ng isang slice ng pizza na in-order niya kanina via drive-thru para ipakain sa mga naghakot ng gamit. “Tomorrow at ten in the morning. I still have to find out kung saan ang exact address nila at baka maligaw ako bukas,” sagot niya saka ipinatong ang hinugasang baso sa lamesa. “Is it in Makati?” “Yup.” “Ihahatid na lang kita bukas. Ala-una pa naman nga hapon ang simula ng interview ko sa mga applicants, eh,” offer nito bago nagsalin ng softdrink sa dalawang baso. “Are you sure?” paniniguro niya. “Of course!” Itinaas nito ang kilay saka nagpakawala ng malanding tawa saka uminom ng softdrink. “I love you talaga, David!” Maluha-luha niya itong dinamba ng yakap. “Careful! Drama mo!” anito nang muntik nang matapos ang hawak na baso a may laman pang softdrink. Ngumisi ito saka humalik sa pisngi niya. Pagkatapos nilang kumain ay saglit silang nagpahinga bago muling nag-ayos ng mga gamit. Dahil sa pagod ay nagpa-deliver na lang sila ng dinner. Doon matutulog si David sa condo niya dahil malapit lang iyon sa hotel kung saan gaganapin ang recruitment interview nito sa Makati na tatagal ng apat na araw. Kasunod naman noon ay bibiyahe ito papuntang Davao for another recruitment drive. Nagpa-extend ito ng isang linggong bakasyon para makasama siya at ang pamilya nito bago babalik ng Dubai. *** LIZ wore a pair of gray coat and pencil-cut skirt with white long sleeves polo inner. She partnered it with a pair of black two-inches shoes that complimented her already long legs and perfect curves. She let her shoulder-length hair down, put a touch of powder and lip tint on her face and lips. As usual, her eyes were covered with heavy make up— a dark eye shadow and her signature Cleopatra’s winged-eye liner. “Hmmm, looks fabs!” banat ni David pagkalabas niya ng kuwarto niya. Nakaayos na rin ito paglabas nito ng guest room. “Thanks!” aniya saka muling sinipat ang sarili sa salamin na isinabit nila sa pader sa pagitan ng banyo at kuwarto niya. Hindi mahirap hanapin ang Segundo Corporate Building na nasa hilera ng Makati Business Lane. Nakalagak ang opisina ng Bubblegum & Talents Company sa ika-20 at 21 palapag ng naturang gusali na mahigit 50 palapag ang taas. “Didirestso na ako sa hotel to meet the agents, doon na rin ako manananghalian. Are you sure you’ll be all right?” tanong ni David pagkatigil ng sasakyan sa mismong harap ng Segundo Corporate Building. “Yup. I’ll just call a cab pauwi,” sagot niya saka bumuntong-hininga. “Wish me luck.” “Gaga! Kayang-kaya mo iyan! Break a leg,” kumpiyansang sambit nito. “Okay. Mag-iingat ka sa pagda-drive, ha. This is not Dubai,” paalala nya sa kaibigan na tinanguan lang nito. Pag-ibis niya ng sasakyan ay hinintay pa siya nitong tuluyang makapasok sa loob ng building bago pinasibad ang kotse. Pagkabukas ng elevator sa ika-20 palapag ay agad na sumalubong sa kaniya ang bubblegum-flavored reception ng Bubblegum & Talents Company. Make sense dahil angkop iyon sa pangalan ng kumpanya. Bahagya siyang napangiti dahil bubblegum is her favorite scent mula pa noong bata siya. There’s a warmth feeling of belonging sa ambiance ng reception. Mula sa mabangong amoy, sa mabining tugtog ng OPM songs na pumapailanlang sa paligid, sa light yet exquisite taste of decor na hindi lang limitado sa reception dahil napuna niya rin ang interior decoration ng ilang hallways papunta sa mga private offices. Iginiya siya ng receptionist sa waiting area. Kimi siyang umupo sa black leather sofa na pang-isahan habang sa harap niya ay may nakahaing bubblegum, candies, chocolates and cookies sa glass table na ini-offer sa kaniya ng receptionist. Saglit itong nagpaalam para pumunta sa HR Office. Alas-diez pa ang appointment niya at napaaga siya ng kalahating oras sa pagdating. Pagbalik ng babae ay pinag-fill-up muna siya nito ng forms habang naghihintay. May dalawa pang nauna sa kaniya na kasalukuyan ding nagfi-fill up, ‘di hamak na mas bata ang mga iyon sa kaniya. Panandalian niyang inilibot ang mata sa buong paligid, halos lahat ng mga naroon—mapababae o mapalalaki— ay mga bata pa. Pihadong hindi lalampas ng treinta ang edad ng mga ito. Inatake na naman tuloy siya ng insecurity. Makalipas ang ilang minuto ay tinawag na ang isa sa mga naroon, na agad ding lumabas makalipas lang ang mahigit-kumulang sampung minuto saka umalis na bagsak ang mga balikat. Sumunod namang tinawag ang ikalawang aplikante. The girl— who she thinks is on her early twenties, seems smart and confident. Kung magaling itong sumagot sa interview at maganda ang training and employment background nito, sigurado siyang matatanggap ito. Makalipas ang ilang minuto ay tumawag si David sa kaniya. Five minutes before her actual appointment. “Marami bang applicants?” usisa nito. “Dalawa lang ang naabutan ko, eh. I don’t think, matatanggap ako rito. The second girl, the way I see her, mukhang okay siya. Ewan ko lang sa interview,” kuwento niya saka siya bumuga ng hangin, “Ang babata pa nila. Tagilid talaga ako rito,” patuloy niya. “Hey stop it, girl! Kung ako ang HR nila, ora mismo, I will hire you. I’m not saying this because I’m your friend but as an outsider and someone who knows his job. Basta be confident. Kung hindi ka nila tanggapin, it will be their lost not yours, okay,” pagpapalakas-loob nito. “Oo na. Sige na at baka tawagin na ako,” aniya para lang hindi na siya nito kulitin pa. Muli siyang nagpakawala nang malalim na hininga. ‘Bahala na,’ bulong niya sa sarili. Halos tumagal ng tatlumpung minuto bago siya tinawag ng receptionist. “Ms. Reyes, it’s your turn,” nakangiting untag sa kaniya ng receptionist saka siya pinasunod. Binaybay nila ang ikalawang opisina sa kaliwang bahagi ng hallway na tinatahak nila kung saan naroon ang Human Resources Office. Iniwan na siya ng receptionist at inihabilin sa HR Secretary na sumalubong din sa kaniya pagkapasok niya sa opisina nito. Bata pa rin ito, siguro’y nasa mid-twenties pa lang. “Good morning, Ms. Reyes, halika na po sa loob,” anito habang tangan ang isang folder. Marahan nitong binuksan ang nakapinid na pintuan at iginiya siyang umupo sa isa sa dalawang upuang nasa mismong harapan ng malaking mahogany table. “Ms. Jazmine will be with you in a minute,” pagbibigay-alam ng babae saka lumabas ng opisina ng HR Director. Mataman niyang inilibot ang tingin sa opisina. Katulad ng sapantaha niya, halatang pinag-isipan ang mga gamit na naka-display sa loob ng opisina. Ang mga nakapaskil na mga frames ay pawang patungkol sa kumpanya at employer-employee relations. Sa tapat ng mahogany table ay naroon ang leather sofa set na kulay krema at sa pagitan ng kinauupuan niya at ng sofa ay ang glass table na mas maliit kumpara sa nasa reception area. Sa ibabaw n’on ay mga magazines, leaflets and brochures ng kumpanya at mga sweets. Malawak ang opisina at hindi crowded sa gamit. Hindi naglipat-saglit ay muling bumukas ang pintuan at iniluwa ang isang middle-aged na babae. She was wearing a black maternity dress na hanggang tuhod. Mas lalong lumutang ang angking ganda nito nang ngumiti ito sa kaniya saka tumigil sa paghakbang nang mapatapat sa kaniya. Agad siyang tumayo para batiin ito. “Hi, Ms. Reyes, I’m Jazmine,” pakilala nito saka nakipagkamay sa kaniya. “Nice to meet you, Ms. Jazmine,” aniya habang nakikipag-kamay rito. “Pasensya ka na kung medyo na-delay ang interview,” anito saka lumigoy papunta sa swivel chair nito at umupo. Sinenyasan siya nitong maupo na rin pagbaling sa kaniya. Saglit nitong pinasadahan ang folder na nasa table nito saka manaka-naka siyang tiningnan. “We have two vacancies for female administrators and we are certainly looking for someone who could not only do the job but could deliver it more than what’s expected on her,” umpisa nito saka muling tumingin sa hawak nitong folder, “To be honest, you are actually over-qualified to the vacant positions we have right now,” alanganin itong tumingin sa kaniya bago bumuntong-hininga. ‘I knew it,’ disappointed na anas ng isip niya. Kung sabagay, alam naman niyang malabo pa sa love life niya ang posibilidad na makahanap siya ng trabaho kaagad-agad lalo’t wala naman siyang work experience sa Pilipinas. “And I do not want to miss a candidate with a calibre like yours,” patuloy nito na ikinamaang niya. “So, I have a proposal…” anito saka bahagyang tumigil sa pagsasalita nang biglang pumasok ang isang lalaki na naka-itim na suit at blue na inner shirt. Saglit lang siyang tumingin sa bagong dating saka ibinalik ang atensyon kay Jazmine nang magpatuloy sa pagsasalita. “As I was saying, I am so interested with your qualifications. As you can see, I will be going on maternity leave soon. Right now, I am handling two jobs. HR and the Executive Office. My team will be able to manage the HR, however, I will be needing an Executive Assistant very soon to replace me for the Executive Office job. Having said that, when I read your resume, I immediately recommended you to our CEO,” nakangiting saad nito. Agad na nagliwanag ang mata niya sa hindi inaasahang sinabi nito. “R-Really? Oh, thank you so much for this opportunity,” masayang anas niya. “I already did a reference check on you and you were highly recommended by your previous boss. So, I won’t ask you any more questions as your resume speaks for itself. However, our CEO still has to see you and do the interview himself before he decides,” patuloy nito. “I don’t mind coming back for another interview. I’m really glad that you still gave me a chance despite my age,” matapat niyang sambit. Pagkatapos niyang magsalita ay tumango lamang si Jazmine saka panandaliang tumayo at ibinigay ang folder sa lalaki. Naisip niyang baka ito ang Assistant HR ni Jazmine kaya naroon. Saglit lang siyang bumaling sa mga ito saka muling tumalikod at humarap sa lamesa. Malakas na tumikhim ang lalaki saka niya narinig ang takong ng sapatos ni Jazmine na pabalik sa upuan nito. Bahagya pa siyang nagulat nang walang ano-ano’y umupo ang lalaki sa katapat niyang upuan tangan ang file niya. Nanatili lang itong nakatungo habang binabasa ang nakasaad sa folder saka nag-angat ng mukha at nakangiting sinalubong ang nagtatanong niyang tingin. Biglang pumormal ang mukha nito at kumunot ang noo pagkita sa kaniya. Her heart went ballistic nang mapagsino naman niya ang kaharap. A sudden rush of flashback came by right before her eyes!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

Be Mine Again

read
98.6K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.3K
bc

His Property

read
945.8K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M
bc

Contract - Tagalog

read
753.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook