bc

Failed Seduction (R-18) (Erotic Island Series #6)

book_age18+
68.3K
FOLLOW
409.1K
READ
billionaire
possessive
sex
playboy
badboy
goodgirl
bxg
friendship
rejected
seductive
like
intro-logo
Blurb

Series 6 of 8

Read At Your Own Risk!

Eia Felicity Alfonso could only do nothing but shake her head whenever she sees her best friend’s—Phoenix Lorenzo Adler—scandalous actions in public. Jumping from one woman to another, and making out in public seems to be Enzo’s most favorite hobby other than pissing her off. Para kay Felicity, hindi niya magagawang magkagusto sa lalaking katulad ni Enzo... She despise womanizers more than anything else so she set high standards for herself.

Just when she thought that she could live happily by having a decision to settle with a nice guy who meets these standards she tried to set for her life, waves of unwanted events turned the tables around that made her question her feelings for the man she thought she love the most, and the man whom she thought would remain as her best friend.

Would she flip the table according to how it was or... decide to go on with how things turned after a one hot night with her best friend?

(PROOFREAD VERSION WILL ONLY BE AVAILABLE IN THE PHYSICAL BOOK)

chap-preview
Free preview
Failed Seduction 01
THIS man is crazy over my twin sister. His hair color matches with my sister’s favorite color no matter how frequent she changes it. Kung ano ang makita kong kulay na magustuhan ni ate, aasahan ko nang iyon din ang kulay ng buhok niya. “Eia Felicity!” Umismid ako kahit nakatalikod nang marinig ko ang pagtawag niya sa buong pangalan ko. Palagi niya akong kinukulit para makalapit siya kay Ate Feleena. Ang tanda-tanda na ngunit kung kumilos siya’y parang bata! “Ano?” nakataas ang kilay na tanong ko. Inayos ko ang suot kong salamin at niyakap ang aking libro. Kulay pula ang buhok niya ngayon kaya napailing ako. Nang nakaraan ay kulay violet iyon at blue, pagkatapos ngayon naman ay red. Anong kulay naman kaya sa susunod? Mabuti at hindi nasisira ang buhok niya kahit papalit-palit siya ng kulay. “Nasaan ang kapatid mo?” “Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi naman ako hanapan ng mga nawawala!” Napangiti siya at pinisil ang magkabilang pisngi ko. “Ikaw talaga! Nagsusungit ka na naman! Hinahanap kayong dalawa ni Mama kaya ko siya hinahanap sa iyo!” Umirap ako dahil sa sinabi niya. “Huwag ka na ngang magsinungaling! Alam ko naman na hindi mo ako yayayain na sumama sa inyo kung wala si ate!” Tumawa siya at inakbayan ako. “Halika na’t hanapin natin ang ate mong maganda!” Tumawa siya. Nasa balikat ko ang braso niya kaya’t nadadala niya ako sa kanyang paglalakad. Pagkalabas namin ng silid aklatan ay sinubukan kong tanggalin ang kamay niya, tinawanan niya lang ulit ako at muling pinisil ang pisngi ko. Palagi siyang nakakapasok dito dahil lolo niya ang may-ari ng paaralan na ito. Mag-iisang taon na siya na pabalik-balik dito at kinukulit si ate at ako. Si ate, dahil may gusto siya rito. Kahit pa sabihin na may boyfriend na si ate ay nagpapapansin pa rin siya. At ako, kinukulit niya para isama ko si ate para makita niya Ang totoo, nagkagusto ako sa kanya nang una ko siyang makita. Magkaibigan ang mga magulang namin at minsan kaming naisama sa isang okasyon sa bahay nila. Hindi niya ako napansin niyon. Naisip ko kasi na baka bata pa ako at mas matanda siya kaya hindi siya magkakagusto sa akin. Mayroon din siyang mga babae na kaliwa’t kanan, g’wapo at magaling mambola kaya marami ang nagkakagusto. Nawala nga lang ang pagkagusto ko sa kanya nang makita niya si ate at magkagusto siya rito. Naisip kong wala pala sa edad, baka nasa itsura? Kahit kasi kaedaran ko lang si ate, ang ayos niya’y pang-dalaga na. Mahilig sa mai-ikling damit at labas ang mga balat. Natuto na ring mag-ayos ng mukha dahil maagang naging interesado sa pagpapaganda. Magkaiba rin ang size ng mga katawan namin. Mas malaki ang kanyang hinaharap at pang-upo kumpara sa akin. Samantalang ako, nakasuot ng malaking salamin, mayroong suot na braces, at manang manamit. Hindi ko nakasanayan o siguro’y talagang ayoko lang mag-ayos. Hindi naman naging malalim ang pagkagusto ko sa kanya kaya’t madaling nawala. Ang ugali ko kasi, kapag mayroon bagay na nangyari ay hahayaan ko na lang. Hindi ako mahilig makipagkompetensya at lalong ayokong nakikihati sa iba. Mabilis kong natatanggap ang mga nangyayari sa buhay. “Kasama pala ng ate mo ang boyfriend niya? Mas g’wapo naman ako, ’di ba?” Sinamaan ko siya ng tingin at binalibag muli paalis ang kamay niya na nakapatong na naman sa balikat ko. “Gusto mo ba talaga si Ate?!” nakakunot-noo na tanong ko. “Oo naman!” nakangiti na sagot niya. “Bakit hindi ka nagseselos na may boyfriend siya? At isa pa, kung gusto mo talaga siya, bakit palagi ka pa rin may kasamang iba’t ibang mga babae?” Hindi ko kasi siya maintindihan. Bata pa ako pero dahil sa mga napapanuod at mga nababasa’y alam ko na ang ibig sabihin ng pag-ibig. At marami na rin sa mga kaedad ko ang nagkakaroon ng mga kasintahan, kagaya nalang ni ate. Kung mahal niya si Ate, dapat hindi niya kayang makita na may iba ito at dapat ay wala siyang ibang babae. Nakaraan lang nang dumalaw ako sa kanila’y mayroon siyang ibang babae na kasama at kahalikan. Mukhang hinatid siya sa bahay nila at pinag-uusapan nila ang isang isla. Sinabi pa na roon na lang daw sila magkita. “Ikaw ang bata mo pa masiyado ka nang curious sa mga ganyan! I like your Ate Feleena but I like other girls too!” Lalo akong naguluhan. “Paano ’yon? Kung magiging kayo ni Ate, ibig sabihin gagawin mo pa rin iyon sa ibang babae?” Tumingin siya sa itaas at parang nag-iisip ng sasabihin sa akin. “Hindi mo pa ito maiintindihan kasi bata ka pa—” “Anong bata? Magka-edad kami ni Ate!” Naiinis na ako dahil pinagpipilitan niya na bata pa ako! Natawa siya at ginulo ang aking buhok. “Oo nga pala! Mas mukha ka kasing bata sa ate mo! Nakakalimutan ko at naiisip ko minsan na mas matanda siya sayo ng ilang taon!” Sabay naming tiningnan ni Enzo si Ate. Kasama nito ang bago niyang boyfriend. Napangiwi ako nang maghalikan sila at hawakan ng lalaki ang dibdib niya. Nag-iwas ako ng tingin at pinag-aralan ang magiging reaksiyon ni Enzo. Bakit gano’n? Hindi ba talaga siya nagseselos? Sa halip kasi na galit ang makita ko sa mukha niya’y nakangisi pa siya at parang manyak na nag-i-imagine na siya ang gumagawa niyon kay Ate. Hindi niya mahal si Ate o siguro’y ganito talaga siya magkagusto? Ganito siya magmahal? Tumalikod ako at napapailing sa mga naiisip. Kakaiba siya. Hindi niya siguro kayang magmahal. Kasi kung ako ang magkakaroon ng karelasyon, ayoko ng kagaya niya. Mahilig sa babae at hindi natatahimik sa isa. Ayoko ng lalaki na ganoon. Kaya naman si Enzo ang ginawa kong batayan. Kailangan ang mamahalin kong lalaki ay kabaliktaran niya. “Hintayin mo ako!” Tumuwid ang lakad ko nang maramdaman ulit ang braso niya sa aking balikat. Habang naglalakad kami palabas ay napasinghap ako nang matanaw si Cole. Mayroon siyang bitbit na gitara at ilang libro. Third year high school ako at siya naman ay fourth year high school. Kata-transfer niya lang nitong nakaraang buwan pero marami na kaagad siyang mga kaibigan at maraming mga babae ang nagkakagusto sa kanya. Isa na ako sa mga babae na may tinatagong pagkagusto sa kanya... dahil siya ang kabaliktaran ni Enzo. “Hi, Eia!” Natigilan ako sa paghakbang. Inalis ko ang kamay ni Enzo at tinalikuran siya para harapin si Cole. “Hi!” Ngumiti ako at hinintay na sabihin niya ang pakay niya. “Namulaklak na ang itinanim natin noong nakaraang linggo.” Humigpit ang hawak ko sa aking libro nang maalala iyon. Kami kasi ang nautusan na ayusin ang hardin dahil pareho kaming mahilig sa halaman. “Talaga? Titingnan ko bukas. Anong oras na kasi ngayon at mag-gagabi na rin,” nahihiya na sinabi ko. Binasa niya ng dila ang mapupula niyang mga labi kaya’t napalunok ako. Ngumiti siya at halos mahimatay ako nang makita ang mga mapuputi niyang ngipin. “Pauwi ka na? May sasakyan kang dala?” Sasabihin ko sana na wala. Kaya lang, sumingit si Enzo na nakalimutan kong nasa tabi ko. “Oo, pare! May dala akong sasakyan! Ihahatid ko!” Tango ni Enzo at ipinatong ulit ang braso niya sa balikat ko. Tiningnan iyon ni Cole kaya muli kong inalis ang kamay niya. "Pinapapunta kasi kami ng mama ni Enzo! Kaming dalawa ni Ate!” mabilis na paliwanag ko kay Cole bago pa siya mag-isip ng masama. “Ah... magkaibigan nga pala ang mga magulang niyo.” Nakatitig siya sa akin. “Paano mo nalaman?” singit na naman ng katabi ko. Inilipat ni Cole ang mga mata niya kay Enzo dahil sa madalas na pagsingit nito. Ngumiti si Cole sa kanya at ibinalik ang tingin sa akin. Para akong maiihi sa sobrang kilig kapag nagkakatinginan kami! “Napagkwentuhan namin ni Eia. Anyway, mauna na ako. May tatapusin pa kasi kami sa library. Magkita na lang tayo bukas?” Tumango ako at malaki ang ngiti. Tinanaw ko pa siya ng tingin hanggang sa pumasok sila sa library. “May gusto ka ba roon?” Saka ko lang nabawi ang mga mata ko sa dinaanan ni Cole nang marinig ko ang tanong ni Enzo. “Huh?” Namula ako. Sumimangot siya nang makita iyon. Inalis ko ang malaking ngiti na nasa mukha ko kanina at nagkunwari na hindi kinikilig sa naging pag-uusap namin ni Cole. “Bakit first name mo ang tawag sa iyo ng lalaking iyon? Ang bata mo pa, ah! Dapat pag-aaral muna ang inaatupag mo!” Napalabi ako dahil heto siya at pinapagalitan na naman ako na parang bata. Bakit kaya hindi na lang si Ate ang pagalitan niya? Ako na lang palagi ang pinapakialaman! “Hindi na nga ako bata!” Umirap ako at nagpatiuna na sa paglalakad para iwanan siya. Ilang beses ko bang uulit-ulitin sa kanya na hindi na ako bata!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
499.1K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
533.5K
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
315.4K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
328.6K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook