bc

Seven Deadly Sins Series 1: Greed

book_age18+
275
FOLLOW
1.0K
READ
forbidden
arrogant
manipulative
badboy
twisted
bxg
betrayal
punishment
wild
like
intro-logo
Blurb

Meet Atty. Maria Nerrisa Mejia, also known as Maris. She is a prosecutor, and the defendant named Krieg is her lover.

Aling pangako nga ba ang mas matimbang sa puso ni Maris? Ang sinumpaang tungkulin sa bayan, o ang pangako sa walang hanggang pagmamahalan?

Tunghayan kung paano susubukin ng tadhana ang pag-iibigan ni Maris at Krieg sa Seven Deadly Sins Series 1: Greed

chap-preview
Free preview
Teaser
KULANG ang salitang ‘tuwa’ upang ilarawan ang kasalukuyang nararamdaman ni Maris ngayong araw na ito. Ito lang naman kasi ang araw na pinaka-hihintay niya, ang humarap sa korte upang tulungan ang mga naaapi at na-agrabyado ng mga mayayamang sakim at matapobre. I know the other girlies wanna wear expensive things, like diamonds ring. But I don’t wanna be the puppet that you’re playing on a string, This queen don’t need a king. Mas malakas pa ‘ata ang boses niya kesa sa speaker habang kumakanta. Hindi man kagandahan ang boses, pero atleast ay nasa tono naman. At kahit na sintonado man siya ay kakatanta pa rin siya. Una, dahil wala namang ibang makakarinig at maririndi sa boses niya kung hindi siya lang din mismo.Pangalawa, dahil may kalayaan at karapatan siyang gawin ang bagay na iyon. Pangatlo, wala naman sa sampung utos ng Diyos na bawal kumanta ang mga sintonado. At panghuli, ilang taon niyang inaral at sinaulo ang mga batas ngunit wala naman doon ang nagsasabing mga biniyayaan lang sa boses ang maaring kumanta. Sinabayan niya pa iyon ng pag-indak. Kaliwa't kanang kembot habang prini-prito ang spam, bacon, at itlog. Ang hawak na frying spatula ang ginawa niyang mikropono. Wala na siyang pakialam kung matalsikan man ng laway ang niluluto. “Laway ko naman iyan at ako rin naman ang kakain ng mga niluluto ko,” katwiran niya sa sarili. Oh, I don’t know what you’ve been told, but this gal right here’s gonna rule the world . Yeah, that is Where I’m gonna be, because I wanna be. No, I don’t wanna sit still, look pretty. Mas lalo pang ginalingan ni Maris ang pag-indak at pag-birit. Lingid sa kaniyang kaalaman ay kinukunan na pala siya ng video ni Regor, ang matalik niyang kaibigan na kanina pa pala siya pinapanood. Pigil na pigil ang tawa nito at aliw na aliw sa performance ng kaibigan. Sit still, look pretty Sit still, look pretty Sit still, look pretty Sit still, look pretty Isang malakas na palakpak ang iginawad ni Regor sa kaibigan matapos nitong sambitin ang mga huling kataga ng liriko ng ‘Sit Still, Look Pretty’ ni Daya. Isa kasi ito sa mga paboritong kanta ni Maris. Para sa kaniya, isa itong empowerment song para sa mga tulad niyang babae. “Wala ka pa ring kupas, Maris! Kaya idolo kita sa lahat ng bagay, e.” Papuri iyon, pero ang dating kay Maris ay pang-uuyam. Inirapan niya ang kaibigan bago ihain sa hapag ang mga pritong ulam. Sunod niyang sinangag ang kanin, at hindi na pinansin si Regor na kanina pa daldal nang daldal sa likod niya. “Attorney! Grabe, ang tinik mo talaga sa mga madlang people,” wika ng binata. Lumapit siya kay Maris dala ang bago niyang iphone upang ipa-inggit ito at upang ipakita na rin ang trending video niya sa **. “Full time lawyer, part time performer. Ikaw na! Sinalo mo na lahat ng biyaya ng Maykapal.” “Anong kalokohan nanaman ba iyang ginawa mo, Regor?” kunot noo nitong tanong. Katatapos niya lang sa pag-sasangag ng kanin. Ihinain na niya ito sa lamesa at sinadyang isang plato, kutsara’t tinidor, at baso lang ang hinanda upang asarin din si Regor, ang kaibigan niyang halata namang makiki-kain nananaman. “With all due respect, ma’am! Masama ang mambintang sa kapwa mo tao lalo na kung inosente ito, at lalo na kung wala kang proweba sa ibinibintang mo. You’re a lawyer, you should know about that.” “Ah! Anong karapatan mong husgahan ako bilang isang abogado, aber?” anito’t umupo na. Kusang kumuha si Regor ng sariling plato, kutsara’t tinidor, at may bonus pang mangkok kahit na wala namang sabaw na naka-hain. Ang kapal talaga ng mukha! wika niya sa isipan. Mas nauna pa itong sumandok sa kanin kesa sa kaniya. At heto pa, mas marami pa ang ulam nito kesa sa kaniya na may ari ng bahay at nagluto ng mga iyon. Wala na ba siyang mas ikakapal pa? “Aba! Malay ko ba kung abogado ka ba talaga, o pumasa ka lang dahil sa pangongopya.” “Alam mo bang sa ilalim ng Article 358 ng Revised Penal Code, maaring makulong ang nagkasala ng defamation? At sa hayagang panlalait o paninirang puri mo sa akin ngayon ay pasok ka sa tinatawag na prima facie defamation, dahil may sinabi kang isang statement na wala namang katotohanan.” mahabang pahayag nito. Ano pa nga ba’t naging abogado siya kung hindi naman niya kayang ipagtanggol ang sarili? “Guilty, are we?” dagdag ni Maris. Hindi kasi kumibo ang kausap. At bagkos na kausapin siya, ay nilantakan na lang nito ang mga pagkain sa mesa. “Luh. Kumakain lang, guilty na agad?” palusot naman nito. “E sabi ng nanay ko sa akin noong bata ako, don’t talk when your mouth is full. Mali po ba iyon, Attorney?” pang-uuyam niya. “Bakit ka ba kasi nandito? Kay aga-aga, sinisira mo agad ang araw ko.” anito na may kasamang irap. S’yempre, biro lang iyon. Hindi buo ang araw niya kung wala si Regor. Daig pa nila ang kambal e. Buy one take one nga kung tawagin n’ong kolehiyo. Kung nasaan si Regor ay naroon din si Maris. At kung nasaan naman si Maris ay naroon din si Regor. “Tinatamad ako magluto, e.” palusot niya. “At gusto na rin kitang batiin. Congrats, Attorney! Itong tukmol na nasa harap mo noong paslit ka pa hanggang ngayon ay proud na proud sa ‘yo. Share ko lang,” dagdag niya pa. Hindi kumibo si Maris at binilisan ang pag-ubos ng pagkain. She was too excited for her to-do things later. “Maris! May nag-comment na filam sa video mo. Gandang ganda ‘ata sa boses m-” “What video are you talking about?” kunot noong tanong naman ni Maris, na walang kaide-ideya sa trending niyang video ngayon dahil sa kaibigan. Patay! “H-ha? May sinabi ba akong…ganoon?” “That’s perjury of Republic Act 6981, share ko lang.” “Oo na! Oo na! Aamin na po, Attorney. I posted your performance earlier, pero sa ** ko lang naman. At saka nagustuhan naman ng viewers and performan--” “Oh! That is already considered cyberbullying. And according to Republic Act--” “Diyos ko naman, Lord! Ang hirap naman magkaroon ng kaibigan na abogado. Lahat na lang ng kilos ko may katumbas na kaso,” aniya’t nagpapadyak na tila bata dahil sa inis. “Delete it. And I want it done, ASAP. Okay?” “Burado na. Happy?” wika ng binata. Siya na ang naghugas ng pinagka-inan nila dahil alam niyang excited at nagmamadali si Maris. “Satisfied,” maikli nitong sagot. “Sayang naman iyong filam na nag-comment. Mukhang bet ka pa naman. Malay mo siya na pala iyong icing sa cupcake mo, hindi ba?” saka nilingon si Maris na naka-upo pa rin ngayon at pinapanood siyang hugasan ang mga plato. “I don’t have time for that. Marami pa akong gusto at kailangang gawin--” “At ano, tatanda kang dalaga? It’s time for you to explore and find someone to lean on. Hindi iyong na-stock ka sa isang taong hindi ka naman deserve, sa nang-iwan sa iyo.” Oh, I missed him! “Blah! Blah! Blah!” aniya’t tumayo na. “Bilisan mo nga riyan at nang maka-uwi ka na sa bahay mo.” “Guilty, are we?” bawi niya. Madalas kasi itong linya ni Maris, gusto niya lang subukan. “Ewan ko sa iyo, Regor Catacunan! Umuwi ka na’t may klase ka pa. Pasado alas syete na, oh!” “Hindi ako papasok. Aba, bakit? Estudyante lang ba ang may karapatang um-absent? Estudyante lang ba ang pwede tamarin? Siyempre pati guro rin.” Si Regor ay isang Social Science Instructor at part time writer. Maging si Maris ay nagsusulat din, pero madalang na lang siya mag-update. Bukod sa abala siya ay nawalan na rin siya ng gana sa hindi malamang dahilan. Iniwan na ng dalaga ang kaibigan sa kusina. Diretso na agad siya sa banyo upang maligo ng mabilisan. She can’t be late today. Ngayon kasi ang unang araw ni Maris sa korte. Iyong siya na talaga ang tatayo at magsasalita upang ipagtanggol ang naapi. Noong nakaraang linggo niya lang nakuha ang lisensya sa propesyon na napili, pero heto’t may kaso na agad siyang hahawakan. Pinag-aagawan siya ng iba’t ibang law firms sa bansa. Siya lang naman kasi ang Summa c*m Laude ng batch nila, at ang top one sa Licensure Exam. Hindi naman dapat siya ang hahawak ng kasong ito, dahil bukod sa bago pa lang siya ay mahirap kalabanin ang taong binabangga nila. Ngunit humingi ng pabor sa kaniya ang dating propesor nang mag-leave ito bigla matapos madawit sa isang car accident. In short, hindi pa nito kaya magtrabaho kaya lahat ng naiwan niya ay sasaluhin ni Maris. Ngunit ang sigla at saya ng dalaga ay napawi nang nakilala niya ang kabilang partido. Sa hindi inaasahang panahon at pagkakataon ay muli nanamang naglaro ang tadhana. Katulad ng unang pagkikita ni Maris at Krieg ay muli nanaman silang pinagtagpo ng tadhana sa hindi inaasahang sitwasyon. Pero paano iyon? Paano kung si Maris ang abogado, at si Krieg naman ang nasasakdal? Kaya kayang panindigan ni Maris ang sinumpaang tungkulin? O handa siyang baliin ito sa ngalan ng pag-ibig? Tunghayan!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
414.8K
bc

Love Donor

read
85.9K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.0K
bc

My Last (Tagalog)

read
486.2K
bc

NINONG II

read
616.7K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.6K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
90.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook