bc

BOUND BY DESIRE (Tagalog)

book_age16+
712
FOLLOW
3.9K
READ
second chance
arrogant
single mother
tragedy
bxg
bully
city
betrayal
sassy
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

Lilian Murillo

Nagrebelde sa ina, naglayas at nabuntis ng isang lalaking hindi siya kayang panindigan. Umuwi siyang luhaan at may laman ang tiyan. After two years ay muling nagtagpo ang kanilang landas at idineklara ng lalaki na gusto nitong bigyan ng buong pamilya ang kanilang anak.Nagdalawang-isip siya ngunit pumayag rin sa huli upang makaganti rito. Ngunit muli siyang natukso na mahaling muli ang lalaki at nang maayos na ang lahat, sinabi ng kanyang ina na hindi sila pwede kasi pareho sila ng ama.

Alexander Ortega

Minsan ay nagmahal rin siya ng lubos at takot na siyang masaktan muli. Nang makilala niya si Lilian, natakot siya dahil alam niyang may babaeng muling nakapasok sa kanyang puso. Pinili niyang lumayo ngunit muli siyang pinagtagpo ng tadhana. Handa na siyang itama ang lahat nang bumalik ang babaeng nanakit sa kanya.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
April 2000 Nagmukmok sa kanyang silid si Alexander Ortega dahil ayaw niyang harapin ang babaeng mapapangasawa. Bata pa lamang siya ay ipinagkasundo na siya ng kanyang ama na ipapakasal sa anak ng bestfriend nito. Last week lang dumating ng bansa si Claire galing sa America. Doon kasi ito lumaki at nag-aral ng business management. Unang beses na magkikita sila ni Claire ngunit naduwag siya. Saka lang niya napagtanto na hindi na tama ang pagmamanipula ng kanyang ama sa kanyang buhay. Gusto niyang makawala pero wala siyang lakas ng loob na iwanan ang matandang lalaki. "WHAT DO YOU THINK YOU'RE DOING?" Biglang napatayo si Alexander nang pumasok sa kanyang silid si Norman Ortega, ang kanyang ama. Base sa pagmumukha nito, alam niyang galit na galit na ang ama sa kanya. "Papa, ayokong magpakasal kay Claire." Nakipag-eye to eye contact siya sa ama habang sinabi niya ang kanyang desisyon upang malaman nito na seryoso siya. "Baka nakalimutan mo na ako ang masusunod sa bahay na ito!" Sumigaw si Norman. "Pero Papa, masyado pa akong bata para magpakasal. Kaga-graduate ko lang sa college at marami pa akong pangarap," nagdahilan si Alexander pero walang kwenta ang kanyang pagpapaliwanag kay Norman Ortega. "Ano pa ba ang gusto mong gawin? Kung pakakasalan mo si Claire, mas lalong lalawak ang impluwensya natin, mas magiging mayaman tayo!"Napahawak si Norman sa kanyang sentido. Bakit ngayon pa naisipan ni Alexander na magrebelde sa kanya? Ngayon pa kung kailan mahihirapan na siyang kumalas sa kanilang usapan ni Dante? Mabait itong kaibigan, pero mahirap maging kaaway. Kilala niya ang mga Villamonte, lalo na si Dante, at ayaw niyang magalit ito sa kanya. "Basta ayokong magpakasal!" Muling nagmatigas si Alexander sa ama. Isang malakas na suntok ang dumapo sa kanyang panga. Hindi siya nakailag at bahagyang sumimplang ang kanyang balanse. Kinapa niya ang parte ng mukha na tinamaan ng kamao ng kanyang ama at hinaplos. Pakiramdam niya, parang malaglag ang isa niyang ngipin.  "I'm sorry. Nadala lang ako sa aking emosyon. Hijo, makinig kang mabuti.Matanda na ako at maysakit pa, hindi mo ba ako pwedeng pagbigyan?" Nagdrama si Norman upang makumbinse ang kanyang nag-iisang anak na sundin ang lahat ng gusto niya. Batid ni Alexander na maysakit sa puso ang kanyang ama. Minsan na itong inatake ng mamatay ang kanyang ina. Kakayanin kaya ng kanyang konsensya kung siya ang magiging dahilan kung bakit aatakihin na naman ito sa puso. Oo nga at may pagka-salbahe si Norman Ortega pero hindi naman siya ganun kalupit. Kaya lang.... "Pasensya na po kayo, Pa. Pero ayoko talagang magpakasal kay Claire." Patuloy na nagmamatigas si Alexander.  "Wala kang kwentang anak! Hindi kita pinalaki upang tratuhin mo lang ako ng ganito! Hayop kang bata ka! Wala kang utang na loob!" Hindi na napigilan ni Norman na sapakin ng paulit-ulit ang kanyang anak. Saka lang siya tumigil nang umagos ang dugo mula sa labi nito. "Ano? Gusto mo bang kaladkarin pa kita palabas?" Dahil sa sobrang takot, tahimik na pinunasan ni Alexander ang kanyang nagdurugong labi. Pumasok siya sa banyo at naghilamos. Inayos din niya ang kanyang buhok at pagkatapos ay nauna nang lumabas mula sa kanyang silid. Wala siya sa kanyang sarili habang tinatahak ang daan patungo sa family room kung saan naghihintay ang pamilya ni Claire. Hindi niya napansin ang babaeng nakasalubong at bumangga siya rito. "Pasensya ka na - "  Was it love at first sight? Possible. Dahil nang magkasalubong ang kanilang mga mata, may kakaiba siyang naramdaman. Bigla na lamang bumilis ang pintig ng kanyang puso at parang may mga hugis-puso na naglalabasan mula sa kanyang mga mata papunta sa babaeng kaharap. Pag-ibig na ba 'to? Kung ganun, tama ang sinabi ng kanyang ama na hindi mahirap mahalin si Claire, dahil ngayon pa lang ay inlove na siya dito. Biglang nagliwanag ang kanyang madilim na kinakaharap. Parang ang gaan ng kanyang pakiramdam habang bumalik sa kanyang pinanggalingan. Kalalabas lang ng kanyang ama mula sa silid niya. "Pa, I'm going to marry her!” he declared. "I told you so," sabi ni Norman Ortega habang pinabalik sa loob si Alexander upang ayusin ang hitsura nito. Baka mahalata pa ng kanyang kumpare na ginulpi niya ang kanyang anak upang mapapayag ito sa kasalan. "Sige po, Papa. Just give me five minutes," saad niya. He was filled with happiness and excitement as he put on some concealer to hide his bruises.  Parang nanalo sa isang lotto game si Norman. Pasipol-sipol ito habang naglalakad pabalik sa family room. Nakita niyang kumunot ang noo ni Dante nang mapansing nag-iisa lang siya at hindi kasama ang kanyang anak. "Where's your son?" Pilit na itinago ni Dante ang inis na naramdaman nang hindi kaagad nagpakita ang anak ni Norman. Isa siyang Villamonte at hindi siya dapat pinaghintay ng matagal.  "Parating na siya rito, kumpadre. Ewan ko sa mga kabataan ngayon, bakit kailangan pang mag-ayos ng husto. Dati, sa panahon natin, pamada lang at suklay ay okey na tayo, di ba?" "Tama ka diyan, kumpadre. Akala ko ay si Claire lang ang matagal mag-ayos. Pati pala ang anak mo. Imagine, mahigit dalawang-oras akong naghintay sa aking prinsesa at saka lang ito natapos sa pag-aayos."  "Iba na talaga ang mga kabataan ngayon," sabi ni Norman at pinasadahan ng tingin ang nag-iisang anak ni Dante. Nang magpang-abot ang kanilang tingin ni Claire, ngumiti siya rito. Pero ang totoo ay nagtataka siya kung bakit hindi nito namana ang magagandang features ni Dante. Di hamak na artistahin ang pagmumukha ni Dante. Ang totoo niyan, mas gwapo pa ito kay FPJ dati noong kabataan nito. "Hija, do you need some refreshments? Juice, perhaps?" He offered. "Thanks, Tito. But I'm okay. Matatagalan pa ba ang fiance ko?" Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa.  She was thrilled nang malaman niyang super pogi ang kanyang fiance ngunit hindi siya nagpahalata lalong-lalo na sa ama ni Alexander. "Parating na po si Alexander, hija. Don't worry," Norman assured the little chit who was more than bored while sitting beside her father. Sa totoo lang, hindi niya lubos-maisip kung paano nagbago ang desisyon ni Alexander. Kanina lang ay kailangan pa niya itong gulpihin upang pumayag sa gusto niya. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla na lang itong bumalik at sinabi sa kanya na pakakasalan nito si Claire. Napailing siya. Kahit noon pa man, hindi niya masakyan ang mga hilig nito. Masyado itong mahilig sa mga exotic na bagay! "Good," sabi ni Claire at pasimple niyang kinuha ang maliit na make-up kit na may salamin at nag-retouch ng make-up kahit nasa harapan ng mga nakakatanda. Ayaw niyang maabutan ng kanyang fiance na hindi fresh ang kanyang lipstick. "Hi, Tito Dante." Una niyang binati ang magiging father in-law niya. Saka niya nilapitan ang babaeng nakaupo na parang hindi pa rin siya napapansin. Abala ito sa paglalagay ng lipstick sa mapupula na nitong mga labi. "Hello, Claire.” Binati rin niya ang babaeng nakaupo sa tabi ng ama nito. Nang marinig niya ang baritonong boses ni Alexander, kinilig siya. Boses pa lang ay sapat na upang kiligin ang kanyang inosenteng puso. Iniligpit niya ang bagay na hawak-hawak at tumayo upang batiin ang lalaking dumating. "Nice to meet you, Alexander,” sabi niya. "Nice to meet you too...Claire." Alexander was confused. May multo kaya sa kanilang bahay? Pinaglaruan lang ba siya ng kanyang imahinasyon o sadyang nahihibang na talaga siya? Iyon ang mga katanungang paulit-ulit na pumasok sa kanyang isipan habang pinagmasdan ang hindi kaaya-ayang tanawin sa kanyang harapan. Natauhan lang siya ng marinig ang malakas na pagtawa ng kanyang ama. "Kumpadre, sa tingin ko ay na-love at first sight itong anak ko sa prinsesa mo." Sabi ni Norman Ortega. Bilang ama ni Claire, nasiyahan si Dante sa kanyang narinig. Sa katayuan ng kanyang anak, bihira na lang ang lalaking tunay na magkakagusto nito. Kadalasan, mas matimbang ang perang mamanahin nito mula sa kanya" So, ano ang hinihintay natin? Let's discuss their wedding!" "Mabuti pa nga, tutal halata naman sa kanilang hitsura na type nila ang isa't-isa." Sang-ayon ni Norman at walang patid ang kanyang pagngiti habang nilingon ang anak na tulala pa rin habang nakatitig sa unica hija ni Dante Villamonte.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M
bc

A Billionaire In Disguise

read
652.9K
bc

Womanizer's Property (TAGALOG)

read
1.2M
bc

Unwanted

read
508.3K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
271.5K
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
506.8K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook