bc

Seducing Mr.Esteban

book_age4+
20.3K
FOLLOW
89.4K
READ
billionaire
possessive
contract marriage
family
badboy
aloof
CEO
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

Isang simpleng babae lang si Abby Salazar na nagkagusto sa lalaking minsan nang sumagip sa buhay niya.

Luke Esteban ang lalaking pinapangarap ni Abby na siyang nag ligtas sa buhay ng dalaga. Ano ang mangyayare sa pagkakataon na muling mag krus ang landas ng dalawa? At anong mangyayare kapag nalaman ng dalaga na ang lalaking pinapangarap ay ikakasal na sa iba?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Mula sa malayo ay lihim na tinitignan ng dalagita si Esteban. Matipuno, Kulay asul na mga mata, Mapupulang mga labi. Iilan lamang yan ang tumatak sa isip ni Abby simula ng makita niya si Luke Esteban. Ang lalaking sumagip ng buhay niya. Abby's POV: "Abby bakit ka nagtatago jan?" Tinig ng isang matandang babae na nakakita sakin habang nagtatago ako dito sa poste katapat ng mismong restaurant kung nasaan si Luke. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. "Manang Poneng kayo ho pala yan." Sabay mano ko dito. Sana naman umalis na siya baka hindi ko na makita si Luke niyan eh hay. Madaldal pa naman ang matandang to. Si Manang Poneng ang kapit bahay namin na numero unong chismosa. "Oh bakit nandiyan ka? Wala ka bang klase ngayon?" Hay eto na mag uumpisa na ang kadaldalan niya. "Nako Manang sabado ngayon wala akong klase." Sabi ko. Hihirit nanaman sana ito ngunit nakita kong papalabas na si Luke sa nasabing restaurant kaya naman ay pinutol ko na ang pakikipagusap sa matanda. "Sige ho aalis nako bye!" Sabi ko at dali daling lumipat ng pwesto para makita ko pa ng malapitan si Luke. Saan naman kaya siya pupunta? Nakita kong pumasok na ito sa kotse niyang mamahalin kaya naman nataranta ako. Hindi pwedeng makawala siya ngayon sa mga mata ko hindi ko pa nalalaman ang bahay niya eh. Hay Abby isip isip. Hanggang sa makaisip agad ako ng paraan at nakapara agad ng taxi. "Manong manong dali sundan niyo yung itim na kotse ah ahm yung hindi mahahalata." Tarantang sabi ko. Grabe ka Luke ang tagal ko ding nahirapang sundan ka sana naman ngayon malaman ko na ang bahay mo. Sinunod nga ng taxi driver ang sinabi ko at sinundan na niya ang kotse ni Luke. Sa tansiya ko matagal din ang inikot namin at mukhang hindi naman nakakahalata ito kaya nilubos ko na. "Miss san po ba ito pupunta? Asawa mo ba nasa loob niyan? Siguro nambabae asawa mo ano kaya mo sinusundan?" Madaming tanong ng driver. "Hindi ho Manong, sundan niyo nalang ho pwede?" Medyo pagtataray ko may likas na pagkachismoso din kasi ito. Mabuti na lamang at hindi na muli pa tong nagtanong at biglang huminto ito. "Nako Miss ang layo na natin hindi na ko pwede pang lumayo hanggang dito nalang ako." Ano?!!! Hindi ko mahahabol si Luke kapag ganito. "Hindi pwede Manong! Tignan niyo nawawala na yung sasakyang sinusundan natin. Magkano ho ba at magbabayad ako." Sabi ko. "Nako ang ibig ko pong sabihin private property na po yan kung dideretsuhin niyo. Hanggang dito nalang po ako dahil wala ng ibang lusutan diyan." Sabi nito. Kung ganun ibig sabihin nandito lang ang bahay ni Luke? Kagad akong nagbayad ng metro at bumaba. Naglakad ako ng naglakad. Malayo layong lakaran din yun. Mag didilim na dahil 6pm na ng hapon mukhang hindi naman ako makikita ni Luke dahil wala ng araw. Naglakad pa ako ng naglakad hanggang sa may matanaw na ako. Isang napakalaking bahay, at hindi lang ito basta bahay dahil mansion ito. Napakagandang mansion. Sa labas ng malaking gate ay may makikita kang mga lalaking nakauniform siguro mga bantay ito. Dahil sa may bantay sa napakalaking gate at alam kong hindi ako pwedeng pumasok dun ay naisip kong sa likod nalang dumaan. Ng makapasok na ako sa bakod ay nilibot ng mga mata ko ang napakalaking mansion. Ng biglang.... RING.... RING.... Nataranta ako ng sunod sunod na nagring ang phone ko. Agad kong kinuha ito at sinagot. "Hello?" Malinaw pero mahina lang ang boses ko. "Hello Abby nasaan ka?" Si Tanya ito ang best friend ko. Nasa Canada si Tanya kasama si Dale ang asawa nito. Pansamantalang doon na muna sila dahil sa naiwang business ng asawa niya at buntis si Tanya. "Tanya mamaya kana tumawag may importante kasi akong ginagawa." Sabi ko. Hindi pa man nakakasagot ay pinatay ko na ang phone at inoff ito mahirap na baka tumawag ulit sa Tanya. Dahil sa madilim na ay nangangapa na ako. Wala din kasing kailaw ilaw dito sa likod mismo ng bahay. Naglakad pa ako ng naglakad hanggang sa..... "Who are you?" Boses lalaki ito. Lumingon lingon pa ako para makita kung saan mismo nang gagaling ang boses ng biglang... "Aray ko!" May humatak sakin ngunit hindi ko padin nakikita ito dahil sa madilim. "Who are you?! Why are you following me?!" Patay. Following? Hindi kaya? Hindi kaya? "Answer me!" Shet bakit ganto hindi ako makasagot ang bango ng hininga niya amoy menthol at ang init init pa. "Ah ehhh nawawala-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng isa isang nagsibukasan ang mga ilaw sa buong paligid. Kasabay nito nakita ko kung sino siya. Ang asul niyang mga mata. Ang maputing balat, ang itim na itim na buhok, matatangos na ilong mga balbon sa katawan. Hindi maaari... "You." Sabi nito sa malamig na boses at malamig na titig sakin habang nakahawak padin sa mga braso ko. Nako katapusan ko naba? Mamamatay na kasi ako sa kagwapuhan niya nakatitig pa siya sakin. Nako Abby mag-isip ka kailangan mong makatakas. Kagad ko siyang itinulak ng malakas at buong bilis akong tumakbo. "Hey!" Narinig ko ang sigaw niya at takbo niya. Ngayon ay hinahabol niya ako. Abby patay ka ngayon bilisan mo ang takbo nako nako hindi pwede to. Takbo lang ako ng takbo sa napakalaking garden ng mansion. Napapagod nako pero kailangan kong makatakas. Papalapit nako sa gate ng mansion ng biglang.... "Ahhhhh bitawan mo ko! Bitawan mo ko!" Nakayakap ito sakin pagtalikod habang nagpupumiglas ako para makatakas. Idinikit niya ang labi niya sa tenga ko at bumulong.... "Got you."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
608.7K
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
452.8K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.0K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
68.1K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
579.1K
bc

Billionaire's Twins

read
262.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook