bc

Off Limits (Boyxboy)

book_age12+
2.9K
FOLLOW
20.7K
READ
fated
K-pop
drama
comedy
twisted
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Unang beses pa lang na nakita ni Yuki si Rio ay may kung anong naramdaman na siya para rito. Lalo siyang nahulog sa huli dahil maliban sa angking kagwapuhan nito, mabait pa itong tao.

Binalak niyang landiin si Rio pero hindi siya naging aware sa status nito. Nalaman niyang may asawa't anak na pala ito.

Off Limits na. Hindi na pwede. Kailangan na niyang itigil ang kahibangan niya. Isa pa, bakla siya. Straight ito.

Pero paano niya gagawin na itigil ang nararamdaman kung sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay parati niya itong nakikita at nakakausap. Pinilit niya na umiwas na lamang dahil ito ang mas magandang gawin. Pero pilit talaga silang pinaglalapit ng pagkakataon at hindi niya inaasahan na mai-in love siya rito nang hindi niya namamalayan.

Paano na ito? Paano niya haharapin ang kahibangan niyang ito?

Magmamahal na nga lang siyang muli, sa isang tao pa na kailanma'y hindi na pwedeng maangkin.

***

chap-preview
Free preview
Prologue
"Bye Casey! Bye Dionne!" Saad ko sa mga classmates s***h bestfriends ko nang makarating kami sa parking lot ng school namin. Nandoon na kasi ang sundo ko't naghihintay. "Bye Yuki! Kita na lang tayo bukas." Pagpapaalam din ni Dionne. "Babye Yukiness! See you tomorrow." Gano'n din si Casey. Casey and Dionne are both girls. I prefer girls to be my friends because I'm comfortable with them. I don't feel to be with boys. Siguro dahil na rin sa pusong babae ako. Gay to be exact. Though I'm not a crossdresser compare to other gays. Lalaking pandamit pa rin ang sinusuot ko. I just smile and wave my hand to them before climbing inside the car. "Where's Yuri Kuya Arnold?" Tanong ko sa driver namin nang makapasok ako sa van. Yuri is my sister. Dalawang taon ang agwat ko sa kanya. Second year high school siya habang ako ay fourth year na. "Nasa bahay na siya Yuki. Pinauwi kasi ng teacher niya dahil nilalagnat daw." Sagot ni kuya Arnold na ikinailing ko. Sabi ko naman kasi kanina sa kanya na huwag na lang pumasok dahil matamlay siya. Pero nagpupumilit pa rin dahil may long quiz daw sila. Palibhasa kasi ay ayaw niyang makakuha ng mababang grado. Palagi kasing first honor simula elementary at takot na malamangan ng iba kaya ganoon na lang kasipag mag-aral. Hindi katulad ko na isang tipikal na estudyante lamang. Papasok ng school at mag-aaral. Makikinig, magsusulat at gagawa ng mga assignments at activities. Mag-aaral lang kapag may mga pagsusulit at hindi rin masyadong nag-e-excel. In short, average student. "Eh sina Yuckie at Yannie Kuya?" Tanong ko ulit kay Kuya Arnold. Bago pa man siya makasagot, bumukas na ang pinto ng backseat at pumasok ang dalawang bata. "Hello kuya Yuki! Hello kuya Arnold!" Halos magkasabay nilang bati. Lumapit sila sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Napangiti na lang ako dahil sa dalawa. They're so sweet kahit na ang hahyper at kukulit nila. Yuckie and Yannie are nine year old fraternal twins. Mga bunso namin na sumunod kay Yuri. Mayroon pa kaming ibang mga kapatid. Actually, siyam kaming lahat. Iyong pinakapanganay namin ay si Kuya Yara. He's already twenty eight years old. He's in the states right now and currently working as an animator. Dalawang taon naman ang tanda niya kay ate Yumi na nasa ibang bansa rin. She's in Korea working as a manager of a famous k-pop boy group and different artists. Sumunod sa kanya ay si Ate Yullie na nasa France at nagtatrabaho rin. At the age of twenty-four, she already made a name in fashion industry as a designer. Then ang sumunod sa kanya ay si kuya Yue na nag-aaral pa lang ngayon. Siya lang ang kumuha ng related business course sa amin. Siya lang din ang may gustong hawakan ang kompanya. Ang mga eldest siblings kasi namin ay ang kanilang mga pangarap ang sinunod nila. Ang sumunod sa kanya ay si ate Yura. Nineteen years old and a third year fine arts student. Tapos ako, sixteen. Then sina Yuri, Yuckie at Yannie. Ang sipag talaga ng parents namin. Pero hindi naman sila nagkulang sa pag-aaruga sa amin ng maayos. Pantay-pantay ang pagmamahal na binigay nila sa amin. Pinag-aral sa magagandang paaralan. Kahit na mayaman kami, tiniruan pa rin nila kami ng mga mabubuting asal. Buong byahe, nag-uusap lang kami ni kuya Arnold ng mga random stuffs habang ang kambal ay maingay na naglalaro sa backseat. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa bahay. Nagsitakbuhan agad ang dalawa nang makababa at nag-uunahang makapasok sa loob. Bumaba na rin ako pati si Kuya Arnold na buhat-buhat ang bag ng dalawang chikiting. Pagpasok sa bahay, dumeretso agad ako sa office ni mommy para magpapamirma ng report card. She has an office here and also dad's. "Sino 'yon mom?" Tanong ko nang makapasok sa loob ng office niya. Tinanong ko sa kanya kung sino iyong lalaking nakita kong kasama ni Nanay Marga. Kakalabas lang ng mga ito sa opisina at sa kabilang bahagi dumaan. Hindi ko nakita ng maayos ang mukha ng lalaki dahil nakatalikod na ito bago pa man ako makalapit sa pinto ng opisina. "Anong sino 'yon?" She asked in return. Hindi siya nakatingin sa akin dahil may sinusulat siya na kung ano sa isang papel. "Ang lalaking kasama ni 'Nay Marga bago lang." "Bagong tao natin dito sa bahay. It is his first day today." Sagot niya. Napatango-tango ako. "How's school?" "Mabuti naman po." "Good." She looked at me and smiled. "By the way, bakit ka nga pala nandito?" "I'm here because I want you to sign my report card." Sabi ko sabay kuha sa bag ng report card at nilahad ito sa kanya. "O-kay..." She get the card from me and open it immediately. "Mhhh... Quite impressive." She muttered. "Tumaas ang mga grades mo ngayon ah. I'm so proud of you, son. Pero kailangan mo pang mag-improve sa Math subject, okay? Medyo mababa ka pa rin dito. But all in all, I'm happy with your grades." That's how I like about mom. Kahit na may mababa akong grades ay hindi siya nagagalit. Instead, ini-encourage niya ako na galingan sa susunod at mag-improve pa. And she always said that she's proud of me. At ang pinakagusto ko sa kanya bilang isang ina ay hindi niya kami kinukumparang magkakapatid sa isa't-isa. "Thank you mom." I kissed her cheeks and give her a hug. After she signed my report card, I immediately leave the office and headed to Yuri's room to check on her. Maayos na ang kanyang kalagayan at mahimbing na siyang natutulog. Dumeretso na rin ako kaagad sa kwarto ko. Mabilis akong nagbihis at bumaba ulit para kumain. Oras ko na para magmerienda. I don't often eat in school kaya gutom ako pagdating sa bahay. Dumeretso ako sa kusina. Pagdating ko roon, wala akong nakitang tao. Marahil nasa likod sila ng bahay ngayon. Nandoon nga sila at kasalukuyang nagmemerienda. "Hello po!" Bati ko sa kanila na ikinahinto nilang lahat. Agad silang napalingon sa akin. "Ikaw pala sir Yuki. Magandang hapon." Si ate Sandra ang unang tumugon. "Magandang hapon rin sir Yuki," saka sumunod ang lahat. Lima ang kanilang bilang. Si ate Sandra, ate Loida, Janna at ang dalawang bodyguard namin. Lumapit ako sa mesa kung saan sila nakaupo at tiningnan kung ano ang kinakain nila. Nilagang saging. Oh my gee! Sarap niyan. Pero bago pa man ako makakuha, pinigilan ako ni ate Loida. "Huwag 'yan Yuki. Naroon sa mesa ang merienda mo." "I want this po." Kumuha ako ng isa. Mabilis ko itong binalatan at kumagat dito. God, it taste delicious. "Eh sir naroon po sa loob ang sa inyo. Baka sumakit po ang tiyan niyo niyan?" "Eh sa ito ang gusto kong merienda eh. Pakialam niyo ba?!" Napasinghap sila dahil sa pagsusungit at pagtaas ng boses ko. Napayuko sila. Humingi naman agad ng pasensya sa akin si ate Loida. Hay naku! Kailan ba kasi sila masasanay na hindi ako maarte tulad ng iniisip nila? Kung totoosin nga, mas gusto ko pa ang mga merienda nila kesa sa mga hinahanda nila para sa akin. Nakakasawa na kasi at hindi rin ganoon ka-healthy tulad ng kinakain nila. Napatawa ako. "Ano ba kayo? Syempre joke lang 'yon. Hindi na po ba kayo nasanay sa akin?" Bawi ko pero nanatiling tahimik lang sila. "Hala, natakot ata kayo sa akin? Biro lang po 'yon." Dagdag ko pa at muling tumawa. Napatawa na rin 'yong iba sa kanila at ang iba ay napangiti lang. Kahit papa'no, bumenta 'yong joke ko. O napalitan lang sila? "Akala ko nagalit ka na sa akin sir Yuki eh. "Grabe ka naman Ate Loida. Paano naman ako magagalit aber? I don't easily get mad you knew that." Hindi na nila ako pinigilan nang ipinagpatuloy ko ang pagkain ng saging. Sarap na sarap akong kumakain habang nakikipagkwentuhan sa kanila. 'Yong dalawang bodyguard, panay ang pagbibiro kaya tawa kami ng tawa. Moments later, we heard Nanay Marga's voice. "Dito naman ang tambayan at minsan kainan naming mga tao dito sa bahay." Nakatingin ang lahat sa likurang bahagi ko kung saan nagmumula ang boses ni Nay Marga. Kumunot naman ang noo ko dahil parang nakakita sila ng multo lalo na ang tatlong babae. Nakaawang pa ang mga labi nila. "Yuki, bakit nandito ka?" Tanong ni Nanay Marga sa akin. Marahil napansin niya ako. "Bakit po Nay? bawal na po ba ak---" Napahinto ako sa pagsasalita nang paglingon ko, nakita ko ang kasama niya dahilan ng biglaang pagkakatulala ko. Oh My--- Siya na ba? Siya na ba ang sinasabi nilang almost perfect na lalaki? Napatitig ako rito. Gosh! Ang gwapo niya. The eyes, the nose, the lips, were prefecly made! Mataas din siya at base sa tindig ng pangangatawan niya, I bet he has a freaking hot body. Grabe! Mukhang siya na nga! I feel like I'm drooling. Ganoon ka-oa. Ang gwapo kasi talaga niya. "Siya si Yuki, isa sa mga anak ng sir at ma'am mo." Parang wala akong naintindihan sa mga sinasabi ni Nay Marga. Nakatulala lang kasi ako sa lalaking kasama niya. "Yuki, anong nangyari sayo anak?" Nabalik lang ako sa ulirat nang ikinaway-kaway ni Nanay Marga ang kamay niya sa harap ng mukha ko. "Gustong makipagkamay sayo ni Rio." So Rio pala ang pangalan niya? Gee! It suits him. Ang hot ng pangalan niya, katulad niya. Nilahad ni Rio ang kamay niya sa akin pero tiningnan ko lang ito. Pakiramdam ko kasi kapag hinawakan ko ang kamay niya ay baka bigla na lang akong mag-collapse rito. Ganyan talaga ako ka-oa ngayon. Promise. Marahil nanpansin niyang parang ayaw kong makipagkamay sa kanya kaya binawi niya ang kanya pero mabilis ko iyong kinuha at nakipagkamay. Oh my! Para akong nakuryente. Pero ang sarap sa pakiramdam ng kamay niya tapos malaki pa. "A-ko nga pala si Yuki. Nice to meet you, R-Rio." Nauutal at kinakabahang pagpapakilala ko sa kanya. "Nice meeting you rin, Sir." Oh gosh! Pati ang boses. Sexy! "Ahm Sir, ang kamay ko po." Napatingin ako sa magkahawak naming kamay. Binatawan ko agad ito at napatungo. Ang pula na siguro ng pisngi ko ngayon. Nakakahiya. Nakarinig naman ako ng mahihinang hagikhik at bulungan mula sa mga kasama ko. Marahil pinag-uusapan nila ako. Bago pa man ako makagawa ng isa pang kahihiyan sa harapan nila, mabilis ko ng nilisan ang lugar at umalis ng walang paalam. Bahala na sila kung ano ang isipin nila basta't kailangan kong makaalis. Parang hindi ko kayang manatili roon. Lakad-akbong tinungo ko ang aking kwarto. Napasandig ako sa likod ng pinto at napahawak sa aking dibdib. The beat of my heart becomes fast, creating small sounds that is already audible in my ears. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Kinakabahan naman ako pero iba ang klase ng kaba na naramdaman ko nang makita ko si Rio. Ano ito? ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
24.8K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
956.7K
bc

NINONG III

read
360.8K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.0K
bc

OSCAR

read
224.9K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
266.1K
bc

STEP-BROTHER (SPG)

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook